Captivated by her, Demonica.

By myziiz

1K 170 80

Just because of his mission, he met her. The one that will make him feel so beloved. And also the one will ma... More

Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14

Kabanata 1

277 21 5
By myziiz

Hawak-hawak ko ang aking mga pinamili mula sa souvenir shop rito sa Costa Petit-Maitre. Naglalakad kasi ako patungo sa hotel kung nasaan naka-destino ang boyfriend kong si Sydd since umalis ako kanina at nagtungo sa ibang hotel para sana do'n matulog pero mas napili kong do'n nalang matulog sa unit ni Sydd.

Siguro ay nasa balcony na naman sya dahil sa mga oras na 'to ay mas pinipili nyang mapag-isa pero dahil nga may gusto akong ibigay sakanya kahit halos alas-onse na ng gabi, tuloy pa rin ako sa paglalakad patungo rito. Gusto ko sanang ibigay ang mga souvenirs na ito sakanya dahil nga ilang araw na lang ang natitira ko rito bago ako umalis at mag tungo sa kabilang isla. Siguro napamahal na rin sakin ang buong beach na 'to dahil sa halos 7 buwan na pags-stay namin dito. It wasn't that fun dahil nga wala ang mga iba kong kaibigan maliban sa boyfriend ko pero syempre, iba parin talaga 'yung saya kapag kasama mo 'yung taong mahal mo.

Nasa tapat na agad ako ng unit ni Sydd dahil sa siguro'y pagka-excite ko na naman. Let's say na, I want to see his smile again bago ako umalis dito sa isla. Mamimiss ko 'yon for sure.

"Sydd.. Matagal-tagal na rin tayong ganito. Are you sure you don't want your girlfriend to break up with you?"

Para akong naestatwa sa aking narinig ng mabuksan ko ang unit nya. Ang boses na 'yon. Boses ng isang pamilyar na babae. Ang boses na 'yon ay nanggagaling sa kwarto ng taong tanging pinagkakatiwalaan ko sa tana ng buhay ko.

"Can't we just not talk about that anymore? Nakakasawa na ang topic na 'yan, Daisee. Let's just enjoy this night na wala ang babaeng 'yon."

Napahawak ako sa aking bibig gamit ang dalawa kong kamay dahil sa sobrang gulat. Napakagat ako sa aking labi habang pilit na pinipigilan ang hapdi na aking nararamdaman ngayong mga oras na 'to. Gustong-gusto kong magwala at sugurin ang dalawa sa kwarto na tinutulugan ko at hambalusin sila ng todo, ngunit hindi.

Hindi ko kaya, dahil mahina ako.

Alam ko nang nangyayari ito sa simula't sapul pero pilit pa rin akong nagbibingi-bingihan at pilit na sinasabi sa sarili na mahal nya ako. Na hindi totoo ang mga nakikita ko dahil malabo ang mga mata ko. Na hindi totoo ang mga naririnig ko dahil sa may nakabara nang tutuli sa tenga ko. Na hindi ko maramdaman dahil alam kong manhid nako.

Ang sakit. Pero tangina nakakasawa 'yung magpanggap na ayos lang ako kahit ang sakit-sakit na.

Lumapit ako sa kwarto at agad na binuksan ito bago dinama ang sakit ng mas matinde pa ng makita ko kung ano ang posisyon nila ngayon sa mismong kama kung saan akala ko ay mahahanap ko ang kapayapaan. A peaceful life with this cruel world? Not bad. But impossible.

Nabigla sila sa aking presenya ngunit hindi pa rin sila gumalaw ng kahit isa manlang sentimentro na mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ko ngayon. Gusto ba talaga nila akong saktan ng ganito? Kasi sa aking palagay ay oo. Pero tangina lang, bakit ang sakit-sakit talaga?

"D-Demonica, I can explain.."

Bakit mas lalong lumalim ang aking kalungkutan sa aking narinig? Siguro dahil sa kadahilanang ang laki-laki nyang sinungaling. Huling-huli ko na sila, ngunit nagkakaila pa. Ang sakit lang do'n ay bakit kailangan nya pang magsinungaling sa isang bagay na ako mismo ang nakakakita at nakakaramdam sa simula't sapul palang?

Pinilit kong hindi umiyak sa harap nila at tumingin ng diretso sa mga mata ng lalaking hindi ko na talaga kilala sa mga oras na 'to bago binigyan ito ng malutong na sipa sa kanyang pag-aari na ikinabigla nilang dalawa. Ngumisi muna ako sa mga basura bago sila nginitian.

"You know me. Ayoko ng drama kaya masyado nang cliche kung sasampalin ko ang ahas," taas-noong saad ko. "Hindi naman malalandi 'tong jowa ko kung hindi sya magpapalandi, so why not try something new?"

"Hindi mo gusto ng commitment pero nag-syota ka? Gago ka ba talaga o sadyang makitid 'yang utak mo at hindi alam ang ibig sabihin ng commitment?"

I want my sadness turn into anger but hell, mas nangingibabaw pa rin ang nararamdaman ko para sa gagong nangahas na paulit-ulit na saktan ako.

Namimilipit pa rin sya sa sakit habang ako ay nakatingin sakanya habang nanlilisik ang aking mga mata dahil sa galit na nararamdaman ko. "Masaya ka na ba?"

Tinutulungan ng ahas ang gago na makatayo ng maayos habang ako ay tinititigan silang dalawa na parang diring-diri sa pangyayari. Nakakadiri sila. Diring-diri ako sakanila dahil allergic ako sa mga taong sinungaling. Sasabihin nila na mahal ka nila, pero tangina gusto lang pala mapalapit sa taong totoong mahal nila. Isang malaking kalokohan talaga ang buhay ko.

"Masaya ka na kasi may naloko ka na?" Umiiyak ako. Aaminin ko, pero hindi ko matanggap ang katotohanang umiiyak ako sa isang gagong gaya ni Sydd.

"I should've listen to those people na nagsasabing gago ka, pero hindi ako nakinig kasi mas kilala kita, e. Yun nga lang, malandi ka kaya ayon." Matigas na saad ko bago inilapit ang mukha ko sa mukha ni Sydd na para bang nagpalamon na ako ng tuluyan sa galit na nadarama ko.

"Pero, Sydd.. Hindi ko lang talaga matanggap na ang lakas ng loob mong magloko ano? Bakit? Binigyan ba kita ng license na sirain ang buhay ko?" Napahagul-gol ako ng wala sa oras ng maalala ko lahat ng alaala na akala ko ay totoo na.

"Dapat pinatay mo nalang ako, kaysa maramdaman ko ang kagaguhang ginagawa mo ngayong mga oras na 'to!" Sigaw ko bago bumaling sa ahas na nangahas ahasin ang gago. Nabigla ata sya ng balingan ko sya kaya muling bumalik ang ngisi sa aking mukha. Hindi ko alam pero sa mga oras na 'to, gustong-gusto ko makita ang itsura ng mga taong manloloko na matakot.

"Don't worry, hindi kita sasaktan." Nakangiting saad ko bago muling bumaling sa gunggong na unti-unting napapaluhod habang nagmamakaawa sa akin na hindi ko pinariringgan dahil sa kasawaan.

"Hindi mo naman kasalanan na nagpaloko ka sa isang 'yan, ako nga na pasibol palang ang ganda naloko na, ikaw pa kayang pabulok na? Also, hindi na namin concern ang mga kalibugan nila unless gusto nilang magparaos kasama ng mga ahas na gaya mo, Daisee."

Napanganga ang ahas na para bang nabigla sa aking sinambit pero nginisian ko lang sya. "Fuck off."

"How dare you!"

Bago pa man dumikit ang marumi nyang palad sa aking bagong hilamos na mukha ay agad ko itong nakuha na ikinabigla nya.

"No, how dare you!"

Binitawan ko ng marahas ang kamay nya bago lumayo-layo sakanila ng kaunti dahil baka magaya rin ako sa mga gunggong na manloloko.

"Kayong mga lalake.. Akala nyo pagkatapos ng pang-iiwan, pananakit, at panloloko nyo ay iiyak lang kami pero, God Sydd! Hindi tuwing gigising kami ay iiyak kami dahil sa inyo! Hindi tuwing pagmulat ng mga mata naming sa umaga kayo agad ang iispin namin! Hindi laging kayo, dahil kahit papaano may natitira paring pagmamahal para sa sarili namin!"

Napakagat ako sa aking labi bago muling sinundan ang mga salitang mistulang nagpatigil sa mundo nilang dalawa, but the hell I care about their feelings. May pakielam ba sila sa mararamdaman ko no'ng nagjujug-jugan na sila? Wala naman hindi ba?

"Demonica... please just let me explain-"

"Wag mo na nga akong lokohin! Wala naman akong sentimental value para sa'yo kaya madali lang kapag nawala na ako sa buhay mo." Pagputol ko sa sasabihin nya. Sawang-sawa na ako sa mga katagang 'yon. Kung talagang hanap nya ang init ng katawan edi sana nag-jowa ka ng body heater!

"Gano'n ba talaga tayong mga tao ngayon?" Natatawang saad ko bago bumaling sandali kay ahas na natiling tahimik na humihikbi sa gilid. Teka, ba't ba ito nagpapabebe?

"Yung ibang babae, hindi nila nare-realize 'yung mismong worth nila." Bumaling ako kay gago bago hinawakan ang balikat nya. "Tapos 'yung ibang lalaki, hindi nila nare-realize kung ano ba talagang meron sila."

I smiled painfully bago hinalikan ang noo ng taong minsan ko nang minahal. At hindi ko alam na mamahalin ko ng ganito para masaktan ako ng ganito kasakit. Gusto kong ilabas lahat ng nasa utak ko pero hindi ko magawa dahil baka masabi ko ang mga katagang kinatatakutan kong sabihin.

"Mahal kita." Aniko. "Sobra."

"Pero kung second option mo lang ako, then please stop. Ang sakit-sakit kayang maging pangalawa, alam mo ba 'yun?" Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. A painful one. "Lalo na kung 'yung inaagnas ang inuna kaysa sa gandang pangmalakasan."

Tatalikod na nga sana ako ng may maalala akong gusto kong sabihin kay Ahas simula pa kanina ng makita ko syang umiiyak na parang tanga sa gilid. Akala nila ay aalis na ako ngunit lumapit ako kay Ahas bago mabilis na bumulong sakanya.

"Thank you nga pala sa pagpulot ng kalat ko, ah. Ang bait mo, sana kunin ka na ni God."

Umalis ako ng mabilis pa kay the Flash bago tuluyang tumulo lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang gusto ko lang naman kasi ay 'yung kaya akong mahalin pabalik hindi ba? Bakit napunta ako sa malandi?

Pero naisip ko lang.. Isn't it worst? How we waste so much time and effort on certain people and at the end of the day, they'll prove to us that they weren't even worth a second of it.

Lumayo ako sa lugar na 'yon, habang naka-hawak sa aking dibdib na mistulang hinahawakan ko ang durog kong puso. Ang daming nangyari ngayon, at nakakatawa lang na wala manlang akong nagawa para maibalik 'yung dating kami.

I eyed the whole island habang inaalala ang mga memorya naming dalawa sa bawat sulok nito. I smiled, faintly.

"I just want you to want me back, pero imposible na."

Tumingin ako sa aking likod, nagbabakasakaling hinahabol nya ako pero hindi. Ni-isang bakas ay wala akong nakita mula sa likod ko kaya mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Always naghahabol, but never hinahabol?"

Uy teka shit lang! Ako 'yung maganda kaya dapat ako 'yung nakipag-break! Putragis naman talaga! Sayang lahi, Demonica!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...