I am Underdosed (MingKit Fanf...

Da kellskellay

5.8K 480 319

(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit Altro

Prologue
Chapter 1: Hydroxyethylrutoside
Chapter 2: Loperamide
Chapter 3: Ibuprofen
Chapter 4: Varenicline Tartrate
Chapter 5: Aripiprazole
Chapter 6: Risperidone
Chapter 7: Midazolam
Chapter 8: Alprazolam
Chapter 10: Mefenamic Acid
Chapter 11: Azathioprine
Chapter 12: Tramadol
Chapter 13: Clozapine
Chapter 14: Sildenafil
Chapter 15: Sertraline
Chapter 16: Olanzapine
Chapter 17: Indinavir
Chapter 18: Norepinephrine
Chapter 19: Haloperidol decanoate
Chapter 20: Amphetamine
Chapter 21: Sulpiride
Chapter 22: Triazolam
Chapter 23: Clindamycin
Chapter 24: Celecoxib
Chapter 25: Metoprolol

Chapter 9: Methylphenidate

215 21 16
Da kellskellay

Vocabulary!!!

Autism - a variable developmental disorder that appears by age three and is characterized by impairment of the ability to form normal social relationships, by impairment of the ability to communicate with others, and by stereotyped behavior patterns. Para malaman kung may autism ang bata, tignan kung pantay ang tainga sa mata. Kapag hindi, may autism ang bata.

Genetics - a branch of biology that deals with the heredity and variation of organisms.

ADHD - Attention Deficit Hyperactivity Disorder

Methylphenidate - A dangerous drug for the treatment of ADHD. First line of medication. Second line of medication is Dextroamphetamine.

•••

Naging masaya naman ang hapunan namin. Masaya kasi sila.

Natapos na kaming kumain kaya naman oras na ng pagtulog. Tapos na akong maligo kaya papunta ako ngayon sa kwarto nina kuya Forth at Beam.

Maliligo din daw muna si Ming para naman daw hindi nakakahiya sa akin. Baka daw mabaho na siya at mairita ako sa amoy niya.

Kung tutuusin kahit hindi naman siya maligo, mabango parin siya.

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong bigyan si Ming ng dalawang box ng shea butter soap. Shea butter din kasi ang sabon ko at gustong gusto ko ang amoy nun.

Kumatok na ako sa pinto ng kwarto ni kuya. As usual kapag kumatok ako, bubuksan ko ang pinto at papasok na sa loob.

"Oh? May sasabihin ka ba bunso?" Tanong ni kuya Forth.

"Break na sila ni Felina." Sabad ni kuya Beam.

Hindi na ako nagsalita. Sinabi na ni kuya Beam yung dapat kong sabihin.

"Ayos ka lang ba bunso?" Tanong ulit ni kuya Forth.

Umiling ako bilang sagot ko.

"Halika nga dito."

Lumapit ako kay kuya Forth. Niyakap ko siya at tsaka ako umiyak.

Baby parin ako ng kuya ko. Hindi ko muna iniyak lahat kay kuya dahil iiyak pa ako kay Ming mamaya. Siyempre sinimulan niya nga kanina di'ba? Dapat matapos ang pag-iyak ko kay Ming.

Niyakap ako ng mahigpit ni kuya. Nakiyakap na din si kuya Beam. Alam kong mukha kaming mga timang dito dahil para kaming isang pamilya na nagda-drama.

"Ano ba ang nangyari bunso?" Tanong ni kuya Forth.

"Nakipagsex po kasi siya sa iba kuya. Nahuli po namin ni Ming habang pinuputukan pa siya sa loob." Sagot ko.

"Bakit niya naman ginawa 'yun sa'yo?"

"Siguro kasi hindi ako malibog. Hindi kasi kami nagsesex."

"Hindi mo namana kalibugan ng kuya mo." Sabi ni kuya Beam.

"Noong kami pa ni Via, hindi pa kami nagsesex noon! Nakipag hiwalay di. Siguro siya kasi hindi kami nagsesex." Sabi ni kuya Forth.

"Hayaan mo bunso, may mga babae talagang hindi alam yung hirap natin para lang respetuhin sila." Dagdag pa niya.

Nagpunas na ako ng luha. Ayos na siguro 'to. Nasabi ko na sa kuya ko ang problema ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko.

Kalalabas lang ni Ming sa banyo at kasusuot niya palang ata ng jogging pants niya. Bale, topless siya.

"Ayos naman ba usapan niyo ng kuya mo?" Tanong ni Ming. Bigla akong nagising dahil para akong itinapon ng katawan ni Ming sa kawalan.

"Ah oo! Ayos naman ang usapan namin." Sagot ko.

Nagbihis na siya ng damit niya at humiga na ako sa kama. Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko at binuksan ko naman ang dim light.

"Gusto mo pa bang iiyak sa akin ang lahat?" Tanong ni Ming na ngayon ay nakahiga na din sa kama sa gawing kanan ko.

Hindi ako sumagot. Nanatili parin akong naka tihaya pero humarap naman ng higa sa akin si Ming.

Inabot niya ang kaliwang braso ko at pinaharap sa kanya. Nawi-weirduhan ako sa mga kilos ni Ming. Pero siguro para na din maging komportable ako sa kanya at nang maiyak ko na ang lahat ng dinaramdam ko ngayon.

Lalo pa niyang inilapit ang katawan ko sa katawan niya at idinikit ang ulo ko sa dibdib niya.

Naaamoy ko na ngayon ang shea butter na sabon. Ginamit na siguro ni Ming yung sabon na binigay ko.

Naririnig ko yung tibok ng puso ni Ming. Hindi gaanong mabilis pero mukhang mas mabilis ang rhythm ng tibok kumpara sa normal.

Hindi ko na natiis at umiyak na ako.

Iniyak ko ang lahat sa dibdib ni Ming. Ano pa bang magagawa ko sa pagkakataon na 'to? Ang pagiyak lang naman ang kaya kong gawin at pwede kong gawin.

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makatulog na ako.

•••

Dinilat ko ang aking mga mata. Puno ng muta ang mga mata ko kaya nahirapan akong dumilat agad.

Sinubukan kong uminat pero may nakapa akong matigas. Magkayakap parin kami ni Ming. Ibig sabihin… fuck. Morning wood ni Ming yung nakapa ko.

"Gising ka na?" Tanong ni Ming.

"Hindi ba halata?"

"Ang sungit mo naman."

"Maliligo na ako. May pasok pa tayo mamaya."

Bumangon na ako at pumasok na sa CR.

Nakalimutan ko pala yung towel ko. Tsaka ko lang naalala nang mahubad ko na yung damit ko. Lumabas ako ng banyo na nakahubad.

Napansin ko namang namumula yung mga pisngi ni Ming. Titig na titig pa siya sa katawan ko. Normal lang naman na makita mong nakahubad ang kapwa mong lalaki diba?

Bumalik na ako sa banyo at naligo.

Nag-almusal na kami ni Ming pagtapos niyang maligo.

Sumabay na din kami kina kuya Forth at Beam para ihatid na kami sa school.

Pumasok na kami ni Ming sa school nang maihatid na kami nung mag-asawa.

Habang naglalakad sa lobby, nakasalubong namin ni Ming yung lalaking kasama ni Felina kahapon.

"Ikaw yung lalaki kahapon diba?" Tanong niya.

"Ako nga pala si Dave." Pakilala niya. Bastos ba 'tong lalaking 'to?

Nilagpasan nalang namin siya at hindi na pinansin.

"Pasensya ka na kung ako ang pinili ng girlfriend mo ha?" Dagdag pa niya. Hindi ko na natiis at triggered na ako.

"Walang problema. Bagay nga kayo ni Felina dahil ang isang bobo ay para sa isa pang bobo. Magkakaroon kayo ng bobong pamilya at habambuhay kayo magiging bobo. Kawawa naman ang magiging anak ninyo."

Naiwan siyang tulala at umalis na kami. At totoo ang mga sinabi ko. Bobo talaga si Felina. Swerte nalang nila kung may anak silang matalino dahil sa pamilya ni Felina, pinsan niya lang ang matalino. Nag-iisa at bukod tangi. Malas pa nila dahil may pinsan si Felina na may autism. At mayroong isa pa na may ADHD pero ginagamutan na ng Methylphenidate.

Alam niyo na ang ibig kong sabihin, genetics.

Sa third floor ang klase namin ngayon. Kaya naman sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasalubong din namin si Felina.

"Kit. I'm so sorry." Sabi ni Felina.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy kami ni Ming sa paglalakad.

"Kit please, mag-usap tayo."

"Wala na tayong dapat pag-usapan Felina. Congrats, magiging nanay ka na."

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

32.4K 2.1K 40
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong đŸ¥´
2.8K 615 135
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
9.1K 471 26
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
39.8K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"