Nine

20.7K 457 8

NAKAKABINGING PALAKPAKAN at malakas na hiyawan ang bumabalot sa buong studio ng isang sikat na talk show tuwing tanghali : ang Bottomline. 

Isang sikat na sikat na aktor ang guest nila sa araw na iyon. Isang aktor na pinupuno ng kontrobersiya. LIVE ang airing ng naturang talk show ng araw na iyon dahil biglaan ang pagtanggap ni Aero Montenegro sa imbitasyon nila na makapanayam roon upang sagutin lahat ng binabatong isyu patungkol sa kaniya at sa kaniyang buhay pag-ibig. Hiniling kasi nito ayon sa Manager nito na ngayong araw siya i-guest kahit pa LIVE iyon dahil gusto na nitong matapos ang isyung ibinabato sa kaniya.

Sa dressing roomkung saan tahimik na nakaupo si Aero, ay hindi maiwasang kabahan. Sa lahat ng talk shows na napuntahan na niya ay ngayon lamang siya kinabahan ng ganoon. Nakasalalay kasi ngayon ang kung anong mayroon sila ni Princess. At naroroon siya para gawin ang bagay na alam niyang solusyon upang mamatay na ang intriga sa kanila ni Princess.

Pasalamat siya sa kapatid niyang si Wade na tinulungan siyang mag-isip ng mga sasabihin niyang kasinungalingan. Kasinungalingan na makakatulong upang lubayan na ng intriga si Princess.

Simula na ang palabas..

“Magandang tanghali po sa inyong lahat! Sa mga audience at pati na din sa mga taong nanonood sa kani-kanilang mga tahanan. Im Krizzy, ang inyong lingkod!” bati ng host sa mga audience. Muling nagpalakpakan ang mga audience na nasa studio.

“Batid po ninyong lahat na ang magiging guest natin ngayon ay ang taong inyong inaabangan na magsalita at magkomento patungkol sa mga isyung binabato sa kanya. Isang malaking karangalan ang paunlakan niya an gaming imbitasyon rito sa Bottomline.”

“Huwag na nating patagalin pa, let’s welcome. Aero Montenegro!!”

Lumabas mula sa likod ang aktor na si Aero Montenegro. May mga tilian na maririnig mula sa audience. Napaka-gwapo kasi nito sa suot nitong black maong jeans na tinernuhan ng gray tshirt na pinatungan ng itim na business coat.

Lingid sa kaalaman ng mga taong nakapaligid sa kaniya ng mga oras na iyon ay lalabas siya sa talk show na iyon bilang isang artista. Artista sapagka’t lahat ng gagawin at sasabihin niya ay pawang scripted lamang. At ang mga script niyang iyon ay labag sa kalooban niya.

Naupo si Aero paharap sa host ng naturang talk show.

“Good Afternoon Aero!” bati ni Krizzy.

Ngumiti siya. “Good Afternoon Krizzy, at sa lahat ng mga naririto sa studio.”

Muling nagtilian ang mga tao sa audience lalo na ang mga kababaihan.

“Aero, siguro nama’y aware ka na sa mga tanong na bibitawan ko ngayon para sa iyo. Iyo ay tungkol sa kontrobersiyang kinakaharap mo ngayon.” Seryosong woika ni Krizzy.

Ang Bottomline kasi ay isang talk show kung saan maraming ibabatong tanong sa iyo at kailangang sagutin mo ang lahat ng iyon. Diretsahang sagot, kumbaga, isang tanong, isang sagot. Dito nabibigyan ng solusyon ang mga isyung iniintriga. Dahil doon ay masasagot lahat ng katanungang gusto nilang malaman.

Ruined HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon