Juego De Rol Series; Duology...

By officialwhosthatgirl

98.6K 1.9K 202

Also available in Dreame. Do you believe in fate? Would you rather believe in fate than to work for it and ma... More

Pròlogo
Kabanata Dos
Kabanata Tres
Kabanata Cuatro
Kabanata Cinco
Kabanata Seis
Kabanata Siete
Kabanata Ocho
Kabanata Nueve
Kabanata Diez
Kabanata Onse
Kabanata Dose
Kabanata Trece
Kabanata Katorse
Kabanata Quince
Kabanata Diecisèis
Kabanata Diecisiete
Kabanata Dieciocho
Kabanata Diecinueve
Kabanata Veinte
Kabanata Veintiuno
Kabanata Veintidos
Kabanata Veintitres
Kabanata Veinticuatro
Kabanata Veinticinco
Kabanata Veintisèis
Kabanata Veintisiete
Kabanata Veintiocho
Kabanata Veintinueve
Kabanata Treinta
Kabanata Treinta y Uno
Kabanata Treinta y Dos
Kabanata Treinta y Tres
Kabanata Treinta y Cuatro
Kabanata Treinta y Cinco
Kabanata Treinta y Seis
Kabanata Treinta y Siete
Kabanata Treinta y Ocho
Kabanata Treinta y Nueve
Kabanata Cuarenta
Kabanata Cuarenta y Uno
Kabanata Cuarenta y Dos
Kabanata Cuarenta y Tres
Kabanata Cuarenta y Cuatro
Kabanata Cuarenta y Cinco
Kabanata Cuarenta y Seis
Kabanata Cuarenta y Siete
Kabanata Cuarenta y Ocho
Kabanata Cuarenta y Nueve
Huling Kabanata
Epìlogo

Kabanata Uno

8.5K 125 15
By officialwhosthatgirl

Macey's POV

*My hearts a stereo

It beats for you so listen close

Hear my thoughts in every note~*

*Make me your radio

Turn me up when you feel low

This melody was meant for you

So, sing along with my stereo~*

Tinapos ko na muna yung buong kanta bago ko patayin. Alarm clock ko kasi yun. Actually, cellphone ko yun ginawa ko lang alarm clock para hindi ako malate at mga kapatid ko sa eskwelahan.

Eskwelahan? Ang lalim diba? Yan mga natututunan ko sa mga classmates ko. Kung magsalita kasi sila akala laging hinuhugot sa baul ni Lola Basyang. Marunong akong magtagalog syempre naman Filipino ata ako. Proud to be to.

Tumayo na ako while putting my hair into a messy bun at saka nag-ayos ng mga damit na nakakalat. Kagabi pa to dito kaso sobrang antok ko, di ko na naasikaso. At siguro, gising na ang kambal kaya mas lalong kumalat sa kwarto ko.

Pinulot ko lahat ng mga damit na nakakalat kasama yung damit ng kambal. Minsan kasi, dito sila nagpapalit ng damit sa kwarto ko at iniiwan dito yung mga hinubad nila. Kaya ito, tambak tambak nanaman.

Kinuha ko lahat ng damit na marurumi at saka lumabas ng kwarto.

"We we're young and wild and free~" kanta ni Crystal habang may hawak na hair brush na nagsisilbing mic niya at nakatayo sa sofa. Sa tabi niya nakaupo si Daphne na nagbabasa nanaman habang naka earphones ang tenga.

Kambal nga sila pero magkaiba naman ng ugali.

Pinatay ko na yung TV, "Maligo na. Malelate nanaman tayo."

Nagpout si Crystal, "Ano ba yan. Panira si Ate." sabi niya sabay kamot papuntang cr.

Kinuha ko yung librong hawak ni Daphne, "Magayos ka na."

"Ayos na ko ate. Naligo na ako. Ikaw na lang iniintay ko at si Crystal."

Inabot ko sakanya yung mga maduduming damit, "Oh sige dahil ayos ka na, ilagay mo to sa washing machine at i-run mo, isang ikot lang tapos ako na magbabanlaw. Magluluto na ako."

Naghiwalay na kami ni Daphne. Siya sa likod bahay at ako naman sa kusina.

Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanila. Si papa, nasa ibang bansa may bagong pamilya na.

Si mama naman, nasa mga lola ko sa Cebu, siya nagaalaga dahil matanda na sila.

Suportado pa rin naman kami ni papa. Siya nagbibigay ng pang tuition namin at lahat ng gastusin. Marine Navy kasi si papa doon.

Si mama naman, minsanan lang makauwi dito sa Maynila. Bukod kasi sa pagaalaga kila lola, nagtatrabaho din siya. May business kami sa Cebu. Yung Three Sister's Cafe. Mahilig kasi si Mama sa kape at si tita naman mahilig magbake kaya nagkasundo sila.

Bata pa lang ako nung naghiwalay na sila papa at mama. Desisyon din daw talaga nila yun.

Gumanda naman yung buhay namin kahit papano.

Nagluto na ako. Simula nung naghigh school ako, ako na nagalaga sa kambal kaya halos lahat ng gawaing bahay ay alam ko.

"Ate okay na." sabi ni Daphne at umupo na sa harap ng mesa

"Oh kumain ka na," Iniabot ko sa kanya yung plato na may pagkain na, "Paglabas ni Crystal, pakainin mo na lang. Maliligo na ako."

"Aye ma'am." Tapos kumain na siya

Pumasok na ulit ako ng kwarto para maligo. Maliit lang naman tong bahay namin. Saktong sakto lang talaga saming tatlo.

Mabilis akong naligo. Baka kasi malate pa kami.

Sa Southeast College kami pumapasok. Hiwalay lang yung highschool department. College na ako. 4th year sa kursong BS Bio. Yung kambal naman graduating na ng highschool.

Sa iisang school na kami nag enroll para sabay sabay na kaming papasok. Para tipid na rin sa pamasahe at gasolina. Debut gift sakin ni papa yung kotse ko ngayon. Silver Volvo. Astig diba? Dream car ko talaga yun.

Maaga kaming natapos kaya nagka oras pa ako para banlawan yung mag damit at isampay. Nang matapos ako may 1 hour pa kami para mag byahe.

Medyo malayo din yung school namin mula sa bahay kung lalakarin mo pero in 10 minutes andun ka na kung naka sakay ka naman.

"Bye ate! See you later!" Paalam ng kambal sabay takbo sa building nila. Hiwalay kasi ang gate ng high school sa gate ng college. Pero pwede naman pumunta yung HS sa College Dept.

Nag park muna ako ng sasakyan.

"Bebe."

Medyo nagulat pa ako sa tawag ni Axel sakin.

"Oh bakit Bebe? Anong problema mo?"

Lumapit siya sakin sabay yakap, "Ang sakit. Ang sakit sakit sakit sakit na."

Napa yakap ako sa kanya, "Nag away na naman ba kayo ni Celestine?"

Umiling siya pero hindi umaalis sa pagkakayakap sakin

"Eh ano bang masakit Bebe?" Takang tanong ko

"Ang sakit ng tyan ko bebe."

Hinampas ko siya sa likod niya ng malakas kaya napasigaw naman siya

"Bwisit ka bebe. Kala ko naman kung ano na. Sapakin kita dyan eh."

Tumawa siya ng malakas, "Ang sakit kasi talaga."

"Ewan ko sayo. I-tae mo na yan." Sabi ko sabay hampas ng bag ko sa kanya at naglakad na papunta sa building kung saan ang first class ko

Si Axel. Isa sa mga bestfriends ko dito sa school. Bebe yung tawagan namin. Wala lang trip lang namin magtawagan ng bebe.

May girlfriend na yan, si Celestine. Bestfriend ko din. Kambal tawagan namin kasi sabi niya pantay lang daw kami ng ganda. Baliw diba?

At ayun. Dahil sakin nabuo ang lovestory nila. Highschool sweethearts.

"Bes!"

Napahinto ako, "Oh Bes. Nagmamadali ka? Don't tell me natatae ka din?"

Bigla siyang yumakap. "Namiss lang kita baliw." sabay gulo ng buhok ko.

Si Stheno Zamora. Ang ultimate accidental bestfriend ko. Adik diba? Uso ata talaga ngayon ang accidental chuchu bestfriend.

Pasalamat daw ako sa kanya dahil niligtas niya yung buhay ko. Oo. 1st year college ako nung muntik na ako mahulog sa third floor at nahawakan niya ako. At dahil dun, bestfriends na daw kami.

Actually hindi naman kasi talaga accident ang pagiging mag bestfriend namin. Matagal na kaming magkakilala ni Stheno. And long story to tell.

"Oh naka yakap ka na naman sa bebe ko. Lumayo ka nga manyak." Sabi ni Axel sabay hila sakin

"Oh my gosh. Don't tell me pinagpalit mo ko sa panget na yan?!" si Celestine

Medyo nababaliw na ako. Magkaron ka ng ganito kagulong mga kaibigan naku lang talaga.

"Okay ng panget. Wag lang mukang hipon na katulad mo." Sagot ko

At parang on cue, nagbugbugan kami sa hallways habang nagtatawanan.

"What's the commotion about? Did I miss something?"

Napa irap ako. Here comes Nicole. The shrek of my life. Isang conyo. Pero mabait at super duper sweet. Shrek ang tawagan namin. Ang pangit kasi niya, kamukha niya si Shrek. But kidding aside, she's beautiful inside and out.

"Well, this girl," Turo sa akin ni Celestine, "Is flirting with my boyfriend!"

"Oh my gosh! Is this true? Ew!"

"Ito aagawin ko sayo? No way!" Sagot ko

"Grabe. Parang diring diri ka naman sa akin!" Reklamo ni Axel

"Well, you are mabaho kasi." Sabi ni Nicole na itinawa naman namin ni Celestine

"Hindi no! Babe oh!" Sabi ni Axel

Umakbay ako kay Celestine, "Babe daw oh."

Nag crinkle yung ilong niya, "Kilala mo?"

Umiling ako, "Hindi eh. Kilala mo?" Tanong ko kay Nicole

"No. Knows mo?" Tanong naman niya kay Stheno

Umiling naman si Stheno.

"Tara," Aya ko

Tapos nag lakad na kami

"Grabe kayo! Mabango ako kahit tumira pa kayo dito!" Angal ni Axel

"No thanks!" Sabay sabay naming sagot

Well, these are my friends. Ang mga baliw kong kaibigan.

Continue Reading

You'll Also Like

868 129 44
The Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in th...
72K 2K 40
Everyone thinks that they are such a perfect couple. But what if they come to a point that love is all they have? Will they fight for each other or l...
11.9K 260 20
It is NOT always fair in the game of love. It's a loosing battle-- but does that mean you'll give it up?
1.9K 186 14
Once, there was a man who'd do anything to remember, and a woman who wanted so much to forget. ~•~❤~•~ Dr. Jessiah Cabrera is in New Orleans for a y...