When They Meet Again (Revisin...

Galing kay DreamerCWriter

35.5K 327 59

**Formerly Arranged Marriage?!** "Do you think it is easy for me to forget the past? No! It is... Higit pa

When They Meet Again
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 1

2.1K 45 4
Galing kay DreamerCWriter

"Do you really not know who I am?"

---

Blairre's POV

"Meeting adjourned. Thank you" dire-diretso akong lumabas pagkatapos kong sabihin yun. I just finished my meeting with the board members. Hindi na ako nagpaalam sa kanila ng maayos because that's how the meetings always end. They're used to it anyway.

"Miss Blairre" narinig kong sabi ng secretary ko na sumusunod sa akin sa likod ko.

"Yes?" sagot ko ng di man lang siya tinitignan. I don't have time to look at her plus it's a waste of energy so.. nah.

"Madame Lorraine wants to see you in her office right now" agad akong napatigil sa paglalakad at binilangin si Cena, secretary ko, examining her expressions whether she's serious or not. But then I realized, how stupid of me! She won't gain something by joking around. But you can't blame me, Mommy is really serious when it comes to business. Madalang niya akong papuntahin sa office at kapag pinapapunta niya ako doon ay it's either may nagawa akong mali or may sobrang importante talaga siyang sasabihin sa akin na hindi na kayang ipagpahintay pa hanggang sa makauwi sa bahay. And I hope it's the latter one though.

Pinagpatuloy ko na yung paglalakad at sa halip na sa office ko ako dumiretso gaya ng nakaplano ay sa elevator ako pumunta. Mom's office is the top floor and Dad's also. Magkatabi lang yung office nila. And mine is the floor below. Bakit hindi na lang pinag-isa yung office naming tatlo since family company naman namin to? It's because like what I said, Mommy's really serious when it comes to business. When it's business, it's business. Sila ni Daddy yung pinaka-head ng company pero ako yung naghahandle sa lahat lahat. And I'm proud to say na simula ng isalin sa akin nila Mom and Dad yung mga tungkulin dito sa kompanya ay mas napalago ko ito. Pati na yung iba't ibang branches all over the world. Well, this is my forte.

"Madame, Miss Blairre is already here" narinig kong sabi ng secretary ni Mommy pagkakita sa akin na halatang na-inform that my mom is expecting me.

"Let her in" hindi na ako nag-abala pa kumatok kaya agad ko nang binuksan yung pintuan at halos gusto kong bumalik sa labas at kumatok muli ng makita ko si Dad na nasa tabi ni Mommy at seryosong tingin ang ipinupukol sa akin.

"What did I tell you on knocking the door Princess?" mabilis akong lumapit sa kanya and I kiss his cheek same goes as my Mom's.

"I'm sorry Dad" napabuntong hininga na lang siya at saka biglang lumambot yung expression ng mata niya na kanina lang ay seryosong nakatingin sa akin. Dad always telling me to knock the door before opening it. And I have this habit na diretsuhang pagbukas ng pinto even though hindi ako kumakatok. That's not an attitude of a princess daw sabi ni Dad. And it's rude to just barge in, in someone's room.

Palagi kong nakakalimutan yung paalala niya kaya palagi din niya akong napagsasabihin at pinapagalitan but once I said sorry to him ay palagi na lang niyang pinagwawalang bahala na hindi ko na naman siya sinunod. That's how my Dad loves me. He spoils me on everything, showered me love at ni minsan ay hindi siya gumawa ng ikapapahamak ko kaya mahal na mahal ko talaga siya. And of course my Mom also. 

"Sit down, Princess. May ipapakilala pa kami sayo" nakangiting sabi ni Mommy at sinundan ko yung tingin niya. At bahagya pa akong nagulat sa mga taong nandito din pala sa loob ng office ni Mom. Bahagya akong sumiksik kay Dad dahil naramdaman kong pagkapahiya sa sarili ko. God Blairre. it's so rude na hindi mo na feel yung presence ng ibang tao. God! At hindi lang sila basta kung sinu-sino. They are the Yu's, the most powerful family in the world. Nang makabawi na ako ay saka ako ngumiti ng tipid sa kanila.

"So Princess, this is Mr. Jhake Miro Yu, Mrs. Rebecca Faith Yu and their only son, Jhimro Yu" montik ko ng ipaikot yung mata ko sa pagpapakilala ni Mommy sa mga Yu's dahil I already knew them. Who wouldn't? They're the infamous Yu family na kilala saan mang sulok ng mundo kaya no need na ipakilala pa sila sa akin but yeah, naipakilala na so shut up na lang ako.

Magalang ulit akong ngumiti sa mag-asawang Yu pwera na lang sa anak nilang nakatitig sa akin. If my parents and his parents aren't here baka paulit ulit ko na siyang inirapan. He's giving that cold stare to me na nagpapakilabot sa akin plus I don't like the aura that is surrounding around him. He's giving a bad boy aura na tipong may gagawin siyang masama sayo. Na isang pagkakamali mo lang kakainin ka na niya ng buhay.

"Nice meeting you po Mr. and Mrs. Yu, I'm Blairre Scott, their only daughter" after sabihin yun ay tinanguan ako ni Mr. Yu and saka ngitian ganon din yung ginawa ng asawa niya sa akin. Hindi na ako nag-abalang tignan pa yung anak nila dahil pakiramdam ko ay nilalamig ako sa tuwing mapapadapo yung tingin ko sa mga mata niya na naglalabas ng malamig na expression na mas malamig pa sa yelo.

"You've totally grown up hija, the last time we saw you, you're only 12 years old. Now look at you, a stunning woman" Mrs. Yu said while smiling, bahagya din akong ngumiti sa kanya habang inaalala yung panahon na nakita niya ako when I was 12 years old. Hmmm? 12 years old.. 12 years... Napalaki yung mata ko ng maalala ko at agad na nag-iwas ng tingin sa kanila lalong lalo na sa anak nila na si Jhimro Yu. Bakit ngayon ko lang narealize? Ang tanga mo Blairre? Of course siya yun. Of course sila yun.

"You look stunning din po Mrs. Yu" marahan siyang tumawa at napangiti na1 lang ako dahil kahit na may edad na siya ay napakaganda niya pa din. She's so classy, simple and elegant as ever. Walang pimagbago, parang mas lalo pa siyang gumaganda habang nagkaka-edad. Napatingin din ako kay Mr. Yu, gwapong gwapo pa din siya katulad ng dati. Ang pinagbago lang ay ang mas nakakatakot na aura na ibinibigay ni Mr. Yu.

And of course my Mom and Dad are also the same na kahit mahahalata mong may edad na ay walang pinagbago ang hitsura. Looking so gorgeous pa din sila sa mga nagdaan na panahon.

"Call us Tita and Tito, Blairre" 

"So Princess, the reason why we called you here is to make a request at sana ay pumayag ka" I suddenly got nervous ng dahil sa seryosong sinabi na iyon ni Daddy. Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na ngumiti sa kanila.

"You see Princess, your Tita Rebecca, Tito Jhake, Dad and I are childhood bestfriend" yea, I know. That's why... so yea, ayun nga. Nararamdaman ko yung tingin ni Jhimro sa akin pero pilit kong ipinagsasawalang bahala iyon dahil baka sumabog ako dito at hindi ko mapigilan na hindi umiyak sa harap niya mismo. Tumikhim muna ako ng isang beses bago ako ngumiti kay Mom at tinignan siya na parang sinasabi na ipagpatuloy lang niya yung sinasabi niya.

"And we promised each other na ipapakasal namin yung mga anak namin sa isa't isa if ever na maging opposite gender sila. And it happened, so Princess..."

"Let me process it Dad" putol ko sa balak pang ituloy ni Daddy na sasabihin. Napabuntong hininga ako at saka napatulala sa mga narinig ko. They made a promise na ang mga anak nila ay magpapaksal if ever na maging opposite yung gender. I am an only child and so as Jhimro. Napapikit ako ng unti-unti kong narerealize kung ano yung gustong sabihin nila. 

Nang buksan kong muli ito ay nakasalubong ko ang walang karea-reaksiyon na mga mata niya. Huminga ulit ako ng malalim at saka walang expression kong sinalubong yung mga mata ng aking mga magulang. Gusto kong magalit sa kanila sa gusto nilang mangyari. For goodness sake, we are on 21st century and arranged marriage, fixed marriage or whatever you call it ay hindi na naaayon sa panahon ngayon.

"Princess.." malungkot na sabi ni Daddy na naramdaman niya siguro yung hindi ko pagsang-ayon sa gusto nilang mangyari. Hinawakan ni Mommy yung kamay ko at marahan iyong pinisil saka ako naluluhang tinignan. And that sight made my heart ache. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit naiiyak si Mommy ngayon.

"You don't have to give your answer to us now. We can wait Princess, pag-isipan mong mabuti ha?" malungkot niyang sabi saka isang beses pang pinisil yung kamay ko bago ito pakawalan at mag-iwas ng tingin sa akin. Nahihiya akong tumingin sa mag-asawang Yu na ngayon ay malungkot din nakatingin sa akin.

"Princess, alam mo namang para sayo lahat ng ginagawa namin diba? Hindi kami gagawa ng ikapapahamak mo. We want you all the best and he is. Think about it carefully hmm? This is for your sake. I know na iniisip mo na nanghihimasok kami sa buhay mo, at pinapakialaman namin yung buhay mo. Hindi, okay? Hindi ka namin pipilitin kung hindi ka papayag. But please, think about it again" napalunok ako para pigilan yung nagbabadyang luha na tumulo sa mga mata ko.

They're disappointed in me, I know. Buong buhay ko ay ako palagi ang nasusunod, lahat ng hilingin ko ay binibigay nila. Lahat ng gustuhin ko ay nakukuha ko. Wala silang ginawa na ikasasama ko at ang tanging gusto nila sa akin ay ang ikabubuti ko. Tapos ito ang kauna-unahang bagay na hiniling nila sa akin at hindi ko pa mapagbibigyan. F*ck! Lintik na buhay to. Bakit kasi sa dinami dami pa ng taong pwedeng hilingin nilang pakasalan ko ay bakit siya pa. Bakit siya pa?!

"Daddy.." mahinang tawag ko sa kanya na nakakuha ng atensyon nilang lahat. Maging siya ay naramdaman ko ang pagtingin sa akin. Bakit kasi nanahimik siya? Payag ba siya? Payag ba siyang ipakasal sa akin? Why aren't you saying anything Jhimro?!

"I will do it" kita ko yung labis na pagkagulat sa kanila sa biglaang pag payag ko. Kagaya ng sabi ko ay lahat ng gusto ko binibigay nila. Ito ang kauna-unahang hiniling nila sa akin at ayoko silang biguin. I don't wanna see that kind of expression in them again dahil parang pinipiga yung puso ko sa sakit. I have to deal the marriage with him. I hope, we're on the same page. I hope.

"I don't want to be rude po but may importanteng meeting po akong naka-schedule sa oras na ito. So if you'll excuse me" magalang kong paalam sa kanila. It's true na may meeting ako with one of our business partner pero ang pinakadahilan kung bakit gusto ko ng umalis ngayon dito ay dahil hindi ako makahinga. At sa tingin ko ay hindi na tatagal at tutulo na yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Nang tumango sila ay agad na akong lumabas pero di pa ako nakakalayo ay may humiltak na sa kamay ko at hinila ako palayo kung nasaan silang lahat. Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino siya, dahil alam ko. Alam na alam ko na. Pinanatili ko yung tingin ko sa dibdib niya at di na nag-abalang tignan siya sa mata.

"What is it? Sasabihin mo na ba yung plano mo para di matuloy yung kasal?" pagkatapos kong magsalita ay saka ko lang inangat yung tingin ko at nakasalubong ko yung kulay asul na mga mata niya na madilim ang tingin sa akin. 

"Do you not know who I am?" napakurap-kurap ako sa tanong niya. Bumuntong hininga ako at saka bahagya siyang nginitian. Pinanatili ko din yung focus ng mata ko dahil nagsisimula ng uminit yung gilid nito. Nagsisimula na ding magblur yung paningin ko. Stay calm Blairre.

"Of course, I do. Who wouldn't know you? Kahit na nga ba madalang lang akong manood ng TV at magbasa ng mga magazines ay kilala kita. You are the infamous Jhi--"  

"Blairre" putol niya sa sasabihin ko. Napatitig ako sa mata niya, matalim yung mga ipinupukol niyang tingin sa akin. At kahit na labis labis yung bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ako nagbaba ng tingin at nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa kanya.

"DO YOU REALLY NOT KNOW WHO I AM?!"

Tuluyang lumandas yung luha ko sa pisngi ko ng dahil sa tanong niya.

"I know. I do know you, Jhimro"

---

Lines seems familiar? Yea, sorry na pooo. Hahahahaha.

sorry po sa wrong grammars

VOTES and COMMENTS are highly appreciated. Thank You!

DreamerCWriter

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

51.9K 944 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
446K 974 2
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
602K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
106K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.