Maybe This Time (✔)

By xarisagape

5.8K 1K 28

Alisha, being in a group of friend she value most felt betrayed, in order to save herself, she decided to dis... More

MAYBE THIS TIME
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
AUTHOR'S NOTE
MAYBE THIS TIME
OPEN NOTE
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Author's Note

Chapter 43

61 9 0
By xarisagape

"Grabe ang galing n'yo talaga kanina! Lalo ka na, Kevin. No doubt, worth it na mas sinusunod mo na ngayon ang gusto mo. Hindi malabong mapasama ka sa PBA. Ang galing mo," puri ni Althea kay Kevin. Halatang halata na proud ito.

Nandito kami ngayon sa restaurant na malapit sa school namin. Celebration daw para sa pagkapanalo nila Kevin. Hindi dapat ako sasama pero mapilit si Kevin eh. Kinonsensya pa ako kasi umalis daw ako at hindi ko man lang napanood kung paano nila tinalo 'yong kalaban.

Napangiti naman si Kevin kay Althea. "Thank you, Althea."

Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ni Kevin. Grabe, hobby na yata talaga ng isang ito ang mag-blush. Halatang hindi immune ang sistema sa mga compliments.

"Psh," Keighla hissed. Nilingon ko naman siya na kanina ko pa pansin ang pananahimik niya. Ni hindi ko nga nakita 'yong pagiging oa niya. Akala ko talaga pupugpugin niya ng halik si Kevin sa sobrang pagiging proud.

Siniko ko naman siya. Kawawa naman kasi 'yong steak na wala na ngang buhay, mini-murder pa niya.

"Girl, maawa ka naman sa steak," bulong ko sa kaniya. But instead na pakinggan niya ako, ayan at ibinagsak pa niya ang hawak niyang kutsilyo at tinidor. Hindi tuloy kataka-takang nakatingin na sa gawi namin ang lahat.

"Kei, what's the problem?" tanong ni Kevin. Pero ang loka, hindi man lang kinilig na tinawag siyang Kei ni Kevin. Eh, halos ipagduldulan nga niya sa aking sa wakas daw at may endearment na sa kaniya ang my loves niya.

"Wala."

"Are you sure, Kei?" kunot noong tanong ni Kevin. Halatang hindi convince sa drama ng friend ko.

"It's Keighla, okay?" mataray na sabi niya.

Napataas naman ang kilay ko. Ano ba talagang nangyayari sa isang 'to? Sinapian na naman yata ng kabaliwan. Lakas ng topak. Promise.

Halata namang naguguluhan si Kevin sa kaniya.

"Keighla, mag-behave ka nga," pigil ko sa kaniya.

"Why would I?"

"Nakakahiya," sagot ko.

"Wala akong pakialam."

"Tsk. Tara na nga," aya ko sa kaniya at tumayo na. Hinawakan ko siya sa braso at hinatak siya.

"No, Ali! We're not going to leave unless you talk to them!" mataas na ang boses niya this time at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Na-shock naman ako sa inakto niya. Kita ko rin ang gulat na gumuhit sa mukha nila. My gosh, Keighla! What happened to her? Why is she acting like this?

Akala ko ba mananahimik siya? Akala ko ba irerespeto niya ako ngayon? Hindi ba niya halatang wala ngang nag-aattempt na magbukas ng topic about doon sa sinasabi niya tapos ito? Aakto siya ng ganiyan. Na-disappoint ba siya sa ginawa ko kanina? Sobrang disappointment ba ang naramdaman niya kaya hindi niya magawang maging masaya sa pagkapanalo ni Kevin?

Kailangan ko bang ma-flatter sa kaniya? Kasi concern siya? Sana hindi nalang. Kasi ang hirap. Issue ko 'to eh. Dapat hindi siya maging apektado.

"Go, ahead Ali. Talk to them. Don't worry, hindi ko gagawin sa'yo 'yong ginawa nila," kausap ulit sa akin ni Keighla na para bang walang ibang nakakarinig sa kaniya.

Naagaw ang atensiyon namin dahil sa temper ni Julie. Sukat ba namang ibagsak ang kamay niya sa table dahilan para makalampag ang mga nakapatong roon. Parang nakita ko na ang eksenang ito dati.

"Kung makapagsalita ka riyan parang may alam ka, ah! Bakit? Ikaw ba ang nawalan ng kaibigan, ha? Ikaw ba 'yong iniwan? Ikaw ba 'yong iniwasan? Sa'yo ba nag-MIA at hindi na nagparamdam? Ikaw ba 'yong napapaisip at napapatanong ng kung anu-ano kasi bigla nalang nasira 'yong hindi naman dapat masira? Ikaw ba 'yong nadamay ha? Ikaw ba 'yong nahirapan at nasaktan? Hindi naman 'di ba?" tuloy-tuloy na sabi ni Julie at parang madudurog ang puso ko nang makita ko ang pag-agos ng luha sa mukha niya. Ang sakit makita na umiiyak siya ngayon. Knowing Julie? She's the braviest one. Siya ang pinakamatapang at hindi siya umiiyak. That's her personality. Pero 'yong Julie na nakikita ko ngayon? Walang pinagkaiba sa mahinang Alisha. She's weak now and it's tearing my heart into pieces.

"J-julie," tawag ko sa kaniya. And I started to cry now. Nahihirapan akong huminga. Ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. Those questions? Iyon 'yong mga tanong na halos walang pinagkaiba sa mga naiisip ko dati. I didn't know na mararamdaman nga nila. I didn't know na nasasaktan nga sila kasi akala ko wala talaga silang pakialam, eh.

"What, Ali? Masaya ka na?... Masaya ka nang makita... na nahihirapan kami ha?  Na nasasaktan kami? Tangna, huwag mo lang tangkaing isipin na na-realize... namin 'to noong nawala ka. You've no idea... how much we missed you, everyday," she said in between of sob.

They missed me? How come? Para ngang wala lang sa kanila noong nawala ako, eh. Mukha naman silang masaya kahit wala ako.

"Tama na," awat ni Steve. He clenched his jaw as if controlling his temper.

"Steve!" sabat naman ni Althea. Halatang hindi sang-ayon sa sinabi nito.

Tinignan ito ng masama ni Steve, "what? Ganitong paraan ni'yo ba gustong makausap si Ali, ha?" tanong nito at tinignan sila isa-isa.

They shook their heads.

"Then, let's stop this. If she wants to escape again. Let her! If this is the only thing na makakapagpasaya sa kaniya, then go!" he looked at me, "go now, Ali."

Letse. I hate this. I hate this drama. Mas lalo akong naiiyak sa ginagawa ni Steve. Bakit kung umakto siya, parang may pakialam siya ulit? Bakit parang siya ulit 'yong Steve na nagtatanggol sa akin? Na nakakaintindi sa akin? Na sinasalba ako sa mga ganitong eksena?

At bakit pakiramdam ko nasasaktan siya habang sinasabi niyang umalis na ako? Na iwan ko na sila kung doon ako sasaya?

"Please, Ali. Go. Umalis ka na hangga't kaya mo pang isalba ang sarili mo," may pagmamakaawang pakiusap ulit ni Steve.

Pero para lang akong tanga na nakikipagtitigan sa kaniya habang tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha ko.

Bakit ganoon? Wala man lang nagtatangkang kontrahin ang pakiusap ni Steve? Tinignan ko si Keighla pero bakit ganoon? Bakit parang sinasang-ayunan niya si Steve? Hindi ba, gusto naman niyang kausapin ko sila?

"Please, Ali. Leave us again. Be happy," pakiusap ulit niya.

Bago pa man ako magsalita, naramdaman ko nalang na hinahatak na ako ni Keighla patayo.

"Let's go, Ali. Umalis na tayo. Stop torturing yourself," nagpatianod nalang ako at nagpatangay kay Keighla habang naglalakad kami palayo.

"Wait!" sigaw ni Jhela at hinarang kami. Napahinto naman kami.

She smiled at me and hug me. Hindi ko na naman naiwasang umiyak. Gosh! Si Jhela 'to eh! Siya ang pinaka-close ko sa lahat!

"I miss you, girl. Nakakainis ka. Bakit mo kami binlock sa facebook?" mahihimigan ang pagtatampong tanong nito.

Nagtatakang hinarap ko naman siya, "I didn't block you."

"Ha? Eh bakit hindi ka namin makita sa facebook?"

"I deactivate my account. And I never use social media since then," I explained.

"Really? Sabi na nga ba, eh! Teka, diyan ka lang ha? Pwede kang umalis pero hintayin mo 'ko. May kukunin lang ako kay Steve!"

Pagkabalik ni Jhela, may inabot siya sa aking paper bag na may image ng mga baboy sa Angry Birds. Napangiwi naman ako. Ang pangit talaga, promise. Nagtataka talaga ako kung bakit ang daming naku-cute-an sa mga creatures na 'yon, eh. Mas cute pa si Pepa Pig kahit may psychological issue.

"Hala, bakit mo 'ko piniktyuran!"

"Ipapakita ko sa kanila 'yong reaction mo. Hay, for sure matutuwa 'yong mga 'yon! Sige na, bye na!" paalam sa akin ni Jhela. Hinarap naman nito si Keighla, "hello! Ikaw na bahala sa friend natin, ha? Tanga pa naman 'yan minsan."

Natawa naman si Keighla sa sinabi ni Jhela. At kailan pa sila naging close? Tsk.

Umalis na nga kami at hindi pa rin mawala ang pagkabusangot ng mukha ko hanggang sa makasakay kami sa taxi.

"What's with that face?" puna sa akin ni Keighla.

"It's ugly," tukoy ko sa mga baboy.

"They're cute! Pero teka, bakit ang dumi ng paper bag na 'to?"

I just shrugged. Malay ko ba. Pinanood ko nalang siyang buksan 'yong paper bag. Ang loka, hindi man lang nagawang magpaalam sa akin.

"Oh my gosh! Friend. Kaparehas 'to ng t-shirt na suot nila 'di ba?"

Napatingin naman ako sa hawak niya at totoo nga ang sinabi niya. Kapareho ang design noon sa suot nila.

"And there's a note," binasa niya ang nakasulat doon.

Hello, Ali! We really miss you. Ayan, ah. May t-shirt ka katulad ng sa amin. Huwag kang magtangkang magtampo kasi quota ka na! Hindi ka namin nakakalimutan. Marami na ngang nakatambak na gamit para sa'yo eh. Four years ng tinatambak sa apartment. Oo nga pala, if you've time, bisita ka naman sa address na 'to xxxxxxxxxxx
We'll be glad also if you'll bring a friend with you. Hindi kami magtatampo, promise. Matutuwa pa kami kasi kahit wala kami, there's still people around whose accompanying you. Kapag nagbago isip mo, punta ka lang ha? Inform us siyempre. Pili ka nalang:

Steve <3 - 09xxxxxxxxx
Althea - 09xxxxxxxxx
Jhela - 09xxxxxxxxx
Jules - 09xxxxxxxxx
Julie - 09xxxxxxxxx

Sincerely yours,
Your forever friends :)

--

A/N:

Gonna dedicate this one to idiosyncraticsophia. Sobrang thanks po sa warm message mo. God bless you! 😘

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
71.4K 2.5K 58
Travesia Series #1 "Hold on, babe. Please breathe for me..." Kylie Cyril De Guzman admires this one boy who makes her heart beat so fast. Watching hi...
108K 4.9K 43
What will happen if a nephilim or a half human and half angel fall in love with a demon? Will she embrace his downfall to win his heart despite thei...
1.4M 56.5K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...