Us, Against All Odds

By inkedbykisses

43K 1.9K 198

(c) 2017 | Will you do it? Even if the odds are not in your favor? Or you'll just forget everything and walke... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Wakas
Author's note

Simula

4.4K 99 3
By inkedbykisses

Simula

Minsan sa buhay ng isang tao may mangyayari na hindi mo inaasahan, o madalas pa nga naihahanda mo naman 'yung sarili mo sa mga bagay bagay pero ang nangyayari ay nabibigla ka pa rin.

Minsan 'yung inaasahan mo naman ang hindi nangyayari. Masakit man, pero 'yun 'yung magiging daan para maging sagot sa mga hinihiling mo.

Rejection might be God's way of saying no to certain things in your life, ika nga ng aking mabuting nanay. Hindi naman daw kasi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.

Pero may mga bagay rin naman tayong kayang gawin pero hindi dapat. Sabi nga ni Anastasia Steele, "just because you can doesn't mean you should."

Kagaya ng sa pag-ibig, binigay mo naman ang lahat pero kulang pa rin. May mga tao talaga na sadyang hindi marunong makuntento. Tulad ng ex kong manloloko, papasok na ako ng gym nang nakita ko siya kasama ang pinalit niya sa akin.

Wow, what a nice greeting in the morning huh? Napataas nalang ako ng kilay sa kanila atsaka taas noong nagdiretso na ng lakad.

"Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang tapos na tayo?!"

Naagaw naman ng koya mong beastmode ang pansin ko. Nasa gilid lang nila ako dahil dito yung pwesto namin kapag PE ang subject namin.

"Alex naman, give me another chance, please." Pagmamakaawa nung babae atsaka sinubukang hawakan si koya pero umatras naman ito.

Napakunot noo naman ako sa nakikita ko. Wow, iba na nga talaga ngayon no? Mga babae na nagpapakababa ng pride. Tapos mga lalake ang taas taas ng tingin sa sarili.

"No, we're done." Matigas na sabi nong lalake.

"Bakit?! May iba ka na ba ha?!" Sigaw nong babae na ngayon ay beastmode na rin. "Alam kong mahal mo ako at hindi mo ako kayang palitan, Alex."

I mentally face palmed myself. Ang yabang naman nitong si ate, kanina lang nanghihingi ng chance eh. Hindi niya ba nahahalata na kaya lalong umaayaw itong si koya ay dahil sa mga sinasabi niya?

"Baka nakakalimutan mong sikat ako, Kayla?" Anang lalake. "Kayang kaya kitang palitan."

Ay, isa rin pala itong mayabang si koya. Akala ko naman hahayaan nalang niya. Pero, bagay sila. Parehong mahangin.

"Kaya mo?" Hamon ng babae. "Sabihin mo kung sino."

Huli na nung narealize kong nakatitig sa akin si koya habang papaupo ako.

"Siya." Aniya sabay turo sa akin.

Lahat ng nakakarinig sakanila ay napasinghap, maging ako ay napasinghap rin. Habang ako'y nakangangan at nanlalaki ang mata ay tinuturo 'yung sarili ko. Aba, bakit ako nadamay sa issue nila?!

"Wag mo akong pagselosin, Alex." Anang babae sabay tawa ngunit masama ang tingin sa akin. "Alam kong ako lang."

Ay, teh! Dukitin ko iyang eyeballs mo eh! Bakit dito ka kasi gumagawa ng eksena?

Lumapit naman sa akin si koya mong nakabusangot ang mukha. Aba'y siraulo 'to ah? Simangot kung simangot.

Humarap siya doon sa babae at umupo sa tabi ko. "Huwag kang pakakasiguro, Kayla."

Aalisin ko na sana yung pagkakaakbay niya sa akin nung bigla siyang bumulong. "Act with me, please.."

Napabuntong hininga naman ako. As if may choice ako diba? Naumpisahan na, e.

"Hindi 'yan totoo!" Sigaw nong babae. "Alex naman!"

"Stop it, Kayla." Anang lalake. "Mahiya ka naman sa girlfriend ko."

Napaubo naman ako sa sinabi niya. Luh, si koya ni hindi ko nga siya kilala, e.

"G-girlfriend?" Naguguluhang tanong ng babae. "Y-you don't do girlfriend! How come?"

"Oo." Aniya. "Tantanan mo na ako. Masaya na ako sa girlfriend ko."

Nakita ko nalang na tumulo yung luha nung babae kasabay ng pagtalikod niya sa amin. Anong problema nila? Bakit sila nandadamay?

"Hoy." Anang lalake sakin dabay sundot sa pisngi ko.

"Hoy ka rin." Balik ko sabay tampal sa kamay niya.

"Pasensya ka na ah?" Aniya. "Nadamay ka tuloy."

Napasimangot naman ako. "Whatever."

"Anong pangalan mo?"

"Bakit?"

"Tinanong ko pangalan mo isasagot mo sakin bakit?"

Napasimangot ako lalo. "Camila. Camila Delavin."

"Hm. Alex, Alex Pangilinan." Aniya. "Sabay tayong maglunch mamaya."

Aba, bastos na 'yon. Ni hindi pa nga ako nakakasagot ay tumakbo na siya paalis. Napailing nalang ako.

Saktong dumating na yung prof namin sa PE. Etong prof ko na 'to laging beastmode eh. Beastmode don't care lagi ang drama niya. Di ko naman alam kung pinaglihi ba siya sa stress o sama ng loob o both.

"Delavin!" Sigaw niya.

"Present!"

Ganyan siya magcheck ng attendance. Napabuntong hininga nalang ako. Last subject ko na 'to bago maglunch. Pero sana di nalang matapos. Ayokong makita yong Alex na 'yon.

Mabilis lumipas yung oras, lutang na lutang ako hanggang pagdating ko sa cafeteria. Wala akong kasabay na kakain ngayon dahil hindi parehas ang vacant period namin ng bestfriend ko.

"Sabi ko sabay tayong maglunch diba?"

Halos bumaliktad na ako sa kinauupuan ko nang biglang may magsalita sa harapan ko.

"Kailangan talaga may panggugulat na kasama?!" Inis kong baling sa kanya.

Natawa naman siya sakin. "Ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Hoy ah. Di tayo close kaya tigilan mo ako."

Mas lalo naman siyang natawa sa sinabi ko. "I just announced a while ago na girlfriend kita."

Sumimangot naman ako sa kanya. "Gosh, speaking off, bawiin mo 'yon!"

"Nah." Pacool niyang sabi sabay abot ng apple ko. "Been said and done."

"Apple ko 'yan hoy!" Bulyaw ko sa kanya. "'Tsaka sabi nung babae kanina you don't do girlfriend kaya walang maniniwala."

"Boyfriend mo ako, so, okay lang na kumuha ako ng pagkain sa'yo." Aniya at sabay kagat ulit doon sa apple ko. "Wala naman akong pakialam sa kanila, bakit ko naman sila iisipin?"

"No, not!" Inis kong sabi. "Unang una, walang tayo. Pangalawa, my food, my food. Okay? Di ka pwedeng kumuha." Napapailing nalang ako sa kanya. "Umalis ka nga sa harap ko."

Natawa nanaman siya. "As I've said, you are the girlfriend of Alex Pangilinan, and I have the rights to get some food on your plate because I'm hungry."

Napahilamos nalang ako sa mukha sa sobrang inis. "Bumili ka ng pagkain mo. Alis."

Tumayo naman siya pero dala dala pa rin yung apple ko. Nakakainis talaga 'yon.

Wala pang sampung minuto ay bumalik na si Alex na may dalang tray. Nalaglag naman 'yong panga ko nang nakitang sobrang daming pagkain sa tray niya.

"Ang siba mo naman." Sita ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya. "Basketball player eh."

"Anong department ka ba?"

"Wow, curious kana sakin?"

Napasimangot naman ako. "Ewan ko sayo. Wag mo na nga ako kakausapin."

Natawa naman siya. "Sa engineering department ako. Sa medicine department ka diba?"

"Bakit mo alam?"

"Ako pa ba?"

"Ang hangin mo."

Pasimple sana akong kukuha sa fries niya pero napansin niya agad ako kaya naman tinampal niya kamay ko.

"Walang tayo diba? My food, my food." Aniya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Mabulunan ka sanang masiba ka."

"Whatever." Aniya.

Napatingin naman ako sa relo ko, may 15 minutes nalang ako bagi magstart ang next class ko.

"Matagal ka pa bang kumain?" Tanong ko.

Napakunot naman siya ng noo. "Bakit?"

"May 15 minutes nalang kasi ako." Wika ko. "Ayaw ko naman na iwanan ka magisa dito, ang lungkot kaya kumain mag-isa."

Napanganga siya sa sinabi ko. Nang nakabawi ay bigla nalang nangiti ang baliw.

"Tapos na ako," Aniya. "Halika, hatid kita sa room niyo."

"Teka, malayo ang department mo sa amin."

"Huwag ka na makipagtalo. Mauubos oras mo."

Napabuntong hininga nalang ako. "Kulit mo."

Nagkibit balikat lang siya. At sinabayan na ako sa paglalakad.

"Ano oras last subject mo?" Tanong niya.

"3:30. Bakit?"

"May gagawin ka pa pagkatapos?"

"Depende."

"Kung wala, kita tayo."

"Kala ko ba basketball player ka?"

"Anong connect naman non?"

"Practice?"

Hindi siya nagsalita kaya napaharap ako sa kanya.

"Meron, kaya hintayin mo ako mamaya dito." Aniya at tumalikod na. "Tsaka 'yung sinabi mo kanina na malungkot kumain mag-isa, totoo 'yun. Kaya lagi na tayong sabay na kakain kapag lunch."

Napakamot naman ako sa ulo ko nang narealize kong nasa tapat na ako ng room namin. Paano niya nalaman na dito ang room ko? Tsaka ano raw? Sabay na kaming kakain ng lunch?

"Totoo pala ang bali-balita ano?" Tanong ng kaklase ko. "Kayo na pala ni Alex?"

Nagkibit balikat lang ako at dumiretso na sa upuan ko. Bilis nga naman talaga ng chismis 'no?

Buong klase namin ay ako at si Alec ang topic nila. Ano ba naman 'tong pati si prof nakikisali.

"Delavin," Tawag niya sa akin bago ako makalabas. "Take a risk. Give it a shot, malay mo 'yan na pala inaantay mo."

Napakunot noo naman ako sa sinabi ni prof. Ano nanaman ba 'yun? Wala naman akong alam na may inaantay pala ako? Nakakaloka.

Paglabas ko ay nakita kong nakasandal si Alex malapit sa pintuan.

"Wow," Wika ko kaya naman napatingin siya sa akin.

Nginitian naman niya ako. "Tara?"

"Saan?"

"Sa gym. May gagawin ka ba?"

"Wala naman."

"Samahan mo muna ako sa gym."

"Marami namang tao dun ah?"

Napafacepalm naman siya. "Basta sumama ka nalang."

Naglakad na kami pababa ni Alex ng bigla akong makaramdam ng hiya kaya naman binagalan ko lakad ko.

"Oh bakit?"

"Yung tingin nila para nila akong kakainin ng buhay," Wika ko. "Ganon ka ba talaga kasikat?"

Natawa lang siya. "Hayaan mo lang. Wala nga dapat tayong pakialam sa kanila diba?"

"Ang hirap kaya nun." Reklamo ko.

Ginulo niya 'yung buhok ko, "Basta, nevermind them. Okay? Ang mahalaga lang dito, opinyon mo at opinyon ko."

Tumango nalang ako at nag-umpisa na ulit kaming maglakad. Nang nakarating kami ng gym ay umupo ako sa pinakamalapit na bleachers sa kanya. Iniwanan rin niya sa akin yung bag niya at t-square. Nakakaloka, di ako nainformed na PA pala ako dito.

Nakita ko naman siyang pumasok sa dugout para siguro magpalit ng damit. Paglabas niya ay nakita kong nakasuot na siya ng jersey. I don't know pero napangiti ako nang nakita kong hinanap niya ako.

He mouthed, 30 minutes. Ngumiti ako at tumango. Ngayon lang ako nakanood ng practice ng basketball. Wow, kailan pa ba ako naging interesado sa ibang bagay bukod sa pagbabasa diba?

Nawala yung atensyon ko sa pagpapractice nila Alec dahil biglang nagvibrate phone ko.

Stella:
Hoy bruha. May nabalitaan ako! Nasan ka ngayon?

Ako:
Gym.

Stella:
Supportive girlfriend?

Ako:
Shut up. Where r u?

Stella:
Duh, Ila. I still have class.

Hindi ko na siya nireplayan dahil nga nasa klase pa siya. Napakapasaway talaga non kahit kailan.

Nang natapos ang 30 minutes ay lumapit sa akin si Alex. Akmang magsasalita siya ng tinawag siya ng coach nila.

"Alex! Hindi pa tapos practice!"

"Pero coach.." Magrereklamo pa sana siya.

"Sige na." Pagtataboy ko sa kanya. "I won't leave."

Hilaw siyang ngumiti at tumakbo pabalik sa mga teammates niya. Nakita kong seryoso sila sa pagpapractice kaya maingat akong tumayo at lumabas ng gym saglit para bumili ng maiinom.

Pagbalik ko ay nakita ko yung ex ni Alex. Naguusap nanaman sila. Jusko naman, bakit wrong timing lagi entrance ko? Ano bang pinapasok ko?

"Saan ka galing?" Baling sa akin ni Alex nang nakita niya ako. Nilagpasan naman niya 'yung ex niya. "Sabi mo dito ka lang diba?"

"Uh, eh, sa labas?"

"Sabi mo, you won't leave tapos bigla kang nawala."

Inabot ko sa kanya yung gatorade. "I just brought you this."

Nalaglag yung panga niya sa sinabi ko at napailing pero inabot din naman niya. "Unbelievable."

"Ang alin?"

"Ikaw."

"What?"

"Wala."

Tumango ako. "Tapos na ba?"

Tumango lang siya. "Ligo lang ako. Wait for me here."

Tumango lang din ako at lumapit na sa mga bag namin ni Alex. Kitang kita ko kung paano nagpipigil ng luha yung ex ni Alex.

"Mang-aagaw ka." Akusa sa akin ng ex ni Alex. "Napaka-landi mo."

"Ay, teh? Di nakakaganda 'yung pagiging bitter." Wika ko.

Napailing siya. "Malandi. Maninira ng relasyon."

Napakunot noo ako. "Maninira ng relasyon? Teh, hindi ako. Sira na kasi 'yung relasyon niyo talaga."

"Magsisisi ka din na pinatulan mo si Alex." Aniya. "Akala mo ba magiging masaya ka lagi? Hindi mo kilala si Alex, ako lang ang nakatagal sa kanya. Papalit palit din siya habang kayo pa."

Napapikit ako, naalala ko bigla 'yung sinabi ni Alex kanina sa akin. "Okay, opinyon mo 'yan e. Anyway, thanks for the reminder. Much appreciate it."

Nakakunot noo siya sa akin. "Malandi."

Natawa nalang ako sakanya. Such a childish act for her, eh ano naman kung papalit palit si Alex? Eh, hindi nga kasi kami.

Hindi lumagpas ang kinse minutos ay tapos na si Alex. Kaagad niya akong nilapitan at inaya ng umalis.

"Teka, Alex." Pigil ko. "Hindi mo ba siya kakausapin man lang? Baka ngumawa 'yan dito ha."

Umiling lang siya. "Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko na siyang makausap."

"Pero, mukhang siyang asong kawawa."

"Camila, kung gusto ko siyang makausap edi sana kanina pa diba?"

Nalaglag yung panga ko sa sinabi niya. "Pero kasi..."

Hinila naman niya ako palabas ng gym. Minsan talaga napaka-straight forward ng mga lalake, ano?

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Hatid na kita."

Huli na nung narealize kong nasa carpark na kami. Hindi ko nga pala nagamit ang sasakyan ko dahil coding ako ngayon.

"Meet Rey," Ani Alex sabay turo sa sasakyan niya

It's a black hilux with a heavy tinted windows. Doon ako napaisip na baka naman dito siya gumagawa ng milagro?

"Hop in," Ani Alex na ngayon ay nakasakay na sa kotse niya. Nagdadalawang isip ako kung sasakay ba ako o hindi. "Don't worry, malinis 'to."

Napakunot noo ako huli niyang sinabi, sa huli ay sumakay pa rin ako. Pagsakay ko ay pabango agad niya ang naamoy ko.

"Don't worry, wala akong ginagawang milagro dito. I just want my car to have a heavy tinted." Aniya habang seryosong nagdadrive.

"Why?" Tanong ko. "I mean, sabi mo wala ka namang pakialam sa sasabihin nila diba?"

"I want privacy," Aniya at lumingon sa akin. "Ayokong pagpyestahan nila sa social media 'yung kung sino ang sinakay ko sa sasakyan ko."

Nagkibit balikat nalang ako, "To hell with it, Alex."

Napangiti naman siya sa sinabi ko, "Now you're enjoying my company?"

"Well, let's just say na I'm enjoying everytime I annoyed you're ex-girlfriend."

"Who? Kayla?" Aniya. "Why? May nangyari ba?"

"Wala naman." Wika ko sabay hagikhik, naalala ko kasi 'yung sagutan namin kanina.

"What? You're giggling, there's something."

"Nagkasagutan kami kanina, and she's kinda pissed off." Wika ko. "Not my fault, she started it."

"Oh, c'mon." Ani Alex sabay tawa. "Kwento mo."

"Well, she said na malandi raw ako and sinira ko relasyon niyo." Wika ko habang nakatingin sa kanya. "So, I said na sira naman na talaga relasyon niyo. Which was I made up lang. At 'yun beastmode siya. She even told me na papalitan mo lang din ako."

Tiningnan niya ako, "Naniwala ka?"

"Eyes on the road, Alex." Wika ko. "Nope, As I've said to hell with it, diba? Tsaka sabi mo di mahalaga opinyon nila. I'm doing you a favor kaya naman umayos ka."

"Yes, boss." Aniya at hininto na ang sasakyan niya. "Bukas antayin kita sa quadrangle ha?"

Bago pa ako makasagot ay nakita kong nasa tapat na ako ng bahay namin. Bakit alam ni Alex ang bahay namin?

"Okay? See you around and drive safely."

Nginitian niya ako. "Go inside, Camila."

Tumango lang ako at sinarado na ang pintuan. Kaagad naman niyang pinaandar sasakyan niya atsaka umalis na. Sino ka ba talaga, Alex Pangilinan?

Continue Reading

You'll Also Like

18.4K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.9K 283 37
She wants to know the truth, the truth behind her unforgettable yet forgotten past. Little did she know, temptation would come helpful along the way...
27K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
6.5K 178 35
"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she m...