I Honestly Hate You

By LadyEmina

3.9K 122 19

They say, try and try until you succeed. What if you tried and tried your best but then you failed? Let it go... More

I Honestly Hate You
Chp. 1 "Stalking my Crush."
Chp. 2 "The Concert & The Scene"
Chp. 3 "His Dark Side"
Chp. 4 "Aryl meets Vince."
Chp. 5 "I Agreed."
Chp. 6 "The Payment."
Chp. 8 "She Rejected Him."
Chp. 9 "Ashley Nicole Munoz?"
Chp. 10 "I Love You. Isn't Enough?"
Chp. 11 "The New Student Council President is an Anti-Fan?"
Chp. 12 "The Campus Muse, Fariz."
Chp. 13 "A Bestfriend of Janea."
Chp. 14 "A Fourth Year High School Top Student, Lexy."
Chp. 15 "The Deal Has Started."
Chp. 16 "This Annoying Arrogant Man."
Chp. 17 "He Found Her Album."
Chp. 18 "Why he's so Cold?"
Chp. 19 "Even Just A Friend."
Chp. 20 "His Favorite Song."
Chp. 21 "Emergency Call."
Chp. 22 "The Truth."
Chp. 23 "I Won't or Give up?"
Chp. 24 "My First Heart Break."

Chp. 7 "Back to a Normal Life? Or Complicated Life?"

129 5 0
By LadyEmina

~

Vince POV.

"Ano? Napilayan ka na nga lahat-lahat mas pinili mo pa na yayain na makipag-date sayo si Aryl?" Napakamot ako sa ulo ko.

Nandito kami ngayong lahat sa kwarto ko at nakahiga ako sa kama ko habang silang lahat ay kung ano-anong ginagawa sa kwarto ko. Hay nako hindi na talaga ako nasanay.

"Ano ka ba naman Xander? Pagkakataon ko na yun para maipaalala kay Aryl kung sino ba talaga ako. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng lakas loob eh." Sagot ko naman. Napailing-iling siya sa sinabi ko.

"Eh paano yan? Injured ka pa?" Biglang singit samin ni Brent. Napa-smile ako sa kanila. Bigla tuloy nagtaka ang expression ng mga mukha nila.

"Oy, hindi ko gusto yang ngiti na yan ah. May tinatago ka samin no? Sabihin mo na! Dali na!" Pangungulit sakin ni Brent.

"Oo na oo na. Sasabihin ko naman eh." Biglang nagsilapitan sina Earl, Clint, at Aljon.

"Oy anong pinaguusapan niyo diyan?" Tanong ni Earl.

"Ito na nga sasabihin ko na." Isa-isa ko silang tiningnan. At lahat sila seryosong naghihintay sa sasabihin ko. Paktay, mukhang na hot-seat ako ngayon ah.

"Tsk. Ang tagal naman! Pabitin eh!" Reklamo ni Aljon.

"Cool ka lang kasi Aljon. Ano nga ba kasi yun Vince?" Kalmang tanong naman ni Clint.

"Okay ito kasi yun. Naalala niyo ba yung kinikwento ko sa inyo noon? Diba nabanggit ko noon sa inyo na meron akong childhood classmate dati na crush na crush ko? Si Aryl yun guys." Proud na sabi ko. Nagkatinginan naman sila.

"Ah yung babaeng sinundan mo kahapon? Uhmm. Maganda siya." Komento ni Clint. Bigla ko naman siyang hinagisan ng unan. "What's that for?" Tanong niya.

"Kilala ko na yang tabas ng dila mo Clint. If i were you, ngayon palang magpakatino ka na." Napangisi siya ng mahulaan niya ang ibig kong sabihin. Sa aming 6 siyang ang dakilang playboy.

"Don't worry dude. May bago naman akong pinopormahan eh." Pagmamalaki niya.

"Kahit sino pa yang pinopormahan mo dude. Wag mo ng sabihin, ayaw lang namin nakaawaan siya." Sagot naman ng napapailing na si Earl.

Nagkatawanan kami dahil nag-iba bigla ang expression ng mukha ni Clint.

Nang may biglang kumatok sa pinto ay natigilan kami.

"Bukas yan." Sigaw ko. Bumungad samin ang head ng maids namin.

"Ah senorito, pasensya na po sa distorbo pero meron po kayong bisita."

"Sino?" Tanong ko.

"Aryl daw ho ang pangalan niya." Nanglaki bigla ang mga mata ko ng marinig ko ang mga pangalanan niya.

"Ah teka lang ah!" Tapos sinara ng maid yung pinto. Hinarap ko ang mga tropa ko.

"Dude, nandito si Aryl. Umalis na muna kayo. Bukas ko na lang sasabihin sa inyo ang nangyari."

Napailing-iling sila sakin tapos sabay-sabay na nag-wave ng bye.

"Di mo na kailangan sabihin pa samin yan." Ngiting sagot ni Earl.

"Basta kwento mo samin buong details ah." Paninigurado naman ni Brent.

"Pre, balitaan mo agad ako pagnaka-score ka. Ahahaha." Sagot naman ng loko-lokong si Clint.

Binatukan naman siya ni Xander. "Tumigil ka na kasi ng kakahithit ng katol." Natawa naman si Aljon sa ginawa ni Xander.

"Ay, tama na nga yan. Umalis na kayo. Puro kayo kalokohan." At nagkatawanan pa sila habang ako naman yung napapailing. Saka na sila lumabas ng kwarto ko.

Pinakiramdaman ko yung dibdib ko. Tsk. Ang lakas ng kabog. Hindi kailangan kalmado lang ako. This is my chance para mapalapit sa kanya.

~

Aryl's POV.

Di ko mapigilan ang mamangha sa laki at ganda ng bahay ni Vince. Grabe, napakayaman pala nila. Nakaupo ako ngayon sa sala nila tapos yung mga maid nila eh hinandaan pa ako ng pagkain. Nakakahiya naman.

Kinuha ko yung juice at ininom. Pampatanggal lang ng kaba baka kasi di ko maitanong sa kanya mamaya. Naalala ko na naman kasi yung sinabi sakin ni Libby kahapon kaya ayan, kinakabahan tuloy ako.

Bigla akong napatingin sa hagdanan. Nanglaki ang mga mata ko ng isa isang bumaba ang 5 na lalaki. Ang mas ikinagulat ko ay sila ang 'The Chasers'. Gosh!

Bigla akong kumuha ng magazine at tinakpan ko sa mukha ko medyo tinaas ko para di nila ako makita dito sa sala. Geez, sana di nila ako ma-notice. Alam kong kilala na nila ako kasi nakilala ko na sila noon sa may clinic.

Nakakahiya pag nalaman nilang nandito ako. Mayamaya pa ay tinanggal ko yung magazine sa harapan ko at bahagya akong sumilip. Wala na sila sa hagdan. Malamang lumabas na sila ng hindi ako napapansin dito.

"Hay salamat naman." Sabi ko sa sarili ko saka ko inilagay ang magazine sa table.

"Why are you hiding yourself?" Napatayo ako sa sobrang gulat at napatingin sa likod ko. Ay talaga naman! Kung minamalas ka nga naman oh!

"A-anong ginagawa niyo diyan!?" Gulat na tanong ko sa kanila. Pero silang lahat ay nakatingin lang sakin.

"Well, napansin kasi namin na nagtatago ka sa likod ng magazine. Mas kapansin-pansin pa nga ang ginawa mo eh." Sabi nung Clint ata? I can't remember.

"Ah." Gosh! Bakit kailangan ngayon pa ako ma-speechless?

"Sige na. Hinihintay ka na ni Vince." Seryosong sabi nung Xander.

Saka naman may dumating na katulong. "Miss Aryl, pinapatawag na po kayo ni senorito."

Napayuko ako at nahihiyang kinuha yung mga prutas na dala ko. Shemay bakit ba kailangan ngayon pa mangyari to!?

Narinig ko silang lahat na nagkatawanan. Hindi ko na lang sila pinansin at sumunod na lang ako sa katulong na nag lead sakin papuntang kwarto ni Vince.

Grabe! Sinusumpa ko 'tong araw na to. Dapat hindi na ako pumunta, but aarggh! Kainis. I promised on him.

Matapos lang ang 1 week na napagkasunduan namin hindi na talaga ako magpapakita pa sa kanya.

~

Vince' POV.

Habang naghihintay ako kay Aryl ay nagdasal muna ako. May balak kasi akong sabihin sa kanya ang totoong dahilan ko. Magpapakilala ko sa kanya at sana naman ay maalala pa niya ako.

Mayamaya nga ay nagbukas ang pintuan. Napalunok ako ng laway at napagdikit ko ng mahigpit ang mga kamay ko. Kinakabahan talaga ako.

"Ah Vince?" And there nakita ko na si Aryl at may dala siyang mga prutas.

Ngumiti ako sa kanya. " Aryl, salamat at pumunta ka."

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sakin. Inilapag niya ang mga prutas na dala niya sa side table.

"Ah, diba kahapon sabi mo. Gu-gusto mong makipag-date ako sayo ng 1 week?"

"Ah yeah. Ano nga pala ang desisyon mo?"

"I was just thinking if you are only doing this to present as my punishment."

"No. This is not a punishment. Ahm.Im doing this because, i want to intoduce myself to you."

"What do you mean?"

"Ahm. Aryl alam ko, baka kapag sinabi ko sayo ay hindi mo maalala ang lahat. Pero, gusto kong mapalapit ulit sayo gaya ng dati."

"Please. I-straight to the point mo na sakin ang lahat."

Bumuntong-hininga ako bago ko nilakasan ang loob ko. Kailangan hindi na ako mahihiya sa pagkakataon na to.

"Aryl, ako si Al. Yung classmate mo dati nung mga kinder pa tayo. Alam ko hindi mo na ako maalala dahil hindi naman tayo mag bestfriend. At kahit close friend ay hindi din. Pero ikaw yung batang babae na laging mabait sakin at nagtatanggol sakin nung mga bata pa tayo."

Napanganga siya sa mga sinabi ko. Naalala niya kaya?

Matagal kaming nagkatitigan. Nakita ko sa mga mata niya ang sobrang pagtataka samantalang ako, umaasa ako na maaalala niya.

"Im sorry. I can't remember anything." Seryosong sagot niya.

Napayuko ako. "I see."

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kwarto ko.

Bata pa ako noon pero naniwala na akong siya yung babaeng papakasalanan ko. Kagaya lagi ng sinasabi ng papa ko.

Once you have made a promised it is sacred and destiny will help you to grant your promise on someone you love.

At hindi ako papayag na hanggang nakaraan na lang ang lahat.

Nandito na ako sa tamang panahon para mapatunayan sa kanya. Na gusto ko siya at mahal ko siya.

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat nga pala sa mga prutas." Pag-iiba ko.

"Vince?" Parang nahihiyang tanong niya sakin pero ang mas ikinagulat ko ay yung ginawa niya.

Naiwan akong nakatulala sa loob.

Did she just?

Kiss me on my forehead?

Hindi ko na narinig ang pag hingi niya ng sorry at ang pagpapaalam niya. Nagising na lang ang diwa ko ng lumabas na siya.

Haist. Malas naman! Bakit siya biglang umalis!?

~

Libby's POV.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aaral para sa exam ko bukas. Remember ang dami kong absent nun kaya ang dami ko ding nakaligtaan na subjects. Hays, mabuti na lang talaga at okay na ako kahit konti.

Nagbukas kasi ako ng account ko at nakita ko na ipinatanggal na no Earl ang mga nakakalat na images at mga paninira na gawa ng mga bashers at haters. Nakita ko na pinagtanggol ako ni Earl. Hay, di nga ako nagkamali ng lalaking minahal. Mabuti na lang talaga at pumayag ako dito sa contract namin. Okay lang sakin na maging katulong slash alalay atleast napalapit ako kahit papano kay Earl.

Habang nagdi-daydream ako ay may biglang bumukas ng pintuan ko ng napakalakas dahilan para maihagis ko yung libro at ayun na shoot sa bintana.

"ARYL NAMAN!!! KUMATOK KA NAMAN!" Sigaw ko, pero mukhang di niya ako narinig at bigla siyang tumabi sakin. Tapos yumuko siya at humihikbi?

Bigla tuloy akong nag-alala. "Oh? Anong nangyari sayo?"

"K-kasi Libby, hina...lik...hinali...hinalikan ko si Vince sa noo niya. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun." Eh?

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Aryl. "Oy ano ka ba naman! Hindi naman ako nagpapatawa ah!" Maktol niya.

"Ikaw naman kasi eh, sino bang niloko mo? Haha. I told you, gusto mo siya."

"No its not like that!" Pagpupumilit niya.

"Eh ano?" Tapos kiniwento niya sakin yung nangyaring pag-uusap nila. Bigla tuloy ako nagseryoso.

Nakilala ko noon si Aryl ng mga bata pa kami and until now ay ganun pa din siya.

Once na ang kaibigan niya ay nalulungkot ay hinahalikan niya yun sa noo at yayakapin niya sign na kino-comfort niya ang kaibigan niya.

Ganun din ang ginawa niya sakin dati nung nalulungkot ako.

At hindi niya alam kung bakit niya ginawa kay Vince yun? Baka naman magkakilala talaga sila at nagsasabi ng totoo si Vince.

Pero bakit di siya maalala ni Aryl?

"Ewan ko ba Libby, basta parang may nagtulak sakin na gawin yun. Hindi ko alam. Nawala ako sa reyalidad kanina at para bang napadpad ako sa isang flashback ng nakaraan at..at..at nakalimutan ko na."

"Tsk, wag mo na munang isipin yun." Kailangan kong tanungin si Vince about dito.

Baka nga nagsasabi siya ng totoo.

~

2nd Update for today!

Sana nagustuhan niyo po!

Salamat!

#LadyEmina :)

Continue Reading

You'll Also Like

18.7K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
1.6K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
112K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...