Kabanata 23

1.2K 66 9
                                    

Kabanata 23

Kinabukasan ay maaga akong nagising para makaalis kaagad, kailangan ko munang magpakalayo-layo. Kailangan kong makapag-isip isip, at hindi ko 'yon magagawa kung nasa iisang lugar kami ni Alex. Pagbaba ko ng Bangka ay pumunta na kaagad ako ng sakayan ng bus. Hindi ko alam kung saan ba ako dapat pumunta basta ang alam ko ay kailangan kong umalis.

"Magandang umaga, ija!" Ani ng matandang babae na katabi ko sa bus.

Nilingon ko naman siya at ngumiti. "Good morning po."

"Mukhang dayo ka rito, a?" Tanong niya.

Tumango ako. "Opo, 'la."

"Teka, hindi ka ba kasama nung mga nasa kabilang isla?"

"Kasama po."

"Bakit ka naunang umalis?"

"Kailangan lang po?"

"Alam mo bang magkaiba ang kailangan sa gusto?" Tanong niya.

Tumango ako, "Gusto ko rin ho, 'la."

"Pasensya ka na kung napaka-pakialemara ko, a?" Ani lola. "Nakita ko kasing hindi ka okay."

"'La? Paano niyo pa nasabi na hindi ako okay?"

Ngumiti si lola sa akin, "Sa mata, ineng. Laging sa mata lang."

Lumipas 'yung oras at nasa byahe na kami. I texted Cael, at alam kong suportado niya ako sa mga gusto kong gawin. He's been bugging me na dapat daw ay magbakasyon rin ako. Naalala ko nung panahon na pinagtalunan naming 'yung pagbabakasyon ko.

"Camila naman! Ano bang gusto mong mangyari ha?!" Sigaw niya.

"Bakit nanaman ba?"

"Take a break." Aniya. "Huwag mo naman parusahan 'yung sarili mo."

"I need to work."

"You don't!" He argues. "Kahit isang dekada ka pang hindi magtrabaho ay kaya mong mabuhay."

Bumuntong hininga ako, "Cael naman."

"Okay, fine." Pagsuko niya. "Whatever."

"Nangingiti ka, ija. May naalala ka." Ani Lola sa gilid ko.

"May naalala lang po, 'la." Wika ko.

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?"

Napalingon naman ako kay lola at napatitig sa kanya, unti unti siyang ngumit at doon ko siya nakilala.

"Lola Iska!!!!" Wika ko at napayakap sa kanya.

Tawang tawa naman siya, "Camila, ija."

"Hala, lola Iska!! Ikaw nga!" Wika ko at niyakap ulit siya.

Natawa naman siya, "Hindi ka na dumalaw ulit sa amin."

"Pasensya na po, 'la. Naging magulo lang masyado ang buhay ko."

Ngumiti naman siya, "Naiintindihan ko. Naikwento naman ni Alex sa amin."

"Po? Ni Alex?" Nakakunot noo kong tanong. "Pumunta po siya sa inyo?"

Tumango si lola Iska, "Oo, nung bago siya pumunta ng Japan yata 'yon? Ang sabi niya ay naghiwalay na raw kayo."

"H-hindi ko po alam na pumunta siya."

"Bakit?" Aniya lola Iska. "Bakit kayo napunta sa sitwasyong ganito?"

"Hindi kop o alam, 'la." Pag-uulit ko.

"He doesn't deserve any of this, you don't deserve any of this." Ani lola Iska sa wikang ingles. "Pero bakit? Gusto ko malaman kung bakit."

"Does it matter pa po ba, 'la?" Wika ko. " May kani-kaniyang buhay na po kami ni Alexander."

Us, Against All OddsWhere stories live. Discover now