Kabanata 18

1.2K 58 11
                                    

Kabanata 18

Saan ka nga ba magsisimula kung paunti unti ng gumuguho ang mundong kinagisnan mo? Saan ka nga ba kukuha ng lakas kung paunti unti ng nawawala ang taong nandiyan lang para sa'yo?

"Uy!" Ani Stella sabay hampas sa akin. "Ilang araw ka ng natutulala diyan ah? Anong problema mo?"

"Wala naman."

Napasimangot naman si Stella sa akin pero hinayaan ko nalang. Mabilis lang kaming nagkasama dahil pareho na kaming may susunod na klase.

"Out of topic muna tayo ngayon," Ani Prof Marta. "What would you guys do if kailangan niyong mamili between responsibilities and loved ones?" Pinasadahan niya kami ng tingin, "Yes, Miss Tan?"

"I think, I'll still chose my loved ones." Ani ng kaklase ko. "Kasi they are still my responsibilities naman. At sila 'yung source of strength ko."

"Okay," Ani Prof Marta. "How 'bout you, Miss Delavin?"

Bahagya akong napatulala dahil na sa akin na ang atensyon ng lahat. Hindi ako kaagad nakapagsalita kasi hindi ko rin alam ang isasagot ko.

Bumuntong hininga ako bago tumayo, "I think, I'll chose responsibilities."

Napasinghap silang lahat, maging si prof Marta ay ganoon din ang reaction.

"Honestly, I don't know what to chose or rather what to answer." Wika ko. "But I ended up choosing responsibilities. Why? Not everyone you love is your responsibility. But not every responsibilities you'll take will be understood by your loved ones."

"And?"

"There's this couple na nagkwento ng relationship nila, the guy was given a responsibility leaving him with the same choices. He needs to lead this group but in exchange he has to sacrifice her, their love." Wika ko, naalala ko sila Lolo Isko at Lola Iska. "But at the end? They found their way back to each other." I smiled, "Maybe.. just maybe. If I chose responsibilities now, I might still find my way back to my loved one. Not now, but soon."

Maybe he'll understand. Just maybe. Pero walang kasiguraduhan sa lahat ng bagay, kagaya ng pagmamahal niya sa akin.

Hindi na nakapagsalita si Prof Marta dahil sa bell. Nagsitayuan na rin kasi mga kaklase namin, leaving me with Prof Marta.

Nginitian niya ako, "Sometimes doing the right thing is making us suffer more."

"Pero iyon po siguro ang dapat?"

"Tandaan mo, Ila. May mga bagay na tama pero hindi dapat at may mali pero dapat natin gawin."

Tumango ako at nagpaalam na. Huling subject ko na din naman ito ngayong araw. Dumiretso na ako sa carpark dahil doon naghihintay si Alex.

Tahimik lang kaming nagbabyahe ni Alex papunta sa amin. Naalala ko na mamayang madaling araw na nga pala ang flight nila Mama para maipagamot si Daddy sa Amerika.

Hindi ko na din alam kung ano ba dapat kong maramdaman ngayon. Natatakot ako sa pwedeng mangyari, pero ito lang ang alam kong pwede kong gawin.

"Ayoko na." Wika ko kay Alex ng huminto 'yung sasakyan sa tapat ng gate namin.

Nanlaki bigla 'yung mata niya nung narinig niya ang sinabi ko. "A-anong ayaw mo na?"

Tiningnan ko siya sa mata, "Ito, tayo. Ayoko na, Alex."

"No, no, no! That can't be, Ila!" Aniya. "What the hell is wrong? Tell me!"

"Listen, Alexander.." Wika ko. "Ayoko na. Pagod na kasi ako."

Bigla namang lumambot 'yung mukha niya, "Ila, please, don't."

Hindi man niya makumpleto 'yung sinasabi niya ay naiintindihan ko.

Us, Against All OddsWhere stories live. Discover now