Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)

By chasterrassel

82.1K 3.3K 362

Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past... More

Introduction
Fight I. "Ang Shotopyu Dojo"
Fight II. "Ex-Men: Rise Of The Daldalerong Lips"
Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"
Fight IV. "Shut Up Pa More"
Fight V. "Ex-Men: Days of the Immature Past"
Fight VI. "Ang Martial Law Ng Pag-ibig Ni Alessandro Monteballe"
Fight VII. "Finding Nessy"
Fight VIII. "Tena Na Sa Daang Matuwid"
Fight IX. "Misteryo Ng Daang Matuwid"
Fight X. "Banta"
Fight XI. "Lihim Sa Kakahuyan"
Fight XII. "Pag-igting"
Fight XIII. "Journey To The Center Of The Hurt"
Fight XIV. "Eskapo"
Fight XV. "Kapag Nablock Na, Tama Na"
Fight XVI. "Nagising Ang Dormant Na Puso"
Fight XVII. "JeaLuis Of The Way You're Happy Without Me"
Fight XVIII. "State Of Devastation Address"
Fight XIX. "Shot Through The Heart"
Fight XX. "The Challenge"
Fight XXII. "Finally Found"
Fight XXIII. "Kapit Lang!"
Fight XXIV. "Is It Really Over?"
Fight XXV. "Fault In Our Scars"
Fight XXVI. "Kunin Natin Si Powder"
Fight XXVII. "Ang Antidote"
Fight XXVIII. "War Of The Worse"
Fight XXIX. "Daang Matuwid No More"
Final Fight. "Shut Up Na Lang Tayo"

Fight XXI. "Mass Distraction"

1.5K 89 8
By chasterrassel


"So, you're the reporters who wanted to talk to me."

Napatayo na lang kaming tatlo. Pinaiwan niya iyong mga bodyguard niya sa may pinto, tapos lumapit na sila ni Gary sa amin.

"Good afternoon mayor. I'm Sarra Cruz of El Filipinas Gazette."

Nag-offer si Sarra ng shaked hands, pero dinedma lang naman niya 'to; instead, umupo na siya katapat namin. Iyong hinayupak, tumayo lang sa likuran niya.

"Pwede na kayong maupo ulit."

"By the way, this is Remi..."

Tinuro ako ni Sarra ng kamay niya; medyo ngumiti lang ako.

"And Julia, mga colleagues ko sila."

Ganun din kay Luis, at ngiti lang rin iyong ginawa niya. Pero hindi kami pinansin ni de Quatro, ni hindi niya kami tinitigan. Kabaliktaran naman kay Gary; ang talas kasi ng titig niya sa amin, lalo na sa akin!

"Listen miss Sarra Cruz, ayaw kong naaaksaya ang oras ko; so let's just cut to the chase. Ano bang ipinunta niyo dito ng mga kasama mo?"

"Well madam mayor, we're just curious; gusto lang naman namin malaman, kung bakit tinagurian na one of the most peaceful and safest place itong lugar niyo. We want to make a report about it. But of course, gusto naming hingiin ang permiso niyo; dahil ayaw naman naming isipin niyo na nanggugulo lang kami dito."

"I see, then be my guest. Pero ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo; wala kayong mahihitang kwento dito. Because I can guarantee you, there is nothing out of ordinary in here."

"That is for us to find out madam mayor, and not for you to say. After all, may mga bagay na kayang linlangin ang naririnig ng tenga, at nakikita ng mga mata; mga bagay na tanging pananaliksik lang ng utak ang nakakapagpatunay."

"Miss Sarra Cruz, you're a clever one, aren't you?"

Ngisi iyong isinagot ni Sarra, with matching open arms pa.

"Hmph, mag-iingat ka sa mga kilos mo. Sometimes, mas nakabubuti sa isang tao iyong manahimik na lang. Ang sabi nga nung sikat ng artista, shut up ka na lang."

"Sometimes, which means na hindi sa lahat ng oras eh dapat magshut up; may time na kailangan rin na magshoutout. Masama rin kasi iyong sobra-sobrang pagtatago, kasi nakukulob. At kapag nakukulob, mas nagiging masangsang iyong baho! Tama ho ba madam mayor?"

Basag ang mayor kuno! Hindi nakaimik! Savage kung savage talaga 'tong si Sarra; like father, like daughter lol.

"Ano madam mayor, bakit hindi kayo makasagot?"

Napatayo na si de Quatro! At naging masama iyong titig niya kay Sarra. Akala ko magsasalita pa siya, pero bigla na siyang lumakad papunta sa may pinto; sumunod na rin sa kanya si Gary, pero panay pa rin ang sulyap ng hinayupak sa akin. Si Sarra naman napatayo rin, tapos sinundan sila ng tingin.

"Saan kayo pupunta madam mayor? Are you walking out on us?"

Napahinto siya bigla sa paglakad. Walkout, iyon nga iyong saktong term na nababagay dito. Haha, parang replay lang nito nung kay Mayor dati ah.

"Ganyan ho ba ang tamang asal ng isang butihing mayor sa mga panauhin niya?"

At napansin ko na lang na napasara siya ng kamao, tapos nilingon na niya ulit kami.

"I'm sorry madam mayor kung medyo nagiging pangahas iyong way ng pakikipag-usap ko sa inyo. Pero maayos kasi kaming nagpunta sa inyo para humingi ng permiso, as a way to show our respect to you and to your town; kaya sana lang ho, huwag tayong magbastusan dito."

With matching ngisi ang pagkakasabi nun ni Sarra.

"Okay then, I will let you do what you want. As a matter of fact, magkakaroon kami ng isang gathering mamaya sa may plaza. I'm inviting the three of you to come there, para naman makita niyo kung gaano kasaya dito sa Daang Matuwid,"sagot naman ni de Quatro with matching ngisi rin, pero obvious iyong pagkapilit nung kanya.

"Thank you madam mayor, we'll be there."

Pagtapos nun nagpaalam na sila. Si Gary, patingin-tingin pa rin. At bago siya tuluyang lumabas ng pinto, nagulat na lang ako ng bigla niya kong ngitian with matching kindat!

Ampucha! Ako pa talaga iyong nakursunadahan! K-Kaya pala panay ang tingin sa akin ni gago; akala ko nagdududa, iyon pala type ako! Eww!

                                                                        #

Bumalik na kami ng kotse. Pagsakay namin, panay ang tawa nitong si Sarra.

"Ahahaha! Mga ateng nakita niyo ba iyong itsura niya? Tense na tense, at gigil na gigil sa akin ang bruha! Kulang na lang eh jombagin niya ko haha!"

"Oo nga. Pero, alam mo naman siguro, kung anong klaseng kapahamakan ang dinala mo sa sarili mo,"si Luis.

"Of course teh! At gaya ng sinabi ko na sa inyo, hindi ako natatakot kahit may gawin pa siya sa akin."

Napatingin sa akin si Sarra.

"Oy, Sandro! Anyare sa iyo diyan? Namumutla ka ata,"usisa niya with matching tapik sa akin.

"K-Kinindatan niya ko."

"Kinindatan ka nino?"

"Ni Pudong!"

Natigilan silang dalawa, tapos nagkatinginan. Hanggang sa bigla na lang silang nagtawanan. Iyong bad mood na nga ko, tapos pinagtawanan pa.

"Sige, tawa pa more."

"Teh, ano ka ba! Dapat nga matuwa ka pa, dahil ibig sabihin lang nun effective ang disguise mo; bukod sa di ka niya nakilala, nabighani pa siya sa beauty mo."

"Hmph!"

Tumawa lang sila ulit.

"Nga pala, huwag kang munang magcelebrate diyan. Sa mga kilos ni de Quatro kanina, sa tingin ko naghihinala siya sa atin; masyado naman kasing paobvious iyong ginawa mo."

"Eh iyon naman talaga iyong plano di ba? Iyong mapunta sa akin iyong atensyon niya, and now we did it! Kaya pwede niyo nang masimulan ngayon iyong kailangan niyong gawin; pwede niyo nang hanapin si Madam Nessy."

"Tama siya Sandro, pwede na tayong makapagsimula."

"Huwag muna pre."

"Bakit?"

"Samahan muna natin si Sarra sa liwasan."

"Teh hindi niyo na kailangang gawin iyan, kaya ko nang mag-isa dun noh."

"Sarra, alam naman nating pare-pareho na palabas lang ni de Quatro iyon; kaya mas maganda na iyong kasama mo kami, in case na may mangyari. Tsaka ang inaasahan niya, tatlo tayong darating."

At pumayag din si Sarra, hinayaan na lang niya na sumama muna kami sa kanya.

                                                                             #

Padilim na nang tumunog iyong sirena. Alam na ang ibig sabihin, umpisa na ang munting palabas ni de Quatro.

Anong nadatnan namin sa liwasan? Bukod sa nagtipon nga iyong mga tao, meron lang naman mga nagpeperform; may kantahan, at sayawan. Meron ding mga pagkain.

Sa bandang likuran lang kami ng mga tao tumayo.

"Hmph, ayos ah. Parang biglang naging fiesta dito sa lugar,"pabulong kong sambit.

"Aba'y matindi rin. Talagang ipinahanda niya pa 'to sa loob lang ng ilang oras, para lang utuin tayo?"si Sarra.

Sa gitna ng pag-uusap nammin, merong biglang lumapit sa amin; si ate Nancy!

"Hi! Kayo iyong mga reporters di ba?"

Good, hindi rin niya kami nakilala; lalo na si Luis.

"Yes, kami nga iyon,"sagot ni Sarra.

Kami naman ni Luis, tumango lang.

"Halika 'yo dun sa harap, para mas makita niyo iyong show!"

"Ay okay na ho kami dito. Actually kita naman namin, as in kitang kita,"ngingisi-ngising sagot ni Sarra, plastic na ngisi.

Tama! Bago pa nga kami nagpunta dito, kita na namin ang lahat-lahat lol.

"Naku, huwag na kayong mahiya; special guests namin kayo ngayon, so let's go."

Bigla nang hinila ni ate Nancy si Sarra, kaya no choice siya. Hindi namin siya pwedeng pabayaang mag-isa, kaya sumunod na lang rin kami ni Luis.

Pagdating sa harap, pinaupo niya kami sa mga monoblock chair na nakahilera. Nauna si Sarra, sumunod ako, tapos huli si Luis; nasa gitna nila kong dalawa.

"Oh iyan. Ay drinks? Gusto niyo? Sandali lang ikukuha ko kayo."

Plastic na ngisi na lang ulit iyong isinagot namin sa kanya. Ayun, for a moment lumayas siya.

"Sino iyong mahaderang frog na iyon?"usisa ni Sarra.

"Si ate Nancy, iyong kapatid ni Madam Nessy,"sagot ko.

"What! Siya iyon?"

"S-Sandro!"bulong ni Luis na para siyang nabigla.

Kinalabit din niya ko, so napalingon ako sa kanya. Meron siyang itinuturo; si ate Nancy, nandun na sa mga pagkain. At ang walang hiya, may ibinubudbod na pills dun sa inumin na prinepare niya! Hmph, sa kamamadali niya siguro, di niya narealize na nahuli namin siya.

"Oh my god! Ano iyong nilagay niya?"si Sarra.

"Pabalik na siya, huwag kayong magpapahalata,"si Luis.

Paglapit niya, umacting na lang kami nang parang wala lang.

"Here you go..."

Inalok na niya sa amin iyong inumin. At kinuha pa rin namin syempre iyong mga baso, mula sa tray na hawak niya.

"Si mayor de Quatro po? Bakit parang hindi ho namin siya nakikita?"usisa ko, with girly na boses.

"Parating na siya, don't worry. Pero habang wala pa siya, ienjoy niyo na lang muna iyang drinks niyo while watching the show."

Akala ko aalis na siya ulit, pero hindi niya ginawa; nakatingin lang siya sa amin, as if hinihintay pa talaga niya na mainom namin iyong laman ng baso. Bwiset!

"Ahmmm..."

Tumayo si Sarra, at bigla niyang nabitiwan iyong baso niya, or should I say...binitiwan lol. Tumapon iyong ibang laman nito sa damit ni ate Nancy; iyong natira, sa paanan nilang pareho.

"Ay sorry ho! D-Di ko sinasadiya, dumulas ho kasi sa kamay ko iyong baso."

Kita sa mukha ni ate Nancy na nabadtrip siya, although sinubukan din niya na huwag ipahalata.

"O-Okay lang. Anyway, malapit lang naman iyong bahay ko dito; u-uuwi na lang ako para magpalit."

Sa wakas, umalis na rin siya!

"Oh di ba, eh di napalayas rin ang mahaderang frog!"

"Nice one Sarra,"ngingisi-ngisi kong sagot.

"Ano pang nginanganga niyo diyan? Itapon niyo na rin iyang mga inumin niyo."

Iyong na nga iyong ginawa namin ni Luis. Pagtapos nun, bumalik na ulit kami sa pagkakaupo.

Nilabas ni Sarra iyong cellphone niya, at napansin ko na lang na panay iyong tutok niya nito sa mga tao; pati na rin sa paligid ng liwasan.

"Anong ginagawa mo?"usisa ko.

"Nagpipicture-picture; kakailanganin ko 'to, para sa exposè na gagawin ko."

Habang kumukuha siya ng pictures, tumingin-tingin na lang rin muna kami ni Luis sa paligid.

"Si Baste ba iyon?"

At napalingon na lang ulit kami kay Sarra, nang sabihin niya iyon.

"Ha? N-Nandito si Baste?"si Luis.

"Ewan ko, di ako sure; pero parang siya kasi iyong nahagip nitong camera kanina, kaso bigla rin namang disappear."

"Hmph, impossible iyan, dahil hindi pinayagan ng daddy mo na umalis iyong kumag na iyon,"sambit ko naman.

"Fine! Eh di hindi siya iyon. Ito naman, nabanggit lang iyong ex niya nanggagalaiti na, over ha,"napapangisi naman niyang sagot.

Ilang sandali pa, dumating na rin ang walkout queen; sana lang hindi na ulit magwalkout lol. Gaya kanina, bukod dun sa mga bodyguard niya, kasama na naman niya si Gary.

Shet! Please lang, huwag sana kong mapansin ng gagong 'to. Kinikilabutan ako, kapag naaalala ko iyong ginawa niya kanina! Baka mamaya ulitin pa niya, or worse, baka lapitan pa ko.

Umakyat na sa stage si de Quatro. Hmph, may pa speech effect na naman.

"Magandang gabi po sa inyo mga mamamayan ng Daang Matuwid. Muli tayo ay nagtipon-tipon na naman; narito po tayo ngayon para magkasiyahan, at para iwelcome ang ating mga panauhin. Sila po ay mga journalist na gustong itampok ang ating bayan. Kaya ipakita po natin sa kanila, kung gaano katiwasay at kaganda dito sa atin. Nawa'y maging masaya tayong lahat ngayong gabi."

Todo ngiti pa raw siya habang nag-iispeech oh, iyong mga tao naman todo palakpak rin. Pero sa totoo lang, naaawa ko sa mga taong 'to; dahil daig pa nila ngayon ang nakakulong sa bakal na rehas. Para silang mga puppet na kailangang sumunod sa kilos ng mga taling nakagapos sa ganila, at wala silang magawa para makatanggi.

Isang masaklap na sitwasyon, na parang nagpapaalala na rin ng mga days of the immature past ko.

"Hello, may tao po ba diyan?"

Natauhan na lang ako sa boses ni Sarra.

"Ay grabe teh! Nag-emote ka na talaga diyan? Huwag naman ganyan, sige ka baka masira iyang make up mo."

"Ha? Ano ba iyang pinagsasasabi mo?"

Napalingon ako, at nakita kong palapit si de Quatro sa amin. This time, iyong dalawa lang ang nakasunod sa kanya; wala iyong asungot. Buti naman!

Pero, plastikan moment na naman 'to. Napatayo na lang kami, paglapit niya.

"So, looks like the three of you are doing fine,"sambit niya, with matching ngisi.

"Yes madam mayor, we are very fine. Bakit ho, may reason ho ba para maging hindi?"sagot ko na napapangisi rin.

Yeah, this time ako naman iyong humirit. Di ko na rin kasi mapigil iyong inis ko sa taong 'to.

"No, I mean...n-natutuwa lang ako, dahil mukhang nag-eenjoy kayo dito sa party."

Ang sabihin mo, nasurprise ka dahil walang nangyari sa amin; dahil pumalpak iyong inutos mo kay ate Nancy!

"Enjoy? Hmph, how I wish we could madam mayor, pero hindi ho kami nagpunta rito para mag-enjoy o pumarty; nandito kami, para magtrabaho. Dedicated ho kasi kami sa trabaho namin; kayo ho, dedicated din ba kayo?"

"O-Of course, I'm the mayor; kaya natural lang na maging dedicated ako, para sa ikabubuti ng mga constituents ko."

"Mukha nga ho. Actually, nabalitaan nga namin na namimigay kayo ng libreng pagkain at gamot, totoo ho ba iyon?"

At natigilan ang mayor kuno. Lol, pinagpapawisan na siya sa noo, halatang kabado sa mala ambush kong pagtatanong.

"Huwag niyo sanang masamin madam mayor ha. Tinatanong ko lang naman ho ito, bilang part ng trabaho namin."

"You know what, miss...Remi? If you want me to answer your questions, bakit hindi kayo magpaschedule ng formal interview sa akin? Pauunlakan ko kayo. B-But for now, marami pa kong gagawin; so, kailangan ko na munang mauna sa inyo."

Tumingin siya sa dalawa niyang bodyguard sa likuran niya.

"Let's go."

Ayun, lumayas na naman nga lol.

"Luh, marami raw gagawin. Echosera! Di lang makasagot sa tanong eh,"si Sarra.

Natawa na lang ako; si Luis naman, ngingisi-ngisi.

"Infairness teh, ang bongga nung ginawa mo ah, kinabog mo siya!"

At nagtawanan na lang kaming tatlo.

                                                                                 #

Tuloy pa rin iyong fake na party party. Pero kung kanina may mga nagpeperform, this time naging parang ball naman; nagsasayawan kasi iyong mga tao. Pero, mas marami pa rin iyong mga tahimik lang na nakaupo.

Humiwalay na muna ko kina Sarra at Luis, para mag-ikot ikot. Naisipan kong lumapit sa may side ng dance floor; nacurious lang naman ko, kaya gusto kong makita nang mas malapitan iyong mga sumasayaw.

Nagulat na lang ako, nang may makabangga ko; kung saan-saan kasi lumilipad iyong mga mata ko lol. At pagtingin ko, mas lalo pa kong nabigla! Pucha! S-Si kumag! N-Nandito nga siya!

"M-Miss p-pasensya na, hindi kita napansin."

"Hmph! Kahit kailan ka talagang kumag ka, panira ka!"

Hindi na ko nagbother na idisguise iyong boses ko sa kanya, I know naman kasi na malalaman din niya 'tong ginawa namin, eventually. Bigla namang nanlaki iyong mga mata niya.

"I-Ikaw! B-Bakit ganyan ang itsura mo!"

Nagpalit bigla iyong music, slow dance naman ang peg ngayon; pang-asar pa iyong kanta, Parting Time lang naman!

Iyong kung kailan talaga kami magkaharap nang sobrang lapit, biglang ganun? Lol, masyado naman atang pamatay iyong eksena naming 'to. Pero as if naman na makikipagsayaw ako sa—

Natigilan na lang ako; dahil sa nakita ko, nang mapaiwas ako ng tingin sa kanya. Natanaw ko si Gary sa kabilang side ng dance floor, at magkausap pa sila ni ate Nancy! Ang mas masama nito, katapat na katapat namin sila; isang tamang lingon lang mula sa isa sa kanila, sure na makikita nila si kumag. At kapag nangyari iyon, for sure, sira ang lahat ng mga plano namin!

Nagpapalit-palit ako ng tingin sa kanila, at kay kumag. Di ko alam kung anong gagawin, wala kong maisip! Pasaway naman kasi! Sinabi nang huwag umalis, pero sumunod pa rin dito.

At napayakap na lang ako sa kanya, tapos hinawi ko siya; para ang maging posisyon niya, nakatalikod mula sa kanila. Ang hantong, napasayaw na lang rin kami.

"Huwag kang aangal, sumakay ka lang sa mga kilos ko,"bulong ko sa kanya, habang nakatingin dun sa dalawa.

Wala kong narinig na salita mula sa kanya. Pagtingin ko sa kanya, tulala siya sa akin; tapos, mamasa-masa iyong mga mata niya.

"N-Niyakap mo ko...N-Ngayon mo lang ginawa ulit 'to..."

At biglang hirit siya ng ganun. Ano 'to? Porket senti mode iyong music, sinasabayan niya?

Pero, bakit ganito? F-feeling ko para kong biglang nanlambot sa mga sinabi niya; hindi rin ako makakilos, k-kahit na gusto ko nang alisin iyong pagkakayakap ko sa kanya.

Nagpatuloy na lang iyong pagsabay namin sa music. Mayamaya pa, naramdaman ko iyong paggapang ng mga kamay niya sa likuran ko; yumakap din siya sa akin.

"Ang tagal ko ring kinasabikan na maramdaman uli 'to."

Dahan-dahan, yumuko siya at idinikit iyong noo siya sa akin. Ako naman, parang gago lang na nagpadala sa mga galawan niya.

Naramdaman ko na lang din, namamasa na rin pala ang mga mata ko. Naging pigil iyong paghinga ko, tapos napalunok na lang ako.

Hindi! Hindi 'to dapat, hindi ka na dapat magpaapekto pa ulit sa kanya Sandro! At hindi ka rin nagpunta dito, para sa ganitong klaseng kagaguhan!

Napalunok na lang ulit ako.

"Tantanan mo ko kumag! Hindi ako nakipagsayaw sa iyo, dahil gusto ko; ginawa ko lang 'to, dahil ayaw kong masira iyong mga plano namin ni Sarra."

"H-Huh?"

"Nasa kabilang side sina Gary at ate Nancy. Huwag kang magkakamaling lumingon! Hindi ka nila pwedeng makita."

Kumalas na ko mula sa pagkakadikit ng mga noo namin, tapos sumulyap ako sa likuran niya; nandun pa rin iyong dalawa.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito, ha? Di ba sinabihan ka ni Mayor na manatili lang sa dojo?"usisa ko, habang nakatingin pa rin sa kanila.

"Hmph, si Mayor? Eh siya nga 'tong nagyaya na sumunod kami dito sa inyo."

Napatingin ako sa kanya sa naging sagot niya.

"Ano! You mean to say, nandito rin si Mayor ngayon?"

"Oo. Hinayaan ka lang niya kahapon, para hindi na lumaki pa iyong pagtatalo niyo. Tingin mo talaga, pababayaan ka niya nang ganun-ganun lang? Na pababayaan ka namin?"napapangisi niyang sagot.

Langya, akala ko galit o nagtatampo si Mayor sa akin; iyon pala, nagkunwari lang siya. Pero oo nga naman, ba't ba hindi ko agad naisip; si Mayor pa, hindi naman talaga niya pinabayaan kahit kailan, ni isa sa mga naging estudyante niya.

Pero sa palagay ko, worried din siya para kay Sarra; kaya sumunod pa rin siya dito.

"Teka muna, ano bang nangyayari dito? Bakit biglang nagkaroon ng ganitong party dito? At bakit nakabihis babae ka?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat; sa ngayon, kailangan mo munang umalis dito. At sabihin mo rin kay Mayor, lumayo muna kayo dito sa liwasan; delikadong makita nila kayo dito."

Tumingin ulit ako sa likuran niya; lumalakad na paalis iyong dalawa. Wew! Buti naman, at hindi nila kami napansin! Pagkaalis nila, dun na ko kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Oh, wala na sila, tapos na po ang palabas."

Napakamot lang siya ng ulo.

"Ano pang nginanganga mo diyan? Sige na, umalis ka na rin at baka bumalik pa sila!"

"Hindi, hindi ako aalis. Hindi kita iiwanan dito."

"Lakas mo rin talagang mambwiset eh noh? Sige, gawin mong gusto mo; pero kapag tayo napahamak lahat, walang sisihan!"

Nilayasan ko na siya, lumakad na ko; pero sinundan naman ako ng kumag.

"Oy! Sandali naman..."

"Remi! Remi is my name,"ganun na lang ang isinagot ko sa kanya, syempre girly mode na ulit.

Mayamaya, nagulat na lang ako, nang biglang may sumulpot na batang lalake sa harapan ko. Nabangga ko tuloy siya, at tumumba siya. Payat siya, namumutla, tapos ang tamlay ng dating niya. Kung sa edad naman, siguro nasa onse anyos siya.

"Naku boy, sorry. Ikaw naman kasi, bigla-bigla ka na lang sumusulpot, okay ka lang ba?"

Tinulungan ko siyang makatayo. Habang inaalalayan ko siya, napansin ko na lang na may isinuksok siyang nakatuping papel, sa bulsa ng suot ko pantalon.

Pagkatayo ko sa kanya, napatitig lang siya sa akin, tapos tumakbo na siya palayo.

Dinukot ko iyong papel, at ibinuklat 'to; merong mensahe na nakasulat.

"Ate, tulungan niyo po kami; hindi na po namin kaya ang mga ginagawa ni mayor de Quatro dito. Gusto na po namin ng pamilya ko na makaalis, at makalaya dito. Marami po kong nalalaman tungkol sa mga nangyayari dito, handa po kong sabihin sa inyo ang lahat-lahat. Pero, sa tamang lugar."

Natigilan na lang ako sa mga nabasa ko. So, humantong na sa ganito. Mukhang...mas higit na malagim pa ata ang mga nangyayari dito, kesa sa inaakala ko.

"Ano iyan?"

"Sinuksok nung bata sa bulsa ko."

Ipinabasa ko kay kumag iyong sulat.

"Sa tamang lugar? Anong ibig niyang sabihin dito?"usisa niya.

"Kailangan nating kausapin iyong batang iyon. Kung talagang marami siyang nalalaman, baka matulungan niya tayo; baka may alam siya kung saan itinago ni de Quatro si Madam Nessy."

"H-Hanapin natin, baka di pa siya nakakalayo dito."

                                                                            #

Magkasama naming hinanap iyong bata, pero hindi namin siya masipatan. Hanggang sa nasalubong namin sina Sarra at Luis.

"Remi! Finally ateng, nakita ka na rin namin—"

Napahinto si Sarra, nang mapansin niya na kasama ko si kumag.

"Baste! See, sabi ko na eh! Siya iyong nahagip nung camera ng phone ko kanina. Long time no see!"excited niyang bulalas.

Umakap siya kay kumag, with matching beso-beso.

"Wait lang, nakita ka ba nung Nancy?"

"Huwag kang mag-alala, hindi niya ko nakita; pero kami, merong nakita."

"What?"

Tumingin sa akin si kumag. Nilabas ko naman iyong sulat, at ipinabasa rin 'to sa kanila ni Luis.

"K-Kanino galing 'tong sulat na 'to?"si Sarra.

"Sa isang batang lalake na nabangga ko kanina. Pero I think, sinadiya talaga niya na magpabangga sa akin; para maisuksok iyan sa bulsa ko."

"Eh nasaan na siya?"

"Iyon na nga eh, bigla siyang tumakbo; kaya hinahanap namin siya."

"Tulungan niyo kami, kailangan mahanap natin siya,"si kumag.

Dinescribe ko sa kanila iyong itsura nung bata, pati na rin iyong suot niya.

"Mas maganda siguro, kung maghati tayo sa dalawang grupo,"si Luis.

"Hmph, sang-ayon ako. At ako, ako ang sasama kay Remi."

Wow, for the first time, nag-agree ang kumag kay Luis! Iyong nga lang, may bahid ng pang-aasar.

Hindi ito ang time para magkagulo na naman kami; kaya hinayaan ko na nga lang muna, na sumama ulit si kumag sa akin.

Nakailang ikot na kami sa buong liwasan, pero wala talaga iyong bata. Saan ba nagsuot iyon?

Dahil sa hindi pa rin namin siya mahanap, nagdecide ako na sina Sarra at Luis na lang iyong hanapin namin. Nasipatan ko naman sila na nakatayo, katapat ng kumpol ng mga taong nagsasayawan.

"Ayun sila,"sambit ko with matching turo.

Nauna si kumag na lumakad sa akin papunta sa kanila, at sumunod ako sa likuran niya; pero bago pa man kami makalapit, biglang dumating si ate Nancy! Naunahan niya kami sa kanila.

Napahinto na lang kaming dalawa. Tapos, napalingon naman ako sa likuran ko, at nagulat na lang ako. S-Si Gary! N-Nakatayo siya, ilang tao lang iyong pagitan mula sa kinatatayuan namin! Nakasideview siya; pero oras na lumingon siya, yari kami!

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 305 31
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa ginawang pakikipagbreak saakin ni Khalil at ng maaksidente ako ay napunta ako dito sa panahong ito...
116K 2.6K 39
Noong unang panahon ,panahon pa ng hapon wala pang kikay-charot hi mga sis it's me rj this is my story or namin hahahaha wag na kayong mainis Palagi...
120K 3.3K 31
About LGBT in Philippines. About Love, Sacrifice and Happiness.