I Honestly Hate You

By LadyEmina

3.9K 122 19

They say, try and try until you succeed. What if you tried and tried your best but then you failed? Let it go... More

I Honestly Hate You
Chp. 1 "Stalking my Crush."
Chp. 2 "The Concert & The Scene"
Chp. 3 "His Dark Side"
Chp. 4 "Aryl meets Vince."
Chp. 5 "I Agreed."
Chp. 6 "The Payment."
Chp. 7 "Back to a Normal Life? Or Complicated Life?"
Chp. 8 "She Rejected Him."
Chp. 9 "Ashley Nicole Munoz?"
Chp. 10 "I Love You. Isn't Enough?"
Chp. 11 "The New Student Council President is an Anti-Fan?"
Chp. 12 "The Campus Muse, Fariz."
Chp. 13 "A Bestfriend of Janea."
Chp. 14 "A Fourth Year High School Top Student, Lexy."
Chp. 15 "The Deal Has Started."
Chp. 16 "This Annoying Arrogant Man."
Chp. 17 "He Found Her Album."
Chp. 18 "Why he's so Cold?"
Chp. 19 "Even Just A Friend."
Chp. 21 "Emergency Call."
Chp. 22 "The Truth."
Chp. 23 "I Won't or Give up?"
Chp. 24 "My First Heart Break."

Chp. 20 "His Favorite Song."

65 3 4
By LadyEmina

~

Earl's POV.

Kinabukasan...

Dahan-dahan kong naimulat ang mga mata ko at napatingin ako sa paligid. Ang liwanag naman. Umupo ako at kinusot ang mga mata ko. Napalingon ako sa terrace. Kaya naman pala maliwanag dahil bukas na buka ang kurtina ng terrace. Nag-unat na lang ako at tumayo na. Nasa'n kaya si Libby? Nautusan na naman siguro ni Jhonny yun. Umiling na lang ako at kumuha ng towel at bubuksan ko na sana ang pinto ng cabinet ko para kumuha ng damit na susuotin ngayon nang bigla akong makarinig ng isang boses..

Isang babaeng kumakanta ng isang kantang pamilyar na pamilyar sakin. Agad kong sinundan yung boses at nakita ko si Libby na nag-aayos ng mga gamit niya sa may mini-sala. Naka-earphone siya habang kumakanta.

Ang... Ang ganda ng boses niya...

May naalala ako bigla sa kantang kinakanta niya at ewan ko ba? May bigla akong naramdaman na hindi ko maintindihan. Her voice, is so nice and good to hear.

Natigilan ako sa pagkakatayo at pagkakatulala nung bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko. Nagulat siya sakin kaya naitanggal niya bigla ang earphone niya at kinakabahan na tumingin sakin.

“Ahh. Ahmm. Gi-gising na po pala kayo sir Earl. Me-meron po ba kayong ipag-uutos?” 

Bigla akong tumalikod sa kanya. Ewan ko ba pero meron akong ibang naramdaman nung marinig ko yung boses niya. “Wala. Wala akong iuutos. Sige na maghanda ka na lang diyan.” Sabi ko saka na ako umalis at pumasok ng banyo at nag-shower.

Damn. There is something on her voice that keeps me feel like I’m in Theatre. A voice like an Angel?

Nakakainis hindi ko na dapat pang isipin ang boses niya. Its just nothing. Hays. Kinalimutan ko na yung nangyari at tinapos ko na lang ang pagligo at pagbihis ko. Mayamaya pa ay lumabas na ako ng shower, hindi ko nakita si Libby sa kahit saang sulok ng kwarto. Nasa’n na naman ba ang babaeng yun at hindi nagpaalam? Hays, nakita ko na naka-ready na din ang mga gamit ko sa may gilid ng kama. Lumapit ako sa side table ko at chi-neck ko ang phone ko, may miscall galing kay Jhonny. Siguro pinaghahanda na kami. Kaya naman kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng kwarto. Nakita ko sina Jhonny at Libby kasama ang buong miyembro ng The Chasers sa harap ng elevator. Mukhang ako na lang pala ang hinihintay nila.

“What’s with that face Earl?” Biglang tanong sakin ni Clint. 

“Bakit?” Takang tanong ko.

“Para kasing wala ka sa mood ngayon.” Sagot naman sakin ni Xander. Umiling lang ako.

“Pagod lang siguro ako.” Ang naisagot ko na lang sa kanila.

“Cheer up yourself now Earl. It is not the right time para mapagod ka. Meron pa kayong last performance mamaya.” Ang sabi naman ni Jhonny kaya nag nod na lang ako.

Mayamaya pa ay sumakay na kami sa elevator pababa sa ground floor. Sumakay kaagad kami sa Van papuntang Grand Center Astrodome. Doon kami magpi-perform para sa goodbye stage na gagawin namin. Kailangan muna namin magpahinga dahil sunod-sunod na projects and works ang natatangap namin.

Habang nasa biyahe kami ay katabi ko si Libby. Di ko siya tinitingnan at sa bintana lang ako nakatingin. Ewan ko ba basta, kinalimutan ko na yung nangyari kanina pero naalala ko ulit nung makita ko siya. What’s with her and I got affected on what happened. Tss. 

Don’t think about that Earl. Stop thinking, stop.

Libby’s POV.

Bakit kaya parang wala sa mood si Earl ngayon? Galit ba siya sakin? Siguro yung kanina yun? Siguro kanina pa niya ako tinatawag nun, tapos ayaw niya lang magalit this day kaya sinabi na lang niya na kunwari ay wala siyang inutos. Hay nako naman! Ako pa ata ang dahilan. Ayoko naman siyang kausapin dahil pakiramdam ko mabubulyawan niya ako anytime. Siguro di na lang muna ako magsasalita.

“Hey, Libby. Ang lalim ng buntong-hininga mo ah. May problema ka ba?” Nagtanong bigla sakin si Vince, nasa kanan ko kasi siya bale napapagitnaan nila ako.

“Ah wala, wala naman. Last performan niyo na diba? So, it means mamayang gabi di na kayo magi-stay sa Hotel at uuwi na kayo.” Pagbabago ko naman sa usapan.

“Ahh. Oo, kailangan din namin ng bakasyon kasi nitong huling release ng Album namin ay sunod sunod ang concerts and performance on-stage at sobrang nakakapagod kaya naman, magpapahinga muna kami ng ilang months.” Paliwanag naman ni Vince. Nag-nod na lang ako sa kanya.

“Libby. Diba 1 month ang naging kontrata mo kay Earl bilang personal assistant namin?” Nagulat naman ako sa tanong sakin ni Vince. Napayuko na lang ako.

“Ah, oo. Bakit mo nga pala biglang naitanong Vince?”

“Wala naman. Naisip ko lang na kung ako ang nasa kalagayan mo ay mahihirapan ako.” Natameme ako sa sinabi ni Vince, mukhang alam ko na naman ang ibig niyang sabihin.

Bakit nga ba? Bakit nga ba si Earl pa ang napili kong tao na mamahalin ko. Alam naman ng lahat na hindi, hindi ako yung mahal niya. At kahit ano mang sitwasyon o pangyayari ang mangyari ay wala din namang tsansa na magustuhan niya din ako.

“Pero alam mo Libby, naisip ko lang din na hindi dapat ako magisip agad ng ganun bagay... Kasi di naman natin alam kung ano ang susunod na mangyayari diba? Kaya maganda ng sumabay lang tayo sa kung anong nangyayari at maging handa.”

Napangiti ako. Tama si Vince, di ko din dapat hulaan kung ano ang mangyayari. Pero may pag-asa nga ba o wala?

Napalingon ako ng bahagya kay Earl. Naka-earphone siya at sa glass window pa din nakatingin. Napayuko ako at bumuntong-hininga na lang.

After an hour ay nakarating na din kami sa Grand Central Astrodome. Pababa pa lang kami ng van ay sinalubong na kami ng maraming reporters and media’s. Agad naman humarang ang mga security guards at prinotektahan kami hanggang sa makarating kami sa safe room kung saan naka-assign ngayon ang The Chasers.

“Napakadaming reporters sa labas... Nakakatakot.” Halos naibulog ko na lang ang huli kong sinabi.

“Masanay ka na Libby, 1 month lang naman ang magiging hirap mo.” Biglang sabi sakin ni Jhonny kaya bigla na naman akong nalungkot.

Bakit parang pakiramdam ko ay mabilis lang na mawawala ang isang buwan? Parang kakasimula ko lang sa trabaho ko sa kanila diba? Bakit parang kahit anong oras ay aalis na ako at matatapos na ang kontra kang masyadong mag-worried Libby. Tandaan mo, di mo naman alam ang mangyayari eh.” Bulong naman sakin ni Vince. Ngumiti na lang ako sa kanya.

Maya maya pa ay naghanda na sila at nag-perform, habang ako dito sa loob ng dressing room ay pinapanuod sila sa isang flat screen T.V.

Wala talagang mas gagaling pa sa The Chasers, palagi silang gardworking and good entertainer, naalala ko tuloy yung unang araw na naging die hard fan ako ng grupo nila. Yun ay dahil sa nang-stalked ako noong kay Earl kaya naman nadiskubre ko din ang grupo niya. 

Pero sana kahit na konti ay wag na siyang maging cold sakin... Kung may galit pa din siya sakin sa nagawa ko noon ay sana nabawasan yun.

Okay na lang talaga sakin na maging magkaibigan na lang kami.

Pero, kelan naman kaya mangyayari yun? Earl...

~

Sorry for a long no post. :(

Continue Reading

You'll Also Like

339K 7.7K 33
Bored ako
1.7K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
81.3K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...