Captivated by her, Demonica.

Oleh myziiz

1K 170 80

Just because of his mission, he met her. The one that will make him feel so beloved. And also the one will ma... Lebih Banyak

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14

Kabanata 4

79 15 10
Oleh myziiz

"Ha? So, niyaya ka nya sa bahay nya agad? Ganern?"

TUMANGO ako habang nakatulala sa harapan ko. Nakakabigla pa rin para sa akin ang ginawa ng Cloud na 'yon mula umpisa. Sabihin nyo nga sa akin, who would've thought na ang pinaka-sikat at tahimik na tao sa school namin noong college ay ang first kiss ko? God! Hindi ko talaga maintindihan kung I should be grateful or ashamed dahil hindi ang true love ko ang nakakuha no'n.

"Gosh, ang swerte mo be!" Inalog-alog nya ang balikat ko habang nagd-daydream na naman sya. I'm sure kung ano-ano na namang maduming bagay ang nasa isip nito. Wala akong bisyo pero pustahan tayo kababuyan na naman ang nasa utak nito.

Inismiran ko s'ya at inirapan. "Tumahimik ka."

Bumuga akon ng isang malalim na hininga bago tumingin sa glass wall ng coffee shop na pinuntahan namin. Niyaya ako ni Xylie since day-off naming dalawa ngayon. Mabuti nga't kahit papano ay nagd-day-off pa ang isang ito, e. Mukha kasi s'yang zombie these past few days.

"So, i-kwento mo na kung anong ginawa nyo sa bahay nila! Suspense ba 'yung ginawa nya or kababalaghan na may halong pagka-romantic. Ano bang posisyon--aray! You ouch me ha!"

Nakapikit ako habang hindi pinigilan ang kamao kong batukan sya. Kakaiba talaga ang pag-iisip ng babaeng 'to. "Bunganga mo, kababaeng tao."

Inirapan nya ako bago nagdada na naman sa tabi. "Duh! 30 years old ka na this year kaya keri na nating pag-usapan 'yung mga bagay na tungkol do'n. Atsaka isa pa, nakakita ka ng live action no'n hindi ba? Remember when Daisee and Sydd? Intense nga 'yung sakanil--no! Don't you dare, Monic. I'm done with your abusive personality. Sa ganda kong 'to? Sinong magbabalak na saktan ako? Ikaw lang!"

Inamabahan ko sya ng suntok sa mukha para matigil sya. Kailangan ba talagang banggitin 'yung napanood ko dati sa Petit-Maitre? Hindi sa nahihiya ako pero, parang gano' na nga. Nahihiya ako para sakanila ni Daisee at Sydd. Like ew, nandidiri talaga ako sakanila that time.

Kahit naman ngayon, diring-diri ako sa mga ahas, e. Nothing changed.

"Ano ngang nangyari? Matapos ng sinabi nyang maganda ka, hinalikan ka ba nya? Ayokong manghula pero be, your face says it all!" Nakangiti sya sa aking habang nagm-make face na para bang alam nya na ang susunod na nangyari kagabi.

Pinatahimik ko sya dahil naririnig na sya ng todo ng ibang mga customer dito. Masyadong nakakahiya talaga pagkasama mo ang maingay na babaeng ito.

"Para manahimik ka na at maging mapayapa ang buhay ko, sasabihin ko na. Huwag na huwag kang titili, understand?" Seryosong saad ko kaya nakangiti sya habang excited na tumatango. Sa mukha nyang 'yan? I'm sure, titili 'yan maya-maya. I don't trust her anymore pagdating sa gano'n. But I love her anyways kaya, magke-kwento na ako kahit alam kong masasaktan nanaman ang tenga ko dahil sakanya.

Sana lang talaga, hindi sya tumili sa harap ng maraming tao rito sa coffee shop. Sana lang. Kung hindi, tatakbuhan ko sya. Seryoso ako.

¤¤¤

Nakatingin ako sa mga mata nya ng sabihin nya iyon. Alam kong maganda ako pero, kakaiba ang epekto ng sinabi nya sa akin. Talagang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. And that scares me.

Ayoko na ulit maramdaman 'yung ganito, God.

Itong pakiramdam na ito. Ito 'yung pakiramdam na naramdaman ko ng makilala ko ang gagong si Sydd. And I really do hate this feeling. Anong susunod na gagawin ko ngayon? Should I just be quiet at itulak na lang sya gaya ng dapat na plano ko bago nya ako pakiligin?

Pakiligin? What the hell?

"Alam kong kinilig ka sa sinabi ko pero totoo 'yon," nabalik ako sa aking diwa ng muli syang magsalita. "Hindi ba tamang huwag ka nalang muling umiyak sa parehong dahilan?"

I stared at his face. Shet malagket! Those eyes are making my heart beats faster! Ano ba talagang mayroon sa lalaking ito at ganito nalang ka-apektado ang puso ko kahit ngayon ko lamang sya nakilala. Ni wala pang isang oras ko syang nakilala pero grabe na agad ang epekto nya sa akin.

"A-Ang kapal ng mukha nito, bumaba ka na nga! Naiinis na talaga ko sa'yo. Just mind your own business okay? Atsaka isa pa, hindi ka dapat nangingielam kung nagpapakatanga pa rin ako hanggang ngayon dahil naman kita kilala in the very first place. You're out of my business. Get lost!"

Nagtaka ako ng hawakan nya ang balikat ko bago pa ako makaupo ng maayos. Ano na naman bang balak nya sa ngayon? Nakatitig sya sa akin with his orbs habang ineeksamina ang buong mukha ko na mas lalong nagpabilis pa lalo sa aking puso. Pwede tumigil muna sya sa pagtibok ng mabilis? Naloloka na ako! Para akong mawawalan ng hininga!

"You're my business from now on, kaya hindi ko hahayaang masaktan ka ulit ng Sydd na 'yon, understand Mrs Frenierre?"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko, but hell! Those words... feeling ko napaka-ganda ko talaga dahil sa sinabi nya. Just who the hell is this guy? Bakit napaka-misteryoso nya para sa akin?

"Kinilig ka na naman, ano?"

Inambahan ko sya ng sapak ng magising muli ako at mabalik sa aking diwa. Grabe, ibang-iba ang ugali nya kay Sydd at mas nakakainis 'yung ugali nya. Seryoso. Inirapan ko. Sya bago tinulak ng malakas. Naiinis na ako sa kakulitan nya at sa mga nonsense na pinagsasabi nya kanina. I was like, ew.

"Just go! Lumabas ka na at huwag na huwag ka nang makielam sa buhay ko, okay? Get lost now!"

Nag-iba ang aura nya ng marinig nya ang mga katagang sinambit ko. Napahawak ako sa aking labi ng ma-realize ko ang masasakit na mga salitang binato ko sakanya sa kabila ng tulong na ginawa nya sa akin kanina. Stupid, demonica! Kung ano-ano na namang sinasabi mo ngayon!

"I-I didn't mean those... Sadyang wala langa ko sa mood para makipag-lokohan ngayon—"

"So, you're saying na kalokohan lang 'to? Na lahat ng ginawa ko kalokohan? Really, Demonica?"

Napatikom ako ng bibig ng putulin nya ang sinabi ko. Gusto ko syang tanungin kung bakit at anong pumasok sa utak nya at pag-laruan ako, kami nina Sydd kanina. Ano ba talagang plano ng isang 'to.

"Okay, sasabihin ko na sa'yo ang rason."

Lumiwanag ang mukha ko ng sabihin nya na 'yon. Mabuti naman. Hindi ko talaga hilig ang mangapa ng mga pangyayari. Gusto ko agad malaman ang lahat sa lalong madaling panahon. Pero ang rason kung bakit nagloko si Sydd noon? Nah, sinong gustong makarinig ng kasinungalingan? Tell me, papatayin ko.

"I'll get straight to the point," bumuga sya ng malalim na hininga bago muling nagsalita ng ikinabigla ko. "I'm an assassin."

Napaawang ang dila ko sa sinabi nya at napahawak ng mahigpit sa manibela. Assassin? Isa syang assassin? To think na sya ang pinaka-tahimik sa paaralan namin noon, ay hindi kataka-taka na may tinatago syang sekreto. Those eyes, imposibleng wala. Pero ang maging assassin? Unexpected as hell.

"Sydd is my new target. Sya ang susunod na mission ko, and I know you still love him base on the way you look at him earlier. Ayokong saktan ka kapag nalaman mo kung ano ba talagang balak ko sakanya, but Demonica..."

I trembled because of his husky voice. Shet na malagket! Ano ba dapat ang i-react ko sa taong ito? His eyes are making me feel hypnotized. Nakakaloka lang dahil bumibilis na anman ang tibok ng puso ko. Hindi sa sinabi nya kung hindi sa presensya nya.

"I need you, Demonica. At ang tanging paraan para makaalis ako sa buhay na nararanasan ko ngayon,"

Lumapit sya sa akin ng bahagya at inilapit ang labi nya sa tenga ko at kinagat ito na nakapag-pakabog ng matindi sa aking dibdib. What the actuall hell?

"You need to kill him for the sake of everyone I would kill in the near future."

¤¤¤

"Teka, teka! Huwag mo na ituloy! Just save it for later. Mags-sleep over ako sa'yo. Kahit gustong-gusto ko nang ituloy ay kailangan ko pang pumunta sa date namin ni Justin. See you later be, kumain ka na ha? Papatayin pa kita."

Nginitian ko lang sya bago dahan-dahan kinuha ang throw pillow sa tabi ko at mabilis na hinagis sakanya. "Just go!"

Inirapan nya ako bago nagm-make face na naman at tuluyan na naman umalis. Bumuga ako ng malalim na hininga bago tumingin sa mga papels na dapat kung tapusin na nasa office table ko. Oo, nakarating na agad kami sa opisina ko since malapit lang ang building ko doon. Nagke-kwento ako habang naglalakad pabalik sa building para mabilis. Tinatamad na naman ako ng walang dahilan.

"Isang mahabang araw na naman para sa akin, nakakasawa impernes." Bulong ko habang patungo sa upuan ko at aayusin na sana ang mga papeles ng biglang may kumatok mula sa aking pinto na mukhang ang secretary ko.

"Imma back!"

Nabigla ako ng bigla muling pumasok si Xylie sa office ko habang nakatingin sa cellphone nya habang parang tangang kumakaway. Kaalis lang ng isang 'to hindi ba? Ba't ba ang kulit-kulit nya?

"Anong trip mo--teka sina Dainna ba 'yan?" Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang mga kausap nya sa phone nya. Face time ang gamit nya, at kitang-kita ko ang mga mukha ng iba ko pang kaibigan sa screen ng phone nya. "Dainna! Zyra! Omg, ba't si Xylie tinawagan nyo't hindi ako?! Traydor!"

Nagsalita si Zyra habang si Dainna ay nagpapa-cute na naman sa kabilang gilid. Hindi na ako nagtaka, gano'n sya lagi kapag nakikita ko sya. Kahit kailan talaga gayshit ang babaeng 'yon.

"Alam kasi naming busy ka kaya si Xylie fritzy girl muna ang tinawagan namin. Atsaka isa pa, mas gusto naming kausap ang madaldal na si Xylie kaysa sa'yo na laging mainit ang ulo at hindi manlang nagsasabi na may lalaki na palang pumasok sa buhay mo ulit!"


Napairap ako sa kawalan habang si Xylie naman ay tumatawa sa kabilang banda. Pinagtutulungan na naman nila ako. Dapat talaga ay hindi ko sinabi sa Xylie na 'to ang lahat, at talagang makakarating agad ang balita kila Zyra kung gano'n sya. Wala e, madaldal e.

"Whatever." Saad ko. "Nasaan kayo ngayon? Uuwi na ba kayo?"

Lumaki ang ngiti ni Dainna ng tanungin ko sila. Kinindatan ako ni Dainna bago binigyan ng flying kiss na kinangiwi ko.

"Miss mo na ba ako? Actually nasa pilipinas na kami, sadyang nagpapamiss lang kami sainyo para kusa nyo kaming puntahan. Tama ako hindi ba, Zyra?"

Napasapo si Zyra sa mukha nya gamit ang palad nya dahil sa sinabi ni Dainna. Sinasabi ko na nga ba't may plano ang dalawang ito, e. Mabuti nga't madaldal rin talaga ang Dainna na 'yon. Perks of being madaldal.

Nakita ko kung paano tignan ng masama ni Zyra si Dainna na mukhang na-realize na ang mga pinagsasabi nya kanina. Binatukan nya ang kanyang sarili bago ngumiti sa amin ng awkward. Nginisian ko lang sya bago binalik ang phone ni Xylie sakanya.

"Mag-usap muna kayo, ilalagay ko lang sa table ng maayos 'yung mga papeles. Umupo ka sa sofa ng maayos, Xylie't huwag kang bumukaka." Pagbabanta ko kay Xylie na tatalon palang sana sa sofa ko at uupo gaya ng upo ni L sa Death note na ngayon ay pinagmamayabang nya sa akin na asawa nya. Nakakairita rin kasi ang pagka-otaku ng isang 'to minsan.

Inirapan ako ni Xylie bago kinausap sina Zyra na ngiting-ngiti na naman habang nakatingin at nakikipag-usap kay Xylie. Gayshit talaga kahit kailan. Napairap ako sa kawalan bago itinago lahat ng papeles sa iisang lalagyan na nasa tabi ng table ko. Siguro naman ay mabilis ko itong matatapos mamayang gabi since wala namang espesyal sa mga papeles na 'yon.

Natapos ko na ang pag-aayos at nakisali na sa pinag-uusapan nina Xylie na ngayo ay nagsisi-tawanan na sa kung ano-anong bagay. Ano na naman kayang piang-uusapan ng mga 'to?

"Cloud? Hindi ba't yon 'yung school mate natin noon na sobrang tahimik?"

Napaawang ang dila ko ng marinig ko ang sinambit nina Zyra sa kabilang linya. Napasapo nalang ako sa aking noo bago inirapan sdi Xylie na bumubulong ng kung ano-ano na naman na mistulang gumagawa ng ritual. Duh, I'm done with her.

"Xylie, kailan ka ba titigil kadadaldal?" Malumanay na saad ko bago tinawagan ang secretary ko. "Tori, pwede bang dalhan mo kami ng kape rito? Sige, salamat."

Naririnig ko paring nagke-kwento pa rin si Xylie sakanila kaya napairap muli ako. Nakakailang irap na ba ako ngayong araw na 'to? Siguro'y hindi na mabilang sa daliri dahil sa kadaldalan ng Xylie na ito. Kailan ba sya tumigil sa kadadaldal?

Naririnig ko ring tumitili pa sina Zyra dahil maganda ang pagkakapasok ng 'kilig' scene ni Xylie. Naalala ko tuloy kung paano magwala ng todo ang dibdib ko ng mga oras na 'yon. Nakakaloka talaga 'yung parteng 'yon, pero talagang hindi ako maka-move on sa mga pinagsasabi nya.

Pero teka, ano nga bang pinagtapat nya noon? Ba't hindi ko talaga maalala? Pero ang tanging alam ko lang ay isa syang assasin at hindi ko naman alam kung anong trip ng mga assasin kaya hindi ko na tinanong kung ano nga ba. Useless kung tstanungin ko pa, uso naman mag-search.

"Ms. Alvarez?"

Natigil si Xylie sa pakikipagdaldalan kila Dainna ng marinig niya ang boses ni Tori. Gano'n rin sa kabilang linya sina Dainna.

"Someone's waiting for you outside, would you mind if I let him in?"

Nakatinginan kami ni Xylie bago bumalik ang tingin ko kay Tori na nasa pintuan na at nailagay na ang mga kape namin ni Xylie sa lamesa.

"Sino daw?" Tanong ni Xylie na mukhang may idea na kung sino. Nakaharap rin ang camera sa parte namin para masaksihan rin nila ang nangyayari. Mga tsismosa pa naman ang mga tropa ko.

"Just let him in, I don't mind." Sambit ko bago umupo sa office chair ko. Baka kasi mamaya isa ko palang ka-trabaho at makitang ang gulo ng office ko. Si Xylie ang naman ang mukhang magulo kaya hayaan na. Maganda naman ang buhok nya para maging design ng office ko.

Habang tumitingin-tingin kay Xylie na parang timang hinaharap pa rin ang phone nya sa pinto at tinitignan ang relo nya na mistulang may hinihintay.

"In 1..2..3." Tumingin sya sa pinto at saktong may biglang kumatok at pumasok na lalaki na hindi ko inaasahan.

Narinig ko ang tili nina Dainna mula sa phone pero hindi ko 'yon pinansin at nagtatakang nakatingin kay Cloud na nakangiti sa akin with his rectangular smile. Napatingin sya sa direksyon ni Xylie kaya mabilid na nag-hi ang gaga bago ito binigyan ng 'bang' gesture. Gusto kong mag-face palm minsan, minsan lang naman.

Napatingin muli sya sa akin kaya bumalik ang pakiramdam na naramdaman ko kagabi.

"Hindi ba't sabi ko may date tayo, Mrs. Frenierre?"

Ang tanging narinig ko na lamang pagkatapos no'n ay pagtili ni Xylie at nina Dainna sa kabilang linya habang akong hinihila palayo ng lalaking hindi ko naman talaga kilala in the first place.

Mga traydor! At talagang gusto nila itong si Cloud para sa akin? Duh! Hindi naman sya gano'n kagwapo at kamacho, ano! Malayong-malayo sa ideal type ko kaya bakit gano'n sila naka-cheer sakanya?

"Ugali. Ibang-iba ang ugali ko kay Sydd." Aniya. "Dahil sya may karapatan noon at pwedeng-pwede ka nyang saktan kung gusto nya."

Napatingin ako sakanya habang hinihila nya ako palabas ng building. Tumingin sya saakin bago ako binigyan ng rectangular smile nya na nakapagpatigil sa akin sa pagrereklamo.

"Wala akong karapatang saktan ka kaya ginusto kita dahil gusto kita."

Just hajima!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...