When They Meet Again (Revisin...

By DreamerCWriter

35.5K 327 59

**Formerly Arranged Marriage?!** "Do you think it is easy for me to forget the past? No! It is... More

When They Meet Again
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 5

1.2K 27 4
By DreamerCWriter

"That look on your face was priceless Blairre"  

---

Blairre's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ng phone ko. Haaay. Pakiramdam ko ay kulang na kulang pa ako sa tulog. Medyo late nadin kasi kami nakauwi kagabi kaya antok na antok pa din ako ngayon. But I have no choice at kailangan ko ng bumangon dahil may importanteng meeting pa ako ngayon. Agad akong dumiretso sa banyo para gawin yung morning rituals ko. At nang matapos ako ay lumabas na ako para sabayan na kumain sila Mommy at Daddy na for sure ay kumakain na sa dinning room ngayon.

"Good morning Princess!" rinig kong sabi ni Mommy pagkakita sa akin, as expected, nandito na nga sila agad. My Mom and Dad are both an early birds kaya kahit na mapuyat man sila ay hindi sila na-lelate ng gising. Agad akong lumapit sa kanila, Mommy is busy preparing our breakfast while Daddy is busy reading some papers na sa tingin ko ay tungkol sa kompanya dahil nakita ko yung logo nung company namin. Haaay, kung wala lang talaga akong pasok ay baka natutulog pa din ako hanggang ngayon.

"Good morning Mom, Dad" bati ko sa kanila at saka sila kiniss sa cheeks nila bago umupo at para sabayan sila sa pagkain. Agad na nawala yung antok ko nang makita ko ang favorite breakfast meal ko. Pancakessss! Mula talaga pagkabata ay mahilig na ako sa pancakes at Mommy's pancakes is the most delicious pancake in the world. Narinig ko pa yung mahinang tawa nila Mom at Dad at hindi ko na kailangan pang itanong kung bakit sila natawa. It's because of my reaction, I swear. What can I do? Pancakes are my favorite food kaya talagang hindi matatawaran nang kahit na anong bagay yung reaksiyon ko everytime na makakakita ako nito, specially if the pancake was made by my Mom.

Dati ko ng sinubukan na i-test kung kay Mommy nga talaga yung pinakamasarap na gawa ng pancakes. I ordered the best pancake all over the whole world. Kung saan saang bansa iyon at masasabi kong masarap nga ang kanilang pride when it comes to pancakes. Iba't ibang uri at iba't ibang paraan ng pagluto yung mga gawa nila and also the toppings of their pancakes are so mouth-watering na talagang nanaisin mong tangkilikin but.. but after tasting those pancakes na galing pa sa iba't ibang panig ng mundo ay iisa lang ang napatunayan ko sa sarili ko, still.. still Mommy's pancakes are the best. I don't know if I'm being bias but seriously my mother's pancakes are still the best for me. Iba yung feeling na kontento ako after kong kainin yung pancake na gawa ni Mommy. Iba yung busog ko kapag iyong gawa niya yung nauubos ko. Well, I guess it is because Mommy's pancakes are full of love. Yea, siguro yung tipong habang tinitimpla at niluluto niya iyon ay parang ako yung nasa isip niya, like that. Oh God, what am I saying? Ni wala nga akong alam sa pagluluto. 

Yea, you read it right? Lahat ng skills and talents na meron ang isang tao ay biniyayaan ako. Lahat as in lahat except for that one. Cooking. Simula pagkabata ko ay hindi talaga ako natutong magluto. Mom tried to teach me how pero everytime na susubukan ko ay sumasabog yung kalan na ginagamait namin. Yup, literal na sumasabog. Buti nga ay hindi ito nag-co-cause ng sunog e. Hindi ko din alam kung bakit yun pa yung hindi sa akin binigay, yung talent sa pagluluto. It's one of the most important thing na dapat ay alam ng isang babae. Pero ako! Wala talaga, hindi ako marunong maghiwa ng mga sangkap. At yung simpleng pagluluto lang ng itlog ay hindi ko alam. Even the basic dishes ay hindi ko alam lutuin. That's how useless I am in terms of cooking.

Naalala ko pa nga nun. When I was 17, kakagaling ko lang nun sa school at nasa England pa kami nun ay wala sila Mom and Dad, umuwi sila ng Pilipinas for some business reason kaya naiwan ako kasama yung mga maids namin nun. And siyempre gutom na ako nun dahil kakagaling ko nga lang sa school ay naabutan kong nagluluto ng kung ano yung family chef namin sa kusina. And then, pumanhik na ako nun sa taas sa kwarto ko para magbihis at nung matapos ay bumaba ako only to see our family chef nowhere. At dahil nga gutom na talaga ako ay nakialam ako sa niluluto niya. I was stirring it at ginaya ko yung ginagawa nung mga chef na nilalagyan ng wine yung niluluto nila, I search for the wine in the wine counter and so I did. Halos mapaiyak ako nun ng mapasabog ko na naman yung kalan ng hindi ko naman alam kung bakit ito sumabog. Tapos yung I think legs ng chicken na niluluto nung family chef namin turned black. Sising sisi talaga ako na nakialam pa ako dahil talagang mas naantala pa yung dapat na pagkain ko, to think na gutom na talaga ako nun. And that was the last time na nakialam pa ako sa kusina. That was the last time na humawak ako ng mga gamit sa kusina. I think na trauma na ako, who wouldn't diba? Kaya until now, never na talaga akong pumuntang kusina. Hanggang dining area lang ako.

And of course kahit na biniyayaan ako ng lahat ng skill except for cooking ay iisa lang talaga ang forte or master ko at siyempre ang gusto ko. And that is, managing business.

"Let's eat" nabalik ako sa sarili ko ng sinabi iyon ni Mommy. God! Ang layo na ng narating ng utak ko. Nakita kong susubo na sana si Mommy ng parang may maalala siya kaya nakangiti siyang tinignan ako. At sinasabi ko sa inyo, I don't like the way she is smiling right now.

"How was the dinner Princess?" nakakalokong sabi ni Mommy habang nakangiti pa sa akin ng nag-uuyam. And as if on cue ay nagflashback sa isipan ko yung mga nangyari kagabi. Seryoso kong tinignan si Mommy na hanggang ngayon ay tinitignan at nginingitian padin ako ng parang nag-aasar.

"You said it was just a dinner" nagtatampo kong sabi sa kanila. Di man lang kasi ako ni-ready na engagement party pala namin ni Jhimro yun. I was clueless. Hindi man lang ako na-ready mentally para dun sa event. 

"Sorry Princess, your Mom and your Tita Rebecca want it to be surprise for you kaya hindi nila pinasabi" kahit na medyo nagtatampo ako dahil hindi man lang nila ako ni-inform ay tumango na lang ako saka nginitian sila pareho. Ayaw lang siguro nila akong ma-pressure kung sasabihin nila sa akin the day na sinabi nilang gusto nila akong ipakasal kay Jhimro na tomorrow na agad yung engagement party. I understand them kaya hindi ko na lang ginawang big deal yung hindi nila pagsabi sa akin. Isa pa tapos na.

Nagkuwentuhan lang kami about sa ngyari sa event kagabi during the whole duration of our meal. Kaya nung matapos na akong ubusin yung pancakes ko ay nagpaalam na ako para muling umakyat sa taas para makapag toothbrush at makapag-ayos ng konti at naghanda na para pumasok. Nang makababa ako ay naabutan ko na silang nasa sala habang nanonood ng kung ano man ang palabas sa TV.

"Dad, Mom" tawag ko sa kanila upang kuhanin yung atensyon nila na siyang napagtagumpayan ko naman.

"Yes Princess?" nakangiting tanong sa akin ni Daddy habang si Mommy naman ay nakatingin lang sa akin na parang hinihintay din yung sagot ko mula sa tanong ni Daddy.

"Mauna na po akong pumasok. Di pa po ba kayo papasok ni Mommy?" tanong ko sa kanila dahil parang kapwa wala silang balak na umalis ng bahay ngayon. Pareho silang naka casual clothes lang na ipinagtataka ko naman. Usually ay naka business attire na sila pagka ganitong oras na.

"Your Dad and I will be going there in an hour. And for you, di ka muna papasok ngayon. Jhimro will be here, he said he's taking you on a date today" magiliw na sabi ni Mommy. Jhimro didn't say a word about him taking me out today. Wala siyang nabanggit sa naging usapan namin yun kagabi. 

"How about the company Mom? I have important meeting for today" sabi ko sa kanya. It's true, mamy meeting ako with one of our biggest client kaya hindi ko na lang yun pwedeng hindi ipagsawalang bahala. Ngumiti lang sa akin si Mommy.

"We are here Princess, kayang kaya na namin ng Daddy mo iyon so go change now because in any minute dadating na si Jhimro" wala na akong nagawang marinig ko yung finality sa boses ni Mommy. Marahan akong tumango.

"Yes Mom" sabi ko at saka muling bumalik sa itaas kung nasaan yung kwarto ko. Nagpalit ako ng kulay white na top and cream skirt at saka sinuot ko yung cream na heels ko. Nilugay ko din yung buhok ko na nakahigh ponytail. Medyo kinulot ko din yung baba ng buhok ko kaya naging medyo wavy na siya ngayon. Kinuha ko yung isa kong shoulder bag na hindi ko pa nagagamit na bigay ni Mommy sa akin as gift noong  Christmas at nilagay doon yung phone, wallet at yung pouch ko na naglalaman ng make-ups ko at isinama ko na ding iligay yung favorite perfume ko, Chanel No 5. Then last look sa mirror. Perfect.

"Princess, are you done? Jhimro's here already" rinig kong sabi ni Mommy mula sa labas ng pinto ko. Napansin ko din na naka pang business attire na siya. So I guess, habang nagpapalit ako ng damit ay gumayak na din sila ni Dad para pumasok sa opisina.

"Susunod na po ako" sabi ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako at saka muling bumaba. Inayos ko pa ng bahagya yung kinulot kong buhok ko at saka sumunod na kay Mommy.

Naabutan ko naman silang nakaupo sa sala at nang-uusap ng kung ano. Nahigit ko paghinga ko ng makita si Jhimro na naka-casual attire. God! Alam ko ng sinabi ko na ito, pero talagang kahit na anong suotin niya ay bagay na bagay sa kanya. Kayang kaya niyang dalin yung kahit na ano mang uri ng damit. He's wearing dark gray long sleeve na tinernuhan ng balck slacks at shoes na nike. At dahil nga siya yung nakaharap sa akin ay agad siyang tumayo ng magkasalubong yung tingin namin. Napatingin din sa direksyon ko sila Mommy at Daddy ng dahil sa biglaang niyang pagtayo. Lumapit na ako sa kanila at saka tumabi kay Jhimro ng makalapit ako.

"We'll go first na po, Tita, Tito" magalang na sabi niya sa magulang ko.

"Okay, mag-iingat kayo ha? And Jhimro, before 10 PM" striktong sabi ni Daddy. I mentally roll my eyes. Kahit kelan talaga tong si Dad.

"Yes, Tito" seryosong sabi din nitong katabi ko. Mauuna na sana akong lumabas ng bigla niya akong hinawakan at kinabig palapit sa kanya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Nakakunot ko siyang tinignan pero hindi niya ako binibigyan man lang ng pansin dahil kila Dad at Mom siya nakatingin. At dahil nga mas matangkad siya sa akin ng di hamak dahil hanggang balikat niya lang ako kaya nakatingala ako sa kanya ngayon. I am welcomed by his chiseled jaw at malaya ko ngayong natititigan yung gwapo niyang mukha.

Ngayon ko talaga sobrang napatunayan na ang laki ng pinagbago niya. He isn't this gorgeous before. Yes, he is handsome na kung tutuusin ay siya talaga yung pinakagwapo nung elementary kami but of course his features is not as defined as his feature now. He looks so mature and his aura? He's so hot plus the oozing sex appeal. This man's feature is really beyond perfect. No wonder why girls throws themselves to him that easily and no wonder why they go crazy over him. Siguro, God is in His best mood when he made him.

"Done Blairre?" napakurap kurap ako at nabalik ako sa reyalidad ng dahil sa sinabi ni Jhimro na yun. Oh my! Nakakahiya. Napaiwas ako ng tingin agad sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan. Kung talagang kusa lang bubuka yung lupa para kainin ako ay walang reklamo akong sasama doon para kainin ako. Napasinghap na lang ako ng mas hapitin niya pa ako palapit sa kanya at muli akong napasinghap ng maramdaman ko yung mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Does my look satisfy your standards?" naramdaman ko yung pagtayo ng balahibo ko sa batok hindi lang dahil sa ramdam ko yung mainit niyang paghinga at paggalaw ng labi niya sa tenga kundi dahil din sa kakaibang tono ng boses niya. Agad ko siyang naitulak ng makarinig ako ng mahinang pagtawa at doon ko lang naalala na nasa harap nga pala kami ng parents ko. Gosh! What the hell he's thinking?! Tinignan ko yung parents ko kahit na alam kong pulang pula yung mukha ko at nakita kong nagpipigil ng tawa si Mommy habang si Daddy naman ay nakangisi ng nakakaasar. Galit kong binalingan si Jhimro na ngayon ay nagpipigil na din ng tawa. Ang sarap niyang batukan, kainis siya!

"That look on your face was priceless Blairre" nang-aasar niyang sabi sa akin. Aba't talagang nakuha pang mang-asar! Kaya sa sobrang inis ko ay inapakan ko yung paa niya kahit na nasa harap pa kami ng magulang ko ay hindi ko na inalintana yun. This guy really annoys me! Tinaasan ko na lang siya ng kilay ng tinignan niya ako ng masama habang tumatalon talon na hawak yung isang paa niya na inapakan ko. Inismiran ko siya at humalik na sa pisngi ni Mom and Dad na natatawa na lang dahil sa ngyayari saka naunang lumabas. Bahala siya sa buhay niya!

---

DreamerCWriter

Continue Reading

You'll Also Like

710K 25.5K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
171K 3.5K 21
Dice and Madisson
3.8M 109K 53
Shanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appe...