A Fangirl in Love

By Penright

72.5K 1.2K 491

Because Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Worki... More

Fangirls and Friendships
AshBoo Concert
AshBoo Feels
Feels Killer
The Feels Continue
My Own Feels
AshBoo Sails
Knight
You Scare Me
Butterflies
Strangers, Friends, Soulmates
In Denial
No Promises
Kept Vows
Almost Lover
Encounters
Options
Blinds
Surprise!
Worth the Fight
Love and Forever
It's You
If I Ain't Got You
Thinking Out Loud
The Right Thing
Her 'The One'
Preempted
The Repeat
Starting Over
What Nix Didn't Know Part 1
What Nix Didn't Know Part 2
What Nix Didn't Know Part 3
What Nix Didn't Know Part 4
What Nix Didn't Know Part 5
What Nix Didn't Know Part 6
What Nix Didn't Know Part 7
What Nix Didn't Know Part 8
What Nix Didn't Know Part 9
What Nix Didn't Know Part 10
What Nix Didn't Know Part 11
What Nix Didn't Know Part 12
What Nix Didn't Know Part 13
What Nix Didn't Know Part 14
What Nix Didn't Know Part 15
What Nix Didn't Know Part 16
What Nix Didn't Know Part 17
What Nix Didn't Know Part 18
What Nix Didn't Know Part 19
What Nix Didn't Know Part 20
What Nix Didn't Know Part 21
A Fangirl in Love

Love and Lies

883 15 0
By Penright

We just got the word from Sir Pancho na napush back ang repeat concert ng AshBoo. We didn’t ask pero sabi nga ni Karen, malamang, dahil sa paglink sa dalawa.

“Eh bat di mo tinanong kung totoo yun?” tanong ni Berna kay Karen habang nasa conference call kami.

“Anong totoo? Pushed back na nga!” Pagsusuplada ni Karen.

“Baliw! Itinanong mo sana kung sila na ba? Kung totoo yung news?” Pilit ni Berna.

“Anong gusto mong isipin? Totoo or hindi?”  Sabi ko kay Berna.

“Syempre sana totoo.” Halos sabay na sagot nina Karen at Berna.

“Pero sandali lang…wala namang news kung hiwalay na si Sir B kay wifey, di ba?” Tanong ko.

DEAD AIR.

Matagal.

Nakakalungkot na katahimikan.

Yung wala kang alam na sabihin, kahit konting kalokohan.

Kasi totoo na to. Hindi lang pangarap.

Totoo na nga ba? Sila na ba talaga? Dapat ba kaming magsaya? Talaga?

“Mga miss, tapos na ang lunchbreak ko. Kailangan ko na bumalik sa desk ko. Dami pa kong work.”

“Ok. Tapusin na natin to. Wala din naman akong alam.” Sagot ni Karen.

______________________________

In front of my desk computer, maraming gagawin. Marami ding di dapat gawin.

Kagaya nito, hindi ko dapat siya iniisip.

Hindi ko dapat naririnig yung boses niya.

Hindi ko dapat nararamdaman ang hawak niya.

Wala naman siya dito. Hindi ko naman siya kasama.

Pero bakit kahit hindi dapat, siya lang ang gusto kong maisip….madinig….maramdaman?

_________________________

“Do you want to ask me anything?” Tanong ni Mica sa akin.

Madami akong gustong itanong. Hindi ko alam saan magsisimula. Hindi ko din alam kung magugustuhan ko ang sagot.

“Sa ibang araw na lang. Wala akong maisip e.” Sagot ko sa kanya.

“Ayaw mo ba malaman, why?” Dugtong ni Mica.

“Gusto, pero I don’t want you to lie.” Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Tinamaan ba siya ng sagot ko? Kasi hindi na siya nagsalita ng higit sa isang syllable mula noon.

“Naayos mo na ba yung dapat mong gawin sa Laguna?”

Iling.

“Gusto mo bang kumain or magkape?”

Iling.

Nang dumating kami sa condo ko at nang maipark na ang sasakyan,

“Ok ka lang? Paano ka uuwi?”

Kibit balikat.

“Gusto mong umakyat muna?”

Wala siyang sinagot, sumunod lang siya sa akin sa elevator. Pagdating namin sa pinto ng unit ko, aktong bubusan ko na sana gamit ang susi ko nang biglang hinarang niya ang katawan niya sa harap ng doorknob.

“There's nothing to lie about.” Biglang sabi niya sa akin.

“Ok.” Sagot ko habang naghihintay ng kasunod niyang sasabihin.

"Ineexpect mo ba na sisiraan ko ang girlfriend ko? Kasi, there's nothing wrong with her." 

So, there’s nothing wrong with his girlfriend. Ok. Nadinig ko. Malinaw na malinaw. Pero nasaan ako doon?

Di ba sa mga napapanuod natin na movies, dramas, dapat laging may mali sina girlfriend at wife?

Bakit ngayon walang mali?

Siya na mismo ang nagbukas ng unit ko. Pinabayaang patay ang ilaw.

Hinalikan niya ako sa labi.

“Wait….” Sabay tulak sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Pero gusto kita…..sobra sobra.”  Sabi ni Mica habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

“Sandali lang…” Kalmado kong sabi sa kanya. This time, hindi ko na siya kailangan itulak. Siya na mismo ang bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

“I’m sorry.” Sabi niya.

“Are you going to stay or aalis ka din?” Ang sabi ko sa kanya.

Natigilan kami pareho.

Siguro yun lang naman ang gusto kong malaman. Napadaan lang ba siya, or is he here to stay? 

Pumunta ako sa kitchen at pinagtimpla siya ng kape.

We talked. Pero kahit minsan hindi ko naitanong ang status ng relationship niya. Natatakot ako. Alam kong takot din siya. 

Gayunpaman, madami kaming napagusapan. Things we wouldn’t dare share with any 4 day old acquaintance we would meet.

I guess, bukod sa comfortable kaming magkasama, ay curious din kami sa isa't isa, kaya we broke our own rules, and other people’s too.

_________________________

A little over 2 years ago, I was in a serious relationship.

Almost 3 years na kami ng boyfriend ko na nakilala ko through a common friend.

Kapag tinatanong kung paano kami naging magsteady, walang kurap niyang sasabihin na napasagot ko siya.

Totoo naman kasi, ako ang nanligaw sa kanya.

Sobrang close kami noon at akala ko pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa.

Only to realize 3 years later, na hindi pala.

Matagal ko na siyang pinaghihinalaan na may ibang babae.

Madami na ding common friends ang nagsasabi na nakita nila si Arwin na may kasamang iba.

Pero ayokong maniwala hanggang hindi ako mismo ang nakakakita.

Months later mula nang may makapagbalita sa akin na may ibang babae si Arwin, namatay ang Papa niya.

Sobrang busy ako noon sa work kaya hindi ako nakakapunta sa wake everyday.

Pero dalawang gabi bago mailibing si Papa, nakapunta ako sa lamay.

I still remember what happened, vividly.

Around 10pm na ako dumating. Sinalubong ako ni Mama (mother ni Arwin.) Hinanap ko siya pero sabi nila lumabas lang sandali. Di naman nagtagal, nagbalik din siya.

Madaming tao ng gabing yon. Weekend kasi kaya lahat ng kamag-anak na taga probinsiya, nagkaron ng chance na lumuwas.

3am na ako nakatulog sa isa sa mga pews sa chapel.

Napanaginipan ko si Papa. Ginigising niya daw ako. May inaabot siya sa akin habang nakikita ko na umiiyak siya.

Di naman nagtagal at nagising na talaga ko ng tuluyan. Si Mama ang nasa harap ko. Binibigay niya ang cellphone ni Arwin. 4am. Isang oras pa lang ako natutulog.

Hindi pa ako 100% na gising, pero nakita ko ang missed calls ganon din ang texts from Kendra.

Hindi bago ang name niya dahil yun ang babae na naiikwento sa akin ng mga kaibigan namin.

“Ang hirap. Pero for you, because I love you so much, titiisin ko.” Ang sabi ng huling text.

Parang nagsikip ang dibdib ko. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Tumakbo ako sa restroom at tinawagan ang number ni Kendra.

“Hello.” Sagot niya.

“Hi. Si Nix to. Kilala mo ko?”

“Ah…opo Ate” Sagot niya. Ate talaga?

“Inaahas mo ba ang boyfriend ko?” Maanghang na tanong ko sa kanya.

“Hindi po ate, magkaibigan lang po kami.”

“Magkaibigan? Wag mo kong pinaglololoko dahil matagal na kong nagpapaloko. Hindi na uubra to ngayon. Itatanong ko ulit, inuulupong mo ba si Arwin?”

Binabaan niya ako ng phone. Tinawagan ko pa ulit. Hindi ko mabilang kung ilan. Pero tuluyan na siyang nagpatay ng phone.

Bumalik ako sa chapel. Tulog pa si Arwin, kaya naupo ako sa labas.

Iyak ako ng iyak. “Alam ko naman na niloloko ako pero I still hoped against hope na hindi totoo yung mga sinasabi nila. Mahal ako ni Arwin. Hindi niya gagawin sa akin yun. Alam niya magisa lang ako. Hindi niya ako sasaktan ng ganito.” Mga kasinungaliang pinili kong paniwalaan noon.

Nung nagising si Arwin, pinuntahan niya ako sa labas.

“Kumain ka na?”

Hindi ako sumasagot.

“Ok ka lang?”

Wala pa ding sagot.

Mula sa labas, natatanaw ko ang casket ni Papa. Doon lang ako nakatingin. 

Naiyak ako. Buti pa si Papa marunong magsabi ng totoo. Kitang kita ko sa panaginip ko na nasasaktan siya sa ginawa ng anak niya.

“May mali ba kong ginawa?” Tanong ko kay Arwin.

“Ano?” Naguguluhan niyang tanong sa akin.

“Anong mali kong nagawa? Bakit mo ko sinasaktan ng ganito?”

“Ang aga naman niyan Nix. Wala pang araw. May patay pa kami. Ano ba?” Pagtatanggol niya sa sarili niya.

Inabot ko ang phone sa kanya.

“Nakausap ko siya. Magkaibigan lang daw kayo.” Sabi ko sa kanya.

Tahimik si Arwin.

“Pero tama lang ba kung hindi ako maniwala?” Sabay tingin sa kanya.

Walang patid ang luha ko. Wala ding patid ang katahimikan niya.

Tumayo ako at iniwan ko siya.

Umalis na ako sa burol.

Nagdrive ako kahit walang direction.

Tinatawagan ako ni Arwin kaya pinatay ko na ang cellphone ko.

Halos wala na kong makita. Natatakpan na ng luha ko ang paningin ko.

Anong nagawa kong masama?

Bakit lahat sila iniiwan ako?

Bakit kung sino yung lubos mong pinagkakatiwalaan, yun ang magtratraydor sayo?

Gusto ko nang mamatay nung pagkakataon na yun.

Wala akong gaanong nakikita.

Sana banggain ako ng bus. Yan ang nasa isip ko.

Pero tuwing makakaaninag ako ng ilaw, iniilagan ko naman.

Gaga ka ba? Tanong ni Brain kay Heart.

Ayoko pa mamatay.

____________________________

“Natapos na talaga don? Hindi ka na niya binalikan?” Tanong ni Mica sa akin.

“Hindi na. Mahal niya yung babae.” Sagot ko.

“Hindi man lang niya sinabi kung bakit?” Tanong niya pa ulit.

“Wala daw. Wala daw mali sa akin. Sinungaling.”

Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Ayokong makita ni Mica na umiiyak ako.

Naiiyak ako hindi dahil mahal ko pa si Arwin. Matagal  ko nang natanggap na hindi niya ako minahal. Matagal na din akong nasanay na wala siya. Nung nagpakasal sila ni Kendra, milya milya na ang nailayo ko sa kanya. Nakatayo na ko magisa. 

Pero siguro naiiyak ako dahil minsan kailangan ko din ng dahilan. Hindi pwedeng “walang mali.” Hindi pwedeng ayaw lang akong saktan. Dahil mas masakit ang “walang mali” pero pinili pa ding iwanan. 

Continue Reading

You'll Also Like

47.9K 3.1K 79
Si Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang pa...
10.7K 1.6K 43
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
18.7K 628 18
(SOON TO BE PUBLISH ON PRECIOUS HEARTS ROMANCES) Teaser: Kung ganda din lang ang pag-uusapan, agad na itataas ni Nami ang dalawang kamay. Kung kataw...