I'm With Him (ON-GOING)

By mysecretsunshine

3.3K 160 147

Kwentong walang patutunguhan. HAHAHA. Deh, biro lang. Sabi nga nila, LOVE IS BLIND. Eeew. Makaluma na yan! Sa... More

I'm With Him Introduction
01 - Namatay si..
02 - Butt & Balls
03 - Piso.. Dos... Tres... Presyo mo?
04 - Violators
05 - Aliens
06 - Ang Perlas ni...
07.1 - Asungot On The Loose
07.2 - Asungot On The Loose
08- Date?
09 - Together
10.1 - Nightmare?
10.2 - Sweet Dreams?
12 - Opportunity
13 - Good Morning!
14 - Bugaw
15 - Operation
16 - Karen
17 - Taken?
18 - Rumor Has It
19 - Kambal nga?
20 - Ang Creamer ng Buhay ko
21- Tomby

11 - Interesting..

126 7 5
By mysecretsunshine

SARAHTOT: Dedicated sa magaling na author ng After School... ang ganda kasi eh *u*

VOTE & COMMENT kung feel niyo tong chappie na to! Tenkyooo~

-----------------------------------------------------------------------------------

11 – Interesting..

 ^^^RIO’s POV

“Hello?”

“Good morning Ced? Napatawag ka?”

“Yep, kakagising lang po”

“Hmmm? Wala naman akong lakad ngayon”

“Date?”

“Uhm...sure”

“Okay, bye”

“MUWAHAHAHAHA Hooh! Sa wakas!” –ako habang nakaharap sa salamin sa loob ng banyo ko.

“Sa wakas tapos na ang practice ko!” Hohoho. Yes. PRACTICE pa lang yung kanina. Nagpapractice kasi ako kung sakaling tumawag si Cedric ko... echus, Cedric KO talaga.. kasi nga inaangkin ko na siya! Muwahahaha *u*

Saturday ngayon... walang klase! Woohoo! Kaya eto ako maagang naligo kasi nga... uhm. Bat nga ba maaga akong naligo? -__-

Anyway, lalabas na ako ng cr... bakit? Alangan namang dito ako tumambay? Okay, dami ko ng satsat... lalabas na nga oh...  

*POK*

“ARAAAY!..... Oh? Pau-Pau?! Bat ka nandito?“ Hinimas-himas ko yung ulo ko at kung nagtatanong kayo kung paano siya nakapasok? Aba malay ko, may lahing akyat-bahay ata siya. Muwahahaha

Deh, biro lang. Labas-pasok lang kasi sina Lizzy at Pau-Pau dito sa bahay. Kilala na rin naman sila ni yaya Beng kaya hinahayaan na lang lumusot sa kung saan-saang sulok dito sa bahay.

“Baliw ka na Rio -__- “ –Pau-pau na nakaupo lang sa sofa ng kwarto ko

“O? Ngayon mo lang nalaman?” Narinig niya siguro yung pagpapractice ko. Tsk. Todo effort yung pagpractice ko haa, wag niyong pagtawanan.

 “Tss.  Nga pala, may gagawin ka mamaya?”

“Wala naman. Bakit? Yayayain mo ako magdate nuh? Oh em! May gusto ka na sa’kin? Hindi tayo talo!”

“Shatap Rio. -__- “

“Eto naman, joke lang yun. Nga pala, bat ang init ng ulo mo?”

“May kulugong nakasira sa cellphone ko kaya di kita macontact at napilitang pumunta na lang dito”

“Ayiiie. Sino naman kaya yung kulugong yan? Muwahaha *u* “

“Shatap Rio. -__-  Nga pala, tumawag si Luke“

“.....”

“Pinapatanong kung pwede ka muna mag fill-in mamaya. Okay lang ba?”

“.....”

“Huy Rio? Ano na? -__- “

“.....”

*PLOK!*

“ARAY! Ano ba?! Sasabihan mo ako ng shatap tas ngayong nagshatap na ako.. tatapunan mo lang ako ng kung anong mapupulot mo sa tabi-tabi? *pout* ”

“Ano na sagot mo? -__- “ Wow. Galing talaga ni Pau-Pau... haba-haba ng sinabi ko tas iba yung sagot. Tss

“Ayoookkooooo~” Heehee ansarap asarin ng isang to

“Suntok you want? -__-++ “ ay! biro lang yung kanina, hindi pala siya masarap asarin.

“Hehehe. Oo na. Ako na magfifill-in mamaya. Okay na?”

“Okay. 8pm mamaya. Geh, bye ” Tapos umalis na siya. Kahit kelan talaga tong si Pau.

Si Pau, mukhang mainitin lang ang ulo pero totoong malambing yun. Madalas siyang nasasabihang snob at maldita... pero mabait naman talaga yan eh, nahihiya lang maglambing at ipakita ang GAY side niya. Di kasi yan sanay na magpakita ng totoong feelings niya. AT TEKA NGA! Bat ko ba ‘to kinukwento? Tss. Makapgpractice na nga, matagal-tagal ko na ring hindi to nagagawa.

 ^^^PAULINE’s POV

“MAHAL!”

“SWEETY!”

Ang ingay ng dalawang ‘to. Parang ngayon lang nagkita eh magkasama naman tong dalawa kagabi!  

Oy! Wag berde... nandun rin ako kagabi at apat kaming magkasamang nagbar. Nagkayayaan lang naman. Kung nagtataka kayo sino yang dalawang taong nakalamon ng mic...

“Mahal! I’m so glad na nakapunta kayo” –Lizzy sabay hug kay Hal.

“Tss, ikaw pa sweety! Di kita matiis eh” –Hal sabay ginulo ang buhok ni Lizzy.

Haay, ewan ko sa dalawang yan. Hindi pa nga nag-iisang linggo mula nung nakasabay namin sila maglunch sa cafeteria. (refer to chappie 07.1)

According sa kanila, mag bestfriends na DAW sila simula kagabi. And yuck lang haa! What’s with their endearment anyway? SWEETY? MAHAL?

Mas katanggap-tanggap pa yung MAHAL kasi yun naman talaga ang real name ni Hal... pero pati ba naman si Hal makiki-SWEETY na rin?! Aba.. tama ng si Lizzy nalang ang nagsi-sweety kesa madagdagan nanaman ng isa pa! Nakakssuka na ngang laging sweety ng sweety tong si Lizzy tas madadagdagan pa ng Hal? Kaderder lang talaga.

“Hi Pau!”

NYEMAS BARABAS. Bat kasama ni Hal ‘tong kulugong to? at aba... may gana pa siyang ngumiti matapos niyang sirain ang phone ko kahapon. -__-

“Pau sweety, pansinin mo na yang si Seth. Kawawa naman oh” –Lizzy sabay turo kay Seth

“Oo nga Pau, mabait naman talaga yan si Seth eh” –Hal na uupo sa tabi ni Lizzy. Aba, close tayo Hal? At ano naman ang konek sa pagiging mabait ni Seth?

“Uy, sorry na kagabi” Sabay upo sa tabi ko. Pakapalan ng mukha te? Hindi kami bati tapos tatabi pa siya sa akin?

Inirapan ko lang siya. Sorry ka dyan! Tama ba namang itapon ang phone ko? Hindi ko nga alam kung bakit niya tinapon? Pinag-ipunan ko kaya yun! Ang hirap kayang mag-ipon lalo na’t si Lizzy ang lagi kong kasama.... napakagastador ng babaeng yun. Tapos parang tinapon lang ng kulugong yan ang pinaghirapan ko? Grrr.

“Eto oh” –Seth sabay abot sa’kin ng isang paper bag

“O? Ano toh? -__- ” ako habang binubuksan yung bigay niya

“Peace offering ko” –Seth sabay turo dun sa hawak kong.. iPHONE!?

“Okay, bati na tayo -__- ” Tss. Ayoko naman magpakipot. iPHONE na kaya ‘to! mas maganda ito kesa dun sa dati kong phone na nag-fiflicker na yung screen at hindi na masyadong nagrerespond sa touch ko! Oy, hindi ako mukhang pera... alangan namang tanggihan ko ang grasya? Baka pagalitan pa ako ni Lord.Okay. Shatap na Pau.

^^^SETH’s POV

Sana naman magustuhan niya ito. Tinamaan ata ako sa isang ‘to. Nabili ko ‘to kasi gusto ko pareho kami ng phone. Ano nga ba tawag dun? Couple phone??

Eh sa nakalimutan kong may phone pala siya at para namang ang weird kung bigla-bigla akong magbibigay ng phone sa kanya. Kaya naman nagpanic ako kagabi nung ibibigay ko na sana ‘to. Hindi ko namalayang hinablot ko na ang phone niya at tinapon kaya ayun... gulat na gulat kaming apat sa pangyayari kagabi. Haay.

“Eto oh” –sabay abot nung paper bag sa kanya

“O? Ano toh? -__- ” sana naman magustuhan niya

“Peace offering ko” –sabay turo ko dun sa hawak niya

“Okay, bati na tayo -__- ” Waaah! Buti naman nagustuhan niya! Hooh! Success!

“Ah guys, cr lang kami” –Lizzy sabay hablot kay Pauline. Gusto ko pa katabi si Pau T^T

^^^CEDRIC’s POV

Ano nanaman ‘tong pakulo ng mga ungas na yun at pinapunta pa ako dito sa isang.. COFFEE HOUSE?

Oy. Bago to ah. Kailan pa kaya natutong magcoffee house yung dalawang yun? Eh pagkakaalam ko bar lang ang laman ng mga utak nun. Tsk. Pumasok na lang ako at nakita sila kaya nilapitan ko na.

“Oy. Ano nanaman to? -__- “

“Ced! Upo ka muna” –Hal sabay offer ng isang seat

“Bat niyo ko pinapunta dito? -__-”

“Wala lang” Tsk. Mga ungas na ‘to pinapunta ako dito tapos wala lang?

 “Hi Ced! Buti naman nakapunta ka” –Lizzy na kasabay si Pau

Aaah. Kaya naman pala napadpad ‘tong dalawang to sa isang coffee house. Obviously, sinisimulan na ni Seth ang moves niya kay Pauline... Tsk. Suportado ko naman si Seth, ngayon ko pa lang ata nakitang tinamaan yan sa isang babae. Good luck na lang sa kanya, mukhang hindi magiging madali ang pagsuyo niya kay Pauline.

At eto naman si Hal? Anong meron sa kanila ni Lizzy? Tsk, mukhang magkasundo pa sila. -__-

“Hal, bat nandito tayo?” pabulong kong sabi kay Hal

“Hindi ko rin alam eh, pinapunta lang ako ni Lizzy.. ay teka lang...” tapos humarap siya lkay Lizzy “Sweety, bat mo kami ininvite dito?” SWEETY? May endearment na sila?

“Ay oo nga pala, for moral support! Magpeperform ulit si---“ naputol yung sasabihin ni Lizzy ng biglang may nagsalita mula sa maliit na stage.

“Good evening guys! I’m proud to present our next performer, matagal-tagal rin siyang nawala mula sa music scene and I know kilala siya ng mga regular costumers dito--” Hindi natuloy yung pagsasalit nung emcee ng biglang sumingit ang isang babae sa eksena

“Eto naman, music scene talaga? Hahaha! Para namang ang sikat ko niyan” Tapos pinagtabuyan niya yung emcee. Musta naman yun?

“Good evening! Nandito ako para kumita ng pera pambili ng pagkain ko. Hahaha. Deh biro lang, hindi raw kasi makakasipot si Sheena kaya nag-fill in lang ako. Mukhang second option lang ako ng manager dito eh. Hahaha. Joke lang manager, taasan mo sweldo ko haa” Tsk. Too much information, dapat nagperform na lang siya.

“Woah, buti na lang dito tayo kumain ngayon”

“Ang ganda pa rin niya.. diba halos a year na ata mula nung last natin siya nakitang magperform?”

Narinig ko yung pag-uusap ng kabilang table. Oo, agree ako na maganda siya pero may talent ba talaga toh?

“Okay, for my first song for tonight...” tapos may kinuha siyang... CAP na pang HIP-HOP at BLING-BLING?

Anong gagawin niya? Hmm. Seems interesting.

*end of chappie*

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...