The Substitute Bride(AWESOMEL...

By HopelessPen

13.4M 233K 26.7K

"Kahit kailan hindi mo ako tiningnan bilang ako. Hindi mo ako tinuring na asawa dahil ibang babae ang nasa is... More

The Substitute Bride
Forced To Come Back
Still The Same
Haunted
Impossible
The Greatest Liar
Surprise
Substitution
Wedding And Sunglasses
I Am A Montreal
First Day
Hard To Believe
The Mall Story
Realizations
Mirror
Everything Has Changed
Broken Hearts
Bang!
His Regrets
The One That Got Away
The Montreal Effect
Brother's Conflict
Oh My Freaking X-!
Do You Want To Kiss Me?
Remnants Of The Past
Chocolate Cake
Staking Her Claim
Highlight
Crawling Before Flying
First Step
Eyes That See The Best In Me
Bridal Gown
Last Words
The Final Vow
Xander And Savannah
EPILOGUE

Necktie

370K 6.2K 619
By HopelessPen

DALAWAMPU

 

 

 

 

 

 

 

"Shit naman!" Xander hissed while looking at the mirror. Kung hindi lang iritable ang mukha niya, baka pinagtawanan ko na siya. Kalalaking tao, Executive na naturingan, tapos simpleng neck tie lang hindi niya pa maayos mag-isa.

Tinitingnan niya ako, tapos susubukan na naman niyang ibuhol yung necktie tapos titingin na naman siya sa akin. I rolled my eyes at pinagpatuloy ang pagtutupi ng kumot sa kama. If I know, gusto lang niyang tulungan ko siyang isuot yung necktie niya. Hmp! Neknek niya, bahala siya diyan mag-isa.

"Van.." tawag niya. Nilingon ko siya saka pinagtaasan ng kilay. Hanggang ngayon, nakahang pa rin ang necktie niya at hindi pa rin naaayos. Nagpout si Xander sa akin pero pinameywangan ko lang siya.

"Oh?" tanong ko. Napataas naman ang kilay niya bago humarap sa salamin ulit at bumuntong hininga.

 

"Wag mo na akong hintayin mamayang gabi. May meeting kami sa mga Swedish investors over diiner. Baka gabihin ako---"

 

 

 

"Okay lang.Hindi naman kita hinihintay eh. Kahit umagahin ka pa, ayos lang. Kung gusto mo, mag hotel ka na lang kung gabi na talaga kayo matatapos." he looked at me wide eyed. Bumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin. Then he clenched his jaw and slammed his fist.

 

"BWISIT NA NECKTIE ITO!!" sigaw niya at binalibag pasara ang pinto. Anong problema nun ha? Sinundan ko na lang siya pababa. Nakakunot talaga ang noo niya pero nung lumapit yung mga bata sa kanya ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

 

 

 

"Mommy!! Can we play outside? Can we? Can we?" excited na tanong ni Alexa sa akin. Tumango naman ako. Hinila na niya si Sandro palabas at pumunta sila sa garden.

 

 

"Problema mo Kuya? Sambakol mukha mo ah?" puna ni Hannah sa kapatid niya. Inabutan niya ito ng kape pero hindi tinanggap ni Xander. Inabot na lang niya kay Hannah yung necktie.

 

"Suot mo nga." utos niya sa kapatid. Halos ingudngod na niya ang necktie sa mukha ni Hannah. Nilingon naman ako ng pobre niyang kapatid pero nagkibit balikat lang ako. Umupo na ako sa stool saka nagsimulang magtimpla ng kape ko.

 

"Tss. Di man lang ako mapagtimpla." Bulong niya. Tiningnan ko naman si Hannah na bumubingisngis na. I mouthed ' Ano daw?' dahil hindi ko narinig yung sinabi ng halimaw niyang Kuya pero umiling lang siya.

 

"Kuya, hindi ako marunong magsuot ng necktie. Kay Ate mo na lang palagay." Hannah said. Xander looked at me, then to her.

"Wag na. Hindi na lang ako mag--" he said but I stood up and took it from him.

 

"Ang dami mong arte. Kung kanina mo pa sana sinabi na isuot ko sayo, di sana hindi ka na nagmamaktol diyan?" pagalit kong sinasabi sa kanya. Though, nakatutok ang tingin ko sa necktie, alam kong nakatingin siya sa akin. Ganyan ang epekto sa akin ni Xander. I am always aware of his presence whenever he is near.

I smoothed his suit saka siya tinitigan at nginitian.

 

"There. Done. Alis na." sabi ko saka tumalikod at bumalik sa kape ko.

 

" Pinapalayas mo ako sa sarili kong bahay Savannah?" gulat niyang tanong. Natawa naman kaming dalawa ni Hannah sa kanya.

 

 

"Late ka na sa pasok mo Kuya, magagalit na naman si Dad niyan." Hannah said bago pinagtulakan ang Kuya niya palabas. Nakita ko pa siyang lumilingon lingon sa pintuan bago sumakay sa kotse niya. I kept on staring at his car through the window.

 

"Kuya is expecting you to see him umalis Ate. Bakit hindi mo siya hinatid palabas? Nalungkot talaga." Panloloko ni Hannah. Sumalo siya sa akin sa almusal at tiningnan ako.

"Hayaan mo siya. Bahala siya sa buhay niya." I teased Hannah. Ngumiti lang siya then took her phone.

"You still love him." Hannah said. Napadiretsyo naman ako ng tayo. Am I that obvious?

 

"Pero pahirapan mo muna ha Ate? Pakipot ka muna ng konti. Gusto ko kasing makita kung paano ba manligaw si Kuya." Humalakhak siya bago ako iniwanan sa kusina.

I sighed bago napangiti. Tumayo na ako and started making lunch.

 

XANDER

 

 

 

 

"I'm gonna die." Lupaypay kong sabi kay Adam ngayon sa conference room. Ngumisi lang yung isa sa akin bago umiling.

 

 

"Bakit naman ha? Hindi pa kayo bati?" he asked. Bati? Ano to, away bata lang? Si Adam talaga, walang kwentang kausap.

 

"Kung hindi pa ako nagpa cute sa kanya, hindi niya pa ako tutulungan sa neck tie ko! Can you believe that dude?! Noon nga, pagkagising ko, ready na yung susuotin ko sa trabaho, even my breakfast, tapos ihahatid niya ako sa kotse and waved me goodbye, pero ngayon!! Ngayon!!! Aaargh!!" sinabunutan ko ang sarili ko and looked at my friend. Tumayo na ako at nagpalakad lakad sa kwarto.

 

"At eto pa! Wala na siyang pakialam kahit gabihin ako? Paano kung mambabae ako? Paano na lang kung maaksidente ako? Savannah doesn't care about me anymore!"  frustrated ko ng sabi. Adam just kept on laughing his ass off na hindi ko na napigilang batuhin siya ng paper weight.

 

"Hey!! Easy there, baka magasgasan yung mukha ko!" he countered. I glared at him.

 

 

"What should I do? Savannah, she's not the same. Nagbago na siya." I told him. Sumeryoso siya.

"Pain really changes a person Xander.  Learn to accept that okay?"

Adam tapped my shoulders saka tumingin sa bintana.

 

"Ligawan mo siya." he said after a moment. Napatanga naman ako sa sinabi niya and then I laughed.

 

 

"Liligawan ko yung asawa ko?" I chuckled. Damn! That is ridiculous. Who in their right mind would still court their wife?

 

 

"Oh, she's no longer you're wife Xander, remember? You made her sign your annulment papers."

 

"Hindi ko naman inasikaso yun. Right after she went out nung pinirmahan niya iyon ay agad kong pinunit ang papel." I defended. Adam looked at me weirdly.

 

"Do you love her?" he asked me.

 

"Yes I do. So much." Sagot ko naman . Adam nodded his head pagkatapos ay hinarap ako.

"Then court her Xander. Wag kang magpakain sa pride mo, for the second time. Just, give her the assurance that she needs bro. After all that she has been through, may karapatan siyang maramdaman na mahal mo siya. hindi naman pwedeng habang buhay mo siyang dinadaan sa pagiging possessive mo. Hindi rin pwedeng lagi mo siyang binibigla. Learn how to unman yourself for the woman you love Xander." Mahaba habang paliwanag niya. I kept silent.  Hindi sa ayaw ko siyang ligawan. Hell!! I would always court her every waking hour of my life. I closed my eyes and just the thought of flowers, chocolates and ballons make me shiver. Noon ngang hinarana ko siya, sobrang panghihiya na ang binigay sa akin ng pamilya ko but I didn't care dahil nga gusto ko siyang ngumiti. But the thing is, the real deal is..

 

"Hindi ako marunong manligaw." Pabulong kong sinabi kay Adam. Nanlaki naman ang mga mata niya bago bumunghalit ng tawa. Yan na nga ba yung sinasabi ko eh!

Gabi na ako nakauwi sa bahay because of the planning that Adam and I did. Pagod pa ako dahil ang hirap kausap ng mga matatandang investors. I just threw my shoes and my suit anywhere in the room. Hindi na rin ako nag abala pang magbihis at agad na akong dumapa sa kama.

 

 

"Xander!! Maligo ka nga muna!! Matutulog ka na agad, hindi ka pa naman naglilinis ng katawan! " Savannah shouted.  Nagmulat naman ako at nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan at may hawak na libro. Was she waiting for me?

 

"Bukas na lang Van. Pagod na ako." I murmured and buried my face on the pillow. Naramdaman ko namang hinihila niya ang paa ko hanggang sa wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo.

 

"Savannah naman!!" I protested. Pero hindi niya ako pinakinggan. Kumuha lang siya ng isang unan at kumot bago ako pinagtulakan palabas ng kwarto namin.

"Ayokong matulog ng may katabing mabaho!! Hala layas!!" sigaw niya bago binagsak ang pintuan.

"I love you!!" I shouted when the door slammed on my face. Bahagya pa akong napaatras dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya.

"Che!!" I laughed when I heard her. Damn it. Napalayas ako sa sarili kong kwarto. Malamig na naman yung gabi ko niyan. Pababa na ako at dumiretsyo na sa sofa ng bumukas ulit yung pintuan ng kwarto.

 

"Hindi ka talaga maliligo?" she narrowed her eyes at me. tinaas ko na lang ang kamay ko at bumalik sa kwarto namin para gawin ang gusto niya. After I took a bath, nakita ko naman siyang tulog na. iniwan pa niya ang libro sa may dibdib niya at ang lampshade na nakasindi. I took the book and turned off the lights bago siya niyakap at pumikit.

 

"I love you Van." I said before I dove into my dreams. Tomorrow, liligawan na talaga kita. Bahala na kung hindi ako marunong. Basta para sayo. No one will go in between the two of us now.

 

Natuwa ako ang daming may alam ng Kimi ni. Haha..

Nga pala, sensya na sa chapter ha? Nilalagnat kasi ako kaya yan lang nakayanan ko. Hope you still enjoy it ha?

Wala ring update ng Fuentebella tonight. Madugo kasi yung next chapter nun eh. Masakit na talaga yung ulo ko. Hindi na nakayanan ng ganda ko. :) Chos!

Gusto niyong dedication? Answer niyo na lang itong tanong: Anong pinaka favorite ninyong scene sa TSB so far?

 

 

 

*pen<3

Continue Reading

You'll Also Like

408K 8.2K 20
WARNING: This story contains mature scenes. READ AT YOUR OWN RISK.
2.7K 94 47
Scars of Pain Series #4 Galaxy Andromeda Chavez can be described as "perfect" but not your typical girl. She is dangerous. No one dare to mess up wit...
Love Wins By _Miss_C

Teen Fiction

14.1K 351 41
Lumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay nap...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...