Captivated by her, Demonica.

By myziiz

1K 170 80

Just because of his mission, he met her. The one that will make him feel so beloved. And also the one will ma... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14

Kabanata 12

51 10 6
By myziiz

Yuki

"Dainna! Dainna?! Nasan ka?!"

Napasinghap ako ng hangin ng mabilis na bumungad sa akin si Dainna nakasalampak sa sahig habang naliligo sa sarili nyang dugo.

"D-Dainna!" Mabilis akong tumungo sa tabi nya at tinignan kung humihinga pa sya, at napabuga ako ng malalim na hininga ng malaman
kong humihinga sya.

Tinignan ko ang mukha nya at mas lalo akong nanghina ng makita ko kung gaano ka-putla ang mukha nya. Hinawakan ko ang pisngi nya at nanginig ng maramdamam kong hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ng dugo nya mula sa hita nya.

Damn. This is all my fault.

"Yuki... Putangina mo." Alam ko na kung bakit sya nagmura.

Nakapikit ang mga mata nya habang payapang hindi iniinda ang tama nya sa kanyang hita. Gusto kong matuwa dahil alam kong kahit paano ay ayos lang sya, but I can't,

Tumayo ako dala-dala ang walang malay na mapapangasawa ko patungo sa kwarto ko. Hiniga ko sya ng dahan-dahan habang malakas paring kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako. Ayokong mangyari ulit 'yung dati.

"Hold on, Dainna. It will not end up like this." Bulong ko habang hinahanap ang mga gamit ko sa tuwing nasusugatan ako. Nang mahanap ko na ay agad akong nagtungo sakanya ay ginamot ang natamo nya sa pang-iiwan ko sakanila.

"I'm sorry, nasasaktan ka na naman ng dahil sakin."

Naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi ako umalis para siguraduhing ligtas si Cloud, hindi ba mangyayari ito? Kung hindi ba ko umalis, hindi muli masasaktan 'tong babaeng 'to?But I cannot change the fact; She don't deserve me.

Habang ginagamot ang tama nya ay nabigla ako ng maramdaman ko ang malamig na palad sa akin kaliwang kamay. Agad akong napatingin sakanya at I sighed in relief ng makita kong nakangiti sya, and at the same time, nagagalit.

Nawala ang ngiti nya ng makita nya kong nakatingin sakanya ng

malamig at nagtanong. "B-Bakit? A-Anong problema-"

"Bakit nagagawa mo parin ngumiti kahit alam mong nasasaktan ka na, Dainna?" I interrupted na kinabigla, but my expression didn't changed.

Tinapos ko ang pagbebenda sa hita nya at lumapit sakanya.

Nakatingin sya sa akin, gaya ng tingin nya noong unang pagkikita namin. Tinignan ko sya ng seryoso bago sinabi ang dapat sinabi ko na nood pa.

"Dainna, ayoko na." Inaasahan kong magagalit sya, ngunit hindi

kaya nagpatuloy ako. "I really can't take this anymore. Hindi ko na kayang makita kayo na nasasaktan dahil sa akin. Eto ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko nang bumitaw. Nasasaktan na kita!"

"Nasasaktan ko na 'yung taong mahal ko." Bulong ko bago yumuko.Inaasahan ko ang sunod-sunod na pagmamakaawa nya ngunit nabigla ako ng bigla nyang sinambit ang mga katagang hindi ko inaasahan mula sakanya.

"Ang duwag-duwag mo, Yuki."

Natahimik ako sa sinabi nya. Duwag? Not even my mother told me that I am one. Paano? I mean, paano ako naging duwag kung ilang beses na kong nakapatay ng mga taong dapat maitawag na duwag?

Tumingin ako sakanya ng seryoso at tatanungin na sana sya ng mabilis nyang dinugtungan 'yon.

"Ang duwag-duwag mo. You cannot understand what is this, what kind of feeling is this. Hindi mo ba ko naiintindihan, Yuki? I'm doing all of this for you! Kaya gusto kong protektahan ang lahat ng taong mahal mo dahil gusto kong malaman mo na nandirito pa rin ako." Singhal nya bago umupo ng maayos, hindi pa rin pinapansin ang nakabenda nyang hita. Naga-alala ako sa wala. She's damn tough.

Nakita kong nangingilid ang mga luha sa kanyang mata kaya

naramdaman ko muli ang matigas na bagay na bumaon sa dibdib ko. I hate this feeling. 'Yung pakiramdam na makita ko si Dainna na umiiyak ng dahil sa akin ng paulit-ulit ay isang malaking kabobohan. Bakit ko sya pinaiiyak?

"Gusto mong lumayo para lumayo lalo ang gulo samin? Sakin? Are you nuts? Tanga ka ba para hindi mapansin na ako na mismo itong kumakapit sa'yo para lang mas lumapit sa akin ang gulo? Hindi mo ba nakikita na gusto kong magkasama tayong harapin ang lahat? Why can't you understand, Yuki?"

Napatikhim ako ng bahagya ng makita ko ang galit sa mga mata nya. She's right. But she can't handle the pain anymore, I can see it in her eyes. Masyadon nang masakit para sakanya na samahan ako sa mga kagaguhan ko. And that's an enough reason to stop this shit.

"You can't blame me, Dainna. I don't want you to get hurt anymore. I don't want you to get used to it. Ayokong masanay kang nasasaktan ng dahil sa akin. Nasasaktan ako sa ginagawa mo. Please.. stop." Bulong ko sakanya bago hinawakan ang kamay nya, pero nabigla ako ng hawiin nya iyon at tinignan ako sa mata.

"Yun na nga ang nakakainis, Yuki! I got hurt so much and all I can say is that I'm used to it! Hindi mo ba ko naiintindihan? Nasanay na ko, pero hindi ko sinabing ikaw ang nanakit sa akin! I chose this path dahil kasama kita, and to think na ikaw mismo ang nagtataboy sa akin, I think that's an enough reason to let go." Sigaw nya bago inihiga ang sarili nya at tinalikuran ako.

Napapikit ako ng maramdaman ko na naman ang sakit na naramdaman ko noong makita kong lumalayo sa akin ang mga taon. But this one is different. Tinataboy ko sya, but she's still here, sinasamahan ako para lang sa walang kwentang pagmamahal na pinaramdam nya sa akin.

Walang kwenta? Oh. Ako nga pala ang walang kwenta.

"I am done, Yuki." Napatingin agad ako sakanya ng makita ko ang singsing na inihagis nya palabas sa bintana na kinakabog ng dibdib ko.

Wedding ring naming dalawa. She threw it away. And I think, she really gave up already.

"I've wasted enough tears for someone who can't even realize my worth like how I realized his."

Tuluyan nang nadurog ang puso ko sa narinig ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naiintindihan ko na. Those words made me realize something na dapat ay na-realize ko na sa simula't-sapul palang ng kwento namin.

Tumayo ako at lumapit sakanya. Humiga ako sa tabi nya na kinabigla nya kaya ngumiti ako sakanya bago sya niyakap ng mahigpit na kinabigla nya. Ngunit hindi ako kumalas, subalit ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakayap ko sakanya.

"Anong ginagawa mo?" Bulong nya sa akin pero umiling lang ako bago humiwalay sakanya at hinalikan ang noo nya.

"I realized everything now, Dainna." Bulong ko pabalik bago tinitigan ang mga mata nya at ngumiti.

"Won't you stay with me again? Because you're all I need." Tanong ko sakanya, pero nabigla ako ng umiling sya at nginitian ako.

Gaya ng ngiti noong inalok nya ako ng manok sa lumang building kung kailan, nabago ang buong buhay ko.

"I won't. Sino bang nagsabing umalis ako sa buhay mo? Mamimiss mo yata ako ano!" Nakangiting pang-aasar nya bago ako hinalikan na kinabigla ko. "Kapag tinaboy mo ulit ako, hahalikan kita ng ilang beses, gusto mo ba 'yon ha?!"

"If that's the punishment then I would." Hinalikan rin sya pabalik na kinagulat nya ngunit nabalik ang ngiti nya na kinasaya ko.

So, this is love? Sacrificing everything for the one you love? How lame.

"I don't deserve you, but you deserve someone like me, Yuki. Hindi mo ata kayang magluto kaya talagang kailangan mo ko!"

But I'd rather be lame than being a coward.

"I deserve someone na kumakain sa restroom just to make sure na hindi sya maaagawan ng mga kaibigan nya, sure. I really deserve someone like that." Natatawang saad ko bago hinawakan ang pisngi nya at minasahe ang mga mata nyang hindi pa rin tapos sa kaluluha para sa parehong rason.

"And someone who will sacrife everything she has just to make sure na ayos ako. I would love to have someone like that in my life."

"Pero mas maganda kung tutungo tayo kung nasaan sina Demonica hindi ba?"

Hindi ako nataranta sa sinabi ni Dainna kaya nagtaka sya at sinubukang tumayo dahil sa pagkataranta. Pero pinigilan ko sya at sinabi ang totoo.

"Cloud can manage everything. They don't know who he was and he been through, they just know who he is and what he have. Hintayin nalang natin na makauwi sila rito, baby. Let's have watch movie nalang."

If this is love, and I would love to be lame, basta kasama ko sya. Ang cheesy ko like putangina.

"Sya nga pala, may gusto pa kong idagdag sa sinabi ko kanina." Napatingin muli ako kay Dainna ng ngumiti sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit ng makaupo na kami ng maayos.

"Kaya kong mamatay for you." Nabigla ako sa sinabi nya pero hindi ko pinigilan ang sarili kong mapangiti ng mapakamot sya sa ulo na kinataka ko. "No, hindi pala, Yu. Kaya kong mabuhay para sa'yo."

Okay, I still can manage. So, after almost 8 years of being with her, ngayon ko lang aaminin na kinikilig pa rin ako sa mga pang-aasar nya.

Nasundan 'yon ng pamatay nyang kindat at ang ngiti nyang kakalula.

"Wala na kong hihilingin pang iba." Bulong ko pero nagtaka ako ng makita kung paano nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya. "Bakit?"

"Paano kung may gustong makipag-date sa akin? Anong gagawin mo?" Nakangusong saad nya na para bang may inaasahan syang sagot kaya nagkunwari akog nag-iisip bago tinignan sya ng malumanay at nginitian sya ng maliit.

"Tatayo ako, hahawakan sya sa balikat, at sasabihing 'Pwede mo s'yang agawin.'."

Natawa ako ng bahagya ng paluin nya ang dibdib ko habang inis na nakatingin sa akin. "Sinabi ko bang paandarin mo 'yang ka wittyness mong hayop ka?"

Hinawakan ko ang kamay nya bago hinalikan ito na kinabigla nya pero nginitian ko lang sya ng maliit bago binawi ang sinabi ko. "Hindi ko hahayaang agawin ka nila ano. Mga panget na babae na nga lang ang ginugusto ko, aagawin pa nila?"

Lalo syang nainis sa sinabi ko kaya agad ako natawa bago hinawakan ang kamay nya na pinapalo ang dibdib ko sa inis. Hinding-hindi ako magsasawa sa ganito. She was my everything. She's the only girl that made me special, hinding-hindi ko sya pakakawalan.

"But seriously, I love you and no one gonna stop me from doing so." Bulong ko sa tenga nya pero nabigla ako sa paghalik nya sa akin ng biglaan habang nakangiti. "And seriously, kailan ka titigil sa pagnakaw ng halik, Dainna Frenniere-Smith?"

"Hanggang sa mamatay ako kasama mo."

Kiniliti nya ako gamit ang kamay nya na para bang wala lang sakanya ang sakit na naramdaman nya kanina bago ako hinalikan muli.

Kapag ako hindi nakapagpigil dahil sa ginagawa nya, baka hindi na matuloy ang legal na kasalan at diretso honey moon na kami.

>>

Third person's Point of View

Nakayuko pa rin ang binata habang nakabantay sakanya ang mga lalaking mukhang natatakot rin sa presensya ng binata. He's mad as shit and no one can handle the flaming heart of an angel right in front of them.

"Tawagan na kaya natin si bossing? Natatakot na ko sa pwedeng mangyari kapag binuhos ulit natin 'yung asido sa kuko nya." Bulong ng isa sa mga kasamahan ng lalaki habang nanginginig na nakatingin sa binata.

Nakayuko lamang ito na para bang may hinihintay lang syang mangyari bago tuluyang gawin ang plano nya. He wasn't that stupid para magpahuli rito. Hindi man halata sa mukha ng binata, pero isa syang matalinong lalaki na halos ma-predict na lahat ng pwedeng mangyari in the near future.

"Ano ka ba, pre? H'wag puro kabobohan pairalin mo." Bulong nito pabalik bago binigay ang asido sa lalaki. "Ayan. Dalian mo na at ibuhos mo na sa paa nya 'yan para madala sa pagsasagot kay boss."

Napalunok ang lalaki habang unti-unti syang lumalapit kay Cloud na nakatingin sakanya at hindi man lang natatakot sa susunod na gagawin ng lalaki sakanya. At isa na rin 'yon sa dahilan kung bakit ayaw nyang buhusan ang paa nito.

His death glares.

"Ano ba?! Buhos mo na! Tatanga-tanga 'tong gagong 'to kala mo kung sinong gwapo." Narinig nya ang sigaw ng lalaking naka-suit kaya napatikhim sya lalo bago tuluyang nakalapit sa binata.

Tuluyan nya nang pinatakan ng asido ang kuko ng binata na kinahiyaw nya at agad na nakapag-pagising sakanyang diwa.

Nabigla ang mga nagbabantay kay Cloud ng bigla itong bumagsak at nawalan ng malay na kinatawa rin ng iba.

"Wala pala 'yan, e!" Natatawang ani ng isa sa mga myembro ng mga kalalakihan bago sinundot ang pisngi ng binatang natutulog dahil sa hindi malamang dahilan. "Buhay pa ba 'yan?"

Tinignan nila kung humihinga pa ang binata and they sighed in relief ng malamang oo. They weren't in the right place para tuluyang patayin sa hirap ang binata dahil trabaho ito ng bossing nila.

Sinipa nila ang likuran ng bangko ng binata kaya agad itong nagising dahil sa lakas ng impact sa kanyang likuran. Aaminin nyang nahihirapan na sya dahil sa sobrang daming sakit na nararamdaman nya, pero tinitiis nya lamang 'yon para makalaban sya ng tuluyan sa mga taong nakapaligid sakanya, kung makakapagpahinga pa sya. At alam nya rin sa sarili nya na hindi sya hahayaan ng mga lalaki na matulog kahit isang oras.

"Gising at maglalaro pa tayo!"

Tuluyan na syang napadilat dahil sa sakit ng kanyang kamay ng hawakan ng isa sa mga lalaki ang mainit-init pang tatak ng isang nagbabagang metal sa kanyang kaliwang kamay. Natawa sila ng marinig nila ang pag-ungol ng binata kaya pinaglaruan nila ang mga sugat ng binata na lalong kinagalit ng binata sa kanyang isip.

"Masarap ba bata? Nasa'n na ang tinatago mong bangis sabi ng mga traydor mong ka-myembro? Tumakbo na ba palayo?" Tumatawa ang isang lalaking may bangs sa kaliwang banda habang naka-shave ang kanang buhok nya.

"Baka naman nasunog na dahil sa pagdikit sa balat mo ng metal na nagliliyab, bata?" Dagdag pa ng isang lalaking naka-bonet ng kulay pink habang dinidiin ang sugat ng binata sa kaliwang kamay nya.

Napikit ang binata dahil sa sakit bago kinagat ang labi nya na halos magdugo na dahil sa sobrang diin. Hindi nya na kayang tiisin ang ganito. Masyado nang masakit ang bawat parte ng katawan nya para makalaban pa. Hindi nya na nga alam kung kaya nya pang makalakad sa lagay nyang ito.

"Damn.." Bulong ng binata ng diinan ng lalaking may malalaking mga mata ang sugat nya sa bandang leeg na ginamitan ng latigo ng dalawang beses.

Natigilan sila sa pagkakalikot sa binata ng biglang may marinig silang malakas na bagsak ng isang katawan sa sahig na kinatingin rin ng binata.

"We're here." Nakangiting saad ng batang binabae habang hawak ang dagger na kulay pink na para bang isa lang itong laruan.

Ngunit ang atensyon ng binata ay nasa dalagang nakasalampak sa sahig habang nakatali ang kanyang mga kamay at nagdurugo ang kanyang leeg, na mistulang sinugatan gamit ang isang kutsilyo.

"D-Demonica.." Gulat na gulat ang binata ng makita nyang tumingin sa kanya ang dalaga at nakita ang ngiti nitong gustong-gusto nyang makita sa tuwing dinadalaw nya ito.

Pero nakaramdam sya ng galit sa kanyang sarili ng masaksihan nya ang pagngiti ng dalaga sakanya kahit nasa ibang sitwasyon sila.

"This is too much.." Bulong nya sa kanyang sarili bago mahigpit na hinawakan ang lubid na nakatali sa kanyang mga kamay. "This is too much.. and too bad."

You say you're life is a living hell but I'm the one who's suffering and dying and no one seems to care but you do. You comforted me with those smiles, and I think that an enough reason to help you the way you did.

The darkness ate the only light he's been longing for.

Demonica Alvarez.

Sa pagkakataong 'to, ang lahat ng tao sa paligid ng binata ay nanginginig sa takot ng umepekto na sa binata ang 'marie antoinette syndrome' at magbago ang kulay ng buhok nito.

He's now a total different person

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...