I am Underdosed (MingKit Fanf...

By kellskellay

5.8K 480 319

(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit More

Prologue
Chapter 1: Hydroxyethylrutoside
Chapter 3: Ibuprofen
Chapter 4: Varenicline Tartrate
Chapter 5: Aripiprazole
Chapter 6: Risperidone
Chapter 7: Midazolam
Chapter 8: Alprazolam
Chapter 9: Methylphenidate
Chapter 10: Mefenamic Acid
Chapter 11: Azathioprine
Chapter 12: Tramadol
Chapter 13: Clozapine
Chapter 14: Sildenafil
Chapter 15: Sertraline
Chapter 16: Olanzapine
Chapter 17: Indinavir
Chapter 18: Norepinephrine
Chapter 19: Haloperidol decanoate
Chapter 20: Amphetamine
Chapter 21: Sulpiride
Chapter 22: Triazolam
Chapter 23: Clindamycin
Chapter 24: Celecoxib
Chapter 25: Metoprolol

Chapter 2: Loperamide

325 23 13
By kellskellay

Vocabulary!!!

Loperamide - Anti diarrhea. Pampa-tigil ng diarrhea.

•••

"Pwede ko bang makuha number mo?" Tanong ni Ming.

"Pero kung ayaw mo, ayos lang. Alam ko namang pangit ang phone ko at…"

Pinutol ko na yung sasabihin niya at kinuha nalang ang phone niya. Nilagay ko ang phone number ko at sinave. Kit Pogi. Yan ang pangalan na inilagay ko.

Binalik ko na sa kanya yung phone niya. Nakayuko parin siya at nahihiya. Ano bang mali kung ang phone mo naman ay 3310?

"Sabay na tayong lumabas." Sabi ko. Tumango lang siya at sinimulan ko nang lumakad. Susunod din naman siya sa akin.

Hindi ko maatim na nasa likuran ko siya kaya hinila ko siya papunta sa tabi ko.

"Ang sabi ko, sabay na tayong lumabas."

Parang nagulat siya sa ginawa ko. Wala na siyang magagawa kung hindi ang sumunod nalang dahil ikinapit ko ang braso ko sa braso niya.

Malapit na kami sa parking lot nang tanggalin ko ang pagkaka-kapit ko kay Ming.

"Ingat ka sa pag-uwi Ming!"

Binuksan ni kuya ang bintana ng sasakyan niya.

"Ihatid mo si Ming. May lakad pa kami ni Beam." Sabi ni Kuya Forth.

"Ming! Saglit lang!" Sigaw ko.

"Para matuto ka na din umuwi mag-isa." Sabi ni kuya.

"Penge ako pera! Paano pamasahe namin?" Sabi ko.

Nilabas ni kuya ang wallet niya at binigyan ako ng isang libo. Kulang to! Hahahaha!

Tumakbo ako papunta kay Ming.

"Sabay na tayo umuwi. Ihahatid kita." Sabi ko.

"Naku! 'Wag na! Hindi kasi maganda sa lugar nam…"

Dakilang intrimitido talaga ako. Siyempre sasabihin niyang hindi maganda sa lugar nila. What's the point kung pakikinggan ko ang dahilan niya?

Hinila ko na siya palabas ng school. Nagpunta muna kami sa drug store para bumili ng Loperamide. Mahirap na baka makigamit ako ng banyo nila Ming.

Nagpara ako ng taxi at sumakay na kami ni Ming.

Sinabi na ni Ming sa driver kung saan ang bahay niya. Para kasi kaming tanga naghihintayan kung sino ang magsasabi kung saan pupunta.

Habang nasa biyahe, naisip kong mabait naman siguro itong si Ming. Hindi naman siguro ako mapapahamak sa lugar nila.

Paano kung masamang tao pala siya? Kikidnappin niya ako hihingi ng ransom sa kuya ko? Paano na ang pogi kong mukha?

Mahirap lang sila at hindi malabong mangyari yun. Dapat ba talaga iniisip ko 'to ngayon? Ako pa ata ang masama dahil sa mga naiisip ko. I should be pogi but gentle not pogi but judgmental.

"Diyan na lang po sa tabi manong."

Ipinara na ni Ming ang taxi. Kinuha ni Ming ang wallet niya para magbayad pero inaabot ko na sa driver ang pera. Wala nanaman siyang magawa kung hindi ibalik ang wallet niya sa bulsa niya.

Bumaba na kami ni Ming sa taxi nang masuklian na ako. Tama nga si Ming. Pangit nga dito sa lugar nila.

Madaming mga bata at mga tambay. Unang pagkakataon ko itong maka-apak sa ganitong lugar. Hindi rin kaaya-aya sa ilong ang amoy dito. Bagong bago talaga para sa akin.

"Sabi ko naman kasi sa'yo hindi mo magugustuhan dito sa lugar namin." Sabi ni Ming.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ayos lang! Sanay ako sa ganito!" Sabi ko. Pero ang totoo, hindi naman talaga. Ayaw ko lang siyang maoffend.

"Tara na sa bahay niyo!"

Habang naglalakad, naisip kong pagsisihan ang pagiging mapilit ko. May nadadaanan kaming maputik, malumot, at basang sahig. Kung hindi sementado, malamang putik na lupa talaga ang natatapakan ko.

Para akong tanga dito na nakatingkayad maglakad. Puti ang sapatos ko at nadudumihan na nga dahil sa dinadaan namin ngayon.

Huminto sa harap ko si Ming na nakaluhod. Napatigil naman ako bigla sa paglalakad.

"Bakit ka nakaluhod diyan?" Tanong ko.

"Sumampa ka na dito sa likod ko. Kanina pa nadudumihan 'yang sapatos mo." Sagot niya.

"Ayos lang! Pwede na…"

"Kanina ka pa nahihirapan maglakad. Sumampa ka na sa likod ko."

Ako naman yung pinatigil niya sa pagsasalita. Mukhang wala akong magagawa, madudumihan ang sapatos ko kaya sumampa na ako sa likod niya.

Maarte talaga ako kasi pinalaki ako ni kuya na madaming hanash sa buhay at sa gamit. Maski sina mama at papa, hindi ako pinapadapuan sa lamok.

Dapat ba akong matuwa ngayon kasi hindi na nadudumihan ang sapatos ko o dapat akong mainis ngayon kasi pinagtitinginan na kami ng mga tambay?

Hayaan mo na. Basta't hindi madumihan ang sapatos ko.

"Baba na, nandito na tayo." Sabi ni Ming.

"Dito ka lang muna. Hintayin mo ako." Dagdag pa niya.

Hindi mo man lang ba ako papapasukin?

"Sabi ko naman kasi sa'yo wag mo na pag-aralin iyan si Ming!" Sigaw ng lalaki sa loob. Tatay siguro ni Ming.

"May scholarship nang natanggap si Ming! Dapat niya lang na ipagpatuloy ang pag-aaral niya!" Sigaw din naman ng isang babae. Mukhang bad timing ang pagpunta ko ngayon.

"Gastos lang yan! Mahirap na nga tayo, magaaral pa siya?!"

Nagpatuloy pa yung sigawan. Mukhang walang magpapatalo sa dalawang nag-aaway.

"Hoy! Dayo ka ba dito? Mukhang mayaman ka! Bigyan mo kami ng pera para makalabas ka nang buhay dito." Sabi ng isang lalaki. Mga limang lalaki sila na pangit at madudumi ang balat.

Tinuruan din kasi ako ni kuya Beam kung paano mag illustrate ng isang tao. Knowing na pintasero si kuya Beam ayon kay kuya Forth.

"Hindi ganyan manghingi ng limos. Wala akong mabibigay. Umalis na kayo mga pangit!." Buong tapang kong sinabi. Sa totoo lang, kinakabahan na ako. Paano kung bugbugin ako ng mga tambay na ito?

May lima pang dumating na mga lalaki at tumabi sa kanila. Now, I'm fucked up.

Ibibigay ko na ba ang pera ko? Paano kung pati phone ko kunin nila? Paano din ang pogi kong mukha?!

"Anong nangyayari dito?!"

Nabigla ako sa boses na iyon. Si Ming pala. Lalo tuloy akong kinabahan, ito na ba ang katapusan ko?

Kikidnappin na ba nila ako? Tatalian ang mga kamay at bubusalan ang bibig ko tapos isisilid ako sa sako at hihingi ng ransom sa kuya ko.

"May dayo dito pre! Mukhang mayaman!" Sabi ng isang tambay.

Sabi ko na nga ba! Sisimulan ko na bang magdasal para sa buhay ko?

"Itigil niyo na 'yan. Bisita ko 'yan." Sabi ni Ming. Nakita ko naman gulat ang hitsura ng mga tambay.

"Umalis na kayo. Mag sorry kayo sa bisita ko." Dagdag pa niya.

"Pasensya na sa inasal namin!" Sabi ng mga tambay in unison.

"Pasensya na din boss! Hindi na mauulit!" Dagdag pa nila.

Tama ba yung narinig ko? Boss ang tawag nila kay Ming? Boss ba siya ng mafia the mahirap version?

"Sige na. Umalis na kayo."

Tama nga ang narinig ko. Siya nga ang boss ng mga kumag na ito. Kung utusan niya lang na humingi ng tawad at umalis na, madali niya lang nagagawa.

Kung mag-pamasahe kaya ako ng likod ko?

"Pasensya ka na sa kanila. Mababait 'yang mga 'yan sa mga piling tao. Kasama ka na dun." Sabi ni Ming. Now I feel safe.

"Punta na lang tayo sa park malapit dito. Hindi kasi maganda kung sa bahay pa tayo tutuloy."

Tumango lang ako. Tama naman siya. Bad timing lang talaga ang pagpunta ko ngayon.

Naglakad kami papunta sa park na sinasabi niya. Kasama namin ang lima sa mga tambay kanina. Parang mga body guard sila ni Ming. Body guard ko na din dahil VIP ako. Mag-pabuhat nalang kaya ako sa kanila?

"Pili ka kung anong gusto mo." Sabi ni Ming. Nasa tapat kami ngayon ng isang ihawan. Tamang tama dahil gutom ulit ako.

May mga pagkaing bago sa paningin ko. Ibig kong sabihin, barbecue at hotdog lang ang alam ko.

"Ito! Masarap itong... Uhm..."

Saglit! Alam ko to eh!

"Isaw Manok." Sabi ni Ming.

"Oo tama! Masarap yan! Tatlo niyan! Tsaka dalawang barbecue."

Sige lang Kit! Paghusayan mo ang pagkukunwari. Aminin mo nang lumaki kang hindi nakakatikim ng ganyang klase ng pagkain para hindi ka nahihirapan!

"Bigyan mo ako tol ng gusto niya at isang softdrinks. Ilista mo na lang sa akin." Sabi ni Ming sa tindero.

Hindi ko maatim na kakain ako at si Ming naman ay hindi. Isama mo pa yung limang tambay na kasama namin.

"Ito ang bayad kuya. Bigyan mo din si Ming ng gusto niya tsaka itong mga kasama namin." Sabi ko. Tinanggap ng tindero ang bayad kong tumataginting na isang libong piso.

Kumuha na din yung mga kasama namin ng pagkain pati na din si Ming.

Naupo na ako sa rock bench nang makuha ang order namin. Yung mga kasama ko naman ay nakatayo sa harap ko.

"Maraming salamat po! Boss Kit!"

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 468 26
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
137K 3.2K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
355K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys
13.8K 801 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...