DALAWAMPU'T DALAWA
"Savannah pengeng kanin." Inabot ko kay Xander ang kanin.
"Mika, juice please." I gave the orange juice to Adi.
"Honey, ulam pa." Xander asked me.
"Wala pang dessert Mika?" Andrei asked. Nilingon ko silang dalawa na halos magpatayan na sa pagtititigan sa isa't isa. Tahimik na ang buong lamesa at silang dalawa na lang ang naririnig. I sighed. Brotherly competition is a pain in the neck. Nakuu.
Kung nasa Anime lang siguro ako, may lumalabas ng apoy sa background nilang dalawa tapos may kidlat na na tumatagos sa mga mata nila. Paano ba naman kasi, hindi na sila nagtigil sa pagaaway. Yumuko na ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Kinuha ko ang juice ko and drank pero dahil sa sadyang malikot ang mga bata ay natabig ako kaya nabuhusan ako ng konti.
"Savannah!!"
"Mikaella!"
Sabay kong tiningala yung dalawa na may hawak na napkin para pangtuyo ko. Tinutulak naman ni Xander si Adrian, habang si Adrian pilit na tinatapon ang hawak ni xander. Hannah stood at sabay na sinapok ang dalawa niyang kuya.
"Ate oh." Hannah said at siya na mismo ang nagabot sa akin ng napkin which I gladly accepted. I sighed ng biglang mahulog si Andrei sa upuan niya dahil hinila ni Xander ito. Tawa naman ng tawa ang walanghiyang halimaw.
"ANO BA!!" I shouted. Sabay silang nanahimik dalawa. Xander gaped at me habang si Andrei ay napanganga.
"Ikaw kasi Xander eh." Andrei muttered. Nilingon siya ni Xander.
"Ikaw nauna." He countered.
"Gumanti ka naman." Andrei answered.
"Aba't!! Kung--"
Por dyos, por santo!! Tumayo na ako at kinuha ang plato nilang dalawa and glared at them. Parang mga bata! Nakakairita!
"Walang dessert sa inyong dalawa." I said. Narinig ko naman ang palakpakan ng mga magulang namin dahil sa pananahimik ng magkapatid. I went back to my seat and I saw Xander sighing.
"Hey, Mika, remember the pants I left on your apartment in California?" Andrei suddenly said. Nilingon siya ni Xander at nakita ko naman ang paghigpit ng hawak nito sa tinidor niya. Pakiramdam ko, konti na lang isasaksak na niya kay Adrian ito.
"May iniwan kang pants sa apartment ni Ate Vannah?" Hannah asked. Lumingon ang matatanda sa amin.
"Yep. Nung minsang nag share kami ni Savannah ng kwarto. I usually sleep with her kapag nasa California ako--"
"ADRIAN!!" I glared at him. Ngumisi lang siya. Totoong doon natutulog si Adrian sa apartment ko pero hindi na niya dapat ipagisgawan iyon dahil baka kung anong isipin nila Xander-- what the heck!! Why would I care kung ano mang iisipin ng halimaw kong asawa ha?
Tumayo na si Xander at ibinagsak ang baso niya. His face was so dark na kahit ako ay natatakot na. he looked at Adrian then to me. Pagkatapos ay sinapok ang kapatid kahit wala namang ginagawa.
"ARAY! Xander ang sakit ha?!" Adrian said. Ngumisi si Xander.
"May lamok kasi." Tapos umalis na siya. Sheeks. Nagalit na si Montreal. Tumayo na rin ako at hinila papunta si Adrian sa kusina.
"Stop what you are doing Adi!" I hissed. Tumawa lang siya bago sumandal sa lababo.
"Wala naman akong ginagawa." Painosente niyang sabi. I rolled my eyes at him. Tumaas ang kilay ko atsaka tinitigan siya ng masama. Ngumiti siya bago kinamot ang batok.
"Okay! Okay! Masama bang inisin si Kuya kahit konti lang?" ginaya niya pa ang commercial ng Mcdo. I can't help but to smile at him.
"Wag mong galitin ang kuya mo Adi. You won't like him when he is mad." I said. Tumango si Andrei bago ako niyakap.
"Just go with the flow Mika. Tingnan natin kung hanggang saan ba si Kuya." He said. Humiwalay siya sa akin bago ako tinuktukan sa noo. I pouted at tumawa naman siya bago ako hinila pabalik sa kusina. Wala pa rin si Xander kaya nagpasya na akong lumabas. Nakita ko siya sa garden. Nakaupo siya sa swing ng mga bata and he was muttering and mumbling. Hindi muna ako nagparamdam at pinakinggan siya.
"...waiting for her for seven years, pagkatapos siya..kasama niya ibang lalaki!! Ako nga, hindi tumingin sa ibang babae!! Tapos siya!! tapos siya!! Arrgh!! Bakit naman kasi!! I hate the way I love her!"
Napangiti ako sa narinig. Sumandal ako at pinagpatuloy ang pakikinig sa kanya.
"You hate the way you love her?" hindi ko napigilang magsalita. Tumango naman si Xander. Hindi pa rin niya narerealiza na hindi niya imagination na may nagsalita sa tabi niya.
"Oo!! Kasi mahal ko siya kaya hindi ko kayang magalit sa kanya!! Alam mo bang kanina ko pa gustong palipitin ang leeg niya dahil mas inaasikaso niya pa si Andrei pero nagpigil ako kasi hindi ko sya kayang saktan!! Asar!!" he hissed. Lumapit na ako sa kanya. Nagulat naman siya ng makita ako.
"Kanina ka pa diyan?" he asked. Tumango ako.
"Pumasok ka na dun. Mauubusan ka na ng sansrival na dala mo." I smiled at him bago siya tinalikuran. But before I could even take a step back ay hinawakan na niya ang kamay ko.
"Dito ka muna." He pleaded. Tumango na lang ako at tinabihan siya sa swing. He kept on swaying it back and forth at patuloy siya sa pagbubuntong hininga.
"How was it?" he asked me. tumingin ako sa kanya. Nakatingala lang siya sa mga stars.
"What?"
"Your life back in California. How was it?" he asked me. I sighed.
"It was hard. Pero Ericka, Adrian and Pier were there for me. I gave birth without anesthesia dahil hindi ko kayang bayaran. I have to work two months after giving birth dahil hindi naman pwedeng habambuhay akong umaasa sa mga kaibigan ko. Isa pa, I have to be strong dahil sa akin naka depende ang mga bata. But, I learned a lot. Wala akong pinagsisisihan."
I looked at Xander and he was just looking at me. Nginitian ko siya.
"Sorry." He said after a moment.
"Hindi mo naman kailangang--"
"I was an asshole for letting someone like you go. And I hate myself every minute of my life kapag naalala ko lahat ng ginawa ko sayo." Yumuko siya. His voice was full of guilt.
"Xander.."
"Alam ko namang hindi mo pa ako kayang patawarin. Alam ko rin na kaya ka lang nandito sa bahay dahil sa mga bata. Alam kong labag sa loob mo lahat ng ito. But trust me Van. I will do everything to fix our marriage. Not because of the kids. Not because of our family. But because I love you so much and I want to wake and sleep everyday with you by my side." He said. Tumayo na siya and kissed my forehead bago ako iniwan. I breathed hard. Mahal ko pa si Xander. But there is one thing lost. May isang bagay na nawawala at hindi niya pa nababalik. And it is TRUST.
"Mika.." I looked up and saw Adrian. He sat beside me at inakbayan ako.
"Ang bilis ng ikot ng mundo ano? Yung dating nagmamakaawang mahalin, siya na ngayon yung sinusuyo. Yung dating nagdadamot, siya na ngayon yung humihingi." Andrei said. Nilingon ko siya. he smiled at me and patted my head. I tried to smile back but his words struck me like a lightning.
"Now my question for you Mika. Ngayong ikaw na ang nasa pwesto ni Xander noon, will you do the same thing that he did? Will you hurt him without giving him a chance?"
Try niyo yung Anime na brother's conflict. Naloka ako diyan!! Haha!
*pen<3