[COMPLETED] When I'm with You...

By AjiLyndon

2.6K 41 15

Mystery/Romance More

When I'm with You
🍦 Synopsis 🍦
🍦 one 🍦
🍦 two 🍦
🍦 three🍦
🍦 four 🍦
🍦 five 🍦
🍦 six 🍦
🍦 eight 🍦
🍦 nine 🍦
🍦 ten 🍦
🍦 eleven 🍦
🍦 twelve 🍦
🍦 thirteen 🍦
🍦 fourteen 🍦
🍦 fifteen 🍦
🍦 sixteen 🍦
🍦 seventeen 🍦
🍦 eighteen🍦
🍦 nineteen 🍦
🍦 twenty 🍦
🍦 twenty one 🍦
Epilogue

🍦 seven 🍦

60 1 1
By AjiLyndon


Tinley

"Pakiulit ang sinabi mo, Ma?" Tila siya biglang nabingi nang marinig ang nais na mangyari ng kaniyang ina. Kasalukuyan siyang kumakain ng tanghalian na naging merienda niya na sa pagmamatigas niya na huwag bumaba kanina.


"Ang sabi ko, magbabakasyon tayo sa probinsya nila Savannah," ulit nito.



Naibagsak niya ang mga kubyertos na hawak at mabilis na nilunok ang kinakain bago pa siya mabilaukan. "Nagbibiro ka, Ma, right? Hindi ka seryoso sa sinabi mong 'yan."



"Seryoso ako, Tinley. Kahapong kasalo namin ni Rolf si Savannah sa tanghalian ay inimbatahan niya tayo na manatili sa farm nila upang makapagbakasyon. Sumang-ayon si Rolf at sinabi pang maganda daw na ideya iyon lalo pa ngayon na katatapos lang ng masamang insidente sa tahanan natin."



Nagngitngit siya sa loob. Of course it was a good idea for Rolf. Makakasama niya 'yung mukhang GRO niyang girlfriend! "Ma, kung gusto ni Rolf na pumunta sa farm ng Savannah na 'yan ay siya na lang mag-isang lumakad. Huwag na tayong sumama pa. Makakaistorbo lang tayo sa kanila. At isa pa, may trabaho ako dito sa Maynila. Hindi ako makakasama," dahilan niya, gayong alam niyang madaling kumuha ng leave sa company niya dahil kailanman ay hindi niya pa nagamit iyon.



"Ngayon pa lang tayo makakapagbakasyon, anak," giit ng ina.



Ayoko, Ma. Not for Rolf and his girlfriend! "Basta, Ma, dito na lang tayo. Hindi natin kailangan ng bakasyon. Sigurado namang hindi natin ma-e-enjoy 'yun. Sila lang dalawa ang magsasaya doon." Ipinagpatuloy niya na ang pagkain.



"Bakit hindi ka mag-eenjoy, anak? Dahil ba pagseselosan mo lang si Savannah, ganoon ba?" tukso ng ina.



Halos mabilaukan siya sa kasusubo lang na kanin sa sinabi ng Mama niya. "Ma, over my dead body! Hamak na mas maganda naman ako doon!" parang bata niyang sabi. Nakita niya ang pag-iling ng ina. Bigla siyang napahiya sa sinabi. She sighed. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Lumalabas ang worst niya kapag pinagusuapan na si Savannah at Rolf.



Katok sa pinto ang pumutol sa usapan nilang mag-ina. Nang lingunin nila ang pinto ay nakita nila si Cram. Kumunot ang noo niya nang makitang pawis na pawis ito at tila kabadong-kabado. "G-Good morning po, Tita Yda," bati nito sa mama niya.



"Tanghali na, Cram," pagtatama ng mama niya.



Lalo siyang nagtaka. She never saw Cram this disoriented before. Anong nangyari dito? "Kain, Cram," alok niya dito.



Umiling ang binata. "Tapos na. pumunta lang ako dito para sana m-makausap ka." Pasimple itong sumenyas na sa labas silang mag-usap. Nagpaalam siya sa ina na sa garden muna sila ni Cram at iiwan muna saglit ang pagkain. Pagdating doon ay agad niya itong tinanong. "Anong problema at napahangos ka dito?"



"I got a letter."



"Letter? Galing kanino?"



"From her."



Pareho nilang alam na ang tinutukoy nito ay ang babaeng nagtangka siyang sagasaan at siya ding pumalo sa ulo ng kaniyang ina. Nalaman nilang babae ito base sa natatandaan ng kaniyang ina na nakita nito bago pawalan ng malay ang huli. "Anong sabi?"



"Here, dinala ko ang sulat. Natagpuan ko ito sa may windshield ko kanikanina lang." May hinugot itong maliit na post-it na kulay yellow sa bulsa nito. binuklat niya iyon. You killed me, Crammy. Nakasulat ang mga katagang iyon sa kulay violet na lipstick. Kakulay ng lipstick na ginamit sa kanilang pader. Nang mag-angat siya ng tingin kay Cram ay nakita niyang namumutla ito. "Cram..."



"I-it was Kaia, Tinley..."



"Hindi tayo nakasisiguro na siya nga ang babaeng ito."



"She was alive, Tinley." Hindi niya matiyak kung paano babasahain ang samu't saring emosyon na nasa mga mata nito ngayon. Masaya ba ito na maaaring buhay ang dating bestfriend? O nagigimbal at natatakot ito sa kaalamang ang bestfriend nito ang gumagawa ng lahat ng ito?



"You knew the circumstances of her death, Tinley. It was possible that she was alive," wika nito sa tinig na may bahid ng desperasyon.



Yes, nabanggit nito iyon. Nang minsang mangulila ito kay Kaia.




Nang lingunin niya si Cram ay nakita niyang may lungkot na ring nakalarawan sa mukha nito. Ginanap niya ang kamay nito. "You're missing her..."saad niya.




He smile sadly. "It's hard not to. Alam mo namang noong una kitang makita sinabi ko na sa'yo na you reminded me of her so much. Lalo na nang iligtas kita."



May sumaging tanong sa isip niya, subalit nag-aalangan siyang itanong. Ngunit nacu-curious siya. "Cram, nabanggit mo noon na na—namatay si Kaia..."

Nagsalubong ang kilay nito sa pagtataka. "Yes...why?"


Lumunok muna siya bago nagpatuloy. "H-How did she died...?"


Bumakas sa mukha nito ang pagkagulat sa hindi inaasahang tanong. Ngunit saglit lang iyon, nang tumanaw ito sa madilim na kalangitan at muling nagsalita ay wala ng emosyon ang tinig nito. "I...I killed her, Tinley."


Naaawa siya dito. Hindi pa pala ito sumusuko sa pag-asang maaaaring buhay pa si Kaia. Niyakap niya ito. "Hindi pa tayo sigurado sa bagay na ito, Cram. Maaaring hindi siya ang babaeng ito. Maaaring pinaglalaruan ka lang ng taong ito. This could be someone that has a grudge on you. It could be anyone, Cram. Sikat kang rakista. Maraming nakakakilala sa'yo," aniya. Hindi niya gustong umasa ito at madismaya lang sa huli.




"I am sure this time. No one called me 'Crammy' before. Siya lang, Tinley...siya lang," siguradong-sigurado nitong sabi.




Napabuntong-hininga siya. Hindi niya magagawang pigilan ito sa nais nitong paniwalaan ngayon hanggat hindi nila nakikilala ang tunay na katauhan ng babaeng may kagagawan ng lahat ng ito. "Kung si Kaia talaga ang babaeng ito, ano ang ibig niyang sabihin sa pagsusulat ng mga salitang 'Stay away from, Cram, bitch, or I'm gonna kill you for good this time' sa pader namin at sa pagpukpok niya sa ulo ng Mama ko? Ganito ba kabayolente ang Kaia na kilala mo, Cram, tuwing pinagseselosan siya sa'yo?" hamon niya.




Nakita niya ang pagbakas ng kalituhan sa mukha nito. nabasa niya rin doon ang pagtatalo ng isip nito. batid niyang nais nitong paniwalaang buhay pa si Kaia sa kagustuhan na makita muli ang matalik na kaibigan, idagdag pa ang magagawa niyon sa konsensya ng binata kapag napatunayan na hindi nga nito napatay ang una. Subalit nagkakaroon din ito ng maliit na pagduruda. Base sa mga kuwento nito tungkol kay Kaia, she wasn't this type of girl.




Masuyo niyang niyakap ito. "Cram, let's not jump into conclusion, yet. Maghintay na lang tayo sa mga magiging resulta ng imbestigasyon ng mga pulis. Take a hold of yourself. Masasaktan mo lang ang sarili mo sa huli kapag hindi ang inaasahan mo ang nakuha mo."




Tumango-tango ito saka gumanti ito ng yakap sa kaniya, seeking comfort. Matagal sila sa ganoon bago ito nagpasyang umuwi na. Pero alam niyang dadaan pa ito ng studio dahil naroon ng mga drums nito. Malakas na pagpukpok nito ng mga sticks nito inilalabas ang lahat ng saloobin nito. She hoped he would be okay soon. Matapos niyang ihatid ng tanaw ang papalayo nitong sasakyan ay pumihit na siya pabalik sa loob ng bahay. Upang magulat lang nang makita si Rolf na nakatayo ilang dipa sa kaniyang harapan.



"Tinakot mo, ako!" bulalas niya.



"Tinakot kita? Tulad ng kung paano ka tinakot ng psycho freak na kaibigan ng boyfriend mo?"



Nanlaki ang mga mata niya. "N-Narinig mo ang mga pinag-usapan namin ni Cram?"



"Lahat-lahat."



Naihampas niya ito sa dibdib. "You eaves-droppper! Sinong nagbigay sayo ng karapatan na makinig sa amin? Those are private matters between us!"




Hinuli nito ang kamay niya. Nasaktan siya sa mahigpit na pagkakahawak nito doon. She was about to snapped at him to let her go ngunit pinigil siya ng apoy sa mga mata nito. Rolf was mad. "Lahat ng may kinalaman sa kaligtasan mo ay may karapatan ako!"



"W-what are you, my bodyguard?"




"I am here for your safety in the firstplace."



"Narito ka para sa mama ko, hindi para sakin, Baka nakakalimutan mo!" paalala niya dito.



"Hindi ako nakakalimot. Tulad ng kung paanong hindi ko nalilimutan na nangako ako sa papa mo bago siya mamatay na aalagan at proprotektahan ko kayo ni Tita Yda sa abot ng makakaya ko!"



"Really?" tuya niya, marahas na binawi ang kamay mula dito. "Kung hindi ka nakakalimot sa pangako mo sa papa ko, then why did you leave?" Nakipagtagisan siya ng titig dito. Kapwa naglalabas ng apoy ang kanilang mga mata.




"I have my reasons, Tinley," he said through gritted teeth.




At sapat ang mga rason na 'yun para iwan mo kami? Tumalikod na siya bago pa siya matukso na tanungin kung ano ang mga rason nito. Hindi niya alam kung ikasasakit ng damdamin niya ang mga rason na iyon o tutunawin niyon ang mga galit niya dito. Alin man sa dalawa, ay hindi pa siya handa.




"Sasama ka sa amin ni Tita Yda," anito sa tahimik na tinig ngunit may awtoridad.




She whirled back at him. "Hindi ako sasama sa inyo! I'm not going anywhere with you and that skank!"




Mabilis pa sa isang segundo na nasa harapan na siya nito at mahigpit na hawak ang mga balikat niya. Mahigpit ang pagkakabaon ng kamay nito sa balikat niya an tila pinaparusahan siya. "Don't call her that! Hindi mo siya lubos na kialala!" galit nitong sabi.





Ewan niya kung saan siya mas nasasaktan, sa mga kamay nito o sa pagtatanggol nito sa babaeng iyon. Datirati ay ito ang nagtatanggol sa kaniya—they do that to each other, pero ngayon ay nagagaglit ito sa kaniya dahil lang sa babaeng iyon. Sinubukan niyang kumawala mula dito dahil nararamdaman niyang nag-iinit ang gilid ng kaniyang mga mata. Ngunit tila bakal ang mga kamay ni Rolf. "P-Pakawalan mo ako! Magsama kayong dalawa, the hell I care!"




"You're going with us and that's final!" matigas nitong sabi.




"I don't want to be with you!" hiyaw niya dito.




Bigla niyang naramdaman ang pagluwag ng mag kamay nito, pati na ang pagbabago ng eksresyon sa mukha nito. Nabawasan ang galit doon at nahalinhinan ng sakit. "Sa tingin mo hindi ko alam 'yan? I know you rather be with Cram kahit pa nga ba nanganganib ang buhay mo dahil sa pagdikit-dikit mo sa kaniya. Ganoon mo ba siya kamahal, Tinley?" he asked, pain in his voice.




Bigla nagulo ang isip at damdamin niya sa mabilis na pagbabago ng tinig at mga sinasabi nito. Nalilito siya, ngunit nauunawan niya ang tanong nito. Of course she love Cram. She grew to love him as a brother all these years that Rolf was missing. "O-Oo, ganoon ko siya kamahal..."




Bumagsak ang mga balikat ni Rolf, kasabay niyon ay ang pagbitiw nito sa kaniya. "Then I don't know what to do with you anymore, Tinley..." anito sa tinig na puno ng pagsuko. Tumalikod na ito at pumasok ng bahay nila.



Malalim siyang napabuntong-hininga. Kung alam mo lang, Rolf, hindi ko rin alam kung paano ko pakikitunguhan ang sarili kong damdamin pagdating sa'yo, aniya sa sarili na punong-puno ng kalituhan ang isip.

**

What do you think of this chapter?

Don't forget to comment and vote. It will be highly appreciated. Please add/follow my Facebook account for updates on new chapters:

https://www.facebook.com/aji.lyndonwp.3

Here's the link for my Wattpad profile. Please feel free to follow for more stories in the future:

https://www.wattpad.com/user/AjiLyndon

Thank you! <3 

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book οΌƒ2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...