Just Like Before

By moisel

185K 2.9K 668

Everyone deserves second chance. More

Just Like Before
Chapter 1: Number 7
Chapter 2: Dela Cruz
Chapter 3: Gym
Chapter 4: Kuya
Chapter 5: Wo ai ni
Chapter 6: Suitor
Chapter 7: Turn back time
Chapter 8: Number
Chapter 9: Damn love
Chapter 10: Closure
Chapter 11: Not enough
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Cafeteria
Chapter 14: Your voice
Chapter 15: Time
Chapter 17: Broken
Chapter 18: My Hailey
Chapter 19: Your touch
Chapter 20: Upset
Chapter 21: Sweet
Chapter 22: My way.
Chapter 23: Chances
Chapter 24: Dead
Chapter 25: Parents
Chapter 26: Uneasy
Chapter 27: After lunch.
Chapter 28: Accident
Chapter 29: Selfish.
Chapter 30: First.
Chapter 31: Calm.
Chapter 32: Bestfriend
Chapter 33: I love you, Royce.
Chapter 34: Give me time.
Chapter 35: Distracted.
Chapter 36: Why, Dana?
Chapter 37: Everything.
Chapter 38: Yes.
Chapter 39: Territorial
Chapter 40: Plan
Chapter 41: You're mine.
Chapter 42: My girl.
Chapter 43: Bye. I love you.
Chapter 44: My son's girlfriend
Chapter 45: Always hers
Chapter 46: Date my son
Chapter 47: Back.
Chapter 48: My fault.
Chapter 49: Babe.
Chapter 50: Why?
Chapter 51: Contact
Chapter 52: Letter
Chapter 53: Now.
Chapter 54: Nami and Levi
Chapter 55: My Royce.
Chapter 56: Who's this?
Chapter 57: Distraction.
Chapter 58: Sorry, girlfriend.
Chapter 59: Scared.
Chapter 60: Caller
Chapter 61: Saturday.
Chapter 62: My message.
Chapter 63: Just say yes.
Chapter 64: Missing.
Chapter 65.1: Royce's Point of View
Chapter 65.2: Royce's Point of View
Epilogue.
JLB: JTHY
JLB: JFY

Chapter 16: A sign

2.9K 49 4
By moisel

Chapter 16

Tinawagan ko siya nang makauwi na ko sa bahay pero walang sumasagot. Nakatulog na ko pero pagkagising ko wala akong natanggap kahit na text man lang kay Royce kaya hindi na ko nagdalawang isip, tumawag ako sa kanya. Hindi ko siya tinigilan.

Kahit nasa bahay na ko ng classmate ko para sa groupwork namin, tinatawagan ko pa rin siya. Kaya laking tuwa ko nang sinagot niya ang tawag ko.

“R-Royce…” sabi ko agad. “S-sorry na…”

“Alright… alam mo namang hindi kita matitiis, diba?” I heard him sigh. “Nakauwi ka ba ng maayos?”

“Oo naman. Sumabay ako kay Dana, sinundo kasi siya ng kapatid niya.”

“Hmm…” Nakita ko ang mga kaklase ko na nagsisimula na sa pag-aasikaso ng project namin.

“I need to go now, Royce. Mag-uumpisa na kami.”

“Okay, I love you, Hailey.”

“Love you. Bye.”

“Hey, wait, babe!”

“Ano? Kelangan nasigaw?” Natatawa kong tanong.

“Please… let me see you on Wednesday. After your class, let’s date. 6 pm?”

“Wednesday? Okay… sure. Just make sure you won’t skip your class, okay? Mag-aaway ulit tayo.”

“Okay, Ma’am. I love you po.”

Masaya akong binaba ang tawag niya. Napansin yon ni Dana kaya ngumiti rin siya sa’kin. Medyo natagalan kami sa paggawa ng requirements namin. Halos gabi na rin ng makauwi ako. Nasabi ko rin kay Dana yung date namin ni Royce sa Wednesday. Mas excited pa nga siya kesa sa’kin eh. Kaya naman laking dismaya ko nung nagyakag ang mga kaklase ko na kumain sa labas after class ngayong Wednesday.

“Guys, bawal ako ngayon eh. Aalis kasi ako—”

“Ang KJ naman, Hailey! Sandali lang naman tayo eh. Tsaka minsan lang to, palagi na kasi tayong busy. Ngayon na lang ulit nabakante ang sched natin.” Sabi ni Rea, classmate ko.

“Sige na, Hailey. Kasama naman ako.” Narinig kong sabi ni Dana. Tumango nalang ako sa kanya. Itetext ko sana si Royce na baka ma-late ako ng konti pero pipilitin ko na pumunta pero low batt pala ang cellphone ko. Ayokong mag-away ulit kami dahil dito.

Nag-enjoy ako sa biglaang gala namin ng mga kaklase at kaibigan ko. Pagkatapos non, nagyakag pa sila na pumunta sa videoke bar. Sumunod nalang ako. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 7 pm na. Hiniram ko agad ang cellphone ni Dana para i-text si Royce. Damn. I’m so late.

Nagpaalam ako kay Dana na aalis muna ako. Lumabas ako ng KTV room. I pressed Royce’s number right away.

To: Royce

Royce, where are you? Sorry, may biglaan lang ginawa. – Hailey.

Umupo ako sa gutter sa parking lot sa labas ng Videoke Bar. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ni Dana. Bakit kasi ngayon pako na low batt?

After 10 minutes biglang tumunog ang cellphone ni Dana. Nagulat ako ng mag-appear ang picture ni Royce sa screen. May picture siya ni Royce? Hindi ko na pinansin yon. Sinagot ko agad ang tawag niya.

“Na’san ka, Hailey? Oh, God. Are you fine? I was so scared, babe… so scared.” Dire-diretso niyang sabi. Napapikit nalang ako. Ramdam na ramdam sa boses niya ang sobrang pag-aalala sa’kin. Damn. Dapat kanina ko pa siya tinext.

“S-sorry, Royce…” I sighed. “Medyo… ahm…”

“Where are you, Hailey?”

“Magallanes.”

Natahimik siya sa kabilang linya. Of course, alam na niya kung anong ginagawa ko dito. Damn it.

“Who are you with?”

“M-my friends. I’m so sorry, Royce. Akala ko kasi mabilis—”

“Where exactly?”

“V-videoke bar, Royce.” Kung kanina nag-aalala siya, ngayon naman, sobrang galit na siya. Kelangan ko na agad pumunta sa kanya. After this call, magbabyahe agad ako paalis dito. “Biglaan naman ‘to Royce eh, nagkayayaan lang. Pupunta na rin ako dyan. Ibabalik ko lang ‘tong cellphone kay Dana—”

“Wag na, Hailey.” Putol niya. “Sa susunod nalang tayo magdate, okay? Pagod din ako eh.”

“I’m so sorry, Royce…” Hindi siya nagsalita sa kabilang linya. Lalo akong kinabahan. Galit pa rin ba siya? O dala lang ng pagod niya? “H-hinintay mo ba ko? Sorry talaga—”

Naputol ang line. Napatitig ako sa cellphone ni Dana. Gusto kong maiyak. Galit nga siguro si Royce. Pero maya-maya nakareceive ako ng message galing kay Royce din. Dali-dali ko itong binuksan.

From: Royce

Sorry, malo-lowbatt na ko. Enjoy yourself there, okay? Good night.

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos kong basahin ang message niyang yon. Hindi siya galit. Okay lang sa kanya na hindi ako nakapunta sa dinner namin. Siguro nga sobrang pagod siya. I hit reply.

To: Royce

Next time, Royce. I love you.

**

“Earth to Ms. Hailey Skyla Bautista!” Napatingin ako sa nagsalitang si Dana. Hands on her hips with brows arched. Bruha talaga ‘tong bestfriend ko. “Let’s go home na! Tulala ka na naman!”

Pilit na ngumiti lang ako sa kanya bago inayos ang bag ko. Naglakad na kami papunta sa gate 1. Pinakamalapit na kasi ito sa pwesto namin.

“So… date niyo ni Kuya bukas? Anong feeling?” Tanong ni Dana sa’kin. Inirapan ko siya.

“Anong date? Sasamahan niya lang ako bumili—”

She cut me off. “Date na rin yon! Ikaw talaga, parang walang naging boyfriend eh! Tss.”

“Whatever, Dana. C’mon, bilisan mo maglakad.” Inunahan ko na siya. Pero bago pa ko makalayo, tumakbo na siya palapit sa’kin tapos inakbayan ako. “How about… Royce? Ayie! Grabe! Kilig na kilig talaga ako kanina!”

Namula ang pisngi ko nung maalala ko ang nangyari sa canteen. Oh, God! Pinilig ko agad ang ulo ko. Natawa si Dana sa ginawa ko.

“Naalala mo yung kiss no?!” Kinurot niya pa ko ng mahina sa tagiliran bago tumakbo palayo sa’kin. Hindi ko na siya hinabol dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Napatalon ako nung makarinig ako ng busina sa gilid ko. Tinignan ko agad kung saan galing ang bastos na yon—nanlaki ang mata ko bago mabilis na naglakad. Narinig ko ang mabilis na pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse niya kaya mas lalo kong binilisan ang lakad.

Napatigil si Dana sa pagtakbo at humarap sa’kin. Nanlaki ang mga mata niya. Diretso siyang tumingin sa tao sa likod ko. Of course, kilala ko kung sino yon.

“Hailey!” Tawag ni Royce sa likod ko pero hindi ako tumingin. Diretso pa rin akong nakatingin kay Dana. Nung makalapit ako sa kanya, bigla siyang lumayo ng konti.

“Sabay nalang ako kay Kuya umuwi, bye, Hailey! May sundo ka nga pala! Haha!” Mabilis siyang tumakbo sa sasakyan ng kapatid niya.

What the hell just happened?! Iniwan niya ko sa lalaking to?

“Hailey!” Hinawakan niya ang kamay ko. I jerked off. Mukhang hindi siya nagitla sa ginawa ko. Naka-jersey pa siya. Halatang kagagaling lang sa gym. “Diba sabi ko ihahatid kita? Tara na.”

“Diba sabi ko kaya kong umuwi mag-isa? Go ka na, ingat ha? Bye!”

Aalis na sana ako pero mabilis niya kong nahawakan sa kamay at sapilitang pinasok sa kotse niya.

“OH MY, ROYCE! THIS IS KIDNAPPING!”

“You ain’t a kid anymore, Skyla Hailey.” He chuckled. Sinarado niya ang pinto ng kotse niya pagkatapos tumakbo papunta sa driver seat. Nakangisi siya habang pumapasok sa loob ng sasakyan niya.

“Whatever!”

Inirapan ko siya. Ngumisi siya bago lumapit sa’kin. Napalayo agad ako sa kanya. Halos mauntog ako sa bintana para lang makalayo sa kanya. Iniwasan ko rin ang tingin niya. Nakita ko ang kamay niyang unti-unting lumalapit sa’kin.

“W-what are you doing?” Pumikit ako ng madiin. Nagmulat ako ng mata nung maramdaman kong may pumulupot sa’kin. Seatbelt.

“Tss.”

Umayos agad ako sa pwesto ko. Pahiya ng konti. Akala ko lang naman hahalikan niya ulit ako—nanlaki ang mata ko. Naramdaman ko rin ang pag-iinit ng pinsgi ko. Ano ba ‘tong iniisip ko?!

“Are you okay? Naiinitan ka ba, Hailey? Nakabukas naman ang airc—”

“I’m fine! I’m good! I’m excellent. Don’t ask again. I’m fine… good… okay?”

“O-okay…” Hindi mawala ang ngisi sa labi niya. Fck!

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana. Naalala ko na naman ang nangyari sa cafeteria. Kelan ba mawawala sa isip ko yon? After so many years, hinalikan na naman ako ng lalaking to! And mind you, hindi kami!

“Maaga akong lumabas kasi alam kong tatakasan mo ko.” Sabi ni Royce sa tabi ko. Tumango lang ako at hindi inalis ang tingin sa bintana. Buti alam mong tatakasan kita. “Galit ka ba?”

“Oo.”

“Bakit?”

“Bakeeet?! Tinatanong mo ko kung bakit?!” Kinurot ko siya sa braso niya. Oh damn muscles.

“Aww…” kahit nasaktan ko siya, nagawa pa rin niyang tumawa.

“Ngayon tatawa ka? Siraulo ka talaga! Bakit mo ko hinalikan sa cafeteria?!—” Huli na bago ko mapigilan ang sarili ko. Nasabi ko na kung anong nasa isip ko.

“So… it is about our kiss?”

“Our kiss?! It was about you kissing me!”

“Yes, you mean, our kiss?”

Huminga ako ng malalim. Bakit parang normal lang sa kanya pag-usapan ang bagay na yon?

“What, Hailey? Hindi mo ba nabasa ang text ko? Sasabihin ko sana ulit kanina nung tumawag ako kaya lang binababaan mo naman ako.”

“Dahil ayoko. Tama na, please? Ayoko na, Royce.”

Tumihimik muna siya. Mukhang pinag-iisipan niya kung anong sasabihin niya.

“Just try, Hailey. Liligawan ulit kita. Hindi naman kita mamadaliin eh. I can make you fall for me, again. I was so pissed back then, hindi mo ba napapansin na maraming nakatingin sa’yo kanina? They were admiring you so I have to kiss you para ipakitang akin ka.” I sighed and looked away. “Then… kapag na-realize mong hindi ako ang gusto mo, you can push me away. Give me a sign, okay? Wag mo kong bibiglain kasi baka hindi ko makaya.”

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 105 19
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1.1M 16.5K 23
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.5M 47.1K 72
"Yasmine Zehra Marquez" She's lovely and sweet She's intelligent and very passionate She's beyond beautiful She's rich and elegant She's my neighbo...
1.7M 74.8K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...