I am Underdosed (MingKit Fanf...

By kellskellay

5.8K 480 319

(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit More

Prologue
Chapter 1: Hydroxyethylrutoside
Chapter 2: Loperamide
Chapter 3: Ibuprofen
Chapter 4: Varenicline Tartrate
Chapter 6: Risperidone
Chapter 7: Midazolam
Chapter 8: Alprazolam
Chapter 9: Methylphenidate
Chapter 10: Mefenamic Acid
Chapter 11: Azathioprine
Chapter 12: Tramadol
Chapter 13: Clozapine
Chapter 14: Sildenafil
Chapter 15: Sertraline
Chapter 16: Olanzapine
Chapter 17: Indinavir
Chapter 18: Norepinephrine
Chapter 19: Haloperidol decanoate
Chapter 20: Amphetamine
Chapter 21: Sulpiride
Chapter 22: Triazolam
Chapter 23: Clindamycin
Chapter 24: Celecoxib
Chapter 25: Metoprolol

Chapter 5: Aripiprazole

206 21 4
By kellskellay

Vocabulary!!!

Aripiprazole - Anti-psychotic drug.

•••

Inilabas na ni Ming yung sisig.

"Mukhang may mangyayaring laban ngayon ah." Sabi ni kuya Forth.

Umupo na ako at inihanda ang plato.

Paano nga ba yung labanan namin ni kuya Beam sa Sisig? Here's the mechanics.

Hahatiin ang serving ng sisig sa dalawa. Pagtapos kumain, titimbangin ang matitirang pagkain. Magtatakda ng timbang na napagusapan. Kung kaninong sisig ang may pinakamalapit sa timbang na napagusapan, siya ang panalo at magbibigay ng 2k pesos.

"Ako ang nanalo last time. Ikaw na ang magsabi ng timbang." Sabi ko.

"Sige. 27.64 grams." Sabi ni kuya Beam.

Kumuha na kami ni kuya Beam ng 50 grams. Siyempre nakahanda yung timbangan ko. 'Wag na kayong magtanong kung bakit may dala akong timbangan. Maliit lang naman at madaling dalhin.

Nagsimula nang kumain ang lahat.

Nag-uusap sina kuya Forth at mga magulang ni Ming. Kami naman ni kuya Beam ay may sariling mundo na naglalaban sa larangan ng pagkain.

Nang matapos na kaming kumain…

"Ako ang mananalo." Sabi ko.

"Talo ka. Ako ang panalo." Ganti niya.

Tinimbang ko na yung natirang sisig sa platter ko. And it's… 28.34 grams.

Kay kuya Beam naman ay…

"Huwag niyo na po silang intindihin. Matagal na po silang ganyan. Mga hindi lang po nakainom 'yan ng Aripiprazole." Sabi ni kuya Forth. Napansin siguro ng mga magulang ni Ming yung kaweirduhan naming dalawa ni kuya Beam.

Nagtataka din siguro si Ming ngayon sa tabi ko.

Tug tug…
Tug tug…

27.64 grams.

Inulit-ulit ko pa yung pagtimbang sa natirang sisig ni kuya Beam pero… walang nagbago.

"Saktong-sakto! Panalo ako Francis Kit! Ilapag mo na ang dalawang libo mo."

Kinuha ko na ang wallet ko at ibinigay kay kuya Beam ang dalawang libo. Nangayayat nanaman ang wallet ko.

"Ito na ang allowance mo Ming. Idagdag mo na din itong pera ni Kit."

Binigay ni kuya Beam ang limang libo at yung dalawang libo na napanalunan niya dahil sa pag-kain namin ng sisig. Bale 7,000 na ang pera ni Ming.

"Pasensya na po pero hindi ko po matatanggap ang ganyang kalaking halaga ng pera." Sabi ni Ming. Ibabalik na sana niya ang pera pero pinigilan siya ni kuya Beam.

"Itabi mo na 'yan. Tsaka nalang kita bibigyan ulit ng allowance kapag ubos na 'yang pera mo."

"Naligo ka na ba? Halata namang bagong ligo ka eh. Magbihis ka na may pupuntahan tayo." Sabi ko kay Ming.

"Tapos na ba kayong kumain? Aalis na tayo. May aasikasuhin pa ako sa opisina." Tanong ni kuya Forth.

Lumabas na kami ng bahay at nagkumpulan naman ang mga kapit-bahay nila Ming sa labas.

"Maraming salamat po sa hinanda ninyong pananghalian misis." Sabi ni kuya Forth habang kinakamayan ang mama ni Ming.

"Walang anuman po sir. Kami po dapat ang magpasalamat at nabigyan po ninyo ang anak ko ng pagkakataon para makapag-aral." Sagot ng mama ni Ming.

"Tita, isasama ko po muna si Ming ngayon ha? Mamamasyal po kami." Sabad ko.

"Walang problema hijo! Pwedeng pwede mong isama si Ming."

"Kuya ihatid mo nalang kami sa mall ha?" Bulong ko kay kuya Forth.

"Hmm… sige. Walang problema."

Naglakad na kami palabas ng compound.

"Saan ba tayo pupunta Kit?" Tanong ni Ming.

"Hindi mo ba narinig sinabi ko kay kuya? Sa mall tayo pupunta." Sagot ko.

"Hindi ko narinig sinabi mo sa kuya mo eh."

Oo nga pala. Binulong ko nga lang pala kay kuya yun.

"Nandiyan na sina boss Ming at boss Kit!" Sigaw ng isang tambay.

Luminya ang mga tambay na para bang binibigyan nila kami ng daan papunta sa sasakyan.

"Salamat sa pagbabantay ng sasakyan namin." Sabi ko sa tambay na inabutan ko ng pera kanina.

"Walang anuman boss Kit!"

"Heto ang pera pambili niyo ng bigas. Tig dalawang kilo nalang kayong lahat para magkasya." Sabi ni Ming.

Inabot ni Ming ang pera sa tambay na kausap ko. Malamang, siya ang kanang kamay ni Ming. Well, siya na din ang kanang kamay ko.

"Maraming salamat po boss Ming!"

Sumakay na kami sa sasakyan ni Ming at pinaandar na ni kuya Forth ang makina. Sinigurado naman ng mga tambay na hindi magagasgasan ang sasakyan namin.

Binuksan ni kuya Beam ang bintana niya. Siya kasi ang nasa front seat. Malamang siya ang asawa ng kuya ko kaya sa harap talaga siya uupo.

"Heto pandagdag ninyo pambili ng bigas." Inabot ni kuya Beam ang dalawang libo sa tambay na kanang kamay namin ni Ming. Well, I assumed na kanang kamay namin siya.

"Maraming salamat po. Simula po ngayon, boss na din po ang itatawag namin sa inyo."

"Kung ganun, Boss Beam nalang ang itawag niyo sa akin. Boss Forth naman ang itawag niyo sa isang 'to."

"Masusunod po Boss Beam. Maraming salamat din po Boss Forth!"

Isinarado na ni kuya Beam ang bintana at umalis na kami.

Natatawa parin ako sa pagkabigkas nung tambay sa pangalan ni kuya.

'Boss Port!'

Hahahahaha!

"Maraming salamat po sa tulong ninyo." Sabi ni Ming.

"Maliit na bagay lang yun Ming. Dapat ang biyaya ay ibinabahagi sa iba."

Natahimik na kami sa biyahe. Maya-maya ay nakarating na kami sa mall.

"Ingat kayong dalawa! Bye!" Paalam ko sa dalawa.

Hinila ko na si Ming papasok sa mall. Chineck ko muna ang phone ko bago kami magpunta sa department store.

Wala paring paramdam si Felina buong araw. Ano na kayang nangyayari sa kanya?

Ibinulsa ko nalang ulit ang phone ko at hinila ulit si Ming papunta naman sa department store.

"Wow! Napaka-daming damit dito." Sabi ni Ming.

"Tara na! Bibili tayo ng gamit mo."

Inuna na namin ang under shirts. Kailangan din kasi namin ng white shirt panloob dahil white ang uniform namin. Kailangan mag mukhang malinis kami.

Sunod naman naming pinuntahan ang footwear section. May kalakihan din ang paa ni Ming. Binilhan ko siya ng isang pares ng black leather shoes at isang pares din ng rubber shoes.

Siyempre siya ang pumili. Less hiya na siya ngayon pero may pagkakataon na tumatanggi siya.

Sumunod naman ay mga damit niyang panlakad.

Maganda naman ang damit niya ngayon na long sleeves. Bagay naman sa kanya. Kaso nga lang parang may kalumaan na.

"Kailan ka pa huling bumili ng damit mo?" Tanong ko.

"Noong nakaraang taon pa." Sagot niya.

Sanay kasi akong kada tatlong buwan akong bumibili ng damit ko.

Sinukat na ni Ming ang mga pinili kong damit sa loob ng dressing room.

Nahihirapan siguro siyang magpalit ng damit dahil matagal siya sa loob.

Ilang saglit pa ay nagbukas na ang pinto.

"Bagay ba sa akin?" Tanong niya.

Suot niya ngayon ang isang long sleeves na black sweater at black jeans. Nangibabaw yung maputi niyang balat sa suot niya ngayon.

Black looks perfect.

Ming looks perfect.

Continue Reading

You'll Also Like

59.1K 2.7K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
179K 12.1K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
187K 14.9K 97
COMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a Royal Princess? What would you do if you were the missing Princess and everyone thought you...
806K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...