An Orphan's First Love: Love...

By JeraldineTanL

5.2M 70.6K 6.9K

Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION More

Prologue
[ 1 ] First Step
[ 2 ] 11SG
[ 3 ] Shirt
[ 4 ] Unlucky
[ 5 ] Twins
[ 6 ] Little Act of Kindness
[ 7 ] Master
[ 8 ] Brave
[ 9 ] Mad
[ 10 ] Mean
[ 11 ] First Kiss
[ 12 ] Classmate
[ 13 ] Girlfriend
[ 14.1 ] Birthday
[ 14.2 ] Monique
[ 15.1 ] Beach
[ 15.2 ] The Wall
[ 16.1 ] Disgrace
[ 16.2 ] Betrayal
[ 16.3 ] Kidnap
[ 16.4 ] Hideout
[ 16.5 ] Saved
[ 17.1 ] Wound
[ 17.2 ] Best Friend
[ 18 ] Vacation
[ 19.1 ] Resort
[ 19.2 ] Trip
[ 20 ] 11 Sexy Gangsters
[ 21 ] Question
[ 22 ] Explain
[ 23 ] Control
[ 24 ] Protect
[ 25 ] Laptop
[ 26 ] Answers
[ 27 ] Keeping The Secret
[ 28 ] A Tiring Day
[ 29 ] Unexpected
[ 30 ] Suspicious
[ 31 ] Effect
[ 32 ] Is This The End?
[ 33 ] Work
[ 34 ] Love and Revenge
[ 35 ] Change
[ 36 ] I Can't Die!
[ 37 ] Bet
[ 38 ] Charity Event
[ 39 ] This Is War
[ 40 ] Winner and Loser
[ 41 ] The Great Jico Choi
[ 42 ] Their Past
[ 43 ] Runaway
[ 44 ] Reminder
[ 45 ] Over Protective
[ 46 ] Key
[ 48 ] Ring
[ 49 ] Falling?
[ 50 ] Gift
[ 51 ] New Year
[ 52 ] Warning
[ 53 ] Valentines Date
[ 54 ] Trick
[ 55 ] Reminder
[ 56 ] Hospital
[ 57 ] What Happened?
[ 58 ] Confused
[ 59 ] Big News
[ 60 ] Life before Revenge
[ 61 ] Birthday Gift
[ 62 ] Her Condition
[ 63 ] The Wedding
[ 64 ] Hospital
[ 65 ] Intuition
[ 66 ] Regret
[ 67 ] Realizations
[ 68 ] First Love
[ 69 ] Twin Sister
[ 70 ] That Guy
[ 71 ] Goodbyes
[ 72 ] Trust
[ 73 ] Letter
Epilogue
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
AN ORPHAN'S FIRST LOVE BOOK 2

[ 47 ] Dinner

43.8K 631 74
By JeraldineTanL

Chapter 47: Dinner

"Umarte ka. I-entertain mo lang siya at 'wag kang magpapahalata na may tinatago ka. Ako na ang bahala sa sarili ko," utos sa kanya ni Jico.

Muli na naman na may kumatok sa pinto at nakatingin lang si Steffi kay Jico na dumaan sa bintana paalis doon. Agad na napalingon si Steffi nang marinig niya na magclick ang pinto bilang signal na natanggal na ang lock noon at nakita niya si ZAC.

"ZAC, nandito ka na pala."

"Bakit hindi mo binubuksan 'yong pinto? Nakadalawang katok na ako."

"Ha? Galing kasi ako sa CR tapos hindi ko narinig," pagdadahilan niya.

Agad na naagaw ang pansin ni ZAC dahil sa hinahangin na kurtina at mainit na pagpasok ng hangin sa loob ng kwarto nila dahil bukas ang bintana doon.

"Bakit bukas 'yong bintana?"

Lalapit sana doon si ZAC pero agad siyang inunahan ni Steffi at siya na ang nagsara noon dahil baka nasa labas pa si Jico at makita siya ni ZAC.

"Pasensya na, naiwan kong bukas. Gusto mong magswimming ngayon?" pag-iiba niya sa usapan.

"'Wag na muna. Oo nga pala, mag-a-island hopping tayo bukas ng umaga."

"Talaga?" nakangiting sagot ni Steffi.

Kinakabahan pa rin siya sa mga nangyayari dahil baka makatunog ito na may ibang pumunta doon kaya naman pinipilit niya na ilihis ang ibang usapan. Kahit na hindi naman siya ganoon ka-interesado sa gagawin nila ay umarte na lang siya na parang gustong gusto niya.

"Oo. Sige, matutulog na muna ako."

Umupo na muna siya sa sofa at nagpakawala ng mahabang hininga. Akala niya talaga ay mahuhuli na silang dalawa ni Jico at grabe ang kaba na naramdaman niya. Pakiramdam niya tuloy ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Kinapa niya sa bulsa ang susi na ibinigay sa kanya ni Jico. Base sa itsura noon, para itong susi sa isang pintuan pero maaari rin na susi ng isang kandado... Ano man iyon, hindi niya rin alam at hindi na rin siya makapaghintay na malaman pa.

Pasko na ng araw na iyon. December 25. Sobrang bilis ng pagdaan ng panahon at sa loob ng ilang buwan na nakasama niya sina ZAC ay sobrang dami na rin ng nangyari sa buhay niya at ibang iba sa tahimik niya na buhay noon pero tanggap niya na magiging magulo ang buhay niya sa pagpasok niya sa mundo nina ZAC kung saan lahat ay nadadaan sa pera at kapangyarihan. Gayunpaman, handa pa rin siyang sumugal at desisido parin sa binbalak. At habang sumusugal ay pipilitin niya rin na i-enjoy ang nalalabi niya pang mga oras sa mundo dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili doon.

***

Inabot na lang ng gabi pero nananatili pa rin na tulog si ZAC. Napahawak si Steffi sa tiyan niya... naririnig niya na ang pagtunog noon dahil sa gutom at kailangan niya na talagang kumain.

Ano ba kasi ang ginawa ng lalaking 'to at mukhang pagod siya para matulog hanggang ganitong oras?

Napakamot na lang siya ng ulo. Hindi na niya kaya pang maghintay na magising ito at mas lalong ayaw niya rin itong gisingin. Sa mga ganoong panahon, si Jico lang ang maaasahan niya dahil wala din siyang pera kahit na singkong duling man lang. Kinuha niya ang cellphone niya para padalhan si Jico ng isang text message. Makikikain na lang siya dito o kaya uutangan niya ito ng pera na pambili ng pagkain niya.

To: Jico

Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita.

Nilalaro laro lang ni Steffi ang cellphone niya habang hinihintay ang sagot nito. Sinadya niya na hindi diretsahin ang text dito para mausisa ito at sumagot sa text niya pero imbis na text message ay tawag ang natanggap niya mula dito. Pumasok na muna siya sa loob ng CR para kung sakali na magising si ZAC ay hindi nito maririnig ang pag-uusapan nila.

"Bakit mo tinatanong?"

"Nasaan ka ba ngayon?"

"Basta. Ano ba ang kailangan mo sa 'kin?"

"Gusto kitang makita. Hahanapin ba kita kung hindi?"

"Kung dahil pa din 'yan sa susi, wala akong--"

"Walang kinalaman 'to sa susi. Sabihin mo na lang at pupuntahan kita dyan."

"No, just wait outside your room. Ipapasundo na lang kita kay JM dyan."

"Okay, maghihintay ako. Pasabi na bilisan niya."

Binabaan siya nito ng tawag. Nagsuot ng jacket si Steffi saka siya lumabas sa kwarto para hintayin si JM at hindi rin naman siya naghintay ng matagal dahil dumating ito kaagad.

"Ano ba'ng kailangan mo at pinapunta pa ako dito ni Jico para sunduin ka?" halata na naiinis ito dahil sa ginawa niya. Amoy alak rin ito at halata na nakainom.

"Hindi niya sinabi sa 'yo? Pupunta ako sa hotel na tinutuluyan niyo. Hindi ko alam ang--"

"Sundan mo 'ko."

Nauna itong maglakad sa kanya at nakasunod lang si Steffi sa likuran niya. Tinitingnan niya ang likod nito at agad niyang napansin kung gaano ito katangkad na pakiramdam niya na ay ang liit niya kahit hindi naman. Matangkad rin kasi si Steffi kumpara sa ibang mga babae sa kanyang edad. Bigla naman itong tumigil sa paglalakad kaya nabunggo siya sa likuran nito.

"Bakit ka tumigil?" nagtatakang tanong ni Steffi.

Hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nasa parehas na hotel pa rin sila. Kung tutuusin ay nasa parehas rin na floor. Mahaba lang ang hallway kaya hindi niya napansin na doon rin pala ang punta nila. Ang akala niya kasi ay sa emergency exit ang daan nila pero mali siya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng takot dahil mas lalong malapit sa kanya si Jico. Delikado kapag nagkita ang dalawa sa lugar na 'yon at mas lalong delikado kapag nagkaroon ng hinala si ZAC na hinding hindi niya hahayaang mangyari.

Kumatok si JM sa pinto at isang maputing lalaki na kasing tangkad rin ni JM ang nagbukas noon para sa kanila. Kumpara kay JM, mas gwapo ito pero mas payat rin. Mukha na nga itong poste. Pamilyar rin naman ang mukha nito kay Steffi pero hindi niya ito kilala sa pangalan. Pagkapasok nila sa loob ay hindi niya nagustuhan ang amoy at itsura noon. Amoy usok ng sigarilyo at may mga bote ng beer pa doon na nakakalat. May naglalaro rin doon ng baraha at may tatlong babae na mukhang mga kaladkarin ang nandoon.

Sandali silang iniwan ng maputing lalaki doon para tawagin si Jico na ngayon ay hindi matanaw. Patuloy na kinikilatis ni Steffi ang mga mukha ng mga lalaki at tinatandaan ang mga itsura nila para kapag nakita niya ito ay agad niya silang makikila. Who knows? Baka sila pala ang sumusunod sa kanya para alamin ang mga kilos niya.

"'Yong maputi kanina, si Rem. 'Yong dalawa na naglalaro ng baraha doon, sina Enzo at Clark naman at 'yong dalawa na kasama ng mga babae, sina Justin at Ralph," pagpapakilala ni JM sa mga kasama. Napansin kasi nito na hindi talaga sila kilala ni Steffi.

"So it's true that the whole gang is here," mahinang nasabi niya.

Nakita niya ang paglabas ni Jico galing sa isang kwarto doon. Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti ng napakalapad at nilapitan siya saka inakbayan na agad niya rin naman na tinanggal. Amoy na amoy dito ang alak at mukhang may tama na rin ito. Nagiiwas lang siya dahil baka maamoy siya ni ZAC at magkaproblema pa.

"What brought you here, sweety? You missed me?" nakangiting tanong nito.

Sasagot pa lang si Steffi pero agad siya nitong hinalikan. Nabastos si Steffi sa ginawa nito kaya agad niya itong tinulak at sinuntok ng malakas. Mukha pa itong matino base sa boses nito sa phone pero hindi na pala. Matino lang ang pagsasalita nito pero wala na sa katinuan ang isip nito dahil sa epekto ng alak. Hindi na nagdalawang isip pa si Steffi at lumabas na lang siya mula sa kwarto na iyon. Wala siyang mapapala na matino doon. Uminit lang ang ulo niya kasabay ng pagtunog ng tiyan niya.

Habang naglalakad siya ay napansin niya na parang may sumusunod sa kanya kaya bigla siyang tumigil at tumalikod. Nakita niya doon si Rem na nakalagay pa ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng shorts nito na parang casual lang na naglalakad doon.

"Ano'ng ginagawa mo?" nakataas na ang isa niyang kilay habang nagtatanong. Hindi niya nagustuhan na nakita itong nakasunod sa kanya.

"Ako?" parang gulat na gulat na tanong nito.

"May iba ka pa bang nakikita na tao dito?" masungit na tanong ni Steffi.

Napatingin tingin sa paligid si Rem at saka muling ibinaling ang tingin kay Steffi at inosenteng sumagot na "Wala, ako lang."

"Bakit mo ba ako sinusundan? Ano'ng kailangan mo sa 'kin, ha? Inutusan ka ba ni Jico na sundan ako?" naiinis na tanong ni Steffi.

"Wala. Gusto ko lang itanong kung bakit ka pumunta doon pero umalis ka rin naman agad. Maybe I can help you. Don't worry, I won't ask anything in return."

"Pahiram ako ng pera. Bibili ako ng pagkain dahil nagugutom na ako," diretchong sinabi niya. Hindi niya na kaya pang magpaligoy-ligoy pa dahil nagwawala na ang mga bulate sa tiyan niya.

"Is that all? Tamang tama, hindi pa ako kumakain. Sabay na tayo."

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya nito papunta sa isang kwarto sa hotel rin na iyon pero sa mas mataas na floor. Magagalit pa sana siya dahil baka may masama itong binabalak pero narinig niya ito na may kausap sa phone at base sa sinasabi nito, umorder ito ng pizza.

"Just wait for a while. Padating na rin ang delivery. Is pizza okay with you?"

"Naka-order ka na, 'di ba? Ba't ngayon ka lang nagtanong?" pilosopong sagot niya.

Parang wala lang narinig si Rem at hindi na siya sumagot pa dahil wala itong balak na makipagtalo pa kay Steffi. Umupo na lang ito sa sofa at nagbukas ng TV at inilagay sa cartoons ang palabas. Nakatayo lang naman si Steffi malapit sa pinto at kinikilatis ang lalaki na kasama. Mukha itong badboy pero kumpara sa iba ay mas cute ito at mas mukhang inosente. Ni hindi mo aakalain na gangster pala ito kung hindi mo malalaman na may gang ito. Mukha rin naman siyang mabait at nanonood pa nga ng cartoons. Nang maramdaman ni Steffi na hindi siya nito gagawan ng hindi maganda, umupo na siya sa tabi nito.

Pagkadating ng in-order nito na pizza ay kumain na sila at nagkwentuhan. Nagkakilalanan lang muna sila at nakasundo rin naman ito ni Steffi kaagad. Kitang kita rin na mabait ito na napatunayan rin naman ni Steffi habang kausap niya ito. Matapos nilang kumain ay nanood na lang sila ng TV habang nagkukwentuhan pero natigilan si Steffi nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya.

"Tumatawag sa 'kin si ZAC. 'Wag ka munang magsasalita."

Sinagot niya ang tawag nito habang nakatingin kay Rem na pinapakiramdaman lang siya.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita ngayon din."

"'Wag na, hindi na kailangan. Gumala lang ako sandali pero pabalik na ako dyan. Hintayin mo na lang ako. Bye."

Matapos niyang sabihin iyon ay pinutol niya na ang tawag. Agad rin naman siyang tumayo sa kinatatayuan niya.

"Rem, salamat sa pagkain at sa kwentuhan. Nabigay mo na rin naman ang number mo sa 'kin kanina. Itetext na lang kita para bumawi dito sa treat mo. Aalis na ako."

"Okay, bye. You're welcome," nakangiting sagot nito.

Sinamahan pa siya nitong maglakad papunta sa pintuan at siya pa ang nagbukas ng pinto. Sa huling pagkakataon ay nagpaalam siya rito at mabilis siyang bumalik sa kwarto nila. Agad na bumungad sa kanya ang nagaalalang mukha ni ZAC. Mabilis siya nitong nilapitan, halatang nag-alala talaga siya.

"Sa susunod, 'wag kang aalis ng hindi ko alam, ah? Just stay where I can see you," seryoso at punong puno ng sinceridad na sinabi nito.

Kalmado man ang pagkakasabi ni ZAC noon, iba ang dating noon kay Steffi. Para siyang sinasakal nito at hindi niya hahayaan na mangyari 'yon. Hindi siya makapapayag na hawakan siya sa leeg ni ZAC at pasunurin sa mga gusto nito. Hindi niya hahayaan na umiral ang pagka-bossy nito sa kanya.

"Pati ba naman kalayaan ko, tatanggalin mo?!"

"Nag-aalala lang naman ako dahil baka ano ang mangyari sa 'yo habang wala ako. I want you safe, Geneere. Ayoko na magtalo pa tayo kaya pwede ba na pagbigyan mo ako? Gusto ko lang na ligtas ka, 'yon lang."

"Kaya ko ang sarili ko. Just mind yourself."

"Ayoko na pagtalunan 'yong mga ganitong bagay. Kumain na tayo, baka nagugutom ka na."

Lumabas sila ng hotel at pumunta kung saan may naka-setup na tent. Kahit nasa beach at lubog sa sand ay ang elegante pa rin ng lugar. May live band rin doon na tuloy lang sa pagtugtog at maganda rin ang pagkakaayos sa mga tables and chairs. Kumpara noong nakaraang gabi, kitang kita na mas marami ang tao na kumakain doon ngayon. Siguro ay dahil na din sa pasko. Agad sila na nakaupo dahil sa reservation na ginawa ni ZAC. Ipinaghila pa siya nito ng upuan para makaupo pero sa kabilang side siya umupo kaya ngumiti na lang si ZAC.

Hmp. Pinipilit niya na magpaka-sweet. Useless lang rin naman 'to sa 'kin. Pakitang-tao lang naman ang ginagawa niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 20.5K 12
One shot story. Copyrighted © Pinkyjhewelii, 2014
187K 4.7K 25
Meet Shara. Siya daw ang number one fan ni Jusper Kennedy Lopez. Ipinangako ni Shara na pupuntahan niya sa Manila si Jusper pag kagraduate niya. Eh p...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
330K 5.3K 26
[NO SOFTCOPIES] Sa bawat taon na inilagi ni Ionna sa eskuwela ay walang palya na kaklase niya ang kumag na si Sung Min ang pakialamero, daldalero at...