I am Underdosed (MingKit Fanf...

By kellskellay

5.8K 480 319

(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit More

Prologue
Chapter 2: Loperamide
Chapter 3: Ibuprofen
Chapter 4: Varenicline Tartrate
Chapter 5: Aripiprazole
Chapter 6: Risperidone
Chapter 7: Midazolam
Chapter 8: Alprazolam
Chapter 9: Methylphenidate
Chapter 10: Mefenamic Acid
Chapter 11: Azathioprine
Chapter 12: Tramadol
Chapter 13: Clozapine
Chapter 14: Sildenafil
Chapter 15: Sertraline
Chapter 16: Olanzapine
Chapter 17: Indinavir
Chapter 18: Norepinephrine
Chapter 19: Haloperidol decanoate
Chapter 20: Amphetamine
Chapter 21: Sulpiride
Chapter 22: Triazolam
Chapter 23: Clindamycin
Chapter 24: Celecoxib
Chapter 25: Metoprolol

Chapter 1: Hydroxyethylrutoside

448 28 5
By kellskellay

Vocabulary!!!

Hydroxyethylrutoside - Anti hemorrhoidal drug. Treatment para sa mga patients na may 'Anal fissure' and 'Hemorrhoids'.

•••

Nang marinig kong nangangalakal lang sila, agad kong kinuha ang phone ko para tawagan ang kuya ko.

"Sige po sir. Babalik nalang po ako sa susunod para bumili ng uniform." Sabi nung enrollee.

"Teka! Wag ka munang umalis!" Sabi ko.

I dialled my brother's number and I've waited for a while for him to answer it.

"Hello, nakausap mo na ba mga ninong mo diyan? Okay na yung enrollment mo?" Sabi ni kuya mula sa kabilang linya.

"Okay na po kuya. Pwede bang pumunta ka ngayon dito sa school? May ipapakita ako sayo." Sabi ko.

"Okay. Sige pupuntahan ka namin diyan ng Kuya Beam mo. Hintayin mo lang kami. Pupunta na kami diyan."

Binaba ko na yung tawag pagtapos kong magpaalam kay kuya.

"Hintayin lang natin ang kuya ko ha? Wag ka munang umalis." Sabi ko sa enrollee. Tumango lang siya.

Bumalik na si Ninong Lance.

"Okay na Kit. Enrolled ka na. Eto na yung registration form mo." Sabi ni Ninong Lance sabay abot sa akin ng registration form.

Tumabi muna ako doon sa isang enrollee.

"Hi! Ako si Kit." Inabot ko ang kamay ko upang makipag-kamay. "Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Ming." Tipid niyang sagot nang makipag-kamay siya sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya.

"Kit?" Tawag sa akin ni Ninong Lance.

"Bakit po ninong?" Tanong ko kay ninong.

"Halika nga dito."

Tumayo si Ninong Lance at pumasok sa Manager's office. Sumunod naman ako sa kanya.

"Anong balak mong gawin?" Tanong sa akin ni Ninong Lance.

"Gusto ko pong tulungan si Ming. Kaya po tinawagan ko si kuya. Sigurado naman akong tutulungan ni kuya si Ming." Paliwanag ko.

"Naiintindihan ko naman. Parehas talaga kayo ng kuya mo. Sige na, bumalik ka na doon at makipagkaibigan ka na sa kanya." Bilin sa akin ni Ninong Lance.

Bumalik na ako sa sofa kung saan nakaupo si Ming. Naglaro muna ako ng Arena of Valor sa phone ko.

Maya-maya ay may tumatawag sa phone niya. Hindi gaanong malakas yung ringtone niya pero naririnig ko.

"Hello ma. Nandito pa po ako sa school." Sabi ni Ming nang masagot niya na ang tawag. Nakayuko siya at parang tinatago yung phone niya. Depindot pa kasi yung phone niya. Ba't naman siya mahihiya diba? Ako din naman may depindot na cellphone.

Hindi ko marinig yung sinasabi ng mama niya sa kabilang linya. Chismoso lang Kit?

"Mahal po yung uniform mama pati yung libro. Baka hindi nalang po muna ako magaral." Sagot ni Kit sa mama niya.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Gusto kong agawin yung phone niya at sabihin sa mama niya na, 'Kuya ko po ang magpapa-aral sa kanya! Wag po kayong mag-alala.'

"Sige po mama. Bye."

Patuloy parin ako sa paglalaro ko. Pero dahil sa sinabi niya, naputol yung killing spree ko.

Kinalabit ako ni Ming.

"Mawalang galang na, pero uuwi na ako." Sabi ni Ming.

"Ha? Mamaya ka na umalis! Hintayin lang natin yung kuya ko." Sabi ko.

"Pero hinahanap na ako ni mama. Pinapauwi niya na ako." Dahilan pa niya. Ano ba? Di mo ba nagets na pag naghintay ka, may scholarship ka na?!

"Sinungaling! Hindi ka naman hinahanap ng mama mo eh. Narinig ko usapan niyo." Pagsisinungaling ko. Sinabi ko nalang na narinig ko usapan nila kahit hindi naman totoo.

Hindi na ulit kumibo si Ming. Nagpatuloy ako sa paglalaro hanggang sa matalo. Noob players!

Nang matapos akong maglaro, nagchat naman ang girlfriend ko. Si Felina.

"MAGREREPLY KA BA OR MAGBE-BREAK TAYO?!" Chat niya sa akin. Jusko po! Ano nang gagawin ko? Siyempre magrereply.

"Sorry na babe! Naglaro lang ako ng AoV." Reply ko. Hinintay ko yung reply niya pero, seenzoned ang Kit ninyo.

Hinintay ko pa yung reply niya pero wala. Seen talaga.

"Brrrrkkkk"

Tunog mula sa tabi ko. Nakayuko si Ming. Tunog kasi yun ng tiyan na nagugutom na. Nagwawala na yung mga ahas sa tiyan niya.

"Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain?" Alok ko kay Ming.

"Salamat nalang pero hindi pa ako gutom." Sagot ni Ming. Sige lang, mahiya ka pa Ming. Nagisip ako ng paraan para makakain siya.

"Samahan mo nalang akong kumain. Gutom na kasi ako eh! Narinig mo naman tiyan ko kanina diba?" Sabi ko. Kahit tiyan niya yung tumunog sa gutom.

Hindi siya sumasagot. Tumayo na ako at hinila ang braso niya para tumayo.

"Teka! Yung gamit ko." Sabi ni Ming. Kinuha ko yung gamit niya at pinaiwan ko nalang kay Ninong Marco kasama ang gamit ko.

Hinila ko siya palabas ng school at naghanap ng makakainan.

Siguro dito nalang sa McDo kami kakain.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko kay Ming.

"Wala kasi akong pera…"

"Two orders of 2 pc. Fried Chicken with BFF Fries, dalawang Caramel sundae, dalawang Triple cheeseburger. Upgrade the drinks to Monster Float."

Binayaran ko na at nagpa-assist na lang sa crew na dalhin yung inorder ko.

Nasa harap na namin ni Ming ang pagkain pero wala pang gumagalaw sa aming dalawa.

"Kain na." Sabi ko.

"Pasensya na pero wala talaga akong pambayad para sa mga binili mo. Hindi ko pwedeng…"

"Libre ko yan sa'yo. Kaya kumain na tayo. Wag ka na mahiya."

Sinimulan kong kumain dahil gutom na din ako. Gutom ulit ako.

"Salamat." Sabi ni Ming.

Nginitian ko lang siya at sinimulan niya na ding kumain.

Mukhang baligtad ang sitwasyon namin ngayon. The last time I checked, it was Ming who's hungry. Pero ako pa ata itong gutom na gutom.

Sa sobrang bilis kong kumain, nabulunan na ako. Ang hirap lunukin ng pagkain.

Inabutan ako ni Ming ng inumin para malunok ko ang pagkain. Tubig pa ang binigay niya at hindi coke. May dala siyang sariling tubig niya. Mas mahirap kasu kung coke ang iinumin ko habang nabubulunan ako.

Hinahabol ko ang hininga ko nang makainom at malunok ko na ang pagkain.

"Salamat." Sabi ko. Buti na lang talaga nandito si Ming at may dala siyang tubig.

Natapos na kaming kumain at bumalik na sa school. Hindi na namin nakain yung triple cheeseburger kaya pina take out ko nalang at dinagdagan ko pa ng french fries. Para na ito kay Ming dahil marami namang pagkain sa bahay.

"Iuwi mo na 'to Ming. Para sa'yo yan. Bigyan mo din ang mama mo." Inabot ko kay Ming yung take out order ko. Nahihiya pa siyang kunin kaya pinilit ko nalang na kunin ang kamay niya para tanggapin yung inaalok ko.

"Maraming salamat."

Nakaupo lang kaming dalawa dito ni Ming sa Career center habang hinihintay namin si kuya.

Parang may mali sa tiyan ko ngayon. Hindi ko muna inintindi kaya itinuon ko nalang ang pansin ko sa phone ko.

Hindi parin nagrereply si Felina. Di bale na nga! Lagi naman siyang ganyan.

Hindi na talaga kaya ng tiyan ko. Kailangan ko na itong ilabas.

Tinanong ko si Ninong Lance kung saan ang banyo at agad ko namang kinuha ang wet wipes ko sa bag.

Nang makaupo na ako sa inidoro, agad kong inilabas ang sama ng loob ko.

Nagtagal pa ako ng 20 minutes sa banyo at masakit na ang butas ng pwet ko. Kailangan ko na siguro ng Hydroxyethylrutoside para maibsan ang sakit nitong pwet ko mamaya.

I finally gave up. Hindi ko na kaya ang sakit ng puwet ko kahit na alam kong may ilalabas pa ako.

Bumalik na ako sa Career center. Nandoon na sina Kuya Forth at Kuya Beam. Sawakas dumating na din sila.

"Ako na ang magpapa-aral sa iyo hijo. Congratulations!" Sabi ni kuya Forth nang makapasok na ako sa loob.

Maluha-luha si Kit nang sabihin iyon ni Kuya. Kinamayan ni Ming yung dalawa at nagpapasalamat.

"Nandito ka na pala Kit! Uuwi na tayo. Sumunod ka nalang sa labas." Sabi ni Kuya Forth. Nauna nang lumabas yung dalawang mag nobyo. Mag-nobyo ba talaga sila? Ang alam ko kasi mag-asawa na sila dahil sa bahay na din nakatira si Kuya Beam.

"Congrats! May scholarship ka na!" Sabi ko kay Ming.

"Sabay na tayong lumabas?" Dagdag ko.

Tumango lang siya at sumunod sa akin.

Habang naglalakad sa hallway, naisipan kong ilabas din yung cellphone kong depindot para hindi mahiya si Kit.

Kunwari lang na may itetext ako pero ang totoo, wala naman.

"Kit?" Sabi ni Ming. Tinawag niya pangalan ko! Kanina niya pa kasi hindi nababanggit pangalan ko.

"Hmm?"

"Pwede ko bang makuha ang number mo?"

•••

A/N: This time, generic names naman ng mga gamot ang title ng bawat chapter. One chapter down! Don't forget to vote and comment your reactions.

Continue Reading

You'll Also Like

179K 7.9K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
8.6K 541 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.7K 351 24
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...