Kabanata 3

1.6K 71 5
                                    

Kabanata 3

Maaga akong gumising kinabukasan dahil malayo layo pa ang pupuntahan namin. Sinabihan ko na rin si Alex kagabi na dapat alas otso ay paalis na kami sa bahay namin. Wala pa rin mga magulang ko, I don't know if iniwasan talaga nila 'yung araw na 'to o ano, e.

Ginawa ko na yung usual na morning routine ko. Siguro'y nasa baba na rin sina Stella, lagi naman kasi silang nauuna sakin kapag ganitong araw. Sobrang nakakataba lang ng puso kasi may mga kaibigan akong kagaya nila Stella.

Saktong pagbaba ko ay nakarinig ako ng tawanan. Syempre, nangunguna na diyan si Stella at Noah. Wala namang kawala 'yung lakas ng tawa nong dalawang 'yon.

"Good morning, prinsesa!" Masayang bati ni Noah sa akin. "'Lika na, kain na tayo."

Lumapit naman ako sa kanila at nagbeso na sa kanila, binalingan naman ako ni Noah na nakangisi kaya naman napakunot noo ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Oh sa boyfriend mo?" Tanong niya. "Walang good morning kiss?"

Nanlaki mata ko. "Noah!"

Nagtawanan naman sila. Inasar naman nila ako, maging si Alex ay nakisama na sa pang-aasar.

"'Di ko akalain na may boyfriend ka na talaga, beshy." Ani Noah sabay hampas sa akin. "Sana lang ay hindi mo sinasagad pasensya niya."

"Noah Emmanuelle? Ako bestfriend mo diba?" Sabad ko.

"Makulit lang talaga siya," Ani Alex. "Ayaw magpatalo lagi."

"Wow, sayo pa talaga nanggaling 'yan 'no?" Sabad ko pero nginitian niya lang ako.

"Totoo 'yan!" Sang-ayon ni Stella.

Napasimangot naman ako. "Guys, let's eat."

Humagalpak naman sila sa tawa. Pagkatapos naming kumain ay nagready na kami para makaalis na. Pagkasakay namin sa van ay kami ni Alex ang magkatabi sa pinakadulo.

"Umidlip ka," Wika ko. "Mukhang pagod na pagod ka."

Ngumiti siya sa akin. "Ikaw? Di ka matutulog?"

Umiling ako. "Hindi."

"Mamaya nalang ako matutulog."

"Matagal byahe natin, mga dalawang oras at kalahati ang byahe."

"Pwede ko na ba malaman saan tayo pupunta?"

"Sa batangas."

"Anong meron?"

"Malalaman mo din, pagdating natin doon."

"Pwede pasandal sa balikat mo?"

"Okay, sige."

Sumandal naman siya kaagad. "Sorry ah? Mukhang napaka-private pala ng pupuntahan niyo."

"Okay lang." Wika ko. "Masaya nga ako na may sinama ako bukod kila Stella."

"Mahal na mahal mo talaga sila Stella 'no?"

"Oo naman." Wika ko. "Matulog ka na, Alexander."

Natawa naman siya. Sumandal ulit siya at mukhang nakatulog na sa balikat ko. Halata kasi sa kanya na pagod talaga siya. Makalipas ang ilang oras ay nakarating rin kami. Medyo ngalay na rin ako dahil sa bigat ni Alex.

"Gising na, Alex." Wika ko sabay tapik ng mahina sa mukha niya.

"Hmmm.."

"Gising na, uy." Wika ko. "Nandito na tayo."

Halatang pinipilit niyang buksan yung mata niya pero di makayanan kaya naman natawa na ako.

"Good morning, Alexander!" Masigla kong bati dahilan para manlaki mata niya.

Us, Against All OddsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang