The Witch and the Playboy (Fi...

By dgkitten

2.1M 58.4K 6.6K

One bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking:... More

The Witch and The Playboy
Chapter 1 - Who's that Girl?
Chapter 2- Subtle Desires
Chapter 3- Pure Intrigue
Chapter 4- Persistent Curiosity
Chapter 5- The Devil's Charms
Chapter 6- Cruel Intentions
Chapter 7- Taming the Witch
Chapter 8- Mission Impossible
Chapter 9- The Devil May Care
Chapter 10- Inner Demons
Chapter 11- The Curse Begins
Chapter 12- The Playboy's Downfall
Chapter 13- The Witch's Game
Chapter 14- The Frog Prince
Chapter 15- Resisting His Charms
Chapter 16- Suppressed Emotions
Chapter 17- Melted Ice
Chapter 18- Hot Issue
Chapter 19- Breaking Walls
Chapter 20- The Bitch Versus the Witch
Chapter 21- Newfound Feelings
Chapter 22- Bewilderment
Chapter 23- His Mysterious Crush
Chapter 24 - Kissing Marcus
Chapter 25 - Stalking the Witch
Chapter 26 - The Fuckboi's Lesson
Chapter 27- Mysteries Unveiled
Chapter 28- Overflowing Emotions
Chapter 29 - A Night with the Cutie
Chapter 30 - The Softdrinks Family
Chapter 31- Playboy in Love
Chapter 32- A Day with Mr. Snyder
Chapter 33 - New Beginnings
Chapter 34 - Tension Begins
Chapter 35 - Angel in Disguise
Chapter 36 - Let the Party Begin
Chapter 37- Getting Loose
Chapter 38- Defying the Bro Code
Chapter 40- The Witch is Back
Chapter 41- Friendship Over Matter
Chapter 42- Mystified
Chapter 43- Realizations
Chapter 44- An Item or Not?
Chapter 45- Loving the Playboy
Chapter 46- Just the Girl
Chapter 47- Enigma
Chapter 48- Skeletons in her Closet
Chapter 49 - Dilemma
Chapter 50-Secret Haven
Chapter 51- A Grandmother's Love
Chapter 52 - Doomed
Chapter 53- Puzzled
Chapter 54- Finding Pepsi
Chapter 55- Answers
Chapter 56 - Wilted Roses
Chapter 57 - The Dark Side
Chapter 58 - Playing with the Devil
Chapter 59- Edge of Misery
Chapter 60- The Playboy's Witch
EPILOGUE
Announcement
PUBLISHED

Chapter 39- Beauty's Curse

26.6K 669 52
By dgkitten

PEPSI

"Alam mo, ayos ka rin pala ano? Akala ko talaga super antisocial ka. Hindi ka lang maganda...Mabait ka pa pala..." makahulugang sabi ni Zeus sa akin.

Napakunot ang noo ko when I noticed that he was looking at me differently. His lips were curved up into a seductive smile and his eyes were staring right into mine intently.

Napasinghap nalang ako nang bigla nitong inilapit ang mukha nito sakin at sinipsip ang mga labi ko.

Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko siya bigla at napasubsob ito sa sementong kinauupuan namin. Akala ko ay babangon pa ito pero hindi na ito gumalaw at parang tuluyan na itong nakatulog dahil na rin siguro sa kalasingan.

Napatayo ako at napahawak sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkabog nito na tila isang tambol na tinatapik ni The Hulk.

Hindi ako mapakapaniwala dito. I am totally in shock. Ramdam ko pa rin ang mga labi niya sa akin, ang mga labi na amoy alak at mapangahas. This was one of those things that I have never, ever expected to happen, and I will never, ever look at him the same way again.

Ang bait-bait nito, and he's Jace bestfriend...Hindi ko aakalain na magagawa niya ito sa kaibigan niya lalo pa't siya yung pinakamatino sa kanilang tatlo.

At nang maalala ko na naman si Jace ay napahikbi na lamang ako ulit sabay takbo papalayo sa bahay na iyon.

Kailangan ko nang umuwi ngayon na. Hindi ako nababagay dito, hindi ito ang aking mundo.

Bigla akong nandiri sa sarili ko.

Ba't ko nagawang magpaloko sa isang lalaki? Ba't ko nagawang magbago para sa kanya?
Ba't ko nagawang maglasing para lang mag fit-in sa mundo niya?

And damn his friends for being such jerks as well! Dahil lang gumanda ako, magkakaganun na sila eh dati-rati hindi nga nila ako mabigyan ng second look?

That only proves how superficial most of men are and how they will go crazy at beautiful girls. Magsama-sama silang lahat!

Sana hindi nalang ako lumabas sa comfort zone ko. Sana nagpatuloy nalang ako sa pagtago sa pinakamamahal kong polbo at eye-liner.

Sana... Sana hindi nalang ako nagpadala sa emosyon ko.

Patuloy ako sa pagtakbo at dahil naka-heels ako ay nakatalisod ako bigla at natumba. Agad-agad kong hinubad ang mga pesteng-yawa na mga sapatos at pagalit na inihagis sa malayo. Lalong uminit ang ulo ko nang marealize ko na nasugatan pala ang kaliwang tuhod ko.

I fiercely got up at patuloy na naglakad. Kailangan kong makauwi pero puro private vehicles lang ang nandito at hindi ko alam kung may dumadaang tricycle dito or wala.

Napatingin ako sa relo ko and realized na alas-dos na pala ng umaga at imposible nang makauwi ako pero nagpatuloy pa rin ako sa paglakad at nagbabakasakaling makatsamba ng tricycle or taxi.

Padilim ng padilim ang daan na tinatahak ko habang lumalayo ako sa mansion nina Clint. Sinusumpa kong hinding-hindi na ako babalik sa bahay na iyon, na ito na ang una at pinakahuling houseparty na pupuntahan ko.

Patay na ang halos lahat ng ilaw ng mga kabahayan dito sapagkat tulog na ang lahat.

I pity myself for what happened tonight. Eto ako ngayon, naglalakad ng luhaan samantalang ang gagong lalaking iyon ay nagpapakasarap kay Ava.

Just so you know, he made a bet between us. Kung mapapa-ibig ka niya, he'll fuck my latest girl, and take one of Zeus' cars.

Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Marcus kanina at sumasakit lang ang dibdib ko sa mga bastos na imaheng pumapasok sa utak ko.

Ganun na ba talaga siya kasama at walang puso sa mga babae? Ganun na ba siya kalibog at makakaya niya akong saktang pagkatapos niyang paghirapan na mapalapit sa akin at sa pamilya ko?

I was so vulnerable and drunk, pero nagawa. iy akong iwan sa CR. Ang buong akala niya siguro ay hindi pa ako sober that time, na wala pa sa tamang huwisyo ang utak ko at pwede siyang maka-score sa iba without my knowledge.

Akala ko nagbago na siya...Akala ko lang pala.

As I reminisced everything he has done for me, tears continued to stream down my cheeks. Nahihingal na ako at basang-basa na ang mukha ko sa kakaiyak.

Bilib na nga talaga ako sa kanya. Kaya niyang paibigin ang lahat ng klase ng babae, kahit pa man isang mangkukulam ito...

Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Ilang kanto na ang nadaanan ko pero wala pa rin akong nahanap na kahit tricycle man lang or taxi.

Napaupo nalang ako sa gilid ng daan at tumingala sa buwan...

JACE

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mainit na pagsalubong sakin ng liwanag ng araw na nanggagaling sa bintana.

Wait, at kelan nagkalapit ang bintana sa kama ko? Nasa gitna ng room ko ang kama ko at ang bintananay nasa tabi ng balcony.

Napabalikwas ako ng bangon at nagpalinga-linga sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang mga gamit.

This is not my damn room...

At nang pilit kong inalala ang nangyari kagabi ay biglang pumitik ang sentido ko nang pumasok sa utak ko si Pepsi.

Shit. Bigla akong nagpanic.

Ano ba ang nangyari kagabi? Huli kong natatandaan ay nawalan na lamang ako ng malay pagkatapos akong dalhin ni Ava dito sa kwarto na ito na parang isa sa mga guest rooms nina Clint. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kalasingan or kung ano pa, dahil sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nalasing. I just had three cups of Red Horse and that's it.

Dali-dali akong bumangon sa kama at agad-agad na tinawagan si Pepsi pero hindi ito sumasagot.

Lintik na manok. Lumabas ako sa kwarto at bumaba sa hagdan. Nadatnan ko pa ang ibang mga tulog na estudyante na nakahandusay sa sahig, sofa, at kung saan-saan pa.

The house was a total mess. Parang nilusob lang ng isang libong akyat-bahay gang na puro alcoholic.

May ilang mga katulong ang kasalukuyang naglilinis ng mga kalat.

"Ah, manang, matanong ko lang po kung nasaan si Clint?" magalang na tanong ko sa isang matandang katulong.

"Ah, nandun sa kwarto niya ho si sir at tulog."

"Ah, anong oras ho ba natapos ang party at marami po bang nakatulog dito ngayon?" tanong ko ulit.

"Pasensiya ka na pero wala kaming ideya. Nagigising po kami ng alas-siyete ng umaga at ito na ang nadatnan naming sitwasyon." sagot nito.

"Ah, sige po manang. Salamat."

Hindi ko alam kung nasaan ang kwarto ni Clint kaya nagpahatid nalang ako dito pero nang binuksan namin ang kwarto nito at makita ko ito na nakatuwad at mukhang sabog na nakatulog sa sahig ay hinayaan ko nalang ito. Mukhang wala itong chansang magising.

May dalawang babae pa na nakahiga sa kama nito na mga mukhang sabog din at nakanganga pa na. My old self would definitely salute him for scoring for these two ladies pero this time ay parang nandiri ako. Hindi ko na maimagine na magagawa ko yan kay Pepsi. Nakakasuya nga talaga pala ang mga ganitong klaseng lalaki.

Nagtataka din ako kasi I thought Clint was dating Angel...

Where the hell is everybody?

Naglibot muna ako sa buong bahay at nang hindi ko nakita si Pepsi at ang mga kaibigan ko ay naisip ko nalang na bisitahin siya sa bahay nila. Baka nakauwi na siya kagabi or kaninang umaga.

Dali-dali akong lumabas ng mansion at sumakay sa kotse ko. Habang nagdadrive ako kay tinawagan ko ulit siya pero hindi talaga ito sumasagot.

Shit. Ano kaya ang nangyari sa kanya kagabi? Nakauwi kaya ito? Tinawagan ko rin si lola pero pati ito ay hindi rin sumasagot.

I also called my friends pero pati sila ay hindi rin sumasagot. Fvck.

Ano, ito ba ang trending at viral ngayon? Ang hindi pagsagot sa tawag? I tapped the steering wheel hard in frustration. Alam kong ganito ang pangkaraniwang nangyayari pagkatapos ng isang house party, na lahat ay tulog at may hang-over pero ang frustrating lang kasi hindi ko na nabalikan ang lasing na baby sungit ko kagabi sa CR.

Nang marating ko ang bahay nila ay dali-dali akong kumatok ngunit nakailang minuto na pero wala pa ring may bumubukas. Asan na ba ang maglolang ito?

Napaupo na lamang ako sa harap ng pinto kung saan ako nag emote dati sa ulan at nagka-moment kay Pepsi.

I browsed my Facebook at chineck kong sino ang online pero wala tagalang masyadong active ngayon.

Of course, what would I expect? Kakatapos lang ng party. Nakita ko pa ang ilang pictures kagabi sa news feed ko. May nadaanan akong pictures nina Clint at Angel na amino'y sweet at may ilan nang nagcomment ng heart at kung anu-ano pang manunukso sa kanila.

May nakita rin akong picture ni Marcus kasama ang grupo nina Clint na nag-iinuman sa dancefloor. Kelan pa naging close si Marcus sa kanila?

I continued browsing my news feed hanggang sa makakita ako ng ilang pictures ni Pepsi na sumasayaw, naglalaro ng beer pong, at isang picture na nag-uusap kami sa sofa. Ba't hindi ako na tag dito?

Dali-dali kong sinave ang lahat ng pictures niya.

Napangiti ako ng makita ko ang video ng pagsayaw niya which currently has 2k views already. Mabuti nalang at may video. That dance was so damn hot I could watch it over and over again...

Mas lalo lang akong nag-aalala sa kanya habang iniisip ang mga pangyayari kagabi.

Habang nagpapakalunod ako sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa harap ko si Kuting, ang napakalaki nilang aso na kulay itim.

My heart skipped a beat at the hideous sight.

Naka-upo lang ito ng tuwid sa may bandang kalsada sa ilalim ng araw at nakatingin ng diretso sa akin. Tiningnan ko rin ito sa mga mata at hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Nakakatakot talaga ito. Mas itim pa ang balahibo nito sa pinagsamang uling at kili-kili ng ex kong si Desiree, and those eyes...I just realized that the dog has unusual ones. Tila parang may magnet ang mga mata nito at hindi makuha ang tingin ko dito.

Natatakot akong gumalaw. Baka bigla itong tumakbo sa akin at sunggaban ako na parang buto ng isang gwapong manok lang.

Sabi nina Pepsi at lola ay mabait naman daw ito pero nakakatakot lang talaga ang hitsura nito.

Napaigtad na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto at ang una kong nakita ay ang baston ni lola. Nang iniangat ko ang aking tingin ay sinalubong ako ng isang nakasimangot na lola Miri.

Napatayo ako bigla.

Kukunin ko sana ang kamay nito pero bigla nitong tinago sa likod nito na parang ice cream lang na aagawin ko. Napakamot nalang ako ng ulo sabay ngiwi.

"Lola Miri...andiyan ho ba si Pepsi?" tanong ko.

"Wag mo nang guluhin ang apo ko, maliwanag ba?"

Napa-atras ako sa sinabi niya.

"Pero lola, ano bang nagawa ko? Pasensya na at hindi ko siya naihatid kagabi dahil nawalan ako ng malay. Kaninang umaga nalang ako nagising."

"Wala akong pakialam. Basta huwag mo na kaming guluhin ng apo ko." mariing sabi nito. Akmang isasara na niya sana ang pinto nang pinigilan ko ito.

"Sandali lola, gusto ko lang malaman na maayos lang si Pepsi diyan? Anong oras ho siya nakauwi kanina?"

"She's okay, alive, alert, awake, enthusiastic and kicking in her room. So leave her alone, please?" taas-kilay pa nitong sabi and take note, straight English with serious face pa. Maganda din ang pagkakabigkas nito dahil tila suot nito ang pustiso.

Parang ang sarap lang tumalon sa Pasig River sa mga nangyayari. I really don't have any idea about what happened last night after I dozed out.

"Kuting!" bigla nitong tinawag ang aso at napasigaw ako na parang bakla nang tumakbo ito papalapit sa akin.

Tatakbo na sana ako sa likod ng bahay nang marealize ko na pinapasok lang pala ito ni lola sa bahay at tuluyan nang isinara ang pinto. Narinig ko pa ang sound ng paglock niya dito na animo'y sinadyang lakasan para marinig ko.

Teka, I got an idea.

"Lola, may bagong laro pala ngayon!" pasigaw kung sabi sa pinto.

Wala pang isang kalahating segundo ay narinig ko ulit ang lock sa loob but at this time ay binubuksan niya.

I smirked as the door opened and lola's adorable head peeked out.

"Anong laro naman yan?" tanong nito.

"Ah..eh..." Shit. Hindi na ako naglalaro lately dahil puro si Pepsi nalang ang inaatupag ko. Ano nga ba ang latest games ngayon?

Naalala ko yung nilalaro ni Marcus nung isang araw.

"Yung ano ho, Angry Birds Match, parang Candy Crush din ho siya."

"Nalaro ko na yan. Boring. Kbye!" asik nito sabay sirado ng pinto.

Nabuntung-hininga nalang ako. Naramdaman ko nalang ang pag-ingay ng sikmura ko. Napatingin ako sa relo ko and realized na alas dos na pala ng hapon at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakain.

Somehow, naibsan ang aking pag-aalala dahil aware na akong alive alert awake enthusiastic and kicking in her room si Pepsi.

The knowledge that she came home safely gave me so much relief.

Nang pauwi na ako sa bahay ay paulit-ulit kong tinatawagan sina Zeus at Marcus pero hindi talaga sumasagot ang mga loko. Ano, hanggang ngayon ay may hang-over pa rin? I need to know what happened last night kung bakit galit si lola at Pepsi sakin.

Nang gabing iyon ay nakabantay lang ako sa Facebook kung kelan mag-oonline si Pepsi. Pinaulanan ko na din siya ng messages at chats pero kahit seen ay wala.

Online siya 2 days ago. Nice lang.

Nang makita ko na nagkulay berde ang chathead ni Marcus ay dali-dali ko siyang tinawagan.

Come on dude, sagutin mo...

"Oh Jace?"

Finally.

"Dude! Asan ka ba? Anong nangyari kagabi?" pambungad ko.

"Kakagising ko lang ulit dude. Pasensya na hindi ko nasagot ang mga tawag mo." sabi nito.

"May alam ka ba sa nangyari kay Pepsi kagabi? Galit kasi siya sakin. Pati yung lola niya. Nawalan kasi ako ng malay sa isa sa mga guest rooms nina Clint. I don't know, baka sa inumin."

"Ah.. I-I really don't know dude, I was really drunk that night." sabi nito.

"Okay, okay. May alam ka ba sa gagawin sana kagabi? Dinala ako ni Ava sa isang kwarto dahil sabi niya may gagawin daw tayong mga lalaki?"

"Ahh..." he chuckled nervously on the other line. "Yun ba? Alam mo na, may supplier kasi si Clint ng you know, so...pero hindi ako nakaakyat dun. I was really drunk dude, nakatulog ako sa gilid ng pool."

So may plano palang suminghot ang mga walang hiya. "Okay sige Marcus, tawagan ko nalang si Zeus."

Nang tinawagan ko si Zeus ay patay na ang cellphone nito. Di bale, wala din siguro itong alam dahil sa pagkaka-alala ko ay nakipag-usap ito ng matagal kay Angel. He must be totally preoccupied with her the whole night...

Kung sana ay may number ako ni Carla, baka kasi may alam ito. Ito din kasi ang may pakana kung bakit nalasing si Pepsi eh.

Hihintayin ko nalang ang bukas at kakausapin si Pepsi sa school.

Nang lumabas ako sa kwarto ko para mag dinner ay nadatnan ko pa si mommy na papasok ng kwarto niya kasama ang isa na namang lalaki.

Napailing-iling na lamang ako. I'm used to this already.

Bago ako matulog that night ay nag binge-watching muna ako ng video ni Pepsi na sumasayaw, at tinitigan ng tig-iisang oras ang bawat picture niya nung gabing iyon.

Damn... she really looked so beautiful in black, at sigurado ako, she'll even look more beautiful in white...beside me...in a church, someday.

Ganito talaga siguro pag seryoso ka sa isang babae noh? Ang layo ng naaabot ng imagination. Hindi ko aakalaing mararanasan ko din pala ang tinatawag nilang pag-ibig.

Gagawin ko ang lahat para sa babaeng ito at susuyuin ko siya hanggang sa mapatawad niya ako at tuluyan nang mahulog sa akin.

Before closing my eyes, I sent a long message to her:

Baby sungit ko...Kahit isang araw lang na hindi kita nakita, miss na kita kaagad. Kulang talaga ang araw ko pg wala ka, pg hindi kita nakita at nksama...Sorry nga pla kagabi ha? Iniwan kita sa CR. Si Ava ksi tinawag ako at pinaakyat sa taas dahil hinihintay daw ako nina Clint. Akala ko may ipapakita lang sya at makakabalik ako kaagad. Nawalan ako ng malay nang makarating kmi dun at ngising nalang ako kaninang 12nn. Sana mapatawad mo ako. Kita-kits bukas ha? Usap tayo. I can't wait to see you. Goodnight! Sweet dreams... I love you so much! ♥️

Hindi na ako naghintay pa ng reply niya kasi sure ako na wala akong matatanggap mula sa kanya. Pero kuntento na ako sa pagsabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Nakakagaan lang ng puso everytime I tell her I love her...

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil naisip kong daanan nalang siya sa bahay nila para na rin ma corner niya.

Alas sais palang ay nakapark na ako sa harap ng bahay nila but the time now is quarter to 8am. Naka-lock din ang pintuan nila so I have no choice but to wait here.

Pepsi...asan kana? Male-late na ako...shit. May quiz pa naman today.

Baka kanina pa siguro umalis?

Bumalik nalang ako sa kotse ko at nagdrive papuntang school. Muntik ko nang mabangga si Angel sa hallway.

"Oops, sorry." sabi lang nito sabay lagpas sa akin. Gusto ko sana itong habulin at tanungin about kagabi, or at least si Ava, pero wala siyang kasamang mga minions ngayon, at baka kung ano na naman ang iisipin nito pag kinausap ko siya.

Nang marating ko ang classroom ay nahulog ang mga balikat ko nang makita kong bakante ang upuan ni Pepsi.

Dali-dali akong umupo at kinalabit si Carla na kasalukuyang nagbabasa ng notes nito.

"Carla, anong nangyari kay Pepsi kagabi?"

"Ha? Di ba kayo ang huling magkasama? Nauna kasi kaming umuwi..." sabi nito. "Bakit, anong nangyari?

"Ah...wala." Wala ako sa mood mag explain sa kanya dahil wala naman pala akong makukuhang impormasyon mula sa kanya.

"Papunta na ata si ma'am pero wala pa ang jowa mo." ininguso nito ang upuan ni Pepsi sa tabi ko.

"Oo nga." nag-aalala na talaga ako. I checked my phone to call her pero binagsakan niya lang ako.

Napatanaw nalang ako sa bintana at nahulog sa malalim na pag-iisip. Nakaka-bother na talaga ha.

Maya-maya't pay biglang tumahimik ang lahat at napatingin sa may pintuan.

I looked at the door and my lip parted at the sight.

Ang buong akala ko ay si maam ang dumating but finally, there she is...ang baby sungit ko, looking so...different?

Again, she is in her full blast all-black outfit, long black messy hair, but her make-up is different this time. Makapal na foundation ang gamit niya, at napakadark at heavy na eyeliner na nakapalibot sa mga mata niya.

Nang magtama ang mga mata namin habang papunta siya sa direksyon ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkabahala. Her eyes looked so intense and... cold.

Nalusaw ang puso ko. Parang nagbalik siya sa dati, and looking worse this time as she looked kind of...demonic.

Don't tell me that... the witch is back?

*****To be continued*****

A/N:

Pepsi's anime version attached above.

As for the next chapter, maybe, I might be able to update this afternoon.

*****

Thanks for everyone who's reading and to those readers who are consistently vommenting! Also to those new readers na nag-cocomment. I really appreciate it guys! And nice to know that you like my story! Mas lalo lang akong naiinspire! ♥️

Sana ay mag vote at comment din ang mga silent readers jan! 😅Paki-share na din sa iba!

At pa follow nalang din. Hehe.

Thank you in advance! 😘

Continue Reading

You'll Also Like

59.1K 2K 75
"I never though that the person i really hate, Is unexpectedly someday I will love him so much" - Melody Magbanua If you want to know then read it. I...
822K 12.3K 47
--- August 1,2014 Release date! MABIBILI NA PO ITO PPC STORES! Precious Pages Store! Php. 109.75 ♥ BIli na po kayo! BOOK 3 LINK:http://www.wattpad.co...
13.9K 561 20
Yes I am Fat! Yes I am Nerd! Oo na nasa akin na lahat ng nakakaturn off ... But I have a voice! Wanna hear it out?? everybody can hear but nobod...
550K 4.6K 8
THIS STORY IS PUBLISHED UNDER PSICOM. GET YOUR COPY NOW! AVAILABLE ON SHOPEE AND LAZADA. BLURB: Kilala si Yvaine Roxas bilang college student na NBSB...