An Orphan's First Love: Love...

By JeraldineTanL

5.2M 70.6K 6.9K

Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION More

Prologue
[ 1 ] First Step
[ 2 ] 11SG
[ 3 ] Shirt
[ 4 ] Unlucky
[ 5 ] Twins
[ 6 ] Little Act of Kindness
[ 7 ] Master
[ 8 ] Brave
[ 9 ] Mad
[ 10 ] Mean
[ 11 ] First Kiss
[ 12 ] Classmate
[ 13 ] Girlfriend
[ 14.1 ] Birthday
[ 14.2 ] Monique
[ 15.1 ] Beach
[ 15.2 ] The Wall
[ 16.1 ] Disgrace
[ 16.2 ] Betrayal
[ 16.3 ] Kidnap
[ 16.4 ] Hideout
[ 16.5 ] Saved
[ 17.1 ] Wound
[ 17.2 ] Best Friend
[ 18 ] Vacation
[ 19.1 ] Resort
[ 19.2 ] Trip
[ 20 ] 11 Sexy Gangsters
[ 21 ] Question
[ 22 ] Explain
[ 23 ] Control
[ 24 ] Protect
[ 25 ] Laptop
[ 26 ] Answers
[ 27 ] Keeping The Secret
[ 28 ] A Tiring Day
[ 29 ] Unexpected
[ 30 ] Suspicious
[ 31 ] Effect
[ 32 ] Is This The End?
[ 33 ] Work
[ 34 ] Love and Revenge
[ 35 ] Change
[ 36 ] I Can't Die!
[ 37 ] Bet
[ 38 ] Charity Event
[ 39 ] This Is War
[ 40 ] Winner and Loser
[ 41 ] The Great Jico Choi
[ 42 ] Their Past
[ 43 ] Runaway
[ 44 ] Reminder
[ 45 ] Over Protective
[ 46 ] Key
[ 47 ] Dinner
[ 48 ] Ring
[ 49 ] Falling?
[ 50 ] Gift
[ 52 ] Warning
[ 53 ] Valentines Date
[ 54 ] Trick
[ 55 ] Reminder
[ 56 ] Hospital
[ 57 ] What Happened?
[ 58 ] Confused
[ 59 ] Big News
[ 60 ] Life before Revenge
[ 61 ] Birthday Gift
[ 62 ] Her Condition
[ 63 ] The Wedding
[ 64 ] Hospital
[ 65 ] Intuition
[ 66 ] Regret
[ 67 ] Realizations
[ 68 ] First Love
[ 69 ] Twin Sister
[ 70 ] That Guy
[ 71 ] Goodbyes
[ 72 ] Trust
[ 73 ] Letter
Epilogue
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
AN ORPHAN'S FIRST LOVE BOOK 2

[ 51 ] New Year

43.5K 631 61
By JeraldineTanL

CHAPTER 51: New Year

Nagising si Steffi dahil sa malakas na pagkatok sa pintuan ng tinitirhan niya. Agad siyang napatingin sa oras at kumunot ang noo niya nang malaman na alas-otso pa lang ng umaga. Ang aga aga pa pero may nambubulabog na sa bahay na tinitirhan niya. Itinali niya lang ang buhok niya, nagtoothbrush at naghilamos saka niya pinagbuksan kung sino man ang kumakatok na iyon. Hindi pa man siya nagsasalita ay pumasok na ito sa bahay at humiga sa kama niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito ng ganito kaaga?! Mamaya pa ang lakad natin, ah?"

"Matutulog ako dito. Kung gusto mo pang matulog, tumabi ka na lang sa 'kin," sagot nito.

"At home na at home, ah?"

"Nakalimutan mo na ba? Bahay ko din 'to noon. Kung 'di dahil sa pustahan, magkasama pa din tayo dito ngayon. Manahimik ka na lang kung ayaw mong matulog dahil matutulog ako."

Napanganga na lang si Steffi sa naging sagot sa kanya ni ZAC. Pumikit lang ito habang ginagawang unan ang magkabilang braso nito. Nakatingin lang siya kay ZAC nang may maisip siya. Napangiti siya at unti-unting lumapit sa kama. Humiga siya doon at biglang itinulak si ZAC kaya nahulog ito sa kama.

"Fvck! Bakit mo ako hinulog?!" naasar na sigaw ni ZAC.

"Bahala ka sa buhay mo. Matutulog ako dito."

Nagtakip siya ng unan at nakatagilid na natulog. Naramdaman niya din ang pagbalik ni ZAC sa tabi niya pero dahil wala naman itong ginagawa sa kanya ay hinayaan niya na lang ito.

***

"Geneere, bangon na," paggising sa kanya ni ZAC habang tinatapik ang braso niya.

Hindi niya namalayan na tuluyan na rin pala siyang nakatulog doon. Noong una kasi ay nawala na ang antok niya dahil sa pagdating nito pero nakatulog siyang muli. Siguro ay dala na rin talaga ng pagod.

Sinubukan niyang idilat ang isa niyang mata at nakita niya si ZAC na nakaupo sa gilid ng kama pero pumikit siyang muli. Gusto ng bumangon ng isip niya pero hindi naman nakikisama ang katawan niya. Gusto pa rin na pumikit ng mga mata niya. Napadilat na lang siya sa sunod na ginawa ni ZAC... binuhat siya nito.

"ZAC, ibaba mo 'ko!" protesta niya.

"Sigurado ka?"

"Oo. Babangon na ko kaya bitawan mo na ako."

Kagaya ng hiniling niya, bigla nga siyang binitawan ni ZAC imbis na ibaba ng maayos sa kama. Asar na asar siya sa ginawa nito dahil nabigla siya. Mabuti na lang talaga at nasa tapat pa sila ng kama dahil kung hindi ay baka nabalian na siya ng buto.

"Ang sama talaga ng ugali mo!" naiinis na sinabi niya.

"May bago ba? Sige na, maligo ka na para makaalis na tayo," seryosong sinabi nito.

Kinuha niya ang mga kailangan niyang damit saka siya pumasok ng CR. Sinadya niyang tagalan sa paliligo pero habang nasa loob ng CR ay may naaamoy siya na nilulutong pagkain. Nang matapos siya maligo ay naabutan niya si ZAC na nagluluto doon at kung titingnan ang niluluto nito ay halos luto na iyon.

"Adobo? Kailan ka pa natutong magluto niyan? Baka naman inorder mo lang 'yan at ininit para masabi na nagluto ka para sa 'kin," sabi niya kay ZAC. Hindi talaga siya makapaniwala na nagawa nitong magluto kahit na nasaksihan na niya itong nagluto noon ng isang beses.

"Baka nga. Mag-ayos ka na para makakain na tayo at makaalis dito."

Nagmake-face si Steffi dahil sa naging sagot nito. Ni hindi man lang nito sinagot ang tanong niya at imbis na ipagtanggol nito ang sarili ay hinahayaan lang siya nito na maniwala sa kung ano man na gusto niyang paniwalaan.

Sinuklay niya lang ang buhok at saka umupo sa harap ng lamesa. Inihahanda na nito ang pagkain para sa kanilang dalawa. Nang matapos na nitong ayusin ang pagkain nila ay umupo ito sa tabi niya para makakain na.

"Kumain ka ng marami dahil may pupuntahan tayo mamaya at ayaw ko na magmukha kang patay-gutom doon," seryoso pero may halong pang-aasar na sinabi nito.

"Ano'ng sinabi mo?!"

Agad na tumayo si Steffi sa kinauupuan niya at hinawakan ang buhok ni ZAC. Hinila niya ito paikot sa buong bahay sa sobrang inis niya. Kanina pa siya nito inaasar pero hindi na siya natuwa sa pagsasabi nito sa kanya na patay-gutom siya. Hindi man siya well off ngayon, hindi naman siya ganoon sa tuwing may mga pinupuntahan kung saan kailangan niya magmukhang disente. In the end, marunong pa rin naman siya na mahiya.

"P*tang*na Steffi! Kapag hindi mo binitawan ang buhok ko, hahalikan kita!" pagbabanta nito.

"Talaga? Sige, kung kaya mo! Sino'ng patay gutom ngayon, ha?"

Mas lalo pa niyang hinila ang buhok nito. Nagulat na lang siya na sa isang iglap nakawala ito sa kanya at naitulak na siya nito papunta sa pader. Hawak hawak na nito ang magkabilang kamay niya. Nabigla na lang naman siya nang malakas nitong suntukin ang pader. Para itong galit pero wala sa mukha nito ang galit. Unti-unti nitong inilapit ang mukha nito sa kanya para bumulong.

"Tell me, Steffi. Takot ka lang ba talaga sa 'kin o takot ka na magkagusto sa 'kin?" biglaang tanong nito.

Tinadyakan siya ni Steffi at binalewala ang tanong nito. Bumalik ito sa kinauupuan at agad rin naman siyang sinundan ni ZAC doon.

"Ano ba ang trip mo? Dinadaan mo pa 'ko sa pagalit-galit mo. Hindi ako takot sa 'yo at mas lalong hindi rin ako patay-gutom, 'no."

"Hindi nga ba?"

"Manahimik ka na nga lang. Wala ako sa mood na makipagtalo pa sa 'yo, ZAC."

"Edi patahimikin mo ako kung gusto mo."

Tinaasan lang siya ng kilay ni Steffi pero bakas parin na may pagkalito parin ito sa mukha. Hindi niya makuha kung ano ang gustong iparating ni ZAC sa kanya.

"Hindi mo na-gets? Hindi ko pa pala natuturo sa 'yo ang trick doon dahil noong sinubukan 'kong gawin 'yon, bigla na lang may sumakit sa 'yo."

Hindi na sumagot pa si Steffi. Hindi niya gusto ang ikinapupuntahan ng pinag-uusapan nila. Halatang halata kasi kay ZAC na naguguluhan pa rin ito sa nangyari sa kanya at curious ito sa kung ano man ang sakit niya kaya lagi nitong ipinapaalala sa kanya ang nangyari no'n. Ngayon niya lang din na-gets ang ibig sabihin nito kanina. Kiss ang makakapagpatahimik sa isang tao. Napakunot ang isip niya dahil doon.

Kailan pa naging rule na kiss ang dapat gawin para manahimik ang isang tao?

Ipinagpatuloy niya na lang ang pagkain kahit na nawalan na rin siya ng gana. Masarap naman kasi ang luto nito at sayang kung hindi nila mauubos. Matapos nilang kumain ay nag-ayos lang siya at nagligpit doon saka sila umalis. Hindi niya inaasahan na sa mala-mansyon na bahay sila nito dumeretso. Tuloy-tuloy lang sila sa pagpasok hanggang sa makarating sa kuwarto nito kung saan naghihintay ang sexy na sekretarya nito.

"Sir ZAC, may kailangan po ba kayo at ipinatawag niyo ako?" tanong ng sekretarya nito.

"Sabihan mo ako kaagad kapag dumating na si tanda. Sige na, pwede ka na umalis."

"Okay, Sir. If you need anything, tawagin niyo lang po ako."

Agad itong lumabas ng kwarto kaya naman naiwan silang dalawa sa loob. Humiga sa kama si ZAC. Ginawa nitong unan ang mga braso at saka pumikit. Si Steffi naman, naisipan na tumingin sa tanawin sa labas. Lumingon siya kay ZAC at alam niya na kahit nakapikit ito ay gising naman ito. May biglaan kasing pumasok sa isipan niya kaya gusto niya na magtanong dito.

"ZAC, I'm just curious. Nasaan 'yong mommy mo?"

"Ayoko siyang pag-usapan," pag-iwas nito sa tanong.

"Girlfriend mo ako, 'di ba? Hindi ba dapat kahit clue man lang tungkol sa kanya may alam ako? Kahit kaunting introduction lang," pagpupumilit niya na magtanong.

"Ayoko nga siyang pag-usapan. Kailangan ko ba na ulit-ulitin pa sa 'yo?"

"Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

Binuksan ni ZAC ang mga mata niya at umupo saka siya tiningnan. Agad rin na kumunot ang noo nito. Biglang nag-iba ang mood nito sa naging tanong na iyon ni Steffi.

"Ikaw ang walang tiwala sa 'kin, Steffi. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo sinasabi sa 'kin na may sakit ka mula pa noon na nalaman mo 'yon. Hindi ba dapat ako ang una mong masabihan dahil ako ang boyfriend mo? Hindi ako ang walang tiwala, ikaw."

Natahimik si Steffi sa sinabi ni ZAC. Napatungo siya at saka sandaling pumikit. Hindi niya malaman kung may nilalaman ba ang mga sinasabi sa kanya ni ZAC. Posible kaya na alam na nito ang totoo niyang sakit at nagpapanggap lang ito na walang alam dahil naghihintay na siya mismo ang magsabi? O kaya naman ay wala parin itong kamalay malay sa lagay niya at nagbabakasakali lang ito base sa mga nakita nito?

Nabasag na lang ang katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa nang may kumatok at pumasok sa pinto. Nakahinga ng maluwag si Steffi dahil 'yon ang sekretarya ni ZAC. Magagawa na niyang takasan ang tanong nito. "Ano'ng kailangan mo?" tanong ni ZAC

"Sir ZAC, nandito na siya at mukhang dito siya papunta sa kwarto niyo," natataranta na sinabi ng sekretarya ni ZAC.

"Ano?!"

Madaling tumayo si ZAC at agad na nilapitan si Steffi. Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinila siya. Palabas na sana sila sa kuwarto nang biglang bumukas muli ang pinto at nakita nila ang tatay ni ZAC na nakatayo doon. Seryoso na seryoso ito at kita sa mukha nito na ayaw nito sa nakikita. Tinignan niya si Steffi mula ulo hanggang paa at saka nito ibinaling ang tingin kay ZAC. Nagtaka na lang si Steffi nang hilain siya ni ZAC papunta sa likuran nito at saka binitawan ang kamay niya. Nilapitan sila ng tatay nito at nanlaki ang mga mata ni Steffi at nagulat siya nang bigla nitong suntukin si ZAC. Ni hindi man lang ito umiwas at sinalo ang suntok.

"How dare you bring that girl in this house?!" galit na galit na sigaw ng tatay ni ZAC.. Halos nanginginig ito sa galit.

Natatakot si Steffi sa kasalukuyang nangyayari. Sa unang pagkakataon, hinayaan lang ni ZAC na gawin iyon ng tatay nito at ang nakakapagtaka, tahimik lang rin ito. Hindi ito sumagot sa tanong ng Daddy nito at nakatayo lang doon.

"Ano, hindi ka ba sasagot?!"

"May dapat ba akong isagot? Kahit naman anong sagot ang ibigay ko sa 'yo, hindi mo tatanggapin, 'di ba?" may pagka-pilosopo na sagot ni ZAC.

Kitang kita ni Steffi ang lalong pagka-inis ng tatay ni ZAC sa naging sagot nito. Aalis na sana ito pero lumingon itong muli.

"Mukhang hindi ko makaka-usap ang anak ko kaya naman Ms. Santillan, ikaw ang gusto kong makausap mamaya."

Matapos nitong sabihin ang gustong sabihin ay iniwan na sila nito sa loob ng kuwarto at sumunod rin naman dito ang sekretarya ni ZAC. Hindi alam ni Steffi ang gagawin. Nabigla siya sa nangyari.

"ZAC, o-okay ka lang ba?"

"Hindi mo siya kailangang kausapin. Mas mabuti pa na 'wag na lang kayong mag-usap dahil pag-iinitan ka lang ng matandang 'yon," pag-iwas nito sa tanong.

Bumalik sa hinihigaan niya si ZAC at muling pumwesto kagaya kanina. Siya naman, umupo sa gilid ng kama. Hindi niya maiwasang tingnan si ZAC. Sigurado siya na masakit ang parte ng mukha nito na nasuntok. Ngayon niya lang rin nakita na parang mahina si ZAC. Ni hindi ito lumaban at alam niya na kaya nito iyon ginawa ay para rin sa kanya... para hindi na siya madamay pa at ito na lang ang pag-initan.

May pinagmanahan nga pala talaga si ZAC. Kaya pala ganoon ang ugali niya.

Naiintindihan niya na rin kung bakit naging bully si ZAC. Sa bahay kasi, wala itong laban sa tatay nito kaya sa school, kung saan ito mas may kakayahan na lamang sa ibang studyante, doon nito ipinapakita kung ano ang mga kaya niyang gawin. Alam nito na kaya niyang lumaban lalo na sa tatay nito pero mas pinili nito na 'wag nang lumaban para sa kanya.

Ilang oras na din sila na nandoon. Si ZAC ay natutulog na at siya naman ay nagtitingin tingin ng mga gamit sa kuwarto nito at kakapahinga pa lang niya nang may kumatok.

"Sir ZAC, nandito na po ang pagkain niyo," sabi ng isang babae.

Tumayo si Steffi para pagbuksan iyon pero nagulat siya nang makita niya si Kim na kasama ang katulong na may dala ng pagkain nilang dalawa. Dire-deretso itong pumasok sa loob at tumayo doon habang nakapamewang pa.

"You may go. Iwan mo na kami dito," sabi ni Kim sa katulong.

Nang lumabas ito ay isinara na rin ni Steffi ang pinto.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Kim?"

"Shouldn't I be asking you that question and not you? I came here to check kung totoo nga ang sinasabi nila na nandito ka at dinala ka niya dito. Hindi ba malinaw sa 'yo, Steffi? Fiancee niya ako pero ikaw ang nandito at kasama niya. Don't you think may mali doon?"

"Hindi mo ba kami titigilan?"

"Tingin mo titigilan kita hanggang 'di mo tinatantanan si ZAC? That will never happen, Steffi. What's mine is mine. Bumalik ka na lang doon sa lungga kung saan ka nanggaling! Get lost! Kahit kailan, hindi ka babagay sa mundo namin, do you understand?"

Walang maisagot si Steffi at mas lalong ayaw niya na rin makipagtalo pa kay Kim lalo na at nasa pamamahay siya nina ZAC ngayon. Alam naman niya sa sarili niya ang totoo, eh. Na kaya lang naman sila magkasama ni ZAC ay dahil sa mga plano nilang dalawa ni Jico pero gayunpaman, ayaw niya naman na gumawa ng eksena doon kahit na kaya niya namang gawin iyon.

Ginising niya na si ZAC para makakain na silang dalawa. Tahimik lang sila na kumakain. Ibang iba sa pagkain nila noong nandoon sila sa tinitirhan niya. Hindi rin naman kasi nagsasalita si ZAC kaya hindi na rin siya nagsalita pa.

"Nabusog ka ba o gusto mo na kumain pa?" tanong ni ZAC sa kanya.

"Okay na 'ko."

"Sige. May naiwan pala ako sa sasakyan, kukunin ko muna. 'Wag kang lalabas dito."

Tumango lang siya bilang sagot at saka ito umalis. Hindi pa man umaabot ng limang minuto mula nang lumabas ito ay may pumasok na sa kwarto. Ang akala niya ay si ZAC iyon pero nagulat siya nang makita na tatay iyon ni ZAC.

"Ms. Santillan, we need to talk. I want you to come with me."

"Tungkol na naman ba 'to kay ZAC?"

"Who else can it be? Let's go somewhere else to talk," mariin na sinabi nito.

"Hindi ako sasama sa 'yo. Kung gusto mong makipag-usap sa 'kin, dito tayo mag-usap," pagpupumilit niya.

"I guess I have to take you by force then."

Isang senyas lang na ginawa nito sa mga bantay nito ay nilapitan na siya ng mga ito at hinawakan sa magkabilang braso. Sapilitan siyang dinala nito sa isang kwarto na may kalayuan sa kwarto ni ZAC. Sinubukan niya rin naman na magpumiglas pero kahit anong sikap ang gawin niya ay 'di niya kaya ang lakas ng mga ito. Binitawan lang siya ng mga ito nang maisara na ang pinto at doon ang mga ito humarang para hindi siya makalabas.

"Ano ba'ng kailangan mo sa 'kin, ha? Gumawa na 'ko ng paraan pata bumalik dito si ZAC. Ano pa ba ang gusto mo?" naaasar na tanong niya dito. Gusto niya man itong galangin pero sa ginagawa nito sa kanya, 'di niya na maiwasan na magtanggal ng respeto dito.

"Alam mo ang gusto 'kong mangyari at 'yon ay ang layuan mo ang anak ko. How many times do I have to tell you na hindi ka nararapat para sa anak ko? Bakit hindi mo na lang tanggapin ang inaalok ko sa 'yo na pera at magpakalayo-layo?"

"Don't you think I tried? Sinubukan ko naman, ah? Hindi ko naman kasalanan na 'yang anak mo ang hindi pa rin tumitigil. Bakit hindi siya ang pagsabihan mo tutal siya naman 'tong talagang matigas ang ulo?"

"Sumasagot ka pa, ah?!"

Nabigla si Steffi nang magpakawala ito ng isang malakas na sampal na saktong-sakto na tumama sa kanang pisngi niya. Lalo lang tuloy siyang naaasar dito at mas lalo niya itong gusto asarin dahil sa ginagawa nito.

"Tingin mo ba madadala mo ako sa pananakit mo, Mr. Choi?"

"Hindi ka ba talaga natatakot sa kaya kong gawin sa 'yo?!"

"Do you think may kakatakutan pa 'ko when I have lost everything? Wala ng mawawala sa 'kin kaya kahit anong gawin mo, wala ka ng magagawa," pagmamatigas niya.

Sasaktan pa sana siya nito pero biglang may nagbukas ng pinto at pwersahang pumasok doon si ZAC. Hinihingal ito at halata na tumakbo ito papunta doon at seryosong seryoso rin ang mukha nito. Lalapitan na sana nito si Steffi pero agad itong hinarang ng mga bantay ng tatay nito para wala itong magawa.

"Binabalaan kita, Ms. Santillan. You know what you should do and shouldn't do. Mag-ingat ka sa mga kilos mo. I guess our conversation ends here," seryosong sinabi nito. May halong pagbabanta at galit sa mga salitang binitiwan nito.

Matapos sabihin ang gustong sabihin ay umalis na rin ito at sumunod dito ang mga bantay nito. Naiwan silang dalawa doon ni ZAC at tahimik lang naman si Steffi na nakatayo doon. Gulong gulo na siya at nahihirapan na rin siya. Hanggang kailan niya ba kailangang gawin ang mga bagay na 'yon? Bakit kahit parang gusto niya ng tumigil ay hindi niya pa rin magawa?

Hinila na lang siya ni ZAC doon na walang pasabi at muling dinala sa kwarto nito. Pagkapasok nila ay ininusi nito ang pintuan at naglakad palayo sa kanya. Nakaupo lang ito sa gilid ng kama, nakatungo at nakahilamos ang mga kamay sa mukha.

"ZAC, may problema ba?" tanong niya dito.

Lalapitan niya sana ito pero tumingin ito sa kanya at tumayo. Nakakatakot ang tingin nito na akala mo ay magagawa nito na pumatay ng tao. Nakayukom ang mga kamao nito at mabigat na rin ang mga yabag nito habang papalapit sa kanya. Siya naman, napapaatras na lang hanggang sa wala na siyang maatrasan dahil nasa likuran niya na ang isang cabinet.

"Z-ZAC, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" kita sa boses niya ang kaba. Nakakatakot ang aura nito at kinakabahan siya sa kung ano man ang balak nitong gawin.

Napasigaw na lang siya nang biglaan nitong suntukin ang salamin sa cabinet sa likuran niya. Nanatili ito sa ganoong posisyon. Nakasuntok pa ang kamao nito sa salamin at halos magkatabi na ang mukha nila sa sobrang lapit nito sa kanya.

"Bakit ba hindi kita magawang protektahan?!" naiinis na sinabi nito.

"O-okay lang ako. Wala siyang nagawang masama sa 'kin, 'wag mo ng isipin 'yon."

Hinawakan nito ang mukha niya kung saan siya nasuntok kanina. Bakas doon ang pamumula ng mukha niya dahil sa ginawa ng tatay nito sa kanya pero hindi niya alintana ang sakit noon. Sanay na siya na nasasaktan at balewala lang ang ginawang iyon sa kanya.

"Kasalanan ko kung bakit nangyari sa 'yo 'to," paninisi nito sa sarili.

"'Wag mo ng sisihin 'yong sarili mo. Nanlaban ako kaya ako nasaktan pero wala lang 'to. Kumalma ka na muna, please?"

Hinawakan niya ang mga kamay nito at pilit itong pinakalma. Hinila niya ito papunta sa isang upuan at kumuha siya ng first aid kit. Nilinisan niya ang sugat nito sa kamay at saka ginamot iyon. Tahimik lang silang dalawa habang ginagawa niya iyon hanggang sa makatapos siya. Nagulat na lang siya nang yakapin siya nito ng mahigpit na akala mo ay ayaw na siya nitong pakawalan pa.

"Ipangako mo sa 'kin, Geneere. Hindi mo ako iiwan kahit na ano pa ang mangyari. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa 'kin," pagmamakaawa nito.

Yinakap niya ito pabalik. Kahit papaano ay napangiti ito sa sarili niyang ginawa. Ramdam na ramdam niya kung gaano siya kahalaga para dito. Para itong bata na nagmamakaawa sa nanay niya na 'wag siyang iwan.

"I'm here. Hindi kita iiwan, ZAC," sabi niya para pagaanin ang loob nito.

***

Tahimik lang na nakatayo si Steffi sa veranda at pinagmamasdan ang langit. Marami na rin ang fireworks na makikita sa langit. Maingay na rin sa labas dahil sa loob ng ilang minuto, simula na naman ng bagong taon. Iniisip niya pa lang 'yon ay mabigat na ang pakiramdam niya dahil ibig sabihin noon ay marami pa siyang kailangang harapin. Gusto niya na din na matapos ang lahat at matahimik na ang buhay niya pero kailan kaya 'yon mangyayari?

Hanggang kailan kaya ang itatagal ko rin sa mundong 'to? 1 week? 1 month? 1 more year?

Napakunot siya ng noo sa naisip. Kailan kaya siya mamumuhay ng matiwasay? Ang tanging gusto niya lamang ay pagbayarin ang mga ito sa mga ginawa nila sa taong umampon sa kanya pero bakit parang nalilihis na siya doon? 'Yon na lang naman ang gusto niyang gawin bago siya mamatay. Gusto niya lang rin talaga na magbalik ng utang na loob sa Daddy niya kahit na wala na ito. Sa totoo lang, marami pa siyang bagay na maaring gawin sa mga oras na iyon, ngunit gusto niya na magfocus na lang muna sa dahilan kung bakit siya nandoon. Kapag nagawa niya na ang kailangang gawin, magagawa niya na rin ang iba pang mga bagay.

Nagulat at napalingon na lang siya nang may humalik sa kanang pisngi niya. Hindi niya namalayan na nagising na pala si ZAC. Masyado siyang nadala sa mga iniisip. Ipinulupot nito ang mga braso sa katawan ni Steffi at niyakap siya mula sa kanyang likuran.

"It's time," nakangiting sinabi nito.

Umayos ito ng tayo sa tabi niya at sabay sila nanood ng fireworks. Saktong alas-dose na kaya naman sunod-sunod na ang paputok sa langit. Hindi niya mapigilang ngumiti. Hindi niya masasabi kung 'yon na ba ang huling beses na makikita niya ang ganoong bagay. Wala siyang ideya kung hanggang kailan siya nasa mundong ito kaya gusto niyang sulitin ang mga sandaling nalalabi sa kanya. Hindi niya na rin tuloy maiwasan na maalala ang Daddy niya na nagpapaalala na din sa kanya kung ano ang mga kailangan niya pang gawin.

"May problema ba?" tanong ni ZAC sa kanya. Napansin kasi nito na ang ngiti sa labi ni Steffi ay unti-unting nawawala.

Umiling lamang ito. Hindi siya maaaring magsabi kay ZAC ng kung ano tungkol sa kanyang ama. Kahit na masarap sa pakiramdam na may napagsasabihan siya at hindi niya lang sinasarili.

"Don't move," utos nito.

"Ha?"

"'Wag kang gagalaw."

Pumwesto sa likod niya si ZAC at sinuotan siya nito ng silver necklace na may heart pendant kung saan may naka-engrave na 'S' at 'Z' na initials ng pangalan nila.

"Belated Christmas gift ko sa 'yo. Simple lang 'yan dahil alam ko na hindi ka mahilig sa kung ano-ano na mamahalin kaya sana nagustuhan mo."

Ngumiti siya ng lumingon siya kay ZAC. Kilala na rin naman siya nito kahit papano. Nagustuhan niya rin naman ang regalo nito kumpara sa ibinigay ni Jico na napakahirap tanggapin.

"Thank you, ZAC."

Pinilit na ngumiti ni ZAC. Alam naman nito kung ano talaga ang nararamdaman ni Steffi para sa kanya. Alam nito na hindi siya basta-bastang magkakagusto kaya naman pinipilit nito na magpursigi kahit na ano pa man ang gawin nito na hindi naman nito ginagawa noon. Alam niya na baling araw, makakamit niya rin ang "Yes" niya na matagal na nitong hinihintay. 'Yong "Yes" na talagang taos sa puso.

Dahan-dahan siyang nilapitan ni ZAC pata yakapin.

"Hindi mo kailangang sumagot sa sasabihin ko pero gusto ko lang na malaman mo ang nasa isip ko. Alam ko na kahit hindi mo ipinapakita sa 'kin na gusto mo ako, nahuhulog na rin ang loob mo sa 'kin. Hindi mo man aminin, nararamdaman ko 'yon. I hope na someday, you will open your heart for me, Geneere."

Continue Reading

You'll Also Like

Do or Die ✔ By Kimmy

Mystery / Thriller

9.4K 435 62
Morietur is a online daring game , in which players will be given a dare to save their lives. 〰️ Date Started: April 14, 2020 Date Ended: June 1, 2020
336 127 14
Kwentong nagpapakita ng paglaban sa buhay kahit sa maling pamamaraan at pag-ibig na mahirap ipaglaban.
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
10.4K 174 33
My Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino'...