Kabanata 5

1.4K 67 2
                                    

Kabanata 5

I was too tired to get up nang mag-Monday na. Si Ellie kasi pinagod kami kahapon. Kung saan saan tuloy kami napadpad nila Caleb at Alex dahil sa kanya.

"Are you okay?" Tanong ni Alex sa akin habang naglalakad kami papasok ng school.

Si Caleb naman ay nasa likuran namin ni Alex at tahimik na nagmamasid.

"Medyo masakit pa paa ko." Wika ko na kinatawa niya.

"Ellie's really a brat sometimes." Sabad ni Caleb.

"Sometimes?" Tanong ko. "You mean, everytime.."

Humagalpak naman silang dalawa sa tawa dahilan para maagaw yung pansin ng iba. Instant sikat naman ngayon si Caleb, gwapo rin naman kasi 'tong lalake na 'to, e.

Sa di kalayuan ay nakita ko na si Axe kasama si Aiden, oo nga pala. Teammates nga pala sila nina Alex.

"Masakit rin paa ko, but I can't complain." Ani Caleb. "She'll get hurt."

"I couldn't agree more." Wika ko sabay tawa.

Palapit na kami sa pwesto nila Axe nang biglang manlaki 'yung mata niya.

"Caleb?" Naagaw ni Axe yung pansin ni Caleb. "Bro! Caleb May!"

Nakakunot noo si Caleb. Mukhang iniisip kung sino yung tumawag sa kanya.

"Axe, remember? Jaxon Tan."

"Oh, yeah!" Ani Caleb. "I'm sorry, I did not recognize you."

Tumawa naman si Axe at bumaling kay Alex. "Siya yung sinasabi ko sa'yong gusto kong irecruit galing Masbate."

"Oh? Paano mo nakilala?" Takang tanong ni Alex.

"Noong nagbakasyon ako sa Masbate. Nakilala ko siya kasama pinsan ko." Aniya. "So paano 'tol? Sasali ka sa varsity ha?"

"Yup," Ani Caleb kaya naman napalingon kami sa kanya.

Napangiti naman si Alex at inakbyan si Caleb, "Nice one. Welcome brother!"

Ngumiti lang si Caleb, hindi kasi siya sanay sa ganito, alam ko rin kapag naiirita na ito. Malamang, he's my cousin's boyfriend. Bago pa makasagot si Caleb ay may sumigaw na.

"Omg?!" I know kung sino 'yon. "Caleb? Caleb! Omg!"

"Noah, oh, I mean, Neri." Naguguluhan na wika ni Caleb.

Humagikhik naman itong kaibigan ko. "Gosh, it's been a while!"

"Wow, at nagenglish ka pa talaga ah." Sabad ko.

Hinampas naman niya ako dahilan para mapangiwi ako. "Ikaw ha! Bakit di mo sinabing nandito si Caleb?!"

"Ay, bakit? Jowa mo?" Tanong ko.

"Bakit? Jowa mo?" Balik niyang tanong sakin.

Napailing naman ako sa kanya. "Ewan ko sa'yo."

Natawa nalang si Noah. "Caleb, saan building mo?"

"Uh, sa Engineering."

"Naks, swerte naman ni bakla." Ani Noah sabay tawa.

Napailing nalang ako at bumaling na kila Alex, "Kayo na bahala sa kanya. Future teammates naman kayo."

Tumango at nginitian naman ako ni Alex. "Hatid ko lang saglit, orbs."

Nilagpasan na namin sila, alam ko naman na naiintindihan na ni Caleb ang sinabi ko. Umalis na rin si Noah dahil busy naman talaga ang isang 'yon.

"Ila, wait!" Sigaw ni Caleb kaya napalingon ako, "Please, don't tell Ellie yet about the basketball thing."

Tinaasan ko siya ng isang kilay, "I'm loyal to my cousin, Caleb. You should know that."

Us, Against All OddsWhere stories live. Discover now