Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)

By chasterrassel

82.1K 3.3K 362

Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past... More

Introduction
Fight I. "Ang Shotopyu Dojo"
Fight II. "Ex-Men: Rise Of The Daldalerong Lips"
Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"
Fight IV. "Shut Up Pa More"
Fight V. "Ex-Men: Days of the Immature Past"
Fight VI. "Ang Martial Law Ng Pag-ibig Ni Alessandro Monteballe"
Fight VII. "Finding Nessy"
Fight VIII. "Tena Na Sa Daang Matuwid"
Fight IX. "Misteryo Ng Daang Matuwid"
Fight X. "Banta"
Fight XI. "Lihim Sa Kakahuyan"
Fight XII. "Pag-igting"
Fight XIII. "Journey To The Center Of The Hurt"
Fight XIV. "Eskapo"
Fight XV. "Kapag Nablock Na, Tama Na"
Fight XVI. "Nagising Ang Dormant Na Puso"
Fight XVII. "JeaLuis Of The Way You're Happy Without Me"
Fight XVIII. "State Of Devastation Address"
Fight XIX. "Shot Through The Heart"
Fight XX. "The Challenge"
Fight XXI. "Mass Distraction"
Fight XXII. "Finally Found"
Fight XXIII. "Kapit Lang!"
Fight XXV. "Fault In Our Scars"
Fight XXVI. "Kunin Natin Si Powder"
Fight XXVII. "Ang Antidote"
Fight XXVIII. "War Of The Worse"
Fight XXIX. "Daang Matuwid No More"
Final Fight. "Shut Up Na Lang Tayo"

Fight XXIV. "Is It Really Over?"

1.6K 89 10
By chasterrassel



Dahan-dahan, napalingon na lang ako sa kanya; pero hindi pa rin ako nakapagsalita, napatitig lang ako sa pagmumukha niya.

"Ano? Hmph, bakit ayaw mong magsalita diyan?"napapangiti niyang usisa ulit.

Napalunok na lang ako.

"Ah, w-wala. Tinitignan ko lang naman, kung buhay ka pa ba. At sa nakikita ko naman ngayon..."

Tinitigan ko siya; mula sa paa, pataas ulit sa mukha niya.

"Mukhang malakas ka pa sa sampung kalabaw na nakasteroids; so, wala na kong dapat isipin pa. At wala na ring reason, para magtagal pa ko di—"

"Wala nang dapat isipin pa? Ano iyon, nag-alala ka?"bigla niyang pagsingit, at mas lumaki rin iyong ngiti niya ngayon.

Ampucha! Nadulas pa ko, at di ko man lang narealize!

"Excuse me lang ha, ang layo naman ata nung isipin sa alalahanin; kaya huwag kang assuming diyan,"palusot ko.

Mahinang tawa lang iyong naging reaksyon niya.

"Bahala ka na nga diyan, alis na ko."

Tumalikod na ko, pero hindi naman ako nakalakad. B-Bigla kasi niyang hinawakan iyong kamay ko; as in iyong kamay ko, palad sa palad.

N-Ngayon lang ata ulit kami nagkahawakan ng kamay, sa ganitong way. Hindi po counted iyong nagshake hands kami, dahil gigil kami nun sa isa't isa. Pero ito, iba; parang may halong lambing na di maintindihan. Basta iba! At hindi ko maexpress!

"Sandali lang, huwag ka muna umalis."

Napalingon na lang ulit ako sa kanya; iyong mga kamay namin, nanatili pa ring magkahawak.

"Gusto ko kasing magthank you muna sa iyo."

"Hmph, huwag ka sa akin magpasalamat. Magpasalamat ka, dun sa doktor na umasikaso sa iyo; tsaka kay Mayor, dahil siya iyong nagdonate sa iyo ng napakarare niyong dugo. Tsaka...kay Luis."

"Si Luis? B-Bakit pati siya?"

"Siya iyong dapat na magdodonate sa iyo ng dugo; hindi lang siya pinayagan ng doktor, dahil may sugat pa siya."

"Kaya pala. Pero, thank you pa rin sa iyo; kasi hindi mo ko pinabayaan, nung nagcollapse ako."

"Okay, sige na, tinatanggap ko na iyong thank you mo. So baka naman pwede mo na kong bitiwan, para makaalis na ko; tsaka, nakakangalay po."

Binitiwan na niya ko, tapos tumawa lang siya ulit nang mahina.

"Alam mo, cute ka pa rin kapag nagmamaang-maangan ka; para ka pa ring kagaya ng da—"

Napahinto siya sa pagdadaldal; alam na kung bakit lol.

"Ano ka ngayon? Ang dami mo kasing hinihirit. Teka, tatawag lang ako ng nurse, para magkabuga ka na,"ngingisi-ngisi kong sambit.

Tumawag nga ako ng nurse; pero hindi na ko bumabalik sa loob, nagstay na lang ako sa labas ng pinto. Mayamaya pa, napatingin at hawak na lang ako, dun sa kamay ko na hinawakan ng magaling na kumag. Tapos, nahuli ko na lang iyong sarili ko, na unti-unting napapangiti.

                                                                             #

Pinauwi na muna kami ni Mayor, para raw makapaghinga na kami; pati si Melgar isinama na namin. Siya iyong nagpaiwan sa ospital, para maging bantay kina kumag at Madam Nessy.

Kinaumagahan, nagising ako nang merong kakaibang gaan sa pakiramdam ko. Di ko maintindihan, siguro...dahil nakita na namin si Madam Nessy? At nabawasan na ko ng iniisip?

Pagtingin ko sa tabi ko, wala si Luis; siya ngayon iyong naunang nagising.

Bumangon na ko, at lumabas ng kwarto. Nagbanyo lang ako sandali, tapos lumabas na rin ako.

Nadatnan ko iyong mga bagets na kumakain sa dining; kasama nila si Melgar. Di ko na sila dinistorbo, instead inatupag ko na hanapin kung nasaan sina Luis at Sarra.

Nakita ko iyong dalawa na nakatambay sa may labas. Si Sarra, kandung pa iyong laptop niya.

"Nandito lang pala kayo eh,"sambit ko, tapos lumapit na ko sa kanila.

"Hey, good morning. Teh, mukhang maganda ang gising natin ngayon ah. At parang alam ko kung bakit, ayeeeeee!"ngingisi-ngising sagot ni Sarra.

"Oy, pwede? Kagigising ko lang, pang-aasar agad ang bati mo sa akin."

Tinawanan lang ako ng bruha.

"Hay naku teh, tiyak ko mas gaganda pa iyang mood mo, kapag nakita mo 'tong tinitignan namin."

Naupo ko, at tumabi sa isang niya side; katabi na niya kasi si Luis sa kabila. At tinignan ko kung ano iyong sinasabi niya. Hmph, mission accomplished siya sa pinagagawa ko.

"Oh di ba, nakabalandra na sa internet world ang kalokohan ng feelingerang pinaglihi sa baduy na scarf."

"Nice one!"

Napangiting-aso na lang ako.

"Actually, ang plan ko sana eh iyong mapublish sa morning issue ng newspaper namin today; eh kaso late na sa deadline, kaya ito iyong naisip ko."

"Ano ka ba, eh mas masklap nga'tong ginawa mo; mas maraming tao ang makakakita."

"Speaking of, wala pang 24 hours, viral na siya! Infairness."

"Di lang iyon, hindi pa nila matutunugan na tayo ang may pakana; dahil ibang identity ginamit mo. Kung sa dyaryo mo idinaan iyan, tiyak maggugoodbye na tayo kina Remi at Julia,"si Luis.

"Good point ka diyan Luis ah. Di ko actually naisip iyan, buti na lang pala hindi ko natuloy, kaloka."

Napangiti naman sa kanya si Luis.

"Haha! I'm sure, nagwawala na iyong si de Quatro ngayon,"si Sarra.

"Yeah. At mas lalo pang magwawawala iyon, once na malaman niya na wala na sa puder niya si Madam Nessy."

"Oo nga pala Sandro, paano pala kung magpagalugad ng mga ospital iyong si de Quatro?"si Luis.

Napangtingin ako sa kanya.

"Don't worry. Naisip ko na rin iyan, at nagawan ko na rin ng paraan. Alam na rin pati ni Mayor."

"Talaga? Anong ginawa mo?"

"It happened to be, na isa sa mga close business associates ng Papa ko, iyong owner ng ospital na nagpadalhan natin kina kumag at Madam Nessy. So, kinailangan lang ng kaunting usap-usap; para mailipat sila sa tagong kwarto. Kaya kahit magpadala pa siya ng mga tao dun, wala siyang mahihita; dahil tayo-tayo lang, at iyong doktor na tumitingin sa kanila, ang nakakaalam na nandun sila."

"At paano ka naman nakakasiguro, na hindi tayo ilalaglag nung doktor."

"Simple lang, pinashut up ko siya sa ibang way na alam ko,"sagot ko, with matching ngisi sa kanilang dalawa.

"Oh my god Sandro, ginamitan mo siya ng datong? Nagawa mo iyon?"si Sarra.

Tumango ako sa kanya.

"Maraming buhay ang nakasalalay kay Madam Nessy; kaya kailangan natin siyang protekhan, sa anumang paraan na pwede."

"Okay, so, ano na ang next step natin teh?"

"Hmph, hayaan muna natin ngayon na mangisay si de Quatro sa bwiset. Kapag nagising na si Madam, at nakausap na natin siya; tsaka tayo gagawa ng panibagong hakbang."

"Eh si Melgar?"si Luis.

"Dito muna siya, dahil mas safe siya sa atin."

"So mamaya, kung hindi pa rin magising si ate Nessy, at wala pa tayong gagawin...ahmmm...baka gusto mong lumabas?"

Tama ba iyong narinig ko? Niyayaya niya kong lumabas?

"Hmph, ayos sa segue pre ah. Biglang yaya."

"Eh nakapagtanong-tanong rin kasi ko dito, meron palang sikat na resto bar dito. At naisip ko lang naman, baka kako gusto mong gumala kahit sandali lang; magchill lang muna kahit kaunti,"napapakamot sa ulo niyang paliwanag, na medyo nangiti rin.

Medyo nagdalawang-isip ako sa pagsagot. P-Para kasing gusto ko ring dalawin mamaya si kumag sa ospital; pero in the first place, ba't pa nga ba ko dadalaw sa kanya? Hindi ko naman na kailangan gawin iyon, di naman na siya maliit na bata. Tsaka ba't pala siya iyong iniisip ko! Lol!

"O-Oh sige na nga. Kapag wala tayong gagawin, sige punta tayo dun,"sagot ko na lang, na napapangiti rin.

Napatingin naman ako kay Sarra.

"Ikaw? Gusto mong sumama?"

"Ay, huwag na teh. Nakakahiya naman, baka sabihin niyo pa eh sinisira ko ang date niyo. Pero alam mo, naloloka ko sa haba ng hair mo ateng. Ako kaya, kailan kaya ko pag-aagawan ng mga gwapong papa? Ugh!"

Iyong tropa mo na tinatanong mo nang matino, tapos sasagutin ka nang ganun. Bwiset!

                                                                               #

Papadilim na, tumawag si Mayor, at sinabi niya na hindi pa rin daw nagigising si Madam Nessy; kaya eto, tuloy iyong planong lakad namin ni Luis.

Nasa kwarto pa ko, at nakaupo sa may kama; pero nakabihis, at ayos na ko. Minabuti kasi namin na mag-anyong Remi at Julia ulit; just to be sure, in case na may umaaligid na mga ulupong.

Pero bago kami umalis, naisip kong tawagan muna si Yaya Gigi; ngayon ko lang kasi naalala, di ko pa nga pala naipapaalam sa kanya, na nakita na namin iyong best friend niya.

"Hello Ya."

"Sandro, mabuti naman at naisipan mong tumawag bata ka; eh tatawag pa lang sana ko sa iyo, para makibalita."

"Ya, may good news po ko sa inyo."

"Huh?"

"Nakita na po namin si Madam Nessy; nailigtas na namin siya,"napapangiti kong sambit.

"T-Talaga? Naku! Salamat naman sa diyos, at natapos na rin ang paghahanap niyo! Eh kumusta na siya? A-Anong sinabi niya tungkol sa kalagayan niyo ni Baste?"

"Nasa ospital pa po siya Ya; wala po kasi siyang malay, nung nakita namin siya. At hindi pa rin po siya nagigising until now; kaya di pa namin siya nakakausap. Pero don't worry Ya, ang sabi naman po dung dokor, okay na raw siya."

Nasa may pinto na si Luis, at nakaayos na rin siya.

"Ah Ya, sige po, tatawagan ko na lang po kayo ulit; kailangan ko na rin po kasing ibaba 'tong cellphone."

"Oh siya sige iho, balitaan mo ko ulit kapag nagising na si Nessy ha. Mag-iingat kayo diyan."

"Sige po Ya."

Inendcall ko na, tapos tumayo na ko at lumapit kay Luis.

"Ano, tayo na?"usisa niya.

Natigilan ako sa tanong niya. Hmph, bigla ko lang naman kasing naalala iyong kahiya-kahiyang sabaw moment ko kagabi sa kweba; n-nung tinanong din ako ni kumag, nang kagaya ng tanong niya. Pucha! Ba't ba bigla ko pang naalala iyon!

"Sandro, oy! May problema ba?"

At natauhan na lang ako, dahil sa pagtatanong niya ulit.

"W-Wala pre, tara na."

Pagkasabi ko nun, napabuntong-hininga na lang ako; tapos nauna na kong lumakad sa kanya.

                                                                         #

Ayos din naman pala iyong place na sinasabi ni Luis; may pagkasyosalan iyong ambience. Naka-air con, may mga table na couch pa ang upuan, may stage, at meron pa silang videoke machine. Sinong mag-aakala, na may ganitong pa lang place dito.

Kumuha na kami ng table; syempre pinili namin iyong may couch, para mas kumportable. At magkatabi kaming naupo.

"Okay dito di ba?"nakangiti niyang usisa.

"Oo pre, okay na okay,"napapatango kong sagot.

Napatingin-tingin na lang ulit ako sa paligid, tapos tingin ulit sa kanya.

"Pero, tatapatin kita pre. First time ko lang 'to, na makapunta sa ganitong place."

"S-Siryoso? First time mo talaga?"

"Tignan mo 'to, akala ko ba inistalk mo ko? Ngayon tatanungin kita, nakita mo ba ko na nagpunta sa ganitong place? As in, kahit once lang?"napapangisi kong sagot.

Napakamot siya ng ulo, tapos napailing nang napapangisi rin.

"Oh di ba."

"Eh, bakit nga ba di ka napunta sa ganitong lugar?"

"Naging busy ako sa karate, tsaka sa studies ko. Isa pa, alam mo naman na strikto si Mayor di ba? Ayaw na ayaw niya, na merong bisyo iyong mga karateka sa Shotopyu; kasi, nakakaapekto sa stamina at lakas ng katawan."

"So, hindi ka rin umiinom?"

"Hindi."

"Wow ha, sa panahon ngayon, bihira na lang iyong mga ganyan. Hmph, hindi pala talaga ko nagkamali ng taong nagustuhan,"ngingisi-ngisi niyang hirit.

Sabay ganun lol. Natahimik tuloy kaming pareho, with matching titigan. Napangiti ako sa kanya; siya naman namula, tapos bigla nang napaiwas na sa akin ng tingin. Sabay tawag ng waiter.

Nakaorder na kami ng pagkain, at hinihintay na lang namin na iserve 'to.

"Ay, ang bongga pala dito! Infairness, bet ko 'tong place na 'to."

At napalingon na lang ako, nang marinig ko iyong malakas at familiar na boses na iyon. S-Si Sarra, at kasama lang naman ng bruha si kumag!

Napatayo ako bigla, at napalapit sa kanila.

"Hi Remi!'bati ng bruha.

"Hayin mo mukha mo! Ano 'to? Anong ginagawa niyo dito?"pabulong kong usisa, with matching sarcastic na ngisi.

Tumingin naman ako kay kumag.

"At ikaw namang kumag ka, di ba dapat nagpapahinga ka pa sa ospital? Pinayagan ka ba na lumabas ng doktor, ha?"

"Oo, pinayagan na ko, okay naman na raw iyong kundisyon ko eh. Alam mo kasi, dinalaw ako sa ospital nitong si Sarra kanina, at sinabi niya sa akin na may date ka raw? At naisip ko naman, parang ayos nga iyong idea na iyon; so, niyaya ko siya na magdate rin,"sagot niya na ngingisi-ngisi pa.

"Kayong dalawa, magdedate? Hmph, sinong niloko niyo? Sinong ginago niyo! Wag ako hoy!"

"Sorry na teh, eto kasing isang 'to eh, nagpupumilit,"si Sarra.

"Hmph!"

"Huwag kang mag-alala, di naman namin kayo guguluhin. Tsaka, mukha naman kasing enjoy na enjoy ka eh,"si kumag.

Nginisihan lang niya ulit ako. Pagkatapos nun, lumakad na sila at kumuha na rin ng sarili nilang table. Ako naman, sa bwiset ko, napasunod na lang ako ng tingin sa kanila; until nakaupo na sila.

Seriously! Ano na naman bang pinaplano ng kumag na 'to? Bakit sumunod pa siya dito?

                                                                             #

Dumating na iyong order namin ni Luis, at kumakain na kami; pero bwiset talaga, di ako makakain nang maayos. Hindi ko kasi maiwasan na mapatingin dun sa dalawa. Kasi naman! Ang awkward nitong nangyayari!

Iyong feeling na may kadate ka, tapos nasa kalapit lang na table iyong kumag mong Ex-Men, lol.

"Naiilang ka ba?"biglang tanong ni Luis.

Napahinto ko sa pagkain, at napatingin sa kanya.

"H-Huh?"

"Kako, kung naiilang ka ba dahil nandito rin siya?"

"Ahmmm..."

Napasulyap na naman ako dun sa dalawa; siniserve na iyong order nila, at nabigla na lang ako sa mga 'to. Mga pampulutan lang naman, with matching alak pa!

Sunod kong nakita, nagsasalin na sila sa baso. Napatayo na naman ako nang di oras, tapos di ko na napigilan na lapitan sila ulit. Sakto, tatagay na dapat ang kumag; pero nagawa kong hawakan iyong braso niya, at pigilan siya.

"Itigil mo nga iyan!"pabulong kong bulalas.

Kinuha ko iyong baso sa kanya, at inilapag 'to sa table.

"Ano ba! Huwag ka ngang basag-trip,"sagot niya.

"Basag-trip? Hmph, di ba alam mo naman, na mahigpit na ipinagbabawal sa atin ni Mayor ang uminom!"

Tumingin din ako kay Sarra.

"At ikaw, gusto mo ba malintikan ka na naman sa tatay mo?"

"Ay teh, may amnesia ka ba? Matagal na po kong walang kebs, sa mga kung anumang ipinagbabawal ni Dad. Lumayas na nga ko sa amin di ba? And hello, hindi po ko karatista,"sagot naman niya.

"Tama. Tsaka nandito ba si Mayor? Wala naman di ba. So ano bang problema mo? Di ka naman namin ginugulo, pero kami 'tong ginugulo mo,"dagdag ni kumag.

Napatingin na lang ulit ako sa kanya, at napadabog sa may table.

"Ang problema, ayaw kong may mangyari sa iyo! Kalalabas mo lang ng ospital, tapos ganito ang pinaggagagawa mo?"

Bigla na lang silang natigilan pareho, tapos nagkatinginan.

"Ahmmm, excuse me lang mareng Remi ah."

Napatayo si Sarra.

"May lagnat ka ba ha, teh?"

With matching pagdampi pa ng mga kamay niya sa leeg at noo ko, iyong tanong niyang iyon.

"Eh parang wala naman. Pero anyare? Bakit bigla kang naging over concern sa ex mo?"ngingisi-ngisi niyang hirit.

At dun ko lang narealize, iyong mga words na lumabas mula sa bibig ko ngayon-ngayon lang. Pucha! Ano iyon? Bakit ko nasabi ang mga iyon? Shet, shet na malagkit pa sa malagkit!

H-Hindi na ko nagsalita; shut up na lang, shut up na lang ako! Dahan-dahan, tumalikod na ko, sabay biglang takbo na pabalik sa table namin; muntanga lang.

At naupo na ulit ako sa tabi ni Luis.

"Oh, anong sinabi nila sa iyo dun? Bakit ganyan iyang itsura mo?"

Hindi ako nakasagot sa kanya, napaiwas lang ako ng tingin.

"Okay sige, hindi na ko magtatanong; parang may idea na rin naman na kasi ko. Pero...tumingin ka sa akin."

Hindi ako kumibo, ni hindi ako kumilos. Wala, lutang si Master Sandro...este Remi nga pala ko ngayon.

"Sandro, tumingin ka sa akin."

At nagulat na lang ako; nang hawakan niya iyong mukha ko, at hinawi ako paharap sa kanya. Tapos, ginawa na naman niya iyong titig niyang tumatagos!

"Kung pwede lang, sana huwag mo na lang muna silang isipin; hayaan mo silang gawin iyong gusto nila. Hindi ba, ako naman iyong kasama mo dito? Tsaka isa pa...t-tapos na kayo nung taong iyon, at sinabi mo nun na hindi ka na papaapekto pa sa kanya; so, iyon iyong gawin mo ngayon..."

Naramdaman ko na lang, na kinuha at hinawakan niya iyong isa kong kamay, sa may ilalim ng table.

"Sandro, ako iyong katabi mo dito, ako iyong kaharap mo; ako iyong nandito ngayon para sa iyo. Sana...iyon na lang iyong isipin mo,"medyo mamasa-masa pa iyong mga mata niya, habang sinasabi iyon.

Langya, parang mas lalo pa ata kong naging lutang, dahil sa mga sinabi niya. Not to mention, medyo weird din iyong dating para sa akin; kasi nga nakaanyong babae kami lol. P-Pero, napangiti naman niya ko kahit paano.

                                                                          #

Nairaos din namin ni Luis iyong pagkain. Pero, di ko pa rin talaga napigilan na sumimple ng tingin dun sa dalawa; iyong dalawa na sige lang sa pagtagay. Pero syempre, hindi ko na lang ipinahalata iyon sa kanya.

"Masarap din naman pala iyong pagkain nila dito, noh?"nakangiti niyang usisa.

"Yeah. Parang feel ko nga na bumalik ulit dito eh."

"Hmph, eh bakit parang wala ka pa rin sa mood?"

"H-Huh?"

"Sandro, di mo ko madadala diyan sa acting skills mo; obvious naman kasi diyan sa mga mata mo eh, di ka pa rin okay."

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi niya.

"Pre, huwag mo na kong intindihin; magiging okay rin ako."

"Hindi, hindi pwede na hindi kita intindihin; kasi ayaw kong nakikita na nagkakaganyan ka."

Lumingon siya sa ibang direksyon; may kung ano siyang tinitignan sa malayo. Ilang saglit lang, bigla na lang siyang napangisi.

"Alam ko na!"bulalas niya, tapos tumingin na siya ulit sa akin.

"Huh?"

"May gagawin tayo, na sa tingin ko eh pwedeng makatulong sa iyo."

"Ano iyon?"

"Basta, sumama ka na lang sa akin."

Tumayo na siya.

"Let's go Remi!"

Hinila na niya ko, kaya napatayo na rin ako. Isinukbit niya iyong braso niya, sa braso ko; iyong typical na style na ginagawa ng mga chicks, kapag magkasamang naglalakad sa mall or kung saan. Tapos lumakad na kami.

Akala ko naman kung saan ako dadalhin ng loko, sa may videoke machine lang pala, lol.

"Ah, Julia, anong ginagawa natin dito? B-Bakit tayo nagpunta dito?"

"Isn't it obvious sis? Idadaan natin sa kanta iyang mga stress mo sa buhay."

Dinampot na niya iyong songbook, at inaabot 'to sa akin.

"Oh, gusto mo ikaw na mauna?"

"Pre, hindi ako marunong kumanta. N-Nakakahiya mang aminin, pero sintunado ko,"pabulong kong sagot sa kanya.

Natawa naman siya nang mahina.

"Fine, eh di ako na lang ang kakanta for you."

Kala ko nagjojoke lang siya, pero talagang tumingin na siya ng kanta sa songbook. Mamaya pa, bigla siyang bumulong nang boses lalake na.

"Oh, kakanta na ko; pwedeng mag-emote, pero bawal ang umiyak ah."

Sabay tingin siya, at ngisi sa akin; loko talaga. Di naman na ko umimik, at hinayaan ko na lang siya. Naghulog na siya ng coins, at isinalang na niya iyong napili niyang kanta.

Marunong pala talaga siyang kumanta. At ang nakakaaliw, nagawa pa rin niyang magtunog girly iyong boses niya.

Pero langya naman iyong lyrics ng kanta niya, tungkol sa kung naka-get over ka na ba. Parang nananadiya na nang-aasar lol.

Natigilan na lang tuloy ako, at napatitig na lang sa kanya habang kumakanta siya. Mali, hindi pala parang, I think sinadiya niya talaga 'to.

Obvious na may iba siyang gustong iparating sa akin, kaya ginawa niya 'to. Something na hindi niya magawang sabihin sa akin nang diretsahan.

At nagegets ko kung ano iyon. Patuloy lang akong nakinig sa kanya, pero di ko gusto iyong pakiramdam ko.

Halos tulala ako, nang matapos siya. Tapos nagkatinginan na lang kami. Nang bigla na lang may pumalakpak nang malakas. Napalingon kaming pareho. Si Kumag at Sarra pala nasa likuran na namin, at si Kumag iyong pumapalakpak!

"Ang galing! Ang galing-galing!"bulalas niya.

"Hong taray mo Julia. Ba't hindi mo naman ako ininform, pwede ka rin pa lang magkontisera, hihihi!"dagdag ni Sarra.

"Ano, tapos ka na ba?"

Hindi kami umimik pareho.

"Pwes, tabi na diyan! It's my turn...mga girls,"si kumag.

Tumabi na nga lang kami, at napaatras.

"Uy kakanta rin siyaaa! Gusto ko iyan!"si Sarra.

Hmph, may tama na pala 'tong dalawa na 'to. Medyo iba na kasi iyong way ng pagsasalita nila, at parang mga eskandaloso pa iyong mga boses nila sa lakas. Pero ang bilis naman ata; ganun ba katapang iyong nilaklak nila?

Binuklat na ni kumag iyong songbook.

"Hey! Akong pipili ng song para iyo,"si Sarra.

Napalingon naman sa kanya si kumag.

"Ayaw ko nga! Tsaka may naisip na ko kanina pa. This is a very very special kanta, for a very very special human person I know."

At isinalang na nga niya iyong very very special na kanta raw.

Ay ampucha! Pang break up na kanta! Bwiset! Isa rin 'tong gago na 'to, nananadiya rin. Ayaw talaga niyang magpatalo!

"Oh my god! May pinagdadaanan lang teh? Ay...oo nga pala! Meron nga pala talaga. Ahahaha!"reakyson ni Sarra.

Nagpleplay na iyong instrumental intro, nang biglang nilabas ni Sarra iyong cellphone niya.

"Uy wait lang teh! Ivideo pala natin iyang performance mo, para may rememberance duh ba."

At nagvideo nga siya, gamit iyong front camera ng cellphone niya; syempre siya iyong may hawak, kaya umekstra rin siya. Sakto naman, nagstart na rin sa pagkanta ang kumag.

Silang dalawa enjoy na enjoy sa pinaggagawa nila, pero ako hindi.  First stanza pa lang iyong nakakanta niya, unti-unti nang bumigat iyong loob ko.

Feeling ko, para kong kinakarate chop sa dibdib. Tapos, naging pigil iyong paghinga ko.

D-Dahil pinapaalala nito sa akin, kung ano iyong meron sa amin dati; pati na iyong kung anong mga nangyari, k-kaya nagkahiwalay kami.

"Oh! I love you raw oh!"si Sarra.

Mayamaya pa, naramdaman ko na lang na nagsisimula nang mamasa iyong mga mata ko.Tapos, napasara na lang ako ng dalawa kong kamao.

Gusto ko nang umalis! Pero 'tong si Sarra, h-hinila pa ko palapit sa likuran ni kumag. At biglang humarap naman si kumag sa akin. Tinangka niyang kunin, at hawakan iyong isang kamay ko; pero hinawi ko iyong kamay niya. At dun na ko tuluyang nagwalkout, d-dahil hindi ko na kaya iyong mga kalokohang pinaggagagawa nila!

                                                                         #

Tumakbo ko papunta sa may banyo, at pumasok(comfort room ng mga babae). Lumapit ako sa may tapat ng isa sa mga lababo, at napadantay dito. T-Tapos napayuko na lang ako. At dun, hindi ko na napigilan pa iyong pagbulalas ng nararamdaman ko; t-tuluyan nang bumagsak, iyong mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan!

Paulit-ulit, paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na tapos na ang lahat sa amin ng taong iyon; na hindi ko na siya dapat pag-aksayahan pa ng panahon. S-Sinabi ko rin na gusto kong pagbigyan ang sarili ko, n-na maging bukas sa iba; na buksan iyong puso ko sa ibang tao.

Aaminin ko, gusto ko si Luis; gustong-gusto ko siya! P-Pero ano 'tong nararamdaman ko ngayon sa kumag na iyon? B-Bakit? Bakit ganito! Nalilito ako, naguguluhan ako!

Dahan-dahan, napaangat ako ng ulo; napatingin ako sa may sarili ko sa salamin.

H-Hindi pwede, hindi 'to dapat; dahil ayaw ko nang maulit pa iyong mga nangyari dati. Ayaw ko na maging isa na naman akong halimaw na diktador, na may masaktan na naman akong tao; ayaw ko na may masaktan ako sa kanila!

Napadabog na lang ako sa may lababo; tapos...napayuko na lang ulit ako, at napahagulgol.

Mayamaya pa, naramdaman ko na lang may humawak, at humaplos sa kaliwa kong balikat.

"S-Sandro..."

Napaangat ako ulit ng ulo, at napalingon; si Luis. Hindi ako nakaimik, o nakapagsalita; napatitig lang ako sa kanya. Biglang may kumaluskos, at napalingon kaming pareho. S-Si kumag, dumating rin. Dahan-dahan, lumapit siya sa amin.



Continue Reading

You'll Also Like

32.3K 2.9K 26
Tatlong taon - sa mahabang panahon na ito ay nagkukulong lamang si Jam sa sariling mundo nila ng kanyang nobyo. Sa bawat araw na lumilipas, iisa lang...
232K 6.6K 40
Madami tayong bagay na nagagawa sa ating buhay na kung maibabalik lang natin ay gusto nating baguhin, isa na dito si Leonard Charles Aguilar na gagaw...
5.1K 304 31
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa ginawang pakikipagbreak saakin ni Khalil at ng maaksidente ako ay napunta ako dito sa panahong ito...
1.8M 36.7K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.