Corny Daming Alam!

By HumiGad

261K 8K 2.5K

"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya... More

Corny Daming Alam!
Corny 2
Corny 3
Corny 4
Corny 5
Corny 6
Corny 7
Corny 8
Corny 9
Corny 10 (Part 1)
Conry 10 (Part 2)
Corny 11
Corny 12
Corny 13
Corny 14
Corny 15
Corny 17
Corny 18
Corny 19
Corny 20
Corny 21
Corny 22
Corny 23
Corny 24
Corny 25
Corny 26
Corny 27

Corny 16

7.7K 283 89
By HumiGad

XVI. CHEZKA

 

Napatulala ako sa dalawang taong nagmamadaling umalis sa harap namin at napahawak sa dibdib ko. Ouchhhhh...

Kumikirot kasi. Yung kirot na parang hindi ako makahinga.

Yung kirot na nasasaktan ako… Sobrang nasasaktan…

I was in pain…. The man I love just went away with another girl in his arms. I was so sad I began to cry.

 

OMIGOSH Frey… Mahal na mahal kita! Bakit mo siya hinahawakan? Bakit mo siya hinihila?

Naalala ko tuloy yung kahapon…Nung ako yung sunud ng sunod sa kanya. Ako yung kapit ng kapit, ako yung halos maglupasay para mahawakan ang balat niya, pero pinagtatabuyan niya ako.

Ngayon heto siya… Super sweet dun kay Cormia. Tinawag niya pa yung babaeng yun sa pangalan niya.

 

Unfair treatment! Naluha ako lalo. Bakit napaka lupit ng tadhana sa pag-iibigan natin? This can't be happening!

Frey is this really goodbye?

 

“Shh.. Chezka, tahan na.”

*sniff* *sniff* “Eh kasi—naman.”

 

“Nakakahiya na. Baka isipin pa nila inano pa kita.” Naiilang na sabi ni Cruz sakin habang napakamot siya sa ulo niya at tumitingin sa paligid.

Eh ano naman ngayon.

“Ina—ano?” *sniff* *sniff*

Moment ko to e. Kasi diba dapat kapag ang isang babaeng mahal na mahal ang isang lalaking iniwan siya. Dapat iiyak?

Diba dapat ganun?

So mas lalo pa akong umiyak.

 

“Tsk. Halika na nga.” Binuhat niya ako bigla, ikinapit ko nalang yung kamay ko sa batok niya at isinubsob ang mukha ko sa balikat niya. Kahit kailan talaga maasahan ko itong lalaking ito.

But just like always, I have the same answer…

Hindi siya ang mahal ko.

“Narinig ko yun.” Mahinang sabi niya.

Napatingala ako sa mukha niya. His jaw tense, diretso lang ang tingin niya.  Hala? Nasabi ko ng malakas?

“Oo. Kaya tahan ka na diyan.” Humigpit yung pagkakahawak ni Cruz sakin.


T___T Frey… dapat ganito ang ginagawa mo sakin diba? Kasi ikaw ang lalaki na para sakin. Katulad ng mga lalaking nasa libro… Alam mo yun? Yung masusungit na lalaki nakakatuluyan ang isang babaeng tahimik… mapagmahal… sweet….at *sniff* hindi ko na alam.

Hinatid na ako ng bestfriend ko sa bahay.

Yes po, bestfriend ko po ang lalaking ito. At gaya po ng isang typical common story. Inlove siya sakin. Paano ko nalaman?

Sinabi niya.

Pero hindi pwede…

Dahil ayokong maging common ang lovelife ko. :c

Magkakilala kami ni Cruz mula pagkabata. Madalas kasing nagpupunta yung family niya sa amin. Business purposes, habang nag-uusap ang mga matatanda, kaming dalawa ang naiiwan. Niyaya niya ako maglaro at mula nun naging magkaibigan na kami.

Ganun kabilis. Dahil kahit sinong babae gagaan ang loob sa lalaking ito. Magkasing-edad lang kami pero mas nauna siya sakin sa lahat ng bagay.

Just like now, I’m in my second year of College, si Cruz naman third year college student sa ibang bansa pero umuuwi siya dito sa Pilipinas tuwing break nila. At ayun dahil break nila, nandito siya. I'm not really sure if it's true though, I heard he's already done with his college degree.

Pero I don’t want to talk about Cruz!

Nuon, inaamin ko isa akong mahinhin at tahimik na babae. Hanggang ngayon parin naman diba?

Nagbago lang ako ng kaunti nung tumuntong ng college…Dahil naisip ko, wala akong mapapala sa pagiging mahinhin at tahimik. Kahit maraming nagkakagusto sakin. Alam ko yun. At alam ko ring nahihiya lang silang lumapit.

So now, I want to make the first move. I’ll grab the opportunity as long as nakahain na yan sakin.

Then I found Frey… The opportunity I had been waiting for. Nagulat talaga ako sa ginawa niya sa auditorium, he was so brave to voice out his opinion. Kahit na ang kapalit nun ay ang kaladkarin siya ng mga babae, nagawa niyang ipagsigawan ang nararamdaman niya. Tapos nung nagkita pa kami sa hallway ng school niya.

Super sungit niya. Nakaka inlove!

Diba ganun naman? Kapag super sungit ng lalaki mabilis maiinlove ang mga bidang babaeng tulad ko. Kaya ganun din ang nangyari sakin ngayon. Ahihihihi.

So I grabbed the opportunity. Literally.

And kissed him.

But where did I learn how to kiss? Diba nga mahiyain ako at tahimik.

Kanino pa ba? Edi sa bestfriend ko. He was my first kiss… and I believe ako rin ang kanya. We learned everything together…

 

“Cruz, ibaba mo na ako.”

Tumango siya at ginawa ang gusto ko. We were in the living room during that time. Hinawakan ko ang braso niya.  Malungkot parin ang boses ko nung sinabi ko sa kanya,

 

“Kulang naman yata ang tinuro mo sakin…bat di mainlove inlove sakin si Frey?”

Nagtatakang tiningnan niya ako, halatang naguguluhan siya sa sinabi ko.

 

“Anong pinagsasabi mo Chezka?”

 

“I gave him the ‘wild kiss’ thingy. The one we did last year.”

 

Nanlaki ang mata ni Cruz sa harap ko, para siyang na estatwa.

Yes Cruz… I’ve found him… The man that I will love for all eternity. My prince charming! Nakita ko na ang lalaking mamahalin ko. Kaya Frey nasan kana? Anong ginagawa mo?

---------------------

Ang GAGO naman non. Pucha. Sinayang oras ko. Sinayang oras niyo. Ang corny, tae!

 

 

 

FREY:

 

“Hoy mandiri ka nga! Ang lagkit lagkit na ng kamay natin! BITAWAN MOKO!” Sigaw nung bastos na babae.

Tiningnan ko siya ng masama pero ginawa ko yung sinabi niya. Tama naman kase, parang tanga lang. Namamawis na pareho kamay namin. Nakakagago to a? Paano natatagalan to ng mga  langyang magsyotang ulol?

Pinahid ko yung kamay ko sa suot kong pantalon.

At yung bastos na Cormia?

San pa niya pinahid yung kamay niya?

Syempre sa  pagmumukha ko.

Oo, ang gagong babaeng to, hindi sa uniform ko ipinahid ang nanlilimahid na kamay niya. Ampucha! SA MUKHA KO!!

 

“Anakng!”

Ngumiti siya. Yung ngiting matagumpay na parang ang sarap hambalusin ng mukha niya!

Bago ko pa tuluyang hampasin ang mukha niya gamit ang bibig ko dahil sobrang landi niya at ang corny ko na, nakakagago.

Naalala kong balikan yung bisekleta ko.

Bumalik kami dun.

Ako lang pala. Dahil pagod na daw maglakad si Cormia. Tae, kahit kailan ang bastos niya.  -_-

Wala na ang ungas at si kutung lupa na may bukol ang ulo dahil sakin… Tss. Ang daming alam. Wala ako pake.

“Sakay.” Utos ko sa kanya nung binalikan ko siya.

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay tapos nakapamewang siya.

 

“Sinabi ko bang papayag ako sumama sayo?”

“Tss. Wag ka ng corny sumakay ka nalang.”

 

“Ito na ang panghuli.” Inismiran niya ako.

 

Pinanlakihan ko siya ng mata. At syempre, ang babaeng to di na tinag. “Oo na! Bilis na!”

At dahil dun… ubos na ang mga kahilingan ko.

La ako pake.

 

 

Hindi sa dahil pulubi ako, ayoko lang mabawasan pera ko at para san pa at may bisekleta ako? ANO AKO TANGA? DI NAG – IISIP?!

Nasa likod ko si Cormia naka-angkas siya at nakahawak sa uniform ko. Ayaw niya na iikot yung braso sa katawan ko. Ayos lang sakin yun.

Ang corny e.

 

“MALAYO PABA!?” Tanong niya sakin.

Isinigaw niya yun sa tenga ko, at naramdaman ko na parang nabasa ng kaunti ang pisngi ko.

“Putangina! PUNASAN MO LAWAY MO!”

Tumawa lang siya. Ginamit ko nalang yung balikat ko at iniangat yun,

Ampucha.. ang baboy na ng uniform ko!

“Tsk. Nakakagago kang babae ka.”

Sinabi ko lang sa kanya na iuuwi ko siya.  Wala na siyang ibang tinanong dahil alam niyang wala siyang palag saken dahil ito ang huling hiling ko.

Nay, wala akong balak baguhin ang babaeng to.

Wala akong balak sabihan siya na magbago para sakin.

Ang magkunyari kaming mga gagong malanding magsyota para sa 300?

Anu yun gagong plot nanaman?

Hahayaan ko tong Cormia na to. At isa pa diba nay? Sabi mo gusto mo lang siyang makita.

Pagkatapos ng sobrang tagal na byahe… Mga puchang limang oras ata akong nagbibisekleta na parang ulol dito. Tapos siya ang sarap kutusan dahil pasarap lang siya sa likod ko…

Nakarating din kami.

“Baba.”

Bumaba na siya at tumingin dun sa bahay. Yung mata niya nanlaki ang sarap hugutin.

“Tss.” Di ko alam pero… napangiwi ako nung makita ko reaksyon niya.

“Frey…?” Nakatingin parin siya sa magarang bahay na nasa harap niya ngayon.

Ang gago gago gago lang talaga.

Bakit ako nakaramdam ng lungkot nung makita ko yung namamangha niyang tingin dun?

Nay, nandito na ako. Kasama ang gagong girlfriend ko.

 

========X

Maraming salamat po sa mga nagbabasa nitong CDA. Hindi ko inaasahan na magugustuhan ninyo ito. Hindi po maayos ang takbo ng storyang ito. XD

Continue Reading

You'll Also Like

3K 29 8
Do you think na ganun ganun nalang lahat? After what you've done? Sabi ng babaeng nasa harap ko at punong puno ng galit ang mga mata. Kinakabahan ako...
246 8 30
"Ano nanaman bang pinag gagagawa mo sa buhay mo ha corrine?!wala ka ng ginawang matino sa buhay namin ng mommy mo!." singhal sakin ng walang kwenta k...
3.2K 96 36
Di ko alam kung may kakagat sa TRIP ko. Basta pag may gusto kang sabihin, mag-comment ka, at least nakatulong ka sa baguhang tulad ko. (For improveme...
716K 33.5K 36
"What makes you think you're already in love? You haven't even met that Zero." Natawa naman ako sa kaibigan kong si Leigh habang inaayos ko yung sint...
Wattpad App - Unlock exclusive features