Kabanata 22

1.2K 71 8
                                    

Kabanata 22

Kinagabihan ay wala na masyadong activity, ang sabi nila Lara ay bukas pa daw ang mga susunod na activity. Kaya eto kami ngayon, nasa may dalampasigan. Nakatingin sa kawalan. Doon ko lamang napagtanto na sa loob ng apat na taon ay marami ng nagbago. Kasama na doon ang pagiging magkaibigan naming ni Kayla. Biglaan pero isa mga naging totoong kaibigan.

"Camila???"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin. I was working at a fast food chain here in San Francisco, not because I need money but because I need to do something to divert my attention.

"Naghihirap ka na ba kaya ka nagtatrabaho dito?"

"Kayla." Wika ko.

"Gosh, you were missing in action for a year then nandito ka lang working?"

"Can you lower down your voice?" Wika ko. "I'll explain just please don't tell anyone."

Tumango lang siya at nagkwento na ako. Surprisingly, I did not cry in front of her, but she did. She cried and hugged me. Mukha siyang tanga na umiiyak pero wala siyang pakialam.

"Dammit, Camila! Ikaw 'yung kaagaw ko kay Alex, at hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan bakit ka niya nagustuhan pero gusto kong maging kaibigan mo." Aniya habang umiiyak.

Parang nilukot 'yung puso ko sa sinabi niya, hindi ko alam pero nanghina ako sa sinabi niya, maging sa pag-iyak niya ay sobrang sakit.

Doon ko napatunayan na kung magpapaliwanag ka, maaaring maintindihan nila kung bakit mo pinili 'yung mga desisyon na iyon. Habang naaalala ko 'yung nangyari sa amin ni Kayla ay may natitira pa rin akong pinanghahawakan na maaaring maayos ang mga bagay bagay kahit gaano pa ito katagal. It happens, and if by chance, sana mangyari din sa amin ni Alex iyon.

Nasa harapan ko si Alex ngayon, hawak ang cellphone habang nasa tainga niya. May ngiti sa labi niya habang nagsasalita. Baka kausap ang girlfriend niya. Kita ko 'yung saya sa mata niya, na dati'y ganyan din sa akin. Those were the days na alam kong mahal na mahal niya ako.

Habang tumatagal ay naiisip ko na paano kung hindi ako 'yung nakakita sa kanila ni Kayla noon? Magiging ganito ba ka-kumplikado ang buhay naming? Magiging kami kaya? Kasi kung hindi baka wala kami sa sitwasyon na ito. Baka, hindi na kami nasaktan at nahirapan. Pero sa tuwing naaalala ko lahat ng mga lessons na natutunan ko simula nung una'y, nagiging okay pa din naman ako. Na minsan sa buhay ko ay may isang tulad ni Alex na nagmahal sa akin.

Bigla namang may tumapik sa akin kaya naman napalingon ako, "You stare too much. Mahal mo pa 'no?"

Tinaasan ko ng isang kilay si Stella. "Napatingin lang, mahal pa rin?"

Napailing siya. "You may lie to me pero sa sarili mo hindi."

"Enough, Stella. Napagusapan na natin 'to."

Nagkibit balikat siya, "Why won't you tell him ba? Alam mo naman na pwede ka niyang balikan once na nalaman niya diba?"

"Ayokong balikan niya ako dahil lang doon." Wika ko. "Do you see how happy he is when Lia's around? Ayoko namang isakripisyo niya yon."

"At ayoko rin naman na ikaw lang lagi ang nagsasakripisyo." Naiirita niyang wika.

Ngumiti ako at tinap ang likod niya, "Well, I'm good."

"Lie as long as you want, pero darating ka din sa puntong mismong ikaw hindi mo na kakayanin ang sakit."

Padabog na tumayo si Stella at umalis. Alam ko naman bakit siya ganoon, naiintindihan ko naman. She saw me at my worst state. She's my bestfriend at alam kong she only wants the best for me. She even threatened Axe na huwag sabihin lahat kay Alex lahat ng alam niya.

Us, Against All OddsWhere stories live. Discover now