I am Underdosed (MingKit Fanf...

By kellskellay

5.8K 480 319

(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit More

Prologue
Chapter 1: Hydroxyethylrutoside
Chapter 2: Loperamide
Chapter 3: Ibuprofen
Chapter 4: Varenicline Tartrate
Chapter 5: Aripiprazole
Chapter 6: Risperidone
Chapter 8: Alprazolam
Chapter 9: Methylphenidate
Chapter 10: Mefenamic Acid
Chapter 11: Azathioprine
Chapter 12: Tramadol
Chapter 13: Clozapine
Chapter 14: Sildenafil
Chapter 15: Sertraline
Chapter 16: Olanzapine
Chapter 17: Indinavir
Chapter 18: Norepinephrine
Chapter 19: Haloperidol decanoate
Chapter 20: Amphetamine
Chapter 21: Sulpiride
Chapter 22: Triazolam
Chapter 23: Clindamycin
Chapter 24: Celecoxib
Chapter 25: Metoprolol

Chapter 7: Midazolam

195 19 33
By kellskellay

Vocabulary!!!

Midazolam - A dangerous drug for insomnia and pre-medical sedation. Hypnotic and sedative.

•••

"Anong balak mo ngayon?" Tanong ko kay Ming.

"Hindi mo ba ako narinig? Susundan natin sila." Sagot niya.

"Paano naman natin gagawin yun?"

"Ako ang bahala."

Sinilip ulit ni Ming sina Felina.

"Paalis na sila. Tara sundan na natin sila."

Ganun nga ang ginawa namin. Sinundan namin sila. Ginawa namin ang kaya namin para hindi mahalata.

"Saan ba sila pupunta?!" Iritable kong tanong.

"Aba malay ko."

Nakakagigil na makita mo ang girlfriend mo na may kasamang iba. Ang malupit pa, panay pa ang kapit niya sa lalaking kasama niya.

Napansin ko namang lilingon na si Felina. Anong gagawin namin?!

"Talikod!" Sabi ni Ming.

Tumalikod kami ni Ming ng sabay.

Hinila ako ni Ming at niyapos ako. Nakadikit ngayon ang ulo ko sa dibdib niya.

Ang bango ni Ming. Nakakaadik yung amoy. Parang kulang pa para sa akin yung amoy na nasisinghot ko ngayon.

Parang katumbas ng amoy niya ang Midazolam. Nakaka-hypnotize at unti-unti kang makakatulog.

Nagtagal pa kami ng ilang saglit sa ganoong posisyon.

"Okay na siguro." Sabi ni Ming.

Pinakawalan ako ni Ming sa mga bisig niya. Parang iniwan akong lutang ng amoy ni Ming.

Hinawakan ni Ming ang kamay ko at hinila na ako papunta sa kinaroroonan ni Felina. Hanggang sa dalhin kaming dalawa ni Ming sa isang restaurant dito sa loob ng mall.

"Mukhang kakain muna sila. Hintayin nalang natin sila dito sa labas." Sabi ni Ming.

Nang dahil sa gigil ko, nagutom ako.

"Tara sa loob."

Hinila ko papunta sa loob si Ming. Siyempre I tried my best na hindi kami mahalata ni Felina.

Umupo na kami sa isang table. Apat na table papunta sa kanan ang pagitan ng table namin sa table nina Felina. Japanese style ang restaurant na ito kaya may mga divider bawat table.

Kung nanood ka na ng Puppy Honey, kung saan si Emma at Pick ay nakita si Porsche sa isang restaurant na may kasamang babae, ganun ang itsura ng restaurant na ito.

"Alam mo Kit, baka naman kasi kuya niya lang yung kasama niya." Sabi ni Ming.

"Unica hija siya at wala siyang kuya." Sagot ko.

"Baka naman pinsan niya?"

"Tatlo lang ang pinsan niyang lalaki. Lahat sila kilala ko."

"2nd cousin?"

"Puro babae."

"Sir, may I take your orders please?" Sabad ng waiter. Hindi ko siya pinansin.

"Tiyuhin niya?" Pagpapatuloy ni Ming.

"Kilala ko lahat ng tito niya."

"Sir? Excuse me. May I take your order please?" Sabad ulit ng waiter.

"Maghintay ka! Gusto mong masampal?!" Sigaw ko sa waiter.

Agad na tinakpan ni Ming yung bibig ko. Natauhan ako at agad nagtago sa divider.

"Umupo ka na muna kuya. Oorder na kami." Sabi ni Ming sa waiter.

Inalis na ni Ming ang kamay niya.

"Ano bang best seller niyo dito?" Intense parin ang boses ko. Galit ako eh! Bakit ba?!

"Ito po sir. Yung garlic glazed shrimp and crab po."

Tinuro at binasa lang ng waiter yung pagkain sa menu nila. Isa pa 'tong dagdag sa init ng ulo ko. Diba dapat kabisado nila yung menu nila?!

"Bago ka lang ba dito?" Tanong ko sa waiter.

"Opo sir. Pasensya na po sir. Iba nalang po siguro ang magseserve sa inyo. Saglit lang po sir."

"Hindi na kailangan. Ikaw na ang magserve sa amin. At may isa akong pabor."

"Ano po yun sir?"

"Gusto kong bantayan mo yung mag-kasamang babae at lalaki doon sa dulo."

"May problema po ba dito sir? Narinig ko po kasi kayong sumigaw." Sabi ng isa pang lalaki na nakauniform. Siya siguro yung manager kasi iba yung uniform niya.

"Walang problema dito. Umalis ka na, shoo!" Sabi ko. Agad naman siyang umalis.

Sinilip ng waiter yung table nina Felina para masiguradong tama nga ang sinabi ko.

"Gusto kong bantayan mo lang! Sabihin mo sa akin kapag aalis na sila." Sabi ko sa waiter.

"Wala pong problema sir."

Binigay ko na yung order ko.

"Bakit ka naman sumigaw?!" Bulong ni Ming.

"Nanggigil ako eh!" Sagot ko.

"Hindi mo naman kailangan sumigaw!"

"Kahit na. Atleast hindi naman nila tayo napansin."

"Talagang hindi tayo mapapansin kasi mataas 'tong harang."

Yung divider yung tinutukoy niya.

Hindi ko na sinundan yung sagutan namin. Nagmumukha na kaming tanga dito na nagbubulungan at tinitignan na kami ng mga tao sa katapat naming table.

Dumating na din yung order ko. Ikakain ko nalang 'tong gigil ko.

Kumain akong galit na galit. Para bang ayaw ko na sa mundo.

"Baka magsuntukan kayo ng pagkain mo." Sabi ni Ming.

Napansin ko namang nahihirapan si Ming gamitin yung chopsticks.

"Akin na 'yang kamay mo. Ganito ang tamang paghawak ng chopsticks."

Hinawak ko ang kamay niya at pinahawak ko sa kanya ng maayos yung chopsticks.

"Huy! Sabi ko hawakan mong maayos yung chopsticks. Hindi ko sinabing titigan mo 'ko." Sabi ko.

Binawi niya yung kamay niya at kinuha nalang yung kutsara at tinidor.

"Sa bahay nalang ako mag-papractice." Sabi niya.

Natapos na kaming kumain at sakto naman ang pagdating ng kasabwat kong waiter.

"Aalis na po sila sir."

"Salamat. Pasensya na sa kasungitan ko kanina. Ito ang tip mo. Yung sukli, idagdag mo sa tip mo."

Agad na kaming umalis ni Ming para masundan sila hanggang sa sumakay sila sa taxi.

Agad kaming nagpara ng taxi namin nang makaalis na sila.

"Manong, sundan mo yung taxi na 'yon. Tapos banggain mo. Durugin mo yung mga tao sa loob! Iwasan mo lang yung driver nila." Sabi ko.

"Nagbibiro lang po siya manong. Sundan niyo na po yung taxi na yun." Sabad ni Ming.

Tumagal ng kalahating oras yung biyahe namin. Saan ba pupunta 'tong mga 'to?! Sa impyerno ba punta nila? Tsk.

Wait… TAMA!

SA LANGIT ANG PUNTA NILA!

Oo na! Alam kong baligtad. Pero kung alam mo yung ibig kong sabihin, yun na yun!

Porque ba hindi ako malibog, ganito na ang gagawin ni Felina sa akin?! Porque ba hindi kami nagsesex?!

Sawakas huminto din sila. Tama nga ako sa hinala ko. Biyaheng langit.

Cheap naman nila. Bakit sa motel lang? Hindi ba nila afford ang Sofitel, Okada, Solaire, etc. Kawawa naman sila. Sana man lang nag level-up sila at sa Sogo nalang nila ginawa.

Bumaba na kami sa taxi nang makapasok sila. Syempre nagbayad na ako. Sinampal ko sa driver yung pera dahil sa gigil ko.

Syempre joke lang.

Naghintay muna kami ng sampung minuto bago kami pumasok.

Positive! Nag check-in nga sila.

"Anong kwarto kukunin niyo?!" Napatalon kami ni Ming sa gulat dahil sa boses ng lalaking 'yun. Ay mali tomboy pala.

"Yung kwarto katabi nung huling nag check-in." Sabi ni Ming.

"Kilala niyo ba sila?"

"Tropa namin yun! Nahihiya lang talaga kami."

"Ito ng susi. 305 kwarto nila. Mamaya na ang bayad paglabas niyo."

Kinuha na ni Ming yung susi.

"Sino sa inyo ang top?"

Nagulat ako dahil sa tanong niya. Narinig ko na kasi 'yan sa usapan ni kuya Forth at Beam. Gusto daw ni kuya Beam na mag top siya mamayang gabi. Alam ko na ang ibig sabihin.

"Halata naman kung sino diba?" Sabi ni Ming.

*crickets sound in harmony*

"Bye!"

Pinuntahan na namin ni Ming yung kwartong 303 na katabi ng 305.

Pumasok muna kami sa loob at naghintay ng sampung minuto. Maya-maya ay kumakalampag na ang pader. Plywood lang kasi ang pader ng bawat kwarto.

Naririnig ko pa yung ungol ni Felina. Wow! Ang sakit.

Hindi na ako nakatiis at lumabas na ako ng kwarto. Saktong sakto dahil nakalimutan nilang ilock yung pinto.

Parang wala sila sa sarili nila nang buksan ko ang pinto. Dog style pa ang posisyon nila.

Nilalabasan na siguro yung lalaki. Kasalukuyang nakabaon yung ari ng lalaki sa ari ni Felina. Tumitirik naman ang mga mata ni Felina dahil sa sarap.

Felina, ibig sabihin ay pusa. Ang akala ko aso lang ang nagpapatira sa iba. Pati pala ang pusa.

Nanatili akong nakatayo sa pintuan. Natauhan na si Felina dahil dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon ko.

Nanlaki yung mga mata niya dahil sa gulat. Kasing laki ng suso niya.

"Babe?! Anong ginagawa mo dito?!"

Tuluyang tumulo ang luha ko.

Siguro kaya tayo iniiwan at niloloko, kasi hindi tayo malibog.

Continue Reading

You'll Also Like

522K 16.6K 124
I saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
88.9K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
147K 3.4K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...