Mending Fina [COMPLETED]

By barbsgalicia

2.2M 56.6K 6.8K

[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is... More

Mending Fina
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
ALTERNATE ENDING

Chapter 7

70.5K 1.9K 158
By barbsgalicia

FINA

FINA WAS STUNNED for a moment. Hindi niya inaasahan 'yon!

It was just a short, sweet kiss pero pakiramdam niya napunta pa rin siya sa ibang daigdig.

Nang pakawalan na ni Jett ang mga labi niya, bigla pa itong ngumisi. "Ang tamis ng dessert ko ah." Sabay kabit na nito ng seatbelt at buhay sa makina ng kotse na parang wala lang.

Siya naman hindi pa rin nakapag-salita. Parang ayaw magsink-in sa utak niya ang nangyari!

"Ayos ka lang?" tanong na ni Jett habang nagda-drive. "Nagulat ka ba?"

Doon lang siya natauhan. Nagpigil siya ng ngiti sabay lipat ng tingin sa bintana.

Natawa si Jett. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat ka."

"First ko kasi 'yon."

"Ha?"

"First kiss ko 'yon."

"Talaga? Ang swerte ko naman pala."

Siya naman 'tong natawa. Tiningnan niya ito. "Ang daya mo, nangbibigla ka eh."

"Ayaw mo ba ng gano'n? Mamaya uulitin ko para ako pa rin ang second kiss mo. Tapos bukas ulit para ako pa rin ang third."

Hindi niya na napigilan ang kilig niya. "Baliw. Mag-drive ka na nga lang diyan, nakakainis ka."

Tumingin na ulit siya sa bintana pagkatapos. Kunyari pa siyang naiinis pero sa loob-loob niya halos mangisay na siya sa sobrang kilig!

Buong byahe tuloy hindi na siya nakapag-salita ulit. Nawala bigla ang pagiging makwento niya dahil sa ginawa ni Jett.

***

NANG MAIHATID siya nito sa bahay, tsaka lang siya muling naka-imik.

She removed her seatbelt at inayos ang mga gamit niya. "Uhm, bye. Salamat sa dinner. Nabusog ako."

Nginisian siya nito. "'Yun lang? Thank you lang? Wala man lang ulit akong dessert?"

"Tumigil ka, nakanakaw ka na nga kanina eh."

"Sige na. Isa lang ulit tapos palalabasin na kita." Sinandal pa talaga nito ang ulo nito sa upuan tapos pumikit.

Siya naman, napanganga. Ano ba naman 'tong si Jett, bakit ang landi! Feeling niya tuloy bigla na lang namula mga pisngi niya.

Dapat nga lalabas na lang agad siya ng kotse kaso ang bilis siya nitong nahawakan sa kamay. "H'wag mo akong takasan. Kapag hindi mo ako hinalikan, ako ulit ang hahalik sa 'yo. Hindi ka na makaka-uwi kapag ginawa ko 'yon."

Nanglambot ang buo niyang pagkatao! Hala bakit may gano'n! May panghaharas na nagaganap!

"Bilisan mo. Naiinip ako," sabi pa nito.

She stared at him. Nakapikit pa rin ito at handang-handa na ang mga labi. At sino naman bang makakahindi sa gano'ng itsura? My God, ang gwapo!

Sumilip muna siya sa labas kasi baka mamaya nag-aabang na pala sa kanya si Ate Martha. Pero wala namang tao sa paligid.

Bumuntong hininga siya. She doesn't know how to properly kiss pero bahala na! Mabilis lang niyang hinalikan si Jett sa gilid ng labi nito tapos lumabas na agad siya ng kotse at pumasok sa bahay!

***

HALOS MAG-IISANG linggo na ang lumipas mula ang naganap na dinner date, pero hanggang ngayon, bumabalik pa rin sa isip ni Fina ang ginawang pag-halik sa kanya ni Jett.

Natatandaan niya pa rin kung ga'no kanipis at kalambot ang mga labi nito, at kung paano siya nito ngisian pagkatapos halikan. Para bang nasarapan talaga ito sa tinikman na 'dessert'.

Bukod sa halik, buhay na buhay rin sa isip ni Fina ang mga ka-sweet-an na ginagawa ni Jett sa kanya lately.

Katulad kaninang umaga, tinawagan na naman siya nito para alamin kung gising na ba siya. Ang ganda tuloy uli ng pasok ng araw niya. Nasasanay na nga siyang naririnig ang boses ni Jett every morning eh. Ewan niya ba, simula nang mangyari ang first kiss nila, may nagbago na sa kanilang dalawa. Imbis tuloy na tumutok siya sa pag-aaral dahil malapit na ang prelim, hindi niya magawa dahil palagi niyang iniisip si Jett.

Mas madalas na rin silang magkita ngayon. Kahit na tuloy pa rin ang kasunduan nilang hindi sila magpa-pansinan sa university dahil sa sinasabi nitong "setup", walang gabi na hindi siya nito pinuntahan sa bahay.

Kapag maaga ang uwi niya, pinupuntahan siya ni Jett mga bandang 8pm. Nagugulat na nga lang siya minsan patulog na siya, tapos magte-text ito na nasa labas ito ng bahay.

May mga times pa na dinadalhan siya ni Jett ng pagkain, o kaya pupunta sila sa malapit na fast food restaurant. Hindi na nga ito madalas nagdadala ng sasakyan papunta sa kanila, eh. Mas gusto raw kasi nitong maglakad na kasama siya, para raw mas matagal yung oras na magkasama sila. She appreciates those little things, 'yung mga gano'ng effort. Nakakawala ng pagod.

Hindi niya alam kung paano nagagawa ni Jett 'yon, pero meron itong sariling paraan para pakiligin siya. Singungaling siya kung sasabihin niyang hindi pa siya nahuhulog sa lalaking 'yon.

Ang lambing-lambing pa nito sa kanya. Kung alagaan siya nito, parang ito ang nag-aaral ng Nursing at hindi siya. Hindi niya nga malilimutan 'yong araw na dinalaw siya ni Jett sa ospital na pinagdu-dutyhan niya. Alam kasi nitong wala siya sa mood no'ng araw na 'yon. Nakipag-kita ito sa lobby at nagulat na lang siya kasi may bitbit itong pagkain for her. At ang mas kinatuwa niya ro'n, si Jett mismo ang nagluto.

Kung titingnan, para na silang totoong mag-boyfriend at mag-girlfriend. Lalo pa't nabanggit ni Jett na nagseselos ito kay Pierre. Feeling niya sila na talaga at pagmamay-ari na siya nito. Kaso, hindi sila eh.

Athough there are times na parang nagugustuhan niya na rin ang kanilang so-called 'setup'. Mas okay kasi hindi niya kailangang mag-paliwanag kay Ellie at sa iba nilang mga kaklase. Para lang siyang nag-eenjoy. Para silang may sikretong ayaw nilang ipaalam sa mundo. Sa kanila lang, sila lang ang nakaka-alam.

But of course, gusto niya sana 'yung totoo. Gusto niya 'yung may totoong commitment, 'yung may totoong obligations, 'yung may assurance na sila talaga. Besides, parang gano'n na rin naman talaga ang asta nila, eh.

"So, ganyan?" Biglang litaw ni Ellie sa harapan niya. "Kapag straight ang buhok kailangan talaga malayo ang tingin at ngiting-ngiti?"

Napatigil tuloy agad siya sa pananaginip nang gising. Nakabalik na pala ang bestfriend niya mula sa pagbili ng miryenda, and again, ang buhok niya na naman ang pinuntirya nito.

Natawa na lang siya sabay ipit ng buhok niya sa likod ng tenga niya. "Masama bang mag-plantsa ng buhok?"

Sinubukan niya lang naman. Wala kasi siyang duty ngayon kaya tinry niyang mag-lugay at mag-plantsa.

"Well actually, hindi naman talaga masamang mag-plantsa ng buhok," sagot ni Ellie. "Ang masama, 'yung ngumingiti ka diyan mag-isa. Mukha kang retarded."

"Grabe ka naman maka-describe."

Natawa ito at sumubo na ng binili nitong carbonara. "Umayos ka kasi! Tumigil ka sa kaka-ngiti sa hangin. Malapit pa naman tayo sa pinto nitong cafeteria. Nakakahiya kang kasama. Parang gusto kitang itakwil bilang best friend ko, e. Kanina ka pa kamo ganyan."

"Huwag mo na nga akong pinagpapansin. Masaya lang ako. 'Yang pagkain mo na lang ang tutukan mo."

"Paano kita hindi mapapansin e ang weird mo. In love ka ba, ha? Ilang araw ka ng ganyan. Parang iba ang aura mo these past few days."

Inlove raw. Ewan niya. Hindi pa siya sigurado. Pero sa palagay niya sobrang lapit niya na ro'n.

"Maganda lang ang araw ko," sagot niya kay Ellie. "Teka, anong oras na ba? Naiwanan ko relo ko sa bahay eh." Sabay tingin sa itsura niya sa salamin na nakapatong sa table.

"'Wag kang mainip, Fina. 15 minutes na lang alas-kwatro na. T-teka nga..." bigla nitong inagaw ang hawak niyang salamin. "...kanina ka pa tingin nang tingin dito, maganda ka na. Ano pa bang inaayos mo? Dati hindi naman kita nakikitang nag-aayos unless manonood tayo ng practice nila Pierre."

"Wala. Bakit, masama na rin bang manalamin?"

Naalibadbaran na siguro ito sa kasisilip niya sa salamin. E tinitingnan niya lang naman kung maayos pa ang itsura niya.

Kabisado na kasi niya ang oras ni Jett, eh. Alam niyang maya-maya lang ay tatambay na ito at ang mga kaibigan nito sa cafeteria.

Ewan niya ba kung bakit excited siyang makita uli si Jett. Kanina pa nga siya hindi mapakali sa kinauupuan niya. Maya't maya rin ang spray niya ng pabango sa uniform niya, para naman maamoy siya nito 'pag dumaan ito sa pwesto nila. Panay tuloy ang sita sa kanya ni Ellie. Ang OA niya na raw.

Napasilip naman siya bigla sa bestfriend niya ngayon. Sarap na sarap ito sa kinakain nitong macaroons. Saan naman kaya 'yon nanggaling? Parang hindi niya naman ito nakitang may biniling gano'n kanina.

"Hindi ba napapagod 'yang panga mo sa kaka-nguya?" Biro niya kay Ellie.

Siniko siya nito. "Ikaw naman, hayaan mo na nga 'ko. Ito na nga lang ang stress reliever ko, eh."

"Stress reliever? Para namang stressed out na stressed out ka talaga, ha."

"Oo kaya. Stress na rito, stress pa sa bahay." Napahaplos pa ito sa noo na parang problemado talaga ito.

"Bakit?" She asked her. "Ano na namang nangyari sa bahay niyo?"

Inubos muna nito ang isang pirasong macaroon bago sumagot. "E pa'no, si Kuya Allen, palaging may topak. Nagku-kulong sa kwarto. Ayaw na ngang tumulong sa business, ayaw pang magpa-kasal. Namomroblema na sila Mama."

"Minsan sa sobrang badtrip ni Kuya, pati ako sinusungitan niya, eh," she continued. "Nagka-sagutan kaya kami kagabi no'n."

"Bakit ba kasi ayaw magpakasal ng kuya mo? Baka naman pangit 'yung pinapakasal niyo sa kanya?"

"Uy hindi, ah! Ang ganda-ganda kaya ni Ate Vannie. Angelic face. Ewan ko nga ba sa kuya ko ba't ayaw magpakasal. Palibhasa ang gusto pa rin no'n e 'yung ex niya."

Magtatanong pa sana uli siya pero bigla na siyang natigilan. Napansin niya na kasi ang pagpasok ng mga kaibigan ni Jett sa loob ng cafeteria. Na-tense siya bigla! She's so sure na maya-maya lang ay darating na rin si Jett.

Dumiretso ang mga kaibigan nito sa table malapit sa bilihan ng school supplies. Teritoryo na nila 'yon, e. Kinindatan pa nga siya ni Gio. Pero yumuko lang siya. He's not her target.

Muling bumukas ang pinto ng cafeteria at niluwa na noon ang lalaking ina-asam asam niyang makita. Si Jett! Ewan niya pero bigla siyang kinilig!

Binuklat niya na lang agad ang libro niya para kunwari nagbabasa siya. Para-paraan lang para hindi nito mapansing nag-aabang siya sa pagdating nito. Nang maramdaman niyang malapit nang dumaan si Jett sa table nila, tsaka niya lang ito tiningnan. Nagkatitigan sila, tapos bigla itong ngumisi. Ang gwapo! Napapikit pa siya nang maamoy niya ang sexy, musky scent nito pagkadaan.

Pasimple niya itong sinundan ng tingin habang naglalakad ito papunta sa table sa likuran.

Nabalik na nga lang siya sa sarili niya nang sikuhin siya bigla ni Ellie. "Hoy Fina Tuazon, para ka kamong tanga! Nangingisay ka diyan. Naiihi ka ba o ano?"

Hindi siya pumatol. Kunwari lang siyang uminom ng soda para makatakas uli ng tingin kay Jett sa likuran. Nakikipag-tawanan na ito kila Gio.

Nagulat na lang siya nang bigla itong naglipat ng tingin sa kanya. He stared deeply at her tapos kumindat ito. Natawa na lang siya sa loob-loob niya. Ang hilig talaga ni Jett sa mga gano'ng pagpapa-pogi.

Binalik na niya ang tingin niya sa harapan. Naabutan niya si Ellie na tamad na tamad na nakatingin sa kanya. Mukhang nahuli na siya nito.

Natawa na lang tuloy siya. "Ba't na naman?"

"Anong 'ba't na naman'? Ang landi mo kamo."

"Tinitingnan lang eh."

"Tinitingnan daw. Iba ang tinitingnan sa tinititigan ha, Tuazon. Ang lalandi niyo. Akala mo 'di ko kayo napapansin?"

Lalo siyang natawa. Ewan niya ba kung bakit imbis na kabahan siya dahil nahuhuli sila ni Ellie, eh natatawa pa siya. Hindi naman ito nagtatanong tungkol sa kanila ni Jett. Pero feeling niya nakakahalata na ito kahit papa'no, hindi lang ito nagsasalita.

Napansin niya na lang na hawak-hawak na ni Ellie ang cellphone nito. Pagkatapos no'n, bigla na itong nagligpit ng mga gamit.

"O, aalis ka na?" she asked.

"Oo. Kanina pa pala nag-text mga ka-grupo ko, ngayon ko lang nabasa. Una na 'ko, ha? Hintayin mo tawag ko mamaya. Titingnan ko kung sabay tayo makakauwi para maihatid kita sa inyo. Bye na." Bumeso pa ito sa kanya tapos dali-dali nang lumabas ng cafeteria bitbit ang mga libro nito at payong.

Hinayaan niya na lang kahit na iniwan siya nito kasama ang mga pinagkainan nito.

Sinilip niya uli si Jett. Kaso busy na ito sa pakikipag-kwetuhan kila Gio. Hindi na siya nito napapansin kaya bumalik na lang ulit siya sa pagbabasa.

Ilang saglit lang naman ay napag-desisyunan niya na ring lumabas. Lilipat siya sa library dahil may kailangan siyang i-research sa Internet.

Inayos na niya ang mga gamit niya at hinanda ang payong niya dahil umuulan na naman sa labas.

Akmang aalis na siya nang bigla niya namang nakita si Pierre na kapapasok lang sa cafeteria. Na-excite siya! She missed him! Ilang araw din kasi silang hindi nagkita dahil masyado itong busy sa practice. Malapit na kasi ang laban ng team.

Tinawag niya agad ito. "Pierre!"

Mabilis naman itong napatingin sa kanya, tapos ngumiti. He looks so cool sa suot nitong dark green sweatshirt at black pants. Sinalubong agad siya nito at napansin niya pang nakatingin ito sa ayos ng buhok niya.

Nang magkalapit na sila, hinaplos pa talaga nito ang straight niyang buhok. "Wow. Hindi na 'ko magsasalita. Basta wow."

Napanguso siya. "Oo na, 'wag mo nang pansinin. Para ka ring si Ellie, eh."

"'Di na nga 'ko nag-comment. 'Wow' na nga lang sinabi ko."

Napangiti na lang siya. "O, wala kang klase?" Hindi kasi ito naka-uniform.

"Wala. Pero mamaya may practice ako." Bigla siya nitong binigyan ng milk chocolate bar. "O, para sa 'yo. Chocolate."

"Naks naman! Thank you! Ang sweet mo ah, binilhan mo pa talaga 'ko."

"Sinong nagsabing binilhan kita? Buy 1, Take 1 'yan. 'Di ko kayang ubusin pareho kaya sa 'yo na lang 'yung isa." Sabay tawa pa nito na parang nang-aasar!

Sinamaan niya ito ng tingin. "Grabe ah. Pasalamat pa pala ako at Buy 1 Take 1 'yung nabili mo. Sa'yo na nga 'yang chocolate mo. Ayoko na niyan." Binalik niya kunwari.

Natawa naman lalo si Pierre. "Biro lang, 'to naman galit na agad. Para sa'yo talaga 'yan." Inabot uli nito sa kanya 'yung chocolate.

"Ayoko na, nagbago na isip ko. Sa iba mo na lang ibigay."

"Sige na, tanggapin mo na. O gusto mong lumuhod pa 'ko rito?"

"Sus! 'Di mo naman gagawin 'yon, e. Takot kang masira ang image mo."

"Hindi talaga. Baka isipin pa ng mga tao dito, nililigawan kita."

Ay ang yabang! Pinalo niya nga! "Grabe ka talaga. Tinalo mo pa ang lakas ng hangin sa labas, ah."

Natawa lang uli ito sabay haplos sa batok. "'To naman si Fina, 'di na mabiro. Tanggapin mo na kasi, para sa'yo nga talaga 'to. 'Pag 'di mo tinanggap, sige, kay Gio ko na lang ibibigay. O kaya kay Jett."

A-ano raw?

Agad siyang lumingon sa likuran niya. At parang gusto niya na lang mawala bigla nang makita niyang nakatayo nga sila Jett sa likuran nila mismo! Ang sama-sama pa ng tingin nito sa kanya!

"Oy, Pierre," biglang tawag ni Gio. "Ano 'yan ah. Wala ka sa ring pero umiiscore ka."

Natawa si Pierre. "Si Fina kasi, ayaw tanggapin 'tong binibigay kong chocolate."

"Ba't ayaw? Baka naman hinaharas mo. Tanggapin mo na, Fina. Kung ayaw mo, amin na lang."

Bumagsak ang mga balikat niya. Kung pwede niya lang sipain 'tong si Gio at Pierre palabas ng cafeteria, ginawa niya na, eh!

Sinilip niya ang reaksyon ni Jett.

Nakatingin na ito sa ibang direksyon, pero kitang-kita sa mukha nito na badtrip ito. Kinabahan tuloy siya. Alam niya naman na kasing nagseselos 'tong si Jett kay Pierre, eh. Pa'no pa kaya ngayon na nakita mismo nito na binibigyan siya ng chocolate? Si Pierre kasi ang lakas din ng trip!

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 135K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?
96.7K 5.3K 45
COMPLETED ✔️ ⭐️ A RomancePH official "Kilig All Year 'Round" read. ⭐️ Valentine's Day 2021 Special ❤ At the age of 27, no boyfriend since birth B o...
3.6M 63.1K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...