Kabanata 1

2.2K 74 3
                                    

Kabanata 1

"Havana, ooh na-na.."

Napatakip na ako ng tenga ko dahil sa kakakanta ni Stella magmula pa kanina sa bahay namin.

"Stella, stop."

"Half of my heart is in Havana, ooh-na-na." Kanta pa niya sabay akbay sa akin. "He took me back to East Atlanta, na-na-na."

"Stop, naririndi na ako." Wika ko sabay alis ng kamay niya.

Humagalpak siya sa tawa. "Haaaay, Ila. Bakit kasi napakaganda mo?"

"Ano bang sinasabi mo?"

Inakbayan niya ulit ako. "Jusko, Ila. Alex Pangilinan na yung jowa mo pero wala ka pa rin muwang sa mundo."

Ngumiwi ako. "Hindi nga kasi kami. Kinwento ko na diba?"

"Sorry, bes. Pero sabi nga ni Alex nasabi na niya.. Tsaka, haler? One month na kaya kayo." Aniya sabay ngisi.

"Ako best friend mo diba?" Inis kong sabi. "Tsaka wala ngang kami."

Oo, isang buwan na yung nakalipas simula nung kinalat niyang kame. Kaya eto, nakatali na ako sa kanya.

Humagalpak sa tawa si Stella. "Oyy. Andiyan na jowa mo."

Napatingin naman ako sa tinuro niya. Nandoon si Alex kasama yata 'yong tropa niya. Noong nakita niya ako ay tumayo siya at lumapit sa akin. Ganito lagi eksena namin. Mag-aantay lagi siya sa quadrangle habang wala pa ako.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya sa akin. "Dapat 15 minutes lang nandito kana."

"Ay taray, bes. Kabisado na ikaw." Sabad ni Stella.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tigilan mo ako, Stella."

Natawa naman si Stella. "Sana'y sanay kang maghintay, Alex. Super bagal kumilos, alam mo na."

Sumimangot naman ako. "Ako bestfriend mo."

Natawa naman si Alex. "Yup, matagal na akong nagaantay."

"Ha?" Magkapanabay naming sabi ni Stella.

Ngumisi lang si Alex at lumapit naman sa amin yung kasama niyang lalake kanina na ngayon ko lang nakitang kasama niya.

"Orb." Pagtawag niya kay Alex. "Una na ako."

Tumango lang si Alex. Umalis naman na si Stella dahil may aayusin pa raw siya.

"Sino 'yon?" Tanong ko.

Napakunot noo si Alex. "Anong sino?"

"Yung kasama mo kanina."

"Bakit?"

"Wow, Alex. Tanong ko sagot ko?"

Sinimangutan naman niya ako. "Wag mo ngang isipin 'yon."

"Tinatanong ko lang pangalan. Ang dami mong sinabi."

"Tss."

"What?"

"His name is Jaxon."

Nanlaki bigla yung mata ko. "You mean Jaxon Santiago?"

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Bakit?"

Siya 'yong Axe na sinasabi nila. 'Yong lalakeng sobrang loyal sa babaeng mahal niya pero niloko siya.

Bigla naman akong hinawakan sa mukha ni Alex. "Stop thinking about him when you're with me."

Napangiwi naman ako. "Corny mo."

Inirapan naman niya ako. Aba't. Napaka nga naman talaga nitong lalaking 'to!

Us, Against All OddsWhere stories live. Discover now