[COMPLETED] When I'm with You...

By AjiLyndon

2.6K 41 15

Mystery/Romance More

When I'm with You
🍦 Synopsis 🍦
🍦 one 🍦
🍦 two 🍦
🍦 three🍦
🍦 four 🍦
🍦 six 🍦
🍦 seven 🍦
🍦 eight 🍦
🍦 nine 🍦
🍦 ten 🍦
🍦 eleven 🍦
🍦 twelve 🍦
🍦 thirteen 🍦
🍦 fourteen 🍦
🍦 fifteen 🍦
🍦 sixteen 🍦
🍦 seventeen 🍦
🍦 eighteen🍦
🍦 nineteen 🍦
🍦 twenty 🍦
🍦 twenty one 🍦
Epilogue

🍦 five 🍦

81 1 0
By AjiLyndon


Tinley

Kinaumagahan ay ginising siya ng katok sa kanilang pinto. Tumambad sa kaniya ang isang babaeng kabilang yata sa grupong Pussycat Dolls. Punong-puno ng kolorete ang mukha nito kahit umaga pa lang.



Nasasagwaan din siya sa pagkakahapit ng masikip nitong mini-dress sa voloptous nitong katawan. Maganda sana ito, kung hindi lang sa masyadong obvious na pagdidisplay ng ka-sexy-han.




"Sino ho ang kailangan nila?" tanong niya.




"Si Rolf. Nariyan ba siya?"



Tumikwas ang isang kilay niya nang malaman kung sino ang pakay nito. ngalingali niyang sabihin na wala doon ang binata. Wala pa man ding isang linggo ang unggoy ay may bisita na. Napakagaling. "Saglit, tatawagin ko siya." Tumalikod na siya upang akyatin si Rolf nang muli siyang tawagin ng babae. Lumingon siya. "Yes?"





"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"




Hindi, ang muntik niya nang isagot. Ngunit dahil tinuruan siya ng magandang asal ng mga magulang niya ay iba ang kaniyang itinugon. "Sige, pasok lang. Make yourself comfortable," aniya na ipinagpatuloy na ang pag-akyat.





"Salamat," ang narinig pa niyang wika ng babae.






Hindi niya na kinailangang pang kumatok sa pinto ni Rolf dahil nakaawang na ang pinto nito. dala ng nakasanayan ay itinulak niya na pabukas iyon. Upang mapanganga lang ng makita si Rolf na kasalukuyang nagsusuot ng brief nito. "Oh my God!" bulalas niya kasabay ng pagtakip ng mata at pagtalikod. "Why are you naked?!" she demanded, gulat na gulat sa nakita. She never saw Rolf naked before. At ang makita iyon ngayon, it was...a revelation. Saan nakuha ni Rolf ang mga abs na iyon? Wala iyon sa tiyan ng binata noon, for God's sake!







"You didn't knock, sweetheart," Rolf pointed out. Nangingislap ang mga mata at tila wala lang na pinagpatuloy ang pagbibihis sa harap niya.






Ikinairita niya ang tila pagkaaliw pa nito sa nangyari. Hindi man lang ba ito nahihiya na may nakakita ng prvate part nito? Puwes siya, hiyang-hiya!





"Kulay kamatis ka na mula ulo hanggang paa. Are you that embarrassed, Tinley?" tukso pa nito.





She gritted her teeth. "Unlike you, marunong akong mahiya!"







Natawa lang ito. "Puwede mo nang buksan ang mga mata mo, disente na ako."




May kaunting pag-aalinlangan man ay inalis niya na ang mga kamay sa kaniyang mga mata. Nang imulat niya na ang mga iyon ay nakashort na si Rolf. Ngunit wala pa din itong pang-itaas. Nakakapanglaway ang tila inukit nitong katawan. "Hindi ka ba marunong mag-lock ng pinto? Simpleng bagay na lang ay hindi mo pa magawa!",sita niya dito, dinaan sa galit ang banyagang nararamdaman.





"Lumabas ako ng kuwarto kanina para kumuha ng kape bago ako maligo. Nakalimutan kong isara. I'm sorry."







Sorry? Iyon lang. Sorry lang ang masasabi nito sa pagkawala ng kainosentahan niya? gusto niyang kalbuhin ang lalaking ito!





"Please lang, next time na makalimutan mo na magsara ng pinto, gawin mo ang pagsusuot ng undearwear mo sa banyo!"








"Okay, I'll keep that in mind. But pray tell me, Tinley, bakit sa lahat ng aksidenteng nakakita ng hubad na katawan, ikaw lang iyong mas pipiliin pang magtakip ng mga mata kaysa ang lumabas ng kuwarto?"







Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi niya pati na ng ulo sa sinabi nito. "What are you trying to imply?"






Nagkibit-balikat lang ito. "Wala naman, just wondering."




Ngalingali niyang kalmutin ang nakakasar nitong mukha. "Para sa kaalaman mo kaya ako hindi lumbas agad ay dahil hindi ko pa nasasabi sa'yo na may bisita ka sa baba!"







Kumunot ang noo nito. "Bisita?"







"Oo, bisita," ulit niya. "A girl who look like a—" Pinigil niya ang bibig na sabihin ang salitang slut. Hindi pa niya kilala ang babae, hindi niya ito dapat agad na hinuhusgahan.







Pero hindi niya maintindhian kung bakit unang kita pa lang niya dito ay naalibadbaran na siya sa ayos nito. Marahil dahil may pagka-konserbatibo pa siya. Ngunit nang sabihin nito na ang pakay nito ay si Rolf, may naramdaman siyang hindi niya maintindihan.




And it was awful enough.








"A girl who look like what, Tinley?" pukaw sa kaniya ni Rolf.





Hinamig niya ang sarili. "Ewan. Ikaw na ang tumingin.



Tutal naman magkakilala kayo, babain mo na lang. babalik na ako sa pagtulog ko," mataray niyang sabi, pagkuwa'y nagmartsa na palabas ng silid nito.

-0-


Nang bumaba siya ng bandang tanghali sa sala ay nadatnan niya pa ang babae na kasama si Rolf at ang kaniyang ina.





Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito. Wala siyang makitang mali doon, ngunit nakadama siya inis. Napabuntong-hininga siya. What's wrong with her?






"Tinley, anak, gising ka na pala," wika ng kaniyang ina na napansin na siya na nanatiling nakatayo sa may hagdan. "Bumaba ka rito nang makilala mo naman itong kaibigan ni Rolf."








"Hi!" masiglang bati ng babae nang makababa siya. "Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magpakilala sa'yo nang pagbuksan mo ako ng pinto. Ako si Savannah."






Nakangiti ang babae at nakamasid sa kaniya ang ina kaya ginantihan niya din ito ng pilit na ngiti. "I'm Tinley, it's nice to meet you."







"Totoo palang maganda ka tulad ng kuwento sa amin nitong si Rolf—" naputol ang sinasabi ni Savannah nang tumikhim si Rolf. Nalilitong nilingon ito ng una. Tila may mensaheng dumaan sa pagitan ng mga tinginan ng mga ito na naiba na ang sunod na sinabi ng babae. "Ang ganda mo, retoke 'yan?"





Natigilan siya sa tanong nito. Habang si Rolf at ang kaniyang ina ay nagpipigil ng tawa. "H-Hindi, natural 'to," naisagot niya na lang.







"Pagpasensyahan mo na 'tong si Savannah, may pagka-prangka. Tinatanong niya kung anong gusto niyang itanong basta naisipan niya. Pero wala naman siyang masamang ibig ipagkahulugan sa mga tanong niya," paliwanag ni Rolf. Nilingon pa nito si Savannah. Hindi nakaligtas sa kaniya ang fondness sa mga mata nito nang ngitian nito ang babae.







Hindi niya inaasahang makadarama ng pinong kurot sa puso sa nakikita sa mga ito. obvious na malapit na malapit ang dalawa sa isa't isa. Once upon a time, Rolf looks at her the way he was looking at Savannah now.







A foreign feeling crept to her heart. Damdaming kailanman ay hindi niya pa naramdaman kay Rolf sa tagal ng kanilang pagkakaibigan: Jealousy.



Nagulumihanan siya sa sarili. Bakit siya nakakaramdam ng ganoon? Dahil ba kay Savannah at sa closeness ng dalawa? Ano naman sa kaniya kung malapit ang dalawa? Hindi na mahalaga sa kaniya ang binata. Sino man ang kaibiganin o kalantriin nito ay wala  na siyang pakialam kaya hindi siya dapat naaapektuhan ng ganoon.







But the thing is, she was affected. And she hates herself for that.






Sa pagtataka ng lahat ay bigla siyang tumayo at in-excuse ang sarili. Nagtanong man ang ina niya kung anong problema ay sinabi niyang wala at may gagawin lang siya sa kuwarto niya.



Bagaman ang totoo ay nais niya lang na makalayo kay Rolf at sa babae nito sapagkat hindi niya na matagalan ang masayang paghaharutan ng mga ito sa harapan niya.







Nagkulong siya sa kuwarto niya at inaliw ang sarili sa pakikinig sa iPod niya. Lagpas isang oras na siya doon nang bumukas ang kuwarto niya at iluwa si Rolf. padabog niyang hinila sa tainga ang mga earphone niya.



"Hindi ka ba marunong kumatok?"





"Yeah, parang ikaw lang nang pumasok ka sa kuwarto ko kaninang umaga."




For some reason ay wala siya sa mood makipag-argumento dito. "Get out of my room, Rolf. I'm entitled to my own privacy."





"Dati-rati ay pwede akong pumasok ng kuwarto anumang oras."







Naningkit ang mga mata niya sa narinig. "That's the operative word, Rolf, dati." How dare him to bring back the past?






Nakita niya ang paglatay ng lungkot sa mga mata nito, lalo nang ilibot nito ang mga mata sa paligid ng silid niya. "Ni-re-decorate mo pala ang kuwarto mo. Marami kang binago...at inalis."







Napako ang tinigin nito sa isang pader malapit sa bintana. It was bare. Ngunit dati ay puno iyon ng mga kuwadro-kuwadrado nilang mga mga litrato ni Rolf.







Matapos ang isang taon na wala siyang narinig na balita mula rito na dahilan upang magpasya siyangkalimutan ito ay inalis niya ang lahat ng bagay sa silid niay na magpapaalala sa kaniya sa binata. Inuna niya ang mga pictures nito. Sinubukan niyang itapon ang mga iyon. inilagay niya pa nga sa labas ng kanilang bahay para pick-up-in ng mamababasura.







Subalit nang makita niyang dinampot na iyon ng lalaki at akmang ihahagis na sa truck ay ubod ng bilis siyang tumakbo palabas at pinigilan ito. Bago pa ito magtanong ay binawi niya na ang box ng puno ng pictures at pumasok ng bahay nila. Ngayon ay nasa ilalim ang mga iyon ng kaniyang kama. Hindi niya alam kung bakit nagbago ang isip niya ng mga panahong iyon. hindi niya rin maunawaan ang sarili kung bakit may parte ng puso niya ang pinahahalagahan ang nakraan at pinagsamahan nila ni Rolf gayong kaylinaw na kabaligtaran naman ang nadarama ng binata.







"Nasaan na ang mga litrato natin na nakasabit diyan?" tanong ni Rolf sa kaniya na pumukaw sa kaniyang malalim na pag-iisip.





"Itinapon ko na," mabilis niyang tugon.




Nasilip niya ang sakit sa mga mata nito. Ngunit hindi niya matiyak kung totoo. "Why?"








Kinuha niya ang isang libro na nasa lamesa niya at binuklat-buklat iyon upang may pagkaabalahan ang mga kamay niya nais manginig. She never lied to Rolf before. Hindi siya sanay. Itinuon niya rin ang mga mata sa mga pahina ng libro sa takot na kung titingin siya kay Rolf ay makikita nito ang kasinungalingan sa kaniayng mga mata. "I-I don't need them, Rolf. clutter lang ang mga iyon sa kuwarto ko. Aanhin ko naman ang mga bagay na wala namang pakinabang?" pagsisingungaling niya.







"I bet you think your room looks better now that you dispose all those clutters," sarkastiko nitong sabi.






I bet your life was better when you dispose us from it, nais niyang ibalik dito. Pero hindi niya ginawa dahil gusto niyang iparating dito na wala na itong halaga pa sa kaniya o kahit anumang bagay na may kinalaman dito.






Nagpaskil siya ng pekeng ngiti sa mga labi. "What can I say? Tama ka. Mas gumanda nga ang kuwarto ko."






Nagtagis ang mga bagang nito. "Umakyat lang ako dito para sabihin sa'yong kakain na tayo ng tanghalian. Pinabababa ka na ni Tita Yda."







"Hindi pa ako nagugutom." Hindi niya maatim na makasabay ito at si Savannah sa hapag-kainan. Hindi niya kailangang mapanuod ang part two ng lambingan ng dalawa. Tiyak na hindi siya matutunawan.







"Hindi ka nag-almusal, malilipasan ka ng gutom kung hindi ka kakain ngayon."







"Ano naman sa'yo ngayon?" masungit niyang sabi. mamatay man siya ngayon, she bet he wouldn't care.






Tila may nais itong isagot sa kaniya dahil bumuka ang bibig nito. subalit hindi iyon natuloy dahil muli ding isinara ng binata. Napabuga ito ng hangin sa frustration. "Bahala ka na. suit yourself." Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng silid niya.





She felt like shouting. Parang gusto niya ding ibato sa pintong nilabasan nito ang librong hawak niya. Wala talga itong pakialam sa kaniya. Ni hindi man lang siya nito pinilit kahit kaunti. Hinayaan lang siya nito na magutom doon. Hinablot niya ang isang unangnaroon at ibinaon ang mukha doon saka tumili.







But deep inside her, she was hurting.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book οΌƒ2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)