Mending Fina [COMPLETED]

By barbsgalicia

2.2M 56.5K 6.8K

[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is... More

Mending Fina
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
ALTERNATE ENDING

Chapter 2

102K 2.7K 162
By barbsgalicia

FINA

NAGLAKAD ANG LALAKI palapit sa kinatatayuan ni Fina.

Sa tulong ng kaunting mga ilaw, nakita niya na rin kung sino talaga ito. And she was right, it's Jett. Nakatitig ito sa kanya nang diretso at ang lakas-lakas ng dating ng paglalakad nito.

Diyos ko para tuloy siyang hindi mapakali sa pwesto niya! Kabadong-kabado siya. Magsasalita na dapat siya pero laking gulat niya na lang nang bigla siyang hawakan ni Jett sa braso. Hinila siya nito papunta sa kalapit na building na halos wala ng mga ilaw!

"U-uy anong ginagawa mo!" Sinubukan niyang bawiin ang braso niya pero hindi siya nito pinagbigyan.

Dire-diretso lang ito sa paghila sa kanya hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng classroom.

Mas lalo siyang kinabahan! She tried to escape from him again, pero bigo siya. Nagtagumpay si Jett na maipasok siya sa silid. Mabilis pa nitong ni-lock ang pinto at binuksan ang ilaw.

Napaatras agad siya sabay kapit nang mahigpit sa bag niya. "A-ano ka ba, bakit mo ako hinila?" Hindi siya makatingin sa mga mata nito.

"Mag-usap tayo."

"Ha? Bakit kailangan dito? Nasa labas na tayo kanina, dapat doon na tayo nag-usap."

"Gusto ko rito." Bigla itong bumuntong hininga at tinitigan siya sa mga mata nang diretso. "Bakit mo ako tinakbuhan sa apartment? Nakalimutan mo yatang magpa-salamat sa akin?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman ako magpapasalamat? 'Di ba dinala mo nga ako sa apartment mo nang hindi ko alam?"

"Magpasalamat ka kasi hindi kita pinabayaang lasing na lasing doon sa bar. Kinuha kita dahil 'yung mga kasama mo, hindi na makatayo."

Umiwas siya ng tingin. "Magpapasalamat lang ako sa'yo kung inuwi mo ako sa bahay namin, at hindi sa apartment mo."

"Ayos." Halos matawa ito. "So wala pa rin pala talaga akong matatanggap na 'thank you'? Tsaka paano kita iuuwi sa inyo, hindi ko nga alam kung saan ka nakatira. Naghanap ako ng ID sa wallet mo, wala naman akong nakita na may nakalagay na address."

Bumuntong-hininga siya. "Kaya pala nawala ang wallet ko sa bag ko. At kaya rin pala alam mo ang buo kong pangalan. Kinuha mo pala ang wallet ko. Nasaan na 'yon? Dala mo ba? Akin na, importante 'yon sa 'kin."

Kinuha rin naman nito ang wallet mula sa back pocket ng suot nitong slacks tapos inabot sa kanya.

Tinanggap niya at binuksan agad para i-check.

Natawa na lang si Jett. "H'wag kang mag-alala, wala akong kinuha diyan. Wala namang laman 'yang wallet mo."

Napasimangot siya. Isa rin palang salbahe 'tong lalaking 'to, parang si Ellie. Hindi na niya sinagot. Pinasok niya na lang ang wallet sa bag niya pagkatapos.

"Wala pa rin talagang 'thank you'?" Sabi ni Jett.

Nagpakawala ulit siya ng buntong hininga. "Okay, thank you. Kahit na dinala mo ako sa apartment mo nang walang pahintulot ko tsaka hinubad mo ang uniform ko, thank you."

He smirked. "Welcome. Oo nga pala, Jett." Nagpakilala na ito nang maayos. "Sa susunod kasi, h'wag kang uminom kung hindi mo naman kaya. Sa totoo lang, sa itsura mo, hindi nga halatang umiinom ka."

"First time ko 'yon. Napilit lang ako."

"Kaya pala."

Tumuwid na siya ng pagkakatayo. "Uhm, okay na ba? Nakapag-sorry na ako sa 'yo at nakuha ko na ang wallet ko. Tapos na ba tayong mag-usap?"

"Paano kung hindi pa?"

Umiwas siya ng tingin. "Sorry, kailangan ko nang umuwi. Gabi na kasi eh, may duty pa ako sa ospital bukas. Tsaka, wala na rin naman tayong kailangan sa isa't isa. Bye, thank you ulit." Inayos na niya ang pagkakasabit ng bag sa balikat niya tapos umalis at lumabas ng classroom.

Ang kaso, pagkalabas niya, natigilan din agad siya dahil umuulan na pala. Kung minamalas ka nga naman. Wala pa siyang dalang payong.

Sumunod na lumabas si Jett galing sa classroom. Natigilan din ito saglit dahil sa ulan, tsaka tumingin sa kanya. "Umuulan pala. Hatid na kita? May sasakyan ako."

Nagulat siya. "H-h'wag na. Nakakahiya na nang sobra sa 'yo. Kaya ko namang umuwi."

"Tara na. Para ka pa namang walang dalang payong. Mapuputikan 'yang uniform mo, puti pa naman."

Napaisip siya bigla.

Oo nga, kawawa naman ang ate Martha niya, mahihirapan na namang maglaba ng uniform. Bumuntong hininga siya, wala naman siyang choice. "Sige. Uhm, babayaran na lang kita. Nahihiya ako eh."

Hindi naman na sumagot si Jett. Bigla na lang siya nitong hinila sa siko para mag-umpisa nang maglakad.

Habang papunta na sa parking lot na medyo may kalayuan mula sa classroom na pinanggalingan nila, bigla na lang kumulog at kumidlat nang malakas. Sabay silang napatingin sa langit.

"Hindi ka takot?" biglang tanong ni Jett sa kanya pagkatapos.

"Sa kidlat?" Umiling siya. "Mahilig ako sa mga ganitong panahon."

"Ah. Kahit kapag naka-puting uniform ka?"

Napangiti siya nang tipid. "Except kapag naka-Nursing uniform ako. Hassle kasi."

Naputol na ang paguusap nila dahil mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan. Grabe, parang binagsak lahat ng tubig galing sa langit!

Wala na silang nagawa, tumakbo na agad sila sa pinaka-malapit na pwede nilang pagsilungan nang matino. Kung tutuusin, malapit na sana ang parking lot mula sa pwesto nila ngayon, pero mababasa na sila nang sobra kapag tumuloy pa silang sumugod.

Niyakap ni Fina ang sarili niya. Ang lamig!

Napansin naman agad siya ni Jett. "Kaya mo?"

Tumango siya, kahit na sa totoo lang, malamig talaga. Sumasabay kasi ang malakas na hangin. Buwan na ng Hulyo kaya hindi malabong pumasok na ang mga bagyo.

Bigla niya namang napansin si Jett na inu-unbutton na ang suot nitong polo. Pagkahubad, inabot 'yon nito sa kanya. "Oh. Takpan mo ang sarili mo."

Tinanggap niya agad. Pero bago niya pa maisuot iyon ay bigla na siyang hinila ni Jett para sumugod sa malakas na ulan!

"U-uy ano ka ba, malakas!" Tinakpan niya ang ulonan niya as if makakatulong 'yon para hindi siya mabasa.

Grabe, hindi man lang kasi nagsabi itong si Jett! Bigla-biglang susugod! Sinabihan pa siya nito na mapuputikan ang white uniform niya tapos 'yun pala, hihilain lang din siya nito sa ulanan!

Pagkarating nila sa pinagpaparadahan ng kotse, pinasakay agad siya ni Jett sa passenger's seat sa harap. Nabasa na talaga nang sobra ang uniform niya.

Sinundan niya naman si Jett ng tingin pagkatapos habang naghahalungkat ito ng kung ano sa likod ng kotse.

Pagkapasok nito sa loob, inabutan siya nito ng puting tuwalya. "Magpunas ka, baka magkasakit ka." Sabay buhay nito sa makina ng kotse.

"E ikaw?" tanong niya naman. "Papaano ka? Ako lang ang magpupunas tapos ikaw, magda-drive nang basa?"

"Ayos lang ako. Magpunas ka lang diyan."

"Sure ka? Basa 'yang buhok mo. Magpupunas lang ako saglit tapos ikaw naman."

"Hindi na. Sa 'yo na muna 'yan para hindi ka lamigin."

Hindi na siya sumagot. Pero sa loob-loob niya, nahihiya siya.

Inumpisahan niya na lang na punasan ang basa niyang braso at mukha, pati na rin ang dala niyang bag. Tapos ikinumot niya 'yung towel sa katawan niya. Nanginginig siya sa sobrang lamig! Hindi naman bukas 'yung aircon pero ang lamig talaga.

"Bibilisan ko ang pagda-drive," sabi naman sa kanya ni Jett. "Ituro mo na lang sa'kin kung saan ka nakatira."

'Yun na lang nga ang ginawa niya. Tinuro niya rito kung saan ang bahay niya.

Wala pang isang oras ay nakarating na sila. Mabuti't hindi nag-traffic kahit na malakas ang ulan. Isa pa, sobrang bilis ding magmaneho ni Jett. Para itong nagmamadali na hindi maintindihan.

Pagkahintong-pagkahinto nila sa tapat ng bahay, nagtanggal na agad siya ng seatbelt.

Kumuha siya ng 50 pesos galing sa bag niya at inabot kay Jett. "Uhm, ito ang bayad ko. Thank you sa paghatid sa'kin."

Tiningnan lang naman nito ang inaabot niya, tapos umiling. "Ayoko niyan."

Bumuntong-hininga siya. "Sorry, ito lang ang kaya kong ibayad sa 'yo e. Barya lang naman kasi talaga dapat ang pamasahe ko pauwi. Wala na akong extra na pera."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Bigla nitong kinapa ang sariling bulsa at naglabas ng cellphone. Inabot 'yon nito sa kanya. "Number mo?"

Napangiti na lang siya, tapos ewan niya kung anong nangyari sa kanya at tinanggap niya rin naman 'yong phone. Parang may aura kasi itong si Jett na mahirap tanggihan.

Tinype niya ang number niya. "Bakit pala ngayon mo lang ako nilapitan? Ilang araw nang na sa iyo ang wallet ko, hindi mo naisip na ibigay sa 'kin?"

Pagkabalik niya ng phone, tsaka lang siya nito sinagot. "Paano kita lalapitan, parating nakadikit sa 'yo 'yung mayamang babae."

"Si Ellie? Paano mo naman nalamang mayaman siya?"

"Halata ko lang. Nakita ko kayo isang beses. May sarili siyang driver, sinusundo siya."

"Ah, oo. Minsan sinasabay niya ako pauwi. Best friend ko 'yun si Ellie. Mabait 'yon. Hindi ka naman niya aanuhin kung lumapit ka."

"Wala lang. Hindi lang ako komportable sa kanya, parang malakas mang-alaska. Panay nga ang tingin sa 'kin no'n kanina sa gym."

She chuckled. "Pinaguusapan ka kasi namin eh. 'Yung wallet ko nga kasi. Pero okay 'yong si Ellie, mabait 'yon."

Sakto naman no'n, bumukas na ang pinto ng bahay nila.

Si Ate Martha, nagma-madaling lumabas ng bahay, may bitbit itong malaking payong. Nakita na siguro nitong nakarating na siya. Inabangan siya nito sa labas ng pintuan ng kotse.

Nilingon niya na lang ulit si Jett. "Bababa na ako, ah? Thank you ulit."

Ngumiti lang ito nang tipid. Bagay pala rito kapag ngumingiti nang gano'n. Mukha kasi talaga itong suplado eh.

Tuluyan na siyang bumaba ng kotse pagkatapos, bitbit ang towel. Bukas niya na lang ibabalik. Lalabhan niya muna, nakakahiya.

Sinermonan nga agad siya ng ate Martha niya pagkababa na pagkababa niya, pero hindi niya na maintindihan ang mga sinasabi nito. Parang bigla kasing bumagsak ang katawan niya ngayon. Siguro sa sobrang ginaw. Mukhang magkakasakit pa yata siya. Dumiretso na lang siya ng pasok sa bahay.

**

NALIGO LANG SIYA saglit at kumain nang kaunti, tapos binaksak na niya ang sarili niya sa kama.

Ramdam niyang pagod na ang katawan niya pero parang hindi naman siya inaantok. Buhay na buhay ang utak niya. This isn't good. Kailangan na niyang matulog dahil maaga pa ang duty niya bukas.

This is all Jett's fault. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Para kasing eksena sa isang Korean drama, e. Noong huling beses lang, nagising siya sa apartment nito. Tapos ngayon, nakapag-usap na sila nang medyo matino at hinatid pa siya nito sa bahay niya. More than that, nahingi pa nito ang number niya.

Napapangiti na lang tuloy siya sa sarili niya ngayon. Umiiral na naman ang pagiging hopeless romantic niya. She never had a boyfriend before kaya 'yong mga simpleng galawan lang na ganoon ni Jett ay masyado na niyang dinaramdam at siniseryoso. Isa pa, gwapo naman kasi talaga si Jett. Sinong hindi kikiligin?

Tumagilid na siya ng higa ngayon at lumingkis sa isang unan para sana magpa-antok na. Kaso bago niya pa maipikit ang mga mata niya ay bigla niyang naramdaman ang cellphone niya na nag-vibrate.

Tiningnan niya kung sinong nagtext. Unknown number. Mukhang kilala na niya kaya binuksan niya agad ang message.

| Nakauwi na ako. Tulog ka na? Goodnight. — Jett. |

Ano ba 'yan. Simpleng text lang pero kinilig na agad siya!

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 63.1K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...
5.2M 135K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?
9.4M 49.8K 26
Young love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too...
1.3M 43.2K 34
Barkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa...