Lost Academy

By Blabbersalert

13.3M 379K 61.1K

Exle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studyi... More

The Lost Academy
Lost Academy 2: A Mistake
Lost Academy 3: Kuya!
Lost Academy 4: I Want Out
Lost Academy 5: The Chess System
Lost Academy 6: Forbidden Zone
Lost Academy 7: Bedridden
Lost Academy 8: Transferee
Lost Academy 9: Soul Link
Lost Academy 10: Pseudo-Contract
Lost Academy 11: Taming Game
Lost Academy 12: Bad Blood
Lost Academy 13: Contract Sealed
Lost Academy 14: A Dangerous Thought
FIRST AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #15
Lost Academy #16
Lost Academy #17
Lost Academy #18
Lost Academy #19
Lost Academy #20
Lost Academy #21
Lost Academy #22
SECOND AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #23
Lost Academy #24
Lost Academy #25
Lost Academy #26
L.A. Added infos
Lost Academy #27
Lost Academy #28
Lost Academy #29
Lost Academy #30
Lost Academy #31
Sabotage Part 2
Intel House
New to Me
SPECIAL CHAPTER
The Other One
THIRD AUTHOR's NOTE
You'll be safe here
Ibang Katauhan
Repeated Scene
Ako, Si Vlad at Sya
Euria
Wala nang bawian
White Piece
Binabalik ko lang
Muling Pagkikita
Muling Pagkikita 2
Suspicions
Lexa Who?
What if's
Fourth Author's Note
Azure's Explanation
Their Guardians' Type
My Protector
Transfer
Card Master
Ako Dapat
Great Wall of Rave
Assessment 1
Assessment 2
Council Meeting
The Conversation
Start
Headmaster's Move
Girlfriend Thingy
Ella Knows
The Demon
Telling Her
FIFTH Author's Note
Cat's Name and the Memory
Until My Last Breath
Unlikely Alliance
Vlad Part 1
Vlad Part 2
You're Making Me Fall
Building Trust Part 1
Filler 1
Building Trust 2
Filler 2
The Plan
Flashbacks 1
Flashbacks 2
L.A. Characters
Warned
This Time
No Name Part 1
Lost Academy #82
Lost Academy #83
Lost Academy #83.1
Lost Academy #84
Lost Academy #85
Lost Academy #86
Lost Academy #86.1
Lost Academy #87
Lost Academy #88
Lost Academy #89
Lost Academy #90
Lost Academy #91.1
Lost Academy #91.2
Lost Academy #91.3
Lost Academy #91.4
Lost Academy #92
Lost Academy #93
Lost Academy #94
Lost Academy #95
Lost Academy #96
From me to you
UPCOMING STORIES
To a Happier Future
FAQ
Lost Academy Vr. 2.0
Please Read

In the Forest with Rave

107K 3.4K 496
By Blabbersalert

*Asper's POV*

Kasa kasama ko ngayon si Baby Keis, mamamasyal kami. Hindi ko pa nga alam kung san ko sya dadalhin eh but may sinabi syang magandang place dito sa school and we're heading there now.

"Sigurado ka Keis?" pagsisigurado ko sa kanya.

"Oo my. Maganda talaga ang lugar na yun. Yun nga lang, bago tayo makarating dun may dadaanan pa tayong parang lumang hagdan pababa." sabi niya.

"Ha? Hagdan pababa?" May hagdan pa pala pababa ang eskwelahan? "As in yung pailalim talaga?" tanong ko pa.

"Oo nga My, May nakita akong magandang Garden don." sagot niya.

"Pano mo nga pala nalaman ang tungkol don?" tanong ko pa.

"Ewan ko, basta natalisod lang ako nung minsang tumatakas ako sa mga naghahabol sakin tapos non, may parang pintuan sa lupa. Binuksan ko at ayun nga nakita ko yung lugar." paliwanag niya.

"Ahhh." sabi ko nalang.

Naglalakad kami ngayon patungo sa kasukalan ng gubat. Hindi ko na nga alam kung parte na kami, Hindi ko pa kasi yata nararting ang parte na'to. Hawak hawak lang ni Keisler ang kamay ko habang sinusuong namin ang mga makakating damo damo at mga kahoy. Nahinto lang kami ng may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod.

Nanigas ako sa kaba. "Ka-ka-keis? Hi-hindi mo na-na-naman sinabi na-na may m-multo di-dito?" utal utal na sabi ko. Nanlalamig talaga ako.

Bigla namang humarap sakin si Keisler at sabay kaming napasigaw. "WAAAAAAAAH!!! MULTO!!!" Sigaw namin pareho.

Di naman kami nag-aksaya pa ng panahon at bigla nalang kamin nagtakbuhan. Only to find myself stuck with the hand in my shoulder. May putol na kamay, may putol na kamay, may putol na kamaaaaaaay!!!

"Waaaaah!!Ufp!" natigil ng may kamay ang biglang tumakip ng bibig ko.

"Hoy." sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likuran. Para naman akong tuod na humarap sa taong nanakot samin nang tanggalin niya ang pagkakahawak niya sakin.

Napalunok ako ng sunod sunod ng makilala ko kung sino yon. "Multo huh." sabi pa niya.

"R-rave?" tawag ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng masigurado ko talagang sya yun. Magtataka pa ba ako? Eh taong gubat to diba?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Dapat ako nagtatanong niyan sa'yo. Anong ginagawa mo dito?" balik niya sakin ng tanong.

"Kasama ko si Keis- Teka. Keisler? Keisler?" tawag ko at nagpaikot ikot para hagilapin siya.

Kanina lang nandito yung batang yun eh. San yun nag-? Tumakbo nga pala ang isang iyon!

"Lagot." nasabi ko nalang.

"Tsh."

"Teka lang, Hahanapin ko muna siya!" sabi ko at akmang aalis na sana ng pigilan ako ni Rave. Hinila niya ako sa braso para hindi makaalis.

"Alam ng bubwit na yun ang daan niya dito. Wag mo ng hanapin yun." sabi niya.

"Hindi bata pa-" nahinto nalang ako sa pagsasalita ng maalalang, hindi naman pala talagang bata ang isang yun. Nagbabalat kayo lang. tsk. tsk. tsk.

Sumalampak ako ng upo sa isa sa mga ugat ng malalaking puno at inilibot ang tingin. Medyo madilim ang parteng ito ng gubat. Hindi nakakapenetrate ng maayos ang araw dahil sa naglalakihan at nagtataasang puno pero kahit ganon, nakakakita pa naman ako. Lalong lalo na ang pagmumukha ng kasama ko ngayon, sinabi ko na dati diba? Masyado syang maputi para hindi makita sa dilim. Daig pa nga niya kaputian ko eh.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Maghihintay." sabi ko at muli ay inilibot ko ang tingin sa paligid.

"Dito?" tanong niya. Inangat ko ang ulo ko para matingnan ko sya sa mukha.

"Oo." sabi ko. "Bakit?" tanong ko pa.

"Hindi ka natatakot?" Tanong niya. Natahimik naman ako saglit sa tanong niya.

"Natatakot." sabi ko.

"Tsk." Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila patayo, pero ng makabawi ay hinila ko pabalik ang kamay ko.

"Baka bumalik si Keisler." sabi ko at bumalik ng upo. Nanatili naman syang nakatayo lang at nakatingin sakin.

"Hindi babalik yun." saad niya.

"Pano ka nakakasigurado?" tanong ko habang nagbubunot ng damo sa paligid ng ugat na inuupuan ko.

"I just know." sabi niya.

"Hindi. Babalik yun at hahanapin ako." sabi ko at ipinagpatuloy ang pagbubunot ng damo.

"Fine." Pagsuko niya at biglang umupo sa tabi ko. "Maghihintay tayo." sabi niya. Nangunot naman ang noo ko.

"Bakit tayo?" tanong ko. Agad naman niyang dinukot sa loob ng tshirt niya ang kwintas at ipinakita sakin. Kahit hindi sya magsalita, alam ko na ang gusto niyang sabihin.

Sumunod ang katahimikan sa pagitan namin at sa katahimikang yun ay nakaramdam ako ng biglaang pagkailang sa kanya.

I shifted my positions, hoping na mawala yung awkward atmosphere sa pagitan naming dalawa pero hindi talaga eh. Nandyan parin ang pagkailang ko.

Bakit nga ba ako naiiling?

Lakas loob akong humarap ako sa kanya at tinitigan syang mabuti.

Wala namang kakaiba sa kanya ah. Bakit ako maiilang?

Bigla syang nagulat sa ginawa ko, hinawakan ko kasi ang magkabilang pisngi niya at mas tinitigan ko pa sya ng mas mabuti. Itim ang mga mata niya, matangos ang ilong nasa tamang curve ang lips. All in all, Wala talagang kakaiba. Tao pa rin naman ang nakikita ko. Ano bang problema sakin?

I lean closer to him to take a better look. Ang kinis kinis ng mukha niya at ang lamig hawakan, parang si Frosty the snowman!! Hahaha. San kaya niya hinahasa ang mukha niya no?

Unti unti syang napapaatras habang gumuguhit parin ang pagtataka sa mukha niya. "A-anong ginagawa mo?" tanong niya. Mas binilugan ko ang mata ko at tinitigan sya ng mabuti. "H-hoy." Hindi ko sya pinansin ay mas lumapit pa.

Ahhh. Hindi pala ganon kasingkit ang mata niya, tamang tama lang.  Tapos ang kilay medyo-Sandali nga lang!!

Nanlaki ang mata ko ng marealize ko ang ginagawa ko. Aatras na sana ako at babalik sa posisyon ko kanina ng bigla niyang hawakan ang magkabilang braso ko. Anakng-

DUBDUBDUBDUB

"Anong. Ginagawa. Mo.?" madiin niyang sabi. Naamoy ko ang mabango niyang hininga na syang nagpatulala sa kin. Ang lapit niya. Ang lapit lapit niya. Hindi ko yata kakayanin to!

"Magsalita ka." sabi pa niya.

"A-ah? Eh. Wa-wala.!M-may sinu-su-subukan l-lang a-ako. Ahe he he." nauutal na sabi ko. Napataas nalang ang kilay niya sa nakitang reaksyon sakin. Ibig sabihin non, hindi sya kumbinsido sa sinabi ko.

Mas hinila pa niya ako papalapit sa kanya dahilan para mapasubsob lalo ako sa kanyang katawan. Nanlaki talaga ang mata ko, yung tipong halos lumuwa na ito sa ginagawa niya sakin. Oh no! Umiinit ang pisngi ko. Para na itong sasabog kapag nagkamali ako ng galaw!

Hindi ko na alam kung anong irereact ko kaya dinaan ko nalang sa.... "Pw-pwede bang-Ha ha ha. Joke lang yun. Joke." hilaw na tawa ko saka ako nagmadaling lumayo sa kanya at bumalik sa ugat na inupuan ko kanina.

"Tss." narinig kong tunog mula sa kanya. Napayuko naman ako lalo.

At sa halip na ipahiya ko pa lalo ang sarili ko ay napagdesisyunan ko nalang na mag-open up ng topic. Baka mamaya niyan maisipan niya akong biruin, at kapag talagang si Rave ang nagbibiro, hindi talaga yun nauuwi sa nakakatawang biro!

"A-ah.Rave!" medyo napalakas ang boses ko. Kinakabahan nanaman ako! Takte naman oh!

"Ano?!" iritang tanong niya.

Way to go Asper! Ang galing mong mag-open ng topic!

"R-rave. Pwede magtanong?" sabi ko. Niyakap ko ang mga binti ko at inihilig ko ang baba ko sa ibabaw ng tuhod ko. Hindi ako makatingin sa kanya eh.

"Nagtatanong ka na." sabi pa niya. In the corner of my eyes, nakita ko syang gumalaw para sumandal sa puno.

I unconciously draw imaginary circles on the soil, dahil na nga siguro sa kaba. "Bakit ka naglalagi dito sa gubat?" tanong ko. Curious din kasi ako kung bakit halos kung magkikita kami, kadalasan nasa gubat ang setting.

Nilingon ko sya ng wala akong narinig na sagot mula sa sakanya. I was quite taken aback nang makitang nakatingin lang sya sakin. Nakipagtitigan ako sa kanya pero ilang saglit pa, sya na rin ang umiwas ng tingin.

"Walang istorbo." sagot niya.

"Huh?"

"Bingi." ngumuso nalang ako sa sinabi niya.

"Pero di nga Rave pwera biro, bakit ka ba naglalagi dito sa gubat? May sentimental value ba ang lugar na'to?" tanong ko pa na hindi parin iniiwas ang tingin sa kanya. Bigla naman nagdilim ang mukha niya.

Ano bang mali sa tinanong ko? Nagtatanong lang naman eh.

Bumalik ako sa pagkakayuko, sigurado kasi akong hindi niya sasagutin yun, sa mukha palang niya. Nakakatakot. Brr.

"Dito kami huling nagkita." nagulat nalang ako ng bigla syang magsalita. That was unexpected.

"S-sino?" tanong ko. Tumitig naman sya sakin ng matiim. Titig na tumagos sa kaluluwa ko.

"Ley Hollows. Ang ama ko." sabi niya at bigla nanaman niyang iniiwas ang tingin niya sakin. "Dito kami huling nagkita." natulala nalang ako sa kanya. Sino ba namang hindi? Eh kung magshare at drumama ng ganito si Rave sa harapan niyo? Tingnan ko lang kung hindi magugulat kaluluwa niyo. Minsan na nga lang magsalita, AKO pa ang napiling kausapin.

"A-ah. A-anong nangyari sa P-papa mo?" tanong ko nang makabawi ako sa bahagyang pagkagulat. Pero tama bang tanungin ko yun? Mukha kasing dumilim ang m-mukha niya? "A-ah.Hahaha Ano ka ba naman Asper! Hahaha. Wag mo nalang sagutin, okay lang!" bawi ko sabay kaltok ng ulo ko. Shunga!

Natigilan lang ako ng bigla ulit siyang nagsalita. "Nakipagkontrata sya noon sa isang Bearer, Hindi ko alam kung anong nangyari pero isang araw. Araw kung kailan kami huling nagkita, bigla nalang syang umalis. Tapos, Bumalik ang bearer niya kinabukasan matapos ang biglaang pag-alis nila ng papa ko, bumalik siya na para bang walang nangyari. Nakakangiti sya at nakakatingin sa mata ko na para bang masayang balita ang sinabi niya. Tsk. Wala na daw ang ama ko." kwento niya. Nakaramdam naman ako ng awa habang kinikwento niya ang nangyari sa papa niya sakin. "Ang maawa sakin. Yan ang wag na wag mong gagawin." sabi niya pa na nakapagpaiwas sakin ng tingin. Masyadong ba talagang madaling basahin ang ekspresyon ko sa mukha para mahulaan niya ang iniisip ko?

"Kaya ba medyo ilag ka sakin? I mean sa mga ka-katulad ko?" alinlangang tanong ko. Hindi sya sumagot pero alam ko Oo ang sagot niya sa tanong ko.

Napabuntong hininga nalang ako saka ako lumuhod sa harap niya at walang pag-aalinlangang niyakap siya. "Hindi ako tutulad sa Bearer ng papa mo. Hindi ako ngingiti... iiyak ako pagnawala ka. Hindi rin ako babalik kung alam kong may pag-asa pang makita kita. Sasamahan kita, wag kang mag-alala. Sasamahan kita hanggang sa magsawa ka sa pagmumukha ko. Alam mo ba yun? ha? Hindi ko magagawang iwan ang isang tulad mong bata sa kawalan, kawawa ka naman." napatawa ako ng bahagya sa sariling biro. "Atsaka Protector kita diba? Kaya responsibilidad kita. Ano mang mangyayari sa'yo maaapektuhan ako. Kahit na hindi ko alam kung papano tayo nagkaroon ng kontrata, ang alam ko lang, ikaw si Rave... Ang Protector ko at ako ang Bearer mo." Nakangiting sabi ko. Hindi naman kasi ako magaling magcomfort, parati kasing nauuwi sa tawanan.

Naramdaman kong nanigas bahagya ang balikat niya pero maya maya pa, napangiti nalang ako ng niyakap niya na rin ako pabalik. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam na kahit yakap lang ay parang sobrang espesyal, yung feeling na gusto mo ganito nalang palagi. Kakaiba ang feeling at yun ay sa twing kasama ko siya.

Am I Starting to like him?

No.

Yes.

Maybe?

Psh. No!

"Aasahan kita." Narinig kong bulong niya ng mas lalo pa niyang isinubsob ang mukha niya sa may leegan ko. Nagulat ako sa ginawa at sinabi niya. It was so surreal na sa isang tulad KO? Aasa ang isang Rave?

DUBDUBDUBDUB

Maybe... Its a Yes then?

Hindi ko alam kung gano kami katagal magkayakap basta simula nang maghiwalay kami yakapan namin parang bigla nalang nawala yung awkwardness. Bigla nalang gumaan ang atmosphere at umiba ang ihip ng hangin kasi nakipagkwentuhan na sya sakin. Wow.

"Blue." bigla niyang sambit.

"Huh?" tanong ko. Hindi ko kasi sya nagets.

"Blue si Captain Amerika diba?" sabi niya pa. Napatanga nalang ako, hinihintay na magloading ang utak ko at nang sa wakas ay pumasok na talaga sa utak ko ang ibig niyang sabihin ay namula ako at umabot hanggang ulo ko ang pagkahiya.

"NAALALA MO PA YUN?!?!?!" Sigaw ko sa kanya at pinaghahampas sya. "Manyak ka talaga!! Basta talaga manyak mahirap makalimot sa mga ganong bagay!" singhal ko sa kanya habang pinaghahampas ko parin sya.

"Aray! Ano ba-! Hoy! Aray!" reklamo niya.

"Kasalanan mo yan!" sabi ko pa.

"Tsk. Aray!" reklamo niya pa ulit.

"Asper, Ley?! Anong ginagawa niyo dito?!" sabi ng isang pamilyar na boses sa harapan namin ni Rave. Nahinto naman ako sa paghahampas kay Rave.

"Ashley?" sabi ko nalang ng makilala ko kung sino ang dumating.

"Buong akala ko talaga nawala ka, yun pala kasama mo si O my gosh!! Leeeeey!! Bruha! Magpapaliwanag ka mamaya!!" tili niya at nilapitan si Rave. Napatampal nalang ako sa noo ko at tumingin kay Rave na halos hindi na mahitsura ang pagmumukha kakahila sakanya ni Ashley. Nailing iling nalang ako.

Hahaba talaga ang araw ko. Aish.

Continue Reading

You'll Also Like

63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...