Captivated by her, Demonica.

By myziiz

1K 170 80

Just because of his mission, he met her. The one that will make him feel so beloved. And also the one will ma... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14

Kabanata 7

44 11 5
By myziiz


Nakanganga ako habang nakatingin sa message na sinent sa akin ni Xylie kaninang madaling araw at papalit-palit ang tingin sa aking screen at sa aking harapan kung nasaan ang dalawang taong hindi ko inaasahan.


"Si Johanne 'yung tinutukoy mo?" Gulat na tanong ko kay Xylie na mukhang kinikilig na parang natatae dahil sa namumulang mukha nya ng hawakan sya ni Johanne sa kanyang kamay. Medyo napangiwi ako sa ginawa ni Johanne pero nginitian ko lang sya bago tinignan ng masama si Xylie.

"Akala ko ba broken-hearted ka kay Justin kahapon?" Tignan nating kung makaligtas ka ngayon sa mga matyag ni Johanne. I'm sure nakakaramdam pa rin 'tong si Johanne. Nakakapagtaka nga't hindi na talaga sya takot sumugal ulit dahil alam nya nang hindi na ulit magagawa 'yon ni Xylie sakanya. Grabe, ibang klase confidence ng dalawang 'to! Akala mo kung sinong mga pakatatag. 9 years rin ang sinayang nila noon, malamang ay ipagpapatuloy ulit nila ang naudlot nilang pagmamahalan.

Kung ide-describe ko ang sarili ko gamit ang emoji, siguro ay confused emoticon. Nakakaloka kasi na ang dalawang 'to ay nagkabalikan agad dahil lamang sa maayos na closure, kami ba ni Sydd nagkaroon ng maayos na closure? Sure ako sa sure na hindi. Atsaka isa pa, hindi ko gustong maka-usap ang lalaking 'yon kung puro ang bunganga ko ang pinapagana ko kapag nagagalit ako. Bungangera na kung bungangera, basta busog!

"So, anong balak mo ngayon, Johanne?" Tanong ko sakanya na mukhang 'di nya masyadong nakuha. "I mean, anong balak mo na ngayon ay sumugal ka na naman kay Xylie? Mataas na ba talaga tiwala mo sa babaeng 'yan? Sa tingin mo ba kakayanin nyo ulit ang sumugal ng walang kasiguraduhan? Kaya nyo bang magpakatatag kahit malayo kayo sa isa't-isa? Kaya nyo na bang bumalik ulit sa dati?"

Nakanganga si Xylie sa gilid habang si Johanne naman ay napalunok bago mabilis na sumagot na hindi ko agad inaasahan. Akala ko pa naman silang dalawa ang mat-triggered ko ngayong araw. Sayang!

"I would fight for her. Oo, mas mataas pa sa high grades mo noon. Walang kasiguraduhan? Noon 'yon, but now? I'm very sure, we're very sure about getting back together after a long years. Of course, noong wala sya sa tabi ko ay kinaya ko, LDR pa kaya dahil sa trabaho? And who the heck said that we're going to go back to those times? Sinong nagsabing ibabalik namin 'yung dati?"

Nabigla si Xylie sa huling sinambit ni Johanne pero napangiti nalang ako ng bahagya ng ipagpatuloy ni Johanne ang sasabihin nya.

"I restarted my life, with her. Kaya sisiguraduhin kong mauuwi 'to sa kasalan."

Damn. How can I get a man like Johanne Flinn? Gusto kong maiyak sa sobrang dry ng love life ko. Tuyong-tuyo na puso ko rito. I'll probably think that their relationship vibe is cool. 'Yung parang "Hindi ko sya susukuan kahit nakakapunyeta 'yung ugali nya." vibe. Shet malagket! Needing love life.

"Huwag nyo na kong inggitin. Go hang out na, binasbasan ko na kayo simula pa no'ng una. Sinong ayaw sa isang lalaking naghintay for almost a decade just for a stupid woman?" Natatawang saad ko kaya agad akong nakakuha ng malakas na paghagis ng unan sa aking mukha and I there fore conclude na, si Xylie na naman 'yon for sure.

"Mauna na kami, Mon." Nakangiting saad ng gwapong si Johanne bago hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Xylie na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakalabas ang dila nya na halatang iniinggit ako. I mentally face palmed my self bago pinigilang batuhin si Xylie sa mismong mukha nya.

Nakaalis na sila habang ako ay napaupo nalang sa sofa ko na parang ako'y nagmumukmok. Siguro nga, dahil iniisip ko talaga kung ano nang mangyayari sa love life ko na ngayon ay nasobrahan na sa pagka-dry. Sa sobrang dry, sa pag-ihi nalang ako kinikilig, sa paghiwa ng sibuyas nalang ako naiiyak, sa cartoons nalang ako sumasaya, at sa trabaho nalang ako nas-stress ng todong-todo at bonggang-bongga. Sabihin na nating naiinip na talaga ako sa paghihintay ng true love ko. Siguro ay may galit sa akin si God at ayaw parin talaga ako bigyan ng maayos na love life.

Tapos ko na lahat ng gawain ko ngayon kaya medyo nabo-bored na ako sa opisina. Lumabas nalang ako sa building para magpalamig kahit gabi na. Almost 8 na ata ng gabi kaya mas mabuti pang ilibre ko ang sarili ko ng isang masarap na pagkain sa isang lugar na mas maayos kaysa sa mga fast food na lagi kong pinago-orderamn ng pagkain ko. Nakakasawa na nga, actually.

Habang naglalakad ako with poise ay nakaramdam ako ng presensya ng isang tao mula sa aking likuran which is gave me the chills. Medyo madilim na kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaking sumusunod sa akin. Bakit 'di ko ba ginamit ang kotse ko? So, paano na kung ho-hold up-in na pala ako ng bugok na ito rito sa walang katao-taong parte ng lugar. Shit talaga!

Huminto ako sa paglalakad bago tumingin sa likod ko at napataas ang kilay ko ng makita ko kung sino ang taong kanina pa sumusunod sa akin.

"Seryoso, Cloud? Pinakaba mo ko!" Angil ko sakanya habang sya't seryosong nakatingin sa akin as if may kailangan syang sabihin sa aking, hindi masyadong maganda. Naf-feel ko lang naman pero, parang tama ang hinala ko.

"Anong sasabihin mo? Bakit ganyan ang feslak mo?"

"I'm a strong and independent man na hindi kailangan ng babae sa buhay pero ng makita kita, feeling ko nag-evolve ako."

Napakunot ang aking noo sa sinabi nya pero nakakapagtaka dahil hindi pa rin nya sinasabi ang mga salitang inaasahan ko. Gaya ng 'joke' 'charot' 'kidding'.

"A-Ano?" Utal na tanong ko.

Nabalik ako sa wisyo ng ngumiti ito sa akin bago ako inakbayan ng may halong dahas. "Joke lang. Nagp-practice lang ako paano umamin sa taong gusto ko. Kinilig ka 'no?"

Napairap ako sa kawalan bago pilit na inaalis ang mala-higanteng braso nya sa balikat ko. Ngunit dahil sa lakas nya ay hindi ko nagawa, kaya't hudyat na para tumigil ako sa pagpupumiglas.

Tumahimik ang ihip ng hangin. Parang nawala ang mga boses namin at dinala kami ng mga paa namin sa harap ng isang garden kung saan wala atang nakakapasok. Pumasok kami do'n ng kaswal lang bago nya ako hinila pa-upo sa puno kung nasaan maraming naka-ukit na puso.

Hindi ako nagsalita. Gano'n rin sya. Bakit kaya ang tahimik nya ngayon? Hindi ako sanay na ganito ang trato nya sa akin tuwing kaming dalawa lang ang magkasama. Kinalabit ko sya bagp tinanggal ang braso nya sa balikat ko't tinignan sya sa mata.

"Anong problema mo, Cloud?" Tanong ko sakanya ngunit ngumiti lang sya bago tumingin sa mga tala.

"Gusto ko sanang itanong sa'yo kung ano ba ang feeling ng ma-in love sa maling tao."

Natigilan ako sa tanong nya at napalayo ng kaunti sa kanyang mukha ng ma-realize ko kung gaano kalapit ng aming mga mukha sa isa't-isa. Damn.

Thump. Thump.

Gusto kong maihi sa sobrang kaba na nararamdaman ko ng tanungin nya 'yon. Hindi ko alam pero parang naghahanap ako ng maisasagot kahit alam ko naman ang dapat isagot.

"A-Ano..." Nangangapa ako ng isasagot sakanya, bago tumingin sa mga tala. "Mahirap na masarap."

Kumunot ang noo nya sa sinabi ko kaya natawa ako ng marahan at ngumiti sa mga tala. Tinaas ko ang mga kamay ko ay nagkunwaring abot-kamay ko na ang bawat tala sa langit. Hindi ko man nais na aminin pero mas komportable akong kasama si Cloud sa mga oras na ito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mahirap, kasi alam mo na in the very first place hindi pa talaga sya 'yung the one, pero pinipilit mong i-sink in sa sarili mo na sya na, kahit hindi pa," aniko. "Masarap, kasi kahit papaano alam ko na may pagkakataon akong mahalin ang kahit sinong tao sa mundong 'to."

"E paano kung ang taong inaakala mong mali, ay tama na pala?"

Napaisip ako sa tanong nya. Paano nga kaya kung gano'n? Paano kung 'yung inaasahan mong mali ay tama pala? Paano kung nabulag ka lang talaga ng kasinungalingan na nakita mo? Paano nga kung ganoon?

"Hindi ko pa alam ang sagot dyan, Cloud e." Kamot-ulo kong saad bago ngumiti sakanya. "Pero siguro, masyadong komplikado kung ibabalik pa sa dati 'yung akala mong pagkakamali ng isang tao."

Napatango sya bago siguro nag-isip pa muli ng itatanong nya.

"Kung ganito naman. Sa tingin mo, sino 'yung may kasalanan, yung pa-fall o yung nag-assume?"

Napataas ang kilay ko sa tanong nya. Teka, feeling ko hino-hot seat na ako ng isang 'to, ah! Wala naman akong alam sa mga ganyan, e! Hindi naman ako fond sa mga ganyang bagay! Hindi pa nangyari sa akin na mag-assume sa isang bagay na alam ko namang hindi magiging akin. Hindi kasi ako gano'n.

Ngunit inisip ko pa rin ang dapat isagot sakanya bago tumingin sakanya.

"Siguro 'yung nag-assume," nakangusong saad ko bago sumandal sa puno sa likod namin. "Kasi if you're going to assume something that doesn't really belongs to you, masyado ka atang desperada no'n. Misconceptions. Disappointments. Heartaches. Sunod-sunod 'yan e. Like akala mo mahal ka, 'yun pala pala-kaibigan kang talaga sya. Gano'n lang talaga gestures nya towards sa isang taong espesyal sakanya. I'm not fan of romances, pero sa tingin ko, nakakaawa sila. Assuming things that doesn't belong to them. Pathetic."

Nagtaka ako ng makita kong nag-iba ang mukha ni Cloud ng tapusin ko ang mga salitang 'yon ng isang kataga.

"Bakit mo ba natanong ang lahat n 'yon? Bakit? May gusto ka ata sa isang dalaga 'no?"

Tumango sya bago tumingin sa akin ng malungkot ang mga mata. Tumagos sa puso ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Feeling ko pareho kami ng nararamdaman dahil sa tingin nya.

"Sa isang taong walang ibang ginawa kung hindi gawin akong kaawa-awa."

Nabigla ako sa susunod na ginawa nya.

Hinalikan nya ako ng mariin habang ako'y hindi makagalaw dahil sa ginawa nya. Ngunit in the end, sumuko na ko.

I'm a strong independent woman na hindi kailangan ng fling sa buhay ko pero, Cloud Frenierre na 'tong kumakapit! Pakakawalan ko pa?

Pero joke lang 'yon, hindi ko sya gusto. At ayokong dumating ang araw na gugustuhin ko rin sya 'no! Ano ako? Hindi na nadala? Isang pagkakamali lang muna, kapag sinundan ko pa ng isa, ang tanga ko naman hindi ba?

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...