Ruined Heart

Av pinkyjhewelii

523K 8.4K 184

One-shot story Copyrighted © Pinkyjhewelii, 2014 Mer

Ruined Heart
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Ten

Nine

21.6K 479 8
Av pinkyjhewelii

NAKAKABINGING PALAKPAKAN at malakas na hiyawan ang bumabalot sa buong studio ng isang sikat na talk show tuwing tanghali : ang Bottomline. 

Isang sikat na sikat na aktor ang guest nila sa araw na iyon. Isang aktor na pinupuno ng kontrobersiya. LIVE ang airing ng naturang talk show ng araw na iyon dahil biglaan ang pagtanggap ni Aero Montenegro sa imbitasyon nila na makapanayam roon upang sagutin lahat ng binabatong isyu patungkol sa kaniya at sa kaniyang buhay pag-ibig. Hiniling kasi nito ayon sa Manager nito na ngayong araw siya i-guest kahit pa LIVE iyon dahil gusto na nitong matapos ang isyung ibinabato sa kaniya.

Sa dressing roomkung saan tahimik na nakaupo si Aero, ay hindi maiwasang kabahan. Sa lahat ng talk shows na napuntahan na niya ay ngayon lamang siya kinabahan ng ganoon. Nakasalalay kasi ngayon ang kung anong mayroon sila ni Princess. At naroroon siya para gawin ang bagay na alam niyang solusyon upang mamatay na ang intriga sa kanila ni Princess.

Pasalamat siya sa kapatid niyang si Wade na tinulungan siyang mag-isip ng mga sasabihin niyang kasinungalingan. Kasinungalingan na makakatulong upang lubayan na ng intriga si Princess.

Simula na ang palabas..

“Magandang tanghali po sa inyong lahat! Sa mga audience at pati na din sa mga taong nanonood sa kani-kanilang mga tahanan. Im Krizzy, ang inyong lingkod!” bati ng host sa mga audience. Muling nagpalakpakan ang mga audience na nasa studio.

“Batid po ninyong lahat na ang magiging guest natin ngayon ay ang taong inyong inaabangan na magsalita at magkomento patungkol sa mga isyung binabato sa kanya. Isang malaking karangalan ang paunlakan niya an gaming imbitasyon rito sa Bottomline.”

“Huwag na nating patagalin pa, let’s welcome. Aero Montenegro!!”

Lumabas mula sa likod ang aktor na si Aero Montenegro. May mga tilian na maririnig mula sa audience. Napaka-gwapo kasi nito sa suot nitong black maong jeans na tinernuhan ng gray tshirt na pinatungan ng itim na business coat.

Lingid sa kaalaman ng mga taong nakapaligid sa kaniya ng mga oras na iyon ay lalabas siya sa talk show na iyon bilang isang artista. Artista sapagka’t lahat ng gagawin at sasabihin niya ay pawang scripted lamang. At ang mga script niyang iyon ay labag sa kalooban niya.

Naupo si Aero paharap sa host ng naturang talk show.

“Good Afternoon Aero!” bati ni Krizzy.

Ngumiti siya. “Good Afternoon Krizzy, at sa lahat ng mga naririto sa studio.”

Muling nagtilian ang mga tao sa audience lalo na ang mga kababaihan.

“Aero, siguro nama’y aware ka na sa mga tanong na bibitawan ko ngayon para sa iyo. Iyo ay tungkol sa kontrobersiyang kinakaharap mo ngayon.” Seryosong woika ni Krizzy.

Ang Bottomline kasi ay isang talk show kung saan maraming ibabatong tanong sa iyo at kailangang sagutin mo ang lahat ng iyon. Diretsahang sagot, kumbaga, isang tanong, isang sagot. Dito nabibigyan ng solusyon ang mga isyung iniintriga. Dahil doon ay masasagot lahat ng katanungang gusto nilang malaman.

Tumango tango lamang si Aero. Trust me Princess. sana panghawakan mo ang huling sinabi ko sa’yo the last time we talked over the phone. How i wish na hindi ka nanonood ngayon ng TV. At kahit sino pang miyembro ng pamilya mo. Ayokong masaktan ka sa kasinungalingang isisiwalat ko rito. Kailangan ko itong gawin para sa’yo. Para mapatunayan ko sa iyong marunong akong tumupad ng pangako..

“So, hindi na natin kailangang magpaliguy-ligoy pa. Alam mo naman siguro ang talk show na ito Aero. Tanong all you can. And you need to answer all the questions for you. But inspite of that, dito matatapos ang isyung kinakasangkutan mo ngayon.” Wika ni Krizzy.

“I understand..” nakangiting wika ni Aero.

“So, simulan natin ang tungkol sa pagdi-disguise mo.”

Ngumiti siya na animo’y hindi kinakabahan. Isa siyang artista, magaling siyang umarte. “So we’ll start of that disguise. Actually ginawa ko ang pagdi-disguise na iyon para hindi ako pagkaguluhan ng mga taong nasa bar. Alam niyo namang ang isang artistang tulad ko ay Hindi ganoong kadaling nakakalbas-labas dahil sa mga taong nakapaligid sa atin, pwedeng pagkaguluhan nila tayo, in a good way and in a bad way. Iyon ang iniiwasan natin right?”

“Tama!” pagsang-ayon ng host.

“So the only reason of using that disguise is for my own security. Hindi naman sigurong masamang mag-disguise tayo to enjoy our social life in public place right?”

“Isa uling tama. Pero ang isang malaking tanong kasi rito. At ang haka-hakang lumalabas ay nag-disguise ka para sa girl na iniligtas mo sa bar na nagngangalang Princess.”

“Its not true. I will narrate what is really happens ng gabing iyon para malinawan na kayong lahat. Actually galing ako noon sa mall, by six o’clock naroroon na ako. May kinailangan akong bilhin at gusto kong personal ko iyong bibilhin. Mahirap namang mamili ng pinagkakaguluhan ka ng mga tao right? Pauwi n asana ako no’n. Then my younger brother Wade called me up. Sinabi niyang puntahan ko sa Padis Point ang kaibigan niyang si Princess. Nasiraan kasi siya ng sasakyan. At hiniling na daanan ko na roon ang kaibigan niya at ihatid na pauwi dahil hindi na siya makakarating. Matatagalan ang pag-aayos ng kotse niya. Alam niya kasing nang mga oras na iyon ay hindi na ako busy. So, pinagbigyan ko siya. At tamang tama pa na naka-disguise ako. Maaari akong pumuntaroon. 

And then nang makarating ako roon, madali kong nakita iyong kaibigan niya kasi nakilala ko na siya once noong may party sa bahay. But then, dumako ang tingin ko sa lalaking kasama niya sa mesa. Ang lalaking hinding-hindi ko makakalimutan. Siya ang lalaking walang awing nambugbog sa kapatid kong si Wade ng walang kalaban-laban. Nakulong na siya at hayun, nakalaya na pala.” 

“Hindi ko napigilan ang sarili kong magalit sa lalaking iyon. Malaki ang galit ko dahil sinaktan nila ang nakababata kong kapatid. Nagdilim ang paningin ko kaya nagawa ko siyang suntukin. Kahit naman siguro kayo, mapa-artista o hindi pinoprotektahan ninyo ang inyong mga mahal sa buhay, tama? Iyon lang po ang kwentong nasa likod ng isyung iyon.”

Tumango-tango ang host na si Krizzy. “So, malinaw na sigurong ang pagdi-disguise niya ay para lang sa self protection at ang panununtok ay dahil ang taong iyon ay may atraso sa kapatid niya. Hindi naman natin siya masisisi sa nagawa niya hindi ba?”

Sumang-ayon ang mga audience.

“Ang isa pang tanong na gumugulo sa isipan ng mga tao ay ang tungkol sa babaeng sinabi mong kaibigan ng kapatid mo, sa panayam kasi sa reporter na nakakita sa inyo ay inihatid mo nga ito sa bahay nito ngunit nagtagal ka raw doon. Ilang oras na naghintay ang nasabing reporter sa di kalayuan sa tahanan ng babaeng iyon ngunit hindi ka pa rin lumalabas. Hanggang kinailangan ng umalis ng reporter na iyon dahil naisip niyang baka doon ka na magpapalipas ng gabi. Anong masasabi mo tungkol rito?”

“Iyon ba? Kabilin-bilinan ng kapatidkong ihatid ko ito sa bahay nito. At iyon nga ang ginawa ko. Magiliw ang pagtanggap sa akin ng pamilya niya dahil kilala nila ako bilang artista. Natural lang na patuluyin nila ako sa bahay nila. Pinaunlakan ko naman iyon. Napatagal ako roon dahil ipinaghain pa nila ako ng pagkain. Pinilit nila akong sabayan sila sa pagkain kaya pinaunlakan ko rin iyon.”

“Pagkatapos niyon ay nakakwentuhan ko pa si Princess, na hindi pala niya kilala ang lalaking kasama niya sa table na sinuntok ko. Tinabihan lang daw siya nito at binastos siya kaya hindi siya umawat sa ginawa kong pagsuntok roon. At doon din nakilala ko ang nakababatang kapatid nitong si Charisse na number one fan ko daw. Natuwa naman ako sa kaniya kaya hinayaan ko siyang magkwento ng kung anu-ano tungkol sa mga napanood niyang movies ko. Natuwa ako sa batang iyon dahil nga idol niya daw ako. Hindi ko na namalayan ang oras dahil pinalagyan pa ni Charisse ng autograph lahat ng mga bagay, pictures, DVD, posters na may kinalaman sa akin. Pinagbigyan ko siya sa bagay na iyon dahil ito’y bata na humihingi ng simpleng hiling. Ilang oras pa ay umuwi na din ako. At lilinawin ko, hindi ako roon nagpalipas ng gabi.”

“Very well explanation Aero. Iyan ang gusto ko sa mga nagiging guest ko rito. Iyong hindi na nagpapaliguy-ligoy pa at hindi na kailanganing tanungin by sentence. Ikinagagalak kong ikinuwento mo ang lahat ng pangyayari. Siguro naman ay nalinawan na ang ating mga viewers ukol sa isyung kinakaharap mo.”

“Isang malaking pasasalamat sa show na ito dahil nawa’y maliwanagan na ang ating mga manonood sa mga isyung ibinabato sa akin na talagang ikinagulat ko.” Wika niya.

“Well, ganyan talaga kapag artista ka, hidni natin maiiwasan ang mga ganyang isyu.”

Ngumiti lamang siya.

“Last question na lamang ito Aero na galing sa audience natin. Sino ba si Princess sa buhay mo? Hindi mo naman masisisi ang mga tao sa kung anumang mga iniisip nila. kahitsinabimong kaibiganiyon ng kapatid mo, hindi malabong mag-isip sila ng kakaiba kasi mukha kayong close ni Princess at ng pamilya niya. talaga bang kaibigan lang siya ng kapatid mo? O may kaugnayan rin siya sa iyo?”

Saglit na natigilan si Aero. Ito ang pinaka-climax ng panayam na iyo. Patuloy pa rin niyang dinadalangin na sana ay walang nanonood ng telebisyon sa bahay nina Princess. Ayaw niyang masaksihan nito ang mga sasabihin niya sa harap ng maraming tao na lingid sa kaalaman nito ay mga kasinungalingan lang para sa kaligtasan niya at seguridad. Upang matahimik na ulit ang buhay nito. 

Just trust me..

~

NAKAHINGA na ng maluwag si Princess nang maisaayos ang seguridad sa kanilang village. Walang maaaring pumasok roon kung hindi ang mga nakatira lamang roon. Walang mga sasakyan na hindi kilala ang maaaring pumasok roon. Iyon ay isang bagay na inilapit nila sa namamahala ng village. At agad naman iyong sumang-ayon sa kahilingan nila.

Kaninang umaga kasi ay may nakapasok na puting van lulan ang ilang journalist upang hanapin siya para kapanayamin. Pasalamat nalang siya at bago nito natunton ang kanilang tahanan ay namataan na iyon ng ama niya ng manggaling ito sa botika nila. agad namang inilapit ng ama niya sa mga guards sa village na palabasin ang mga journalist na iyon sa village nila. agad namang rumisponde ang mga iyon.

Nagyon ay makakahingana ng maayos si Princess dahil safe na siya sa loob ng tahanan nila. Wala ng mga darating na paparazzi.

“Mabuti pa Rebecca bukasan mo ang telebisyon, baka may mga balita na agad tungkol sa pagbabawal na magpapasok sa village na ito. Alam mo naman ang balita, mabilis pa sa alas-kwatro.” Suhestiyon ni Ronaldo.

Naupo sa sofa si Princess hawak ang kaniyang cellphone. Ilang araw na kasi niyang hinhintay ang tawag ni Aero. Hindi niya ito makontak. Umaasa pa rin siyang magkakaroon ulit sila ng komunikasyon sa kabila ng mga pangyayari. Miss na niya ito, hindi niya iyon maikakaila, ilang araw na siyang gumigising na luhaan. Nasasaktan siya sa mga nangyayari. Kung bakit pa naging artista ang taong minahal niya, hindi sana ganito kagulo ang sitwasyon nila. hidni sana siya nangungulila sa presensiya nito. Kinailangan tuloy nilang hindi magkita para sa kaligtasan niya.

Napatda si Princess nang mabuksan ang telebisyon. Kasalukuyang ini-interview siAero sa sikat na talk show na Bottomline.

Biglang nagrigodon ang kaniyang puso. Hindi niya alam kung bait. Pati ang kaniyang magulang ay natahimik ng makita si Aero sa television.

Buong atensiyong itinutok ni Princess ang mga mata sa telebisyon, tinalasan ang kaniyang tainga sa mga sasabihin nito.

Nakita pa niyang parang tahimik na nag-iisip si Aero sa screen ng TV bago nagsalita.

“Actually, hindi si Princess ang tipo ng babaeng para sa akin, hindi naman sa pagmamayabang,  pero iyon ang totoo. Napaka-imposibleng magustuhan ko ang simpleng taong tulad ni Princess. Maganda siya, oo. Pero hindi sapat iyon para magkaroon ako ng kakaibang feelings sa kaniya. Masyado lang siguro akong mabait sa mga taong nakapaligid sa akin. Hidni niyo na kailanganing intrigahin kung may something sa amin ni Princess, dahil common sense na rin naman sa inyo iyon. Maraming babae ang nagkakandarapa sa akin at nag-aalay ng sarili nila sa akin. At hindi pa ito ang tamang panahon para mag-seryoso ako sa isang relasyon, tama? Hindi pa naman ako ganoon katanda para pumasok sa isang relasyon na seseryosohin ko. Kilala akong isang playboy. Hindi ko kinakaila iyon. Maganda sa isang tao ang maging honest at hindi puro palabas lang. Kaya kung sinumang nag-iisip na may kakaibang namamagitan sa amin ni Princess, nagkakamali kayo. Hindi ko siya type at alam niyong hilig ko ang mga babaeng modelo. Kailan ba kayo nakarinig ng balita about sa akin na im committed with a simple person like Princess?” ngumiti si Aero labag sa kalooban niya.

“Ayan ha! Nasagot na ang mga tanong ninyo, hindi niya type ang Princess na sinasabi ninyo. Sana hanggang dito na lamang ang pang-iintriga ninyo kay Aero. Speaking of a model, kumusta naman ang present partner mong si Cassandra Montes? Isang sikat na model? Nag-eenjoy pa ba kayo sa company ng bawat isa? Balita kasi namin ay nakita kayong naglalambingan sa dressing room kahapon.” Kinikilig na tanong ng host.

“Definitely yes. Im enjoying her company. Masarap siyang kasama and alam ninyo na, she’s hot and sexy. Qualities na gusto ng mga kalalakihan sa isang babae. Actually kasama ko siya ngayon. She’s waiting for me on the dressing room.”

Totoong nasa dressing room nga si Cassandra. Pagkatapos nilang maghiwalay ay sinuyo niya ito upang maipakita sa tao na may kinahuhumalingan siyang babae at hidni si Princess. gusto niyang lumabas sa publiko na hidni totoo ang isyu tungkol sa kanila ni Princess. Ginawa niya ang pagpapanggap para ma-protektahan si Princess at para matupad niya ang pangakong hidni niya ito isasali sa magulo niyang mundo.

Natawa ang host na si Krizzy. “Ang sweet naman ng bonding ninyo. Mukhang naririto siya para suportahan ka. So walang binatbat ang Princess na sinasabi nila kay Cassandra? Dahil sa mga nakita kong kuha ng pictures sa diyaryo na kasama si Princess ay mukha ngang isa lang siyang simpleng babae na alam nating lahat na hindi mo kailanman matitipuhan.”

“Yeah.. you’re right..” 

“Narinig na natin ang pahayag ng sikat na aktor ng ating henerasyon na si Aero Montenegro, siguro naman ay nasagot na ang lahat ng katanungang nabubuo sa inyong mga kaisipan. Basta dito sa Bottomline, tapos ang isyu! Maraming salamat sa iyo Aero.” nakangiting pasasalamat ni Krizzy. “Again, Aero Montenegro!!”

Malakas na palakpakan at tilian ang muling dumagundong sa studio.

“Thank you rin Krizzy for having me here.”

“Your welcome!” inilipat ang tingin sa mga audience. “Huwag po kayong aalis, hindi pa tapos dahil isa namang sikat na aktres ang ating makakasama sa pagbabalik ng... Bottomline!”

Shampoo commercial na ang sunod na makikita sa screen ng telebisyon.

Parang na-freeze ang buong kabahayan nina Princess. Tanging hikbi lang ni Princess ang maririnig roon. Na ilang sandali’y palakas ng palakas.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

2.3M 9.4K 8
Perez Series #1 Highest rank achieved #5 in General Fiction. Currently #29 There's a one person who comes first than the other one. The one who come...
2.1M 61.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.9K 173 21
Paninindigang hindi siya mananatili sa kahit anong sitwasyon na siya ang talo. Kung kinakailangan isarado ang puso para makaiwas sa mga maaaring maka...