Five

24.5K 515 6

“LABAS TAYO PRINCESS!” yaya ni Melanie, ang co-teacher ni Princess. 

Nasa faculty room sila ng mga sandaling iyon at nag-aayos ng mga gamit at naghahanda sa pag-uwi. Isang nakakapagod na araw ang araw na iyon dahil maraming estudyante ang nagpapirma ng mga clearance. huling araw kasi ng papirmahan ng clearance bago ang tuluyang bakasyon nilang mga guro. Sa Brigada Eskwela na ang balik nila ulit sa unibersidad.

Isang bagay lamang ang nasa isip ni Princess. Tuluyan na siyang makakapahinga dahil simula na ng bakasyon. Iyon ang gustong gusto niya. Iyong walang iniisip at mapapahinga rin ang kaniyang utak.

“Hindi ko feel eh!” wika niya.

“Hindi feel? As always? kailanman Hindi pa kita nayayang lumabas at mag-happy happy! aba Princess! bakasyon na kaya Hindi masamang magsaya naman tayo.” wika ni Melanie.

Tama ito. kailanman ay Hindi siya sumama at pinaunlakan ang mga pagyayaya nitong lumabas. paano’y pakiramdam niya lagi ay Hindi siya mag-eenjoy. Kumbaga hindi niya feel. iyon ang lagi niyang nararamdaman. Parang allergic na siya ngayon sa paglabas-labas. iyon ay mula ng maging certified single siya. nang ipagpalit siya sa iba ng walang kwenta niyang ex-boyfriend na si Kit.

Hindi niya maiwasanag magbalik tanaw.

“Bakit ba ganyan ka na ngayon Kit? Hindi ka namna ganyan dati ah? parang wala ka ng pakialam sa akin! Ni hindi mo ako pinapansin? Kanina sabi mo mamamasyal tayo pero anong ginagawa natin? Nakaupo lamang? Nakatitig sa kawalan?Daig pa natin ang mga pipi!” galit na tanong ni Princess kay Kit.

Napailing lamang ang binata. “Ano ba kasing nag-iba ha Princess? bakit ba ganyan ka mag-isip? ang kitid kitid ng utak mo! ang dami dami mo agad sinasabi! ”

Napasinghap si Princess sa sinabi nito. Makitid raw ang utak niya? Galit na galit na siya. Hindi na niya kayang magtimpi pa. “Ako pa ang makitid ang utak ha? Mula nang umuwi ka dito sa Pilipinas galing sa Canada, nagbago ka! Masama bang hanapin ang kaunting sweetness mo tulad ng lagi mong pinapakita dati sa akin? Babae ako Kit! May puso ako at gusto kong nilalambing ako ng boyfriend ko! Masama ba iyo? Sabihin mo nga sa akin!” galit na tanong niya. 

Wala na siyang pakialam kung may mga taong nakatingin sa kanila ng mga sandaling iyon. Nasa park sila upang sana ay mamasyal pero hayun at mas gusto nitong nakaupo lamang sila sa bench at abalang abala pa ito sa paggamit ng cellphone. Hindi man lang siya pansinin. Kailangang siya pa ang magsalita bago ito magsalita – na hindi naman nito ugali dati.

“Please naman Princess! Lower your voice! Mahiya ka naman sa mga nakakarinig sa atin! Ang dami daming tao ang dumadaan at halos lahat sila napapatingin rito.”

“Ah ganoon? sino ba ang mahigpit mong ka-text kanina pa ha? At hindi mo napapansing kasama mo ako?Kilala mo ako Kit! Hindi ako basta basta nagagalit. Pero sobra na eh! sobra na! Hindi ko na alam ang iisipin ko sa’yo!”

“Pwede bang huwag kang magsalita ng kug anu-ano? Huwag mo akong galitin Princess. Im warning you.”

“Tatakutin mo pa ako? May iba ka na ba ha? Ipinagpalit mo na ba ako? Kahit busy ako ginagawan ko ng paraan para magkaroon tayo ng oras sa isa’t isa pero anong igaganti mo? nagsasawa ka na ba ha? sabihin mo sa akin!!” sigaw ni Princess. Nangigilid na ang kaniyang luha dahil sa galit.

Ruined HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon