BOSS Series 1: My boss, His d...

By imikkim21

4M 35K 838

Hindi man perpekto ang buhay ni Alisson, masaya siya at kuntento. Basta nairaraos niya ang kanyang buhay at n... More

BOSS • 1
BOSS • 2
BOSS • 3
BOSS • 4
BOSS • 5
BOSS • 6
BOSS • 7
BOSS • 8
BOSS • 9
BOSS • 10
BOSS • 11
BOSS • 12
BOSS • 14
BOSS • 15
BOSS • 16
BOSS • 17
BOSS • 18
BOSS • 19
BOSS • 20
BOSS • 21
📌 ANNOUNCEMENT 📌

BOSS • 13

89.3K 1.2K 14
By imikkim21

"Hey.."

Napatingin si Alisson sa katabing si Vanessa na ngayon ay kasama niyang nagpapahinga sa isang bench ng naturang theme park. Si Liam naman ay umalis sandali para bumili ng pagkain para sa kanila.

Halos kanina pa silang palakad-lakad at halos lahat na rin ng rides ay nasakyan na nila pero ni isa doon ay walang sinakyan si Liam. Nakasunod lamang talaga ito sa kanila sa buong oras. Sa palagay nga niya ay boring na boring na ito pero hindi naman nito magawang makapagreklamo. Somehow, she's feeling guilty on the fact na siya lamang ang nag-eenjoy sa 'date'raw nila, kuno.

"You know, William is so different now. Hindi siya ganyan dati."

Napukaw ang kanyang atensyon na makinig sa mga sasabihin pa ng babae na may kinalaman kay Liam. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para makilala niya ang boss sa mata ng ibang tao, sa mata ng mga kamag-anak nito at sa mata ng mga malalapit ditong tao.

"Never namin siyang napasama sa mga ganitong lugar. He usually doesn't like crowded and noisy places. Kaya nga na-surprised ako ng bigla na lang niyang sabihin na sasama siya sa gala namin ngayon." Natatawa pa nitong kwento na bahagya rin niyang ikinangiti. "At mas nakakagulat na isinama ka niya. Alam mo ba na sa dami ng naging fling niya at so-called girlfriends, ikaw pa lang talaga ang isinama niya. I mean, no offense meant ha? Hindi ka pa niya girlfriend but look at him, he's so proud to bring you anywhere and I think that's cute. My cousin really likes you."

Hinawakan nito ang pareho niyang kamay saka siya diretsong tinitigan sa mga mata.

"Don't doubt his feelings for you, Ali. Kilala ko ang pinsan ko. When he likes something-no scratch that! When he loves something, he takes it seriously. Kaya huwag kang matakot, ha? We both know na hindi mahirap magustuhan ang isang kagaya niya, so just go with the flow. Kapag alam mo sa sarili mo na gusto mo na rin siya, mahal mo na, huwag mo na siyang pakawalan. He's one heck of a guy, you know."

Vanessa sighed and let go of her hands. Siya naman ay napayuko na lamang sa kawalan ng masabi at maisagot dito.

Tama naman nga ito na hindi mahirap magustuhan si Liam pero problema rin iyon para sa kanya. Maraming mas higit sa kanya ang maaaring magkagusto rito at anong laban nya sa mga ito? Wala.

"But—" Muli siyang napaangat ng tingin ng magsalita na naman ito. "Kapag sinaktan ka niya, kapag pinaiyak ka at niloko, tell it to me. I'm gonna be there to back you up." Anito saka itinaasang braso habang nag-aaktong macho. She can't help but to giggle on that.

"Thank you, Vanessa."

Umiling-iling ito. "Nah. Don't mention it. I like you for my cousin."

Nasa byahe na sila pabalik pauwi ng untagin ni Liam ang pananahimik niya mula sa pagkakadungaw sa labas ng bintana.

She's silently appreciating the night lights vibe the city is giving off. Hindi niya maiwasang humanga sa mga nagkikislapang ilaw na kahit sa malayo ay natatanaw niya.

"You can sleep, Alisson. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo."

Umayos siya ng pagkakaupo saka humarap dito. She gave him a smile while shaking her head.

"Okay lang. Hindi naman ako inaantok, si—" Natigilan siya ng maalala ang nangyaring paghalik nito kanina nang tawagin niya itong sir. So she has no choice, huh? "L-liam." Napayuko siya roon.

Hindi pa talaga siya komportable na tawagin ito sa pangalan.

Napangisi naman ang lalaki dahil doon.

Mukhang wala na siyang ibang magagawa kundi ang tawagin ito sa pangalan. Baka kasi kapag sir siya ng sir dito, maya't-maya rin siya nitong halikan.

Gusto niyang batukan ang sarili sa naisip.

Of course, Liam wouldn't do that! He doesn't have all time in the world to kiss you! You idiot!

"I know you're tired. Pwede mo akong tulugan, kung iyon ang inaalala mo. I'm good here." Dagdag pa ng lalaki na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha.

She pouted on that.

Oo, pagod siya. Pero hindi naman talaga siya inaantok. At saka isa pa, kapag natulog siya ngayon tapos magigising rin siya mamaya, mahihirapan na siyang makatulog ulit at hindi pwede 'yon. May trabaho pa sila bukas. Ayaw naman niyang mapuyat at ma-late sa trabaho.

Sa huli ay hindi rin siya napilit nito na matulog hanggang sa makarating na sila sa building kung nasaan ang unit nito.

Sa may parking lot na lamang siya nito inihatid at tinanggihan na ang alok niya na sumama sa itaas dahil may aayusin pa raw itong presentation para sa meeting bukas.

"Alisson."

Natigil siya sa paglalakad at mabilis na nilingon si Liam na bumaba ng sasakyan. Inilang hakbang lamang nito ang paglapit sa kanya.

"May nakalimutan ka?" She curiously asked.

Liam smiled at her. "Yeah."

Napaangat ang mga kilay niya doon.

Meron?

May nakalimutan siguro itong ibilin sa kanya para sa meeting bukas. Siguro sasabihin nito na agahan niya ang pasok para matulungan niya ito sa pagpe-prepare ng presentation o kaya naman ay may ipapaasikaso ito sa kanya na may kinalaman sa presentation.

"This."

And with just one swift move, the man lean his head forward and gave her a peck on the corner of her lips.

Wala sa sariling napatitig siya rito ng umayos ito ng pagkakatayo habang nakangiti pa rin sa kanya.

"Good night, Alisson."

Kumabog ng husto ang kanyang puso sa paraan ng pagkakasabi nito doon. Hindi siya makahinga ng maayos na para bang ano mang oras ay sasabog ang kanyang dibdib sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"G-good night din si-Liam." Hindi magkandatutong sabi niya saka mabilis na tumalikod dito at naglakad papunta sa elevator.

Nang makapasok sa loob ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Her heart was indeed pounding very fast and unconsciously, she smiled.

Wala naman nga sigurong masama kung gugustuhin na niya ng tuluyan ang kanyang boss, 'di ba? Wala naman siyang nakikitang mali doon.

She's decided. She'll give herself a chance to like Liam more without limitations and without hesitations.

Kinaumagahan ay hindi na siya nasorpresa ng dumating na naman ito para sunduin siya at sabay silang pumasok sa opisina. Balak pa nga sana niyang kumain muna ng almusal pero nakakahiya naman sa kanyang boss na bihis na bihis na kung paghihintayin niya pa ito ng matagal.

Walang gaanong nangyari ng araw na iyon dahil maghapong nasa loob ng conference room si Liam dahil sa meeting nito.

From: Sir Liam
Can't bring you home tonight, sweetie. Mom insisted me to have dinner with them. Should I call the company's driver to accompany you?

Napatigil siya sa pag-aayos ng gamit sa kanyang lamesa nang mabasa ang text na iyon mula kay Liam. She's about to compose her reply pero hindi iyon natuloy ng tumawag na ito.

"Hey."

She bit her lower lip.

Sexy.

"I already called the driver. Sorry talaga hindi kita maihahatid ngayon. Si mommy kasi."

She let out a small laugh. Animo'y para itong bata sa munting pagmamaktol na iyon.

"Okay lang. At saka hindi mo na sana inabala si Mang Dante." Tukoy niya sa driver ng kompanya. "Kaya ko namang mag-commute na lang. Malapit na lang naman 'yun dito e."

The man hissed on the other line. "Alam mo namang hindi ako mapapanatag sa ganyan, Alisson. I want you home safe and sound. Kung pwede nga lang talaga na ako ang maghatid sayo ngayon, baka kanina pa."

"Pero-"

"No more but's, sweetie." He cutted her off. "Text me when you're at home already. Okay?"

Bahagya siyang napasimangot doon pero um-oo na rin lamang siya sa lalaki para wala ng mahabang paliwanagan.

Sometimes, Liam being so bossy annoys her eventhough it's for her own good. Minsan gusto na niya itong tarayan at pagsabihan na ayaw niya na pinapangunahan siya sa mga bagay-bagay at mas lalong ayaw niya na pinipilit, pero agad niyang naaalala na boss niya nga pala ito at wala siyang karapatang magtaray dito.

Pagdating niya sa ibaba ng lobby ah naroon na nga si Mang Dante. Mabilis niya itong nilapitan.

"Magandang gabi po, ma'am Alisson." Bati nito ng makalapit na siya. She smiled at the man while nodding her head slightly.

She really doesn't want to take the ride today. Paano niya sasabihin sa matanda na hindi siya magpapahatid? Ayaw naman niya na ma-ooffend ito sa pagtanggi niya.

She cleared her throat before speaking to him. "Mang Dante, ano.. hindi na po ako magpapahatid." Halata ang gulat sa mukha ng kausap dahil sa sinabi niyang iyon kaya agad niya itong sinegundahan. "Huwag niyo na lang pong banggitin kay Liam. May dadaanan pa po pati ako. Baka abutin pa kayo ng gabi sa daan." Muli niya itong nginitian.

"Pero ma'am, kabilin-bilinan po ni sir na ihatid ko kayo. Baka po magalit 'yon sa akin kapag nalaman niya na hindi ko kayo naihatid."

She shook her head many times while waving her one hand. "Kaya nga po hindi natin sasabihin." Sinubukan niyang magpaawa pa rito. "Sige na, Mang Dante. Please?"

Napabuntong-hininga na lamang ang matanda kasabay ng marahang pagtango tanda na pumapayag na ito. Napangisi naman siya ng malawak dahil doon.

Masaya siyang nagpaalam sa matandang driver na wala ng ibang nagawa kundi ang habulin siya ng tingin habang naiiling pa rin.

Bago siya dumiretso sa sakayan ng jeep ay dumaan muna siya sa tindahan ng cake at ibinili si Angie ng pasalubong. Nabanggit kasi nito sa kanya kagabi na gusto raw nitong kumain ng chocolate cake.

Papatawid na siya sa walang gaanomg dumadaang sasakyan na kalsada ng bigla na lamang sumulpot ang isang humaharurot na motorsiklo na wala yatang balak magmenor. Hindi siya sigurado kung lasing ba ang rider niyon o talagang hindi lang siya nakita nito na tumatawid.

Pinilit niyang umiwas dito pero sa kasamaang palad ay nahagip pa rin ang kanyang kanang braso. Napadaing siya sa pagsigid ng matinding kirot sa parteng iyon ng kanyang katawan kasabay ng pag-upo niya sa gitna ng kalsada.

Pinapakalma rin niya ang sarili sa muntikan ng pagkakasagasa sa kanya. Mabuti na lamang at mabilis ang kanyang reflexes at nakaiwas siya dahil kung hindi, baka kung saan na siya tumilapon sa sobrang bilis ng takbo ng motorsiklo na iyon.

She was biting her lips hard when she noticed a pair of shoes standing in front of her. Tumingala siya at nakita ang rider ng motorsiklong nakasabit sa kanya.

"Damn!" Mahinang usal nito ng mura saka mabilis na umuklo sa harap niya. "I'm so sorry, miss. I didn't notice you. Okay ka lang ba?"

Marahan siyang tumango rito.

At least, the guy has the guts to stop and say sorry to her. Kung iba siguro ito, baka hindi na siya pinansin at pinabayaan na lamang doon.

"You sure? Wala bang masakit sayo?" Halata sa boses nito ang pag-aalala. Kasabay niyon ay ang pagtanggal nito sa suot na helmet.

Napakurap siya ng makita ang kabuuan ng hitsura ng lalaki. Mukha itong anghel na bumaba sa lupa. Napakaamo ng mukha nito na animo'y hindi pa nakagawa ng kahit isang kasalanan simula ng ipanganak ito. Sobra ring kinis ng mukha nito na mahihiya kahit ang mukha niya na itabi rito. Mas mukha pa nga yata itong babae kumapara sa kanya. And those black and deep-soothed eyes of him, na mas nakadagdag sa mukha nitong pagka-inosente, nangungusap ang mga iyon.

Umiling siya. "Wa-wala naman. Okay ako." Binigyan niya ito ng tipid na ngiti pero hindi ito natinag.

Sinipat nito ang kabuuan niya para siguraduhin na nagsasabi siya ng totoo pero ng mapadako ang mga mata nito sa kanyang braso ay doon na ito napapalatak ng mura.

"Damn miss! You are not okay! May sugat ka oh! How could you say you're okay when.." Humugot ito ng malalim na paghinga. "Shit! Look at that big wound on your arm!"

Hindi bagay. Nausal niya sa kanyang utak dahil sa sunud-sunod nitong pagmumura.

"I'm going to bring you to the hospital. Can you stand?" Mabilis nitong inilahad ang kamay ng tumango siya.

Maingat at marahan siya nitong inalalayang makatayo.

"Uhh.. huwag mo na akong dalhin sa ospital. I'm fine, really. Sa bahay ko na lang ito gagamutin. Maliit na sugat lang naman ito." She tried smiling at the man pero kaagad iyong napalitan ng ngiwi sa biglaang pagkirot ng kanyang braso.

"No." Matigas nitong sagot. "Whether you like it or not, i'll bring you to the hospital. Sakay." Pinal nitong sabi saka walang anu-ano'y isinuot sa kanya ang kanina'y suot nitong helmet.

In all fairness, mabango. Nasaway niya ang sarili doon ng maamoy niya ang isinuot na helmet sa kanya ng estranghero. Behave, Alisson!

Wala na siyang nagawa ng pasibadin nito ang dalang motorsiklo at dalhin siya sa pinakamalapit na hospital sa lugar.

Guess she'll be staying late outside tonight because of this stranger who accidently made her arm wounded.

Continue Reading

You'll Also Like

11.7M 210K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...
21.5M 548K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
1.6M 33.5K 58
"W-what did I do to you? W-why are you torturing me L-like this?" -Marzena Perez. She just want to Have a peaceful life, But it Seems that Destiny is...
4.1M 110K 53
"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be y...