Lost Academy

بواسطة Blabbersalert

13.2M 377K 60.8K

Exle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studyi... المزيد

The Lost Academy
Lost Academy 2: A Mistake
Lost Academy 3: Kuya!
Lost Academy 4: I Want Out
Lost Academy 5: The Chess System
Lost Academy 6: Forbidden Zone
Lost Academy 7: Bedridden
Lost Academy 8: Transferee
Lost Academy 9: Soul Link
Lost Academy 10: Pseudo-Contract
Lost Academy 11: Taming Game
Lost Academy 12: Bad Blood
Lost Academy 13: Contract Sealed
Lost Academy 14: A Dangerous Thought
FIRST AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #15
Lost Academy #16
Lost Academy #17
Lost Academy #18
Lost Academy #19
Lost Academy #20
Lost Academy #21
Lost Academy #22
SECOND AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #23
Lost Academy #24
Lost Academy #25
Lost Academy #26
L.A. Added infos
Lost Academy #27
Lost Academy #28
Lost Academy #29
Lost Academy #30
Lost Academy #31
Sabotage Part 2
Intel House
New to Me
SPECIAL CHAPTER
The Other One
THIRD AUTHOR's NOTE
You'll be safe here
Ibang Katauhan
Repeated Scene
Ako, Si Vlad at Sya
Euria
Wala nang bawian
White Piece
Binabalik ko lang
Muling Pagkikita
Muling Pagkikita 2
Suspicions
Lexa Who?
What if's
Fourth Author's Note
Azure's Explanation
Their Guardians' Type
My Protector
Transfer
Card Master
Ako Dapat
Great Wall of Rave
Assessment 1
Assessment 2
Council Meeting
The Conversation
Start
Headmaster's Move
In the Forest with Rave
Girlfriend Thingy
Ella Knows
The Demon
Telling Her
FIFTH Author's Note
Cat's Name and the Memory
Until My Last Breath
Unlikely Alliance
Vlad Part 1
Vlad Part 2
You're Making Me Fall
Building Trust Part 1
Filler 1
Building Trust 2
Filler 2
The Plan
Flashbacks 1
Flashbacks 2
L.A. Characters
Warned
This Time
No Name Part 1
Lost Academy #82
Lost Academy #83
Lost Academy #83.1
Lost Academy #84
Lost Academy #85
Lost Academy #86
Lost Academy #86.1
Lost Academy #87
Lost Academy #88
Lost Academy #89
Lost Academy #91.1
Lost Academy #91.2
Lost Academy #91.3
Lost Academy #91.4
Lost Academy #92
Lost Academy #93
Lost Academy #94
Lost Academy #95
Lost Academy #96
From me to you
UPCOMING STORIES
To a Happier Future
FAQ
Lost Academy Vr. 2.0
Please Read

Lost Academy #90

33.3K 1.2K 203
بواسطة Blabbersalert


Lost Academy #90 Show off Part 2

"We can't keep him unconscious forever Vlad." Sabi ni Eide kay Vlad na ngayo'y karga karga ang bata.
"I know but that would keep him away from Asper. Ilang oras nalang Eide." Tugon naman ni Vlad. "Seb, maiwan ka dito. Kailangan ko na siyang dalhin. Maya-maya lang mag-uumpisa na sila at kung sakaling magwala siya pagkagising niya, alam mo na ang gagawin mo." Napatango na lamang si Seb dito.

"Mag-ingat ka Vlad." Paalala ni Eide na tinanguan lang din ni Vlad saka umalis ng kwartong iyon karga-karga si Exle. Nagtungo siya sa hagdan paakyat sa opisina ng headmaster at sinalubong naman siya ni Cielo.
"Masama na'to Vlad. Papunta na dito ang mga tauhan ni Mr. White." Napatiim-bagang si Vlad sa balitang sinalubong sa kanya ni Cielo. "Ginamit nila ang pagkakataon tulad ng sinabi mo."
"Deserted halls means more escape routes." Sabi nalang ni Vlad. "Itago mo ang pintuan." Utos niya kay Cielo na agad namang tumalima habang marahan niyang tinatapik tapik ang pisngi ni Exle.
"Baby. Hey, Princess." Tawag niya dito. "Exle." Dahan dahan naman nitong minulat ang mga mata niya. "Po?" tanong nito na humihikab pa.
"Alam kong pagod ka pero kailangan mo munang tumayo ang bigat mo na baby." Sabi ni Vlad na agad nagpabalikwas kay Exle. Napatawa naman ng bahagya si Vlad sa nagging reaksyon nito.
"Pasensya na po." Hinging paumanhin nito.
"Okay lang yon. Laging kinakarga ng mga Prince charming ang mga prinsesa nila." Nakangising sabi ni Vlad.
"Hindi ka po bagay sakin, Malaki ka na po. Para na po kitang tatay." Sagot naman ni Exle na mas lalong ikinangisi ni Vlad.
"Nakatulog pala ako?" tanong naman ni Exle sa sarili niya. Agad namang tinanguan ni Vlad si Cielo na ngayong tapos na sa ginawang mahika.

"Tara Exle, aalis na tayo." Sabi ni Cielo ng hilahin niya sa kamay si Exle.
"Ngayon na?" sunod sunod na tanong ng bata. Nagulat nalang siya ng iwinasiwas ni Cielo ang mga kamay nito at may pintuang lumitaw sa dingding. "Teka, pano ka po? Di ka po ba sasama?" tanong nito kay Vlad na umiling iling lang.
"Ako ang taya Exle." Sabi nalang ni Vlad na ikinalito ng bata.
"Ano po?" tanong nito.
"Maglalaro tayo ng tago-taguan." Sabi ni Vlad. "At ako ang taya." Bigla namang nambilog ang mga mata ng bata at ngumiti ng malaki.
"Talaga po?!" tanong ulit nito. Tango nalang ang itinugon ni Vlad.
"Pero dapat magkasama kayo ni Cielo." Kundisyon ni Vlad. Nakaramdam naman ng kirot si Vlad sa kainosentehan ng bata ngunit hindi niya ito ipinakita sa kanyang ngiti.
"Opo! Opo!" excited na sabi ng bata. "Tara na po!" sabay hila ni Exle kay Cielo patungo sa pinto.

"Vlad." Tawag ni Cielo sa kanya.
"Ikaw ng bahala sa kanya." Vlad mouthed. "Don't let them find you."
"1." Bilang ni Vlad habang tinitingnan niya ang likuran nila Cielo.
"2." Ngayo'y unti unti ng sumisirado ang pintuan at naririnig na rin niya ang tunog ng dahan-dahang pagbukas ng main door ng opisina ng headmaster.
"3." Sa pangatlo at huling bilang niya ay tuluyan na ngang sumirado at nawala ang daang tinahak nila Exle kasabay ng tuluyang pagbubukas ng main door ng opisina. Napangisi nalang siya ng unti-unti niyang hinarap ang mga panauhin na pumasok ng walang pahintulot.

"Magandang umaga." Nakangising salubong niya sa mga ito ngunit hindi siya pinansin sa halip ay pinalibutan lamang siya ng mga ito at mahigpit na hinawakan ang magkabilang bisig niya na para talaga siyang isang kriminal. "What? Can't I say good morning?" sarkastikong sabi niya sa mga ito ngunit sinipa lamang siya sa sikmura ng isa sa mga dumakip sa kanya. "Ack!" saka siya padapang bumagsak. Tinukuran naman agad siya ng paa sa isa sa mga humawak sa kanya.

"This is such boring job." Sabi ng isang boses na ngayo'y papalapit kay Vlad. Sapatos lamang ng mga ito ang nakikita niya ngunit pinilit niya pa ring tumingala para malaman kung sinu-sino ang mga ito. Hindi na siya nakapalag pa ng hilahin ng taong nagsalita ang buhok niya para pilit na itinangala sa kanya. "Vlad. Ikaw nga talaga yan." Nakangising bungad sa kanya ni Feur. "I can't believe it. Vlad in flesh." Sarkastikong sabi nito.

"Wow. You didn't put up a fight." Sabi nito at hinawakan ng madiin ang panga ni Vladimir. "Nanginginig na ang mga kamay ko." Parang baliw na sabi nito.
"We can save that next time." Kahit na agrabyado si Vlad at marami siyang dinadaing, hindi siya umatras sa pakikipagtitigan kay Feur.

"I can kill you right now, you know that." sabi ni Feur habang ipinapasada sa pisngi ni Vlad ang matalim niyang baraha dahilan para gumawa ito ng sugat. "I can slice you up right here." Ngayon nama'y ipinasada niya ang baraha sa leegan ni Vladimir ngunit hindi naging sapat iyon para takutin siya.
"Try." Panghahamon ni Vlad. Tuluyan na sanang ididiin ni Feur ang baraha sa leeg ni Vlad ng pigilan siya ng isang boses.

"Pwede mo yang gawin mamaya." Sabi ng bagong dating na kilalang-kilala ni Vlad.
"Vayne." Tawag niya dito ngunit tinitigan lamang siya nito.

"Dalhin na yan." Sabi ni Vayne.
"Hindi naman sinabi na dalhin natin siya ng buhay hindi ba?" inis na sabi ni Feur.
"Susundin mo ko Feur." Madiin na sabi ni Vayne.
"You don't order me around." Sabi ni Feur. Matalim naman siyang tinitigan ni Vayne. Napangisi naman si Feur sa kanya.
"Ooh. Now I see." Sabay madiin na binitawan ni Feur ang panga at tumungo sa tabi ni Vayne. Bago pa man makahakbang si Vayne patungo kay Vlad ay agad siyang tinutukan ng baraha ni Feur sa leeg na animo'y kutsilyo itong gusto niyang ihiwa kay Vayne ngunit hindi natakot si Vayne sa ginawa ni Feur. "Save him for me." Nakangising sabi ng huli kaya sa halip na lumapit si Vayne kay Vlad ay tumalikod na lamang ito at isinenyas na dalhin na si Vlad.

"We'll see." Sabi nalang ni Vayne kay Feur.

***

"Teka Cielo, Saan tayo magtatago?" tanong ni Exle kay Cielo na ngayo'y hila-hila siya habang tumatakbo sila. Kung titingnan silang dalawa para lang silang pares ng batang naglalaro sa gitnang ng hallways ng eskwelahan, maliban nalang kung tititigan ang ekspresyon na bumabakas sa mukha ni Cielo. Isang ekspresyon na nagsasabing nakasalalay sa kanya ang ikakatagumpay ng mga plano ni Vladimir. Maliit nga ang kanyang katawan ngunit malawak naman ang kanyang karunungang nalalaman, sapat na upang mapagtagumpayan niya ang tanging misyong ibinigay sa kanya ng Headmaster at ni Vlad. "Syelo?" tanong muli ni Exle.

"Magtatago tayo, malayo sa kanya." Sagot nalang niya sa bata.
"Gaano ba kalayo? Pagod na ako kakatakbo." Reklamo nito. Napatigil naman si Cielo sa pagtakbo dahil doon. Hindi ramdam ng bata ang tension sa kanyang paligid kaya hindi nito mapapantayan ang adrenaline na nararamdaman niya. 'kalma ka lang Cielo. Matanda ka na, kalma lang.' pagpapakalma niya sa sarili niya. Hindi na niya namalayan na sumilip na pala ang bata sa kanto ng hallway na dinadaanan nila.

"Syelo." Tawag ni Exle sa kasama niya.
"Ano?" tanong ni Cielo na pawang naistorbo ang pag-aaway na nagaganap sa kalooban nito.
"Sino sila?" tanong naman ng bata. Agad namang sumilip si Cielo sa kantong iyon at nanglalaking matang hinila niya si Exle para tumakbo pabalik sa direksyong tinahak nila at lumiko sa pinakaunang kantong nakita niya.

"Ha-ha-ha." Habol hininga nilang dalawa. "Ba-ha-kit-ta-ha-yo-tu-mak-bo-ha" sabi ni Exle. 'Hinahanap ka ng mga iyon para hulihin' yan sana ang isasagot ni Cielo kay Exle pero agad niyang tinikom ang maliit niyang kamao at sinagot ito ng taliwas sa katotohanan.
"Baka nagtatago sa likod nila si Kuya Vlad at makita tayo. Kakampi niya ang mga yon." Palusot nito. Alam niyang si Pyon at ang ibang mga tauhan ni Mr. White ang naglalakad sa pasilyong iyon. Binabantayan ang bawat sulok baka sakaling mahanap nila ang bata. Para yatang mas lalong sumisikip ang eskwelahan para sa kanila.
"Ganon ba? Hahaha. Magaling kaya tayo magtago! Hindi niya tayo makikita. Blah...blah...blah..." Natatawang sabi ni Exle. Napabuga nalang ng hangin si Cielo sa inasal nito. Sa ngayon safe siya pero mamaya, hindi na niya alam kung anong isasagot kung sakaling may tanong ulit ito sa kanya.

'Mag-isip ka Cielo. Mag-isip ka. Saan na kayo ngayon dadaan? Saan na?' paulit ulit na tanong niya sa utak niya habang inaalala ang grupo nila Pyon na ngayong naglalakad-lakad sa pasilyo. He cannot anymore make any careless moves.

"Saan na tayo ngayon magtatago?" tanong ni Exle sa kanya.
"Alam ko na!" sabi nalang ni Cielo.
"Anong alam mo na?" tanong ulit ng bata ngunit hindi na siya sinagot ni Cielo sa halip ay hinila niya na lamang siya nito sa direksyon ng pasilyong nilikuan nila dahilan upang mapanguso si Exle sa ginawa ng kasama niya. Muli ay tumakbo nanaman sila.
"Sa library tayo ng building ng headmaster, may alam akong matataguan doon." Nang sa wakas na nagsalita na si Cielo ay doon naman umaktong sini-zipper ni Exle ang kanyang bibig, para bang nagtatampo dahil hindi niya makausap ng matino si Cielo.

Nasa ikaapat na palapag ang opisina ng Headmaster sa ngayon ay nasa ikalawang palapag na sila kailangan lang nilang makapunta sa unang palapag para marating ang library ng headmaster kung saan sa ilalim nito ay may maliit na daanang nakakunekta sa library din ng upperclass. Dati kasi itong daanan para mailipat ang mga librong galing sa silid aklatan ng Headmaster patungo sa silid aklatan din ng upperclass matapos ang maigihang pagsala ng mga nilalaman nito.

Buong pag-iingat na bumababa at tumakbo silang dalawa patungo sa silid aklatan ng Headmaster, buong pasasalamat ni Cielo na wala silang nakasalubong na kampon ni Mr. White. Sa isip isip ni Cielo n tama nga talaga ang sabi ni Vlad, 'The bigger the fish you caught, the more blinded you are for the small fishes.' Lahat na ata ng tauhan ni White nakatuon na sa paghahanap kay Vlad at hindi na nila napapansin ang bata. Pagkakataon na nga talaga nila iyon.

Nang makarating sila sa silid aklatan agad na tinungo ni Cielo ang ilalim ng mesa ng Headmaster doon kasi matatagpuan ang maliit na daanan pababa. Itinulak niya bahagya ang mesa sapat upang mabuksan niya ang maliit na pintuan na kasing laki lang ng air vent. Tamang-tama lang ang laki nito upang magkasya silang dalawa. Sinadya talaga itong maliit lang dahil libro lamang ang nakakadaan dito at pinapagana lamang ng sinaunang mahika upang marating ang kabilang silid aklatan. "Wooow!" Di mapigilang pagkamangha ng bata sa nakikita niyang ayos ang rami ng mga libro.

"Tara na Exle." Tawag ni Cielo kay Exle ng makalusot na sa pintuan.
"Bakit ang sikip ng dadaanan natin?" tanong ni Exle.
"Shortcut to. Tara na." maikling sagot naman ni Cielo at pumwesto na upang gumapang kasunod naman niya ay si Exle. Kaya naman niya gamitan ng mahika ang naturang lugar upang mas mabilis silang makarating sa kabilang silid aklatan ngunit gagawa lamang iyon ng ingay at baka may makaramdam din no'n kaya ayaw niyang isugal na mahuli sila at tanging magagawa niya lang ay pakapalin ang hangin sa loob para makahinga sila ng maayos at gumawa ng munting ilaw upang makita niya ang tinatahak nila. Nagpapasalamat na rin si Cielo ng hindi na niya narinig na magreklamo pa si Exle sa halip ay mahinang hagikhik lang nito ang naririnig niya. Namamangha siguro sa ginagawa nila.


***

"Bakit lagi nalang ako ang pinahahanap sa mga taong nawawala?" natanong nalamang ni Arzen sa sarili ng makaalis sa event hall na pinagdadausan ng show offs. Pasipol-sipol lang siyang naglalakad sa pasilyo patungo sa malawak na field at patungo sa kagubatan na alam niyang pinupuntahan minsan ni Ley. Nagbabakasakali siyang makita niya ito doon. Papaliko na siya sa kanang pasilyo ng makasalubong niya si Zap na patungo rin sa direksyon ng West wing kung saan matatagpuan ang event hall na pinagmulan ni Arzen kani-kanina lang.

"Oh." Gulat na sabi ni Arzen. "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya kay Zap.
"May dinaanan lang ako saglit. Ikaw? Sa'n ka pupunta?" tanong naman ni Zap kay Arzen.
"Pinahahanap ni Azure si Ley eh." Sagot ni Arzen.
"Di mo talaga natatanggihan si Azure no?" natatawang saad naman ni Zap na ikinataas ng kilay ni Arzen.
"Hindi kaya. Naiingayan lang ako sa loob kaya hinanap ko na." tanggi nito.
"Style mo Arzen." Sabi ni Zap. "Sige na umalis ka na."
"Tss. Nga pala nasa may kanan si Azure. Hanapin mo lang tiyak, kakawayan ka na non." Sabi nalang ni Arzen pero bago pa man siya nakalampas kay Zap ay may binulong ito.
"Mag-ingat ka sa kilos mo, medyo marami sila ngayon." Bulong ni Zap sa kanya sabay tapik sa kanang balikat.

'Mag-ingat ka sa kilos mo, medyo marami sila ngayon.'

Nang medyo malayo na sila sa isa't isa ay pumasok siya sa isang pinakamalapit na pintuan ng isang classroom mula doon ay lumabas siya sa pintuan papuntang field. Ang konsepto ng abilidad ni Arzen kay maihahalintulad sa paggawa ng portal sa anumang pintuan o pasilyo na kanyang lulusutan, ngunit mayroon din itong rule o kondisyon na sinusunod. Una, gagana lamang ang kanyang kakayahan kapag may pintuan o kwardadong space siyang bubuksan o dadaanan. Pangalawa, hindi siya mapupunta sa lugar na hindi niya napuntahan at hindi niya nalalaman. At pangatlo, gagana lamang ang abilidad niya kapag malinaw sa kanya ang lugar na pupuntahan at nakadepende sa pisikal niyang kakayahan ang paggamit nito. Sa kaso ni Arzen, sampung beses lamang ang kanyang limit at ang pinakamalaking kahinaan nito ay ang open space.

Didiretso na sana siya sa pagtawid sa field ng may mapansin siyang mga taong papalabas mula sa building ng Headmaster. Mga kahina-hinala ito dahil hindi sila mga itsurang estudyante lalong lalo na't hindi rin ito nakauniporme. Nangunot ang noo niya dahil doon pero sa halip na mag-imbestiga siya ay dumiretso nalang siya sa direksyon ng kagubatan kung saan inaasahan niyang naroon lang si Ley. Ayaw niyang mahila sa kung ano man ang ginagawa ng Council doon, hangga't walang kinalaman kina Azure o Asper, ayaw niya munang makisawsaw sa gulo kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad.

Isa, dalawa, tatlong hakbang sumagi sa isip niya ang rami ng taong naroon. Hinala niya taga Council ang mga iyon. Apat, sumagi ulit sa kanya ang itsura ng nakita niyang mga tao. Lima, anim, sumagi ulit sa utak niya ang mga iyon pero iniling-iling niya lang ang ulo niya. Pito, walo hanggang sa binilisan niya ang lakad niya. "Ay shit!" pagmumura niya ng hindi mawala sa isip niya ang mga iyon.

'Don't let your curiousity kill you.' Sumagi naman ngayon sa utak niya ang mga salita na galing sa bibig ni Ley.

"Alam ko!" sigaw niya sa sarili niya at nagpatuloy sa paglalakad, nang marating niya ang bungad ng kagubatan. Huminto siya at muli niyang tinapunan ng tingin ang direksyon patungo sa building ng Headmaster saka siya umiling. "Give me a break."

***

"Kamusta na ang kalagayan niya?" tanong ng Headmaster kay Theron habang hawak hawak nito ang kanang kamay ng natutulog na si Euria. Hindi naman makaimik si Theron, gustuhin man niya ay wala rin siyang magandang maisasabi. Dagdag sakit nanaman iyon sa kalooban niya.

"Likewise." Sabi nalang ni Jared na ngayo'y nakahiga sa sofa at kumakain ng mansanas. "Hindi ka ba dadalo sa show offs Mr. Winters?" tanong ni Jared sa kanya.
"May mas importante akong bagay na kailangang gawin." Sagot nalang nito na ikinataka naman ni Theron. "Pag-iigihan mo ang pagbabantay Red." Paalala ng Headmaster kay Jared at kahit na hindi siya nakikita nila Theron ay tumango tango pa rin si Jared habang pinapalawig naman niya ang ekstensyon ng kanyang anino palabras ng Forbidden Zone. Ginagamit niya ito upang maramdaman ang ano mang kahina-hinalang aktibidad sa sahig mula sa loob. Ganon din naman ang ginagawa ni Theron, gamit ang bulong ng hangin. Pinapakiramdaman niya rin kung meron mang pagbabago sa ihip nito.

"Mukhang handa na ang lahat ng preperasyongkailangan. Ang tanging magagawa nalang natin ay ang mag-intay." Ang sabi ngheadmaster habang nakatingin sa direksyon ng pintuan.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Scarlet Academy (Self Published) بواسطة J.

الخيال (فانتازيا)

4.7M 37.6K 12
[Full version now on Dreame] Mamuhay man sa normal na mundo ng ilang taon, makasalamuha ang mga mortal na tila walang problema, hindi pa rin maitatan...
315K 20.4K 52
Nevie x Soran Genre: Fantasy/Romance Taglish JULY 2022
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...