BOSS Series 1: My boss, His d...

By imikkim21

4M 33.7K 821

Hindi man perpekto ang buhay ni Alisson, masaya siya at kuntento. Basta nairaraos niya ang kanyang buhay at n... More

BOSS • 1
BOSS • 3
BOSS • 4
BOSS • 5
BOSS • 6
BOSS • 7
BOSS • 8
BOSS • 9
BOSS • 10
BOSS • 11
BOSS • 12
BOSS • 13
BOSS • 14
BOSS • 15
BOSS • 16
BOSS • 17
BOSS • 18
BOSS • 19
BOSS • 20
📌 ANNOUNCEMENT 📌

BOSS • 2

182K 2.5K 87
By imikkim21

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Alisson ng makalabas siya ng building.

She's tired. Her body is shouting at her, making her want to come home fast, lay down on her bed and sleep. But then she can't do that. Ngayon pa na hindi siya nag-iisa sa buhay.

Hindi naman sa kinakapos siya sa pinansyal na aspeto, pero mas gusto niya kasi na pinaghahandaan na kaagad ang para sa hinaharap kasi hindi naman natin masasabi ang buhay ng tao. Who knows? Baka mamaya, pagkasakay niya ng dyip, 'di ba? Pero huwag naman sana.

Itinext niya ang kapit-bahay na si Aling Mameng para abisuhan ito na pauwi na siya at para makapaghanda na ito.

"Ateng!" She looked at her back and saw Rose with Jiro walking toward her direction. "Pauwi ka na?"

Tumango siya doon ng nangingiti habang nakatingin sa magkahugpong na mga kamay ng dalawang kaibigan.

Tingnan mo nga naman. Dati halos magkalmutan na ang dalawang ito sa sobrang pag-aaway tapos ngayon heto at sila na.

"Kayo ba, uuwi na rin?" Magkasabay na tumango ang mga ito na bahagya na rin niyang ikinatango. "Siya, ingat. Diretso mo na ng hatid sa bahay nila si Rose, ha Jiro? Huwag ng idaan sa kung saan." Makahulugang pang-aasar niya na sinundan ng isang malakas na tampal ni Rose sa kanyang braso.

"Ang gago lang, ateng. Parang sira 'to!"

She can't help but to giggle on Rose's reaction to what she said. The girl was blushing and can't look at her directly from the eyes while the man just chuckled.

She waved her hand while still giggling. "Joke lang. Ikaw naman, Rosas, hindi na mabiro."

"Heh! Bawal mag-joke! Hindi funny." Bumusangot pa ito kapagkuwan. "Maiba tayo. Kamusta naman kayo ni Blue?"

Automatic siyang ngumiti ng matamis ng marinig ang pangalan na iyon. "We're both doing good." Tumatango-tango niyang sagot.

"Love mo na talaga, ano?"

She nod again. "Oo naman, Jiro. It's been already three months since that day. At saka sino bang hindi mapapamahal kay Blue? He's worth the love and he deserve to be loved."

"Kaya sobrang blooming mo lately, ateng. Hiyang ka kay Blue."

She suddenly felt shy on that.

Marami ngang nakakapansin na iba ang aura niya ngayon. Marami ang nagsasabi na mas gumaganda raw siya and they would even tell that she's inspired and inlove although she's not.

Magsasalita na sana siya pero hindi iyon natuloy ng makita niyang nakatayo sa likuran ng dalawang kaibigan ang bago nilang boss.

She gasped as she unconsciously stepped back.

"Sir!" She exclaimed after getting her composure back.

Tumingin rin ang dalawang kausap niya dito saka bumati.

"Uwi na kayo, sir?" Napansin niya ang malawak na pagkakangiti ni Rose na animo'y kilig na kilig ito at nakausap ng malapitan ang gwapo nilang boss.

"No. May meeting pa akong dadaanan. Kayo ba? Ingat kayo sa pag-uwi." The man genuinely answered that made her shocked.

The Liam she knew is not like this. Madalas na snob ito sa mga taong nagtatanong sa kanya o kaya naman ay tanging tango o pag-iling lamang ang isasagot nito na siyang dahilan kaya natatakot ang iba na makipag-usap sa kanya.

"Kayo rin po, sir William. Ingat din po kayo."

Nangingiti siyang napailing doon. Kung makipag-usap kasi ang babae dito ay parang hindi nito kasama at katabi ang boyfriend.

"Alisson, I need you to come with me now." Napamulagat siya roon.

Ano raw?!

"Sir?" Animo'y hindi pa niya makapaniwalang isasama siya nito.

Alam naman niya na workaholic itong tao pero huwag naman sana siya nitong idamay. May sariling buhay rin siya at sa pagkakaalam niya, tapos na ang office working hours niya, kaya pwede siyang tumanggi, hindi ba?

"You heard me, Alisson. Don't make me say it twice." Seryoso at nakatiim-bagang nitong sabi na ikinalunok niya.

Bakit ba pakiramdam niya, kapag siya ang kinakausap nito, ang sungit nito sa kanya. Sa pagkakaalam naman niya, wala siyang ginawang mali ngayong maghapon, so why is the man acting this way towards her? Ayaw ba nito sa kanya? Napilitan lang kaya ito na siya ang maging secretary dahil sa kagustuhan ng ama nito?

"Pero sir—"

"Ayaw mo ba? Just say it and i'll find you replacement. Bukas na bukas."

Muntik na siyang mapamura roon. Kailangan ba talagang sa harap pa ng mga kaibigan niya iyon sabihin?

Hindi naman sa ayaw niya. Syempre, trabaho niya talaga na samahan ito paminsan-minsan sa mga outside-the-office meetings nito, pero overboard naman na yata masyado?

Hinahabol din kasi niya ang oras. Kailangang bago mag-alas siyete ay nasa kanyang tinitirahan na siya dahil na rin ni Blue.

"Come on, Alisson. The time is running." Inip nitong untag sa kanya saka tumingin sa relong pambisig.

Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya kasabay ng pagtingin sa mga kaibigan na ngayon ay nakatingin na rin pala sa kanya.

Alam kasi ng mga ito ang sitwasyon niya. Hindi siya pwedeng wala sa bahay ng hanggang alas-siyete. Tiyak na magwawala hindi lamang si aleng Mameng kundi pati na rin si Blue.

"Okay po, sir." Mahina niyang tugon ng hindi ito tinitingnan kung kaya't hindi niya nakita ang bahagya nitong pagngiti.

"Then, if that's so, let's go."

Nagkatinginan na lamang silang tatlo saka tumango ang mga ito sa kanya, indikasyon na okay nang umalis siya.

Mabibigat ang mga hakbang na nagtungo siya sa kinaroroonan ng sasakyan nito. The man is already inside kaya naman agad na rin siyang sumakay at walang imik na ikinabit ang seatbelt sa kanyang katawan.

Habang nasa byahe sila papunta sa kung saan mang meeting na sinabi nitong katabi niya ay tanging katahimikan ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Her mind is somewhere out there thinking about Blue. Five pa lamang naman ng hapon sa mga sandaling ito, pero sigurado siya na baka abutin ng ilang oras ang meeting nito at hindi siya makauwi ng maaga.

"So.." Mahina siyang napasinghap dahil sa gulat ng bigla na lamang magsalita si Liam na nakatutok pa rin ang mga mata sa daan. Idagdag pa ang baritono nitong boses. Talagang magugulat ka na lamang kapag bigla itong nagsalita. "How long have you been working as my dad's secretary, again?"

"Mahigit three years na po, sir." She looked at him just to see that the man was looking at her too. Pero mabilis lamang iyon dahil nga nagmamaneho pa rin ito.

Nang mapatapat sila sa stoplight ay muli itong nagbaling ng tingin sa kanya saka ngumiti.

Pakiramdam niya, nilipad sa hangin ang kanyang sikmura dahil sa hindi inaasahang pagngiti na iyon ni Liam. "Pasensya ka na kanina kung nasungitan kita. I was just so shocked that Dad made me the CEO without further notice."

Napatanga siya sa sinabi nito. Nakatitig lamang siya dito na para bang ibang lenggwahe ang sinasalita nito.

She couldn't believe it! The man just smiled and apologized to her at the same time, right?

"We just talked about it last night, kaya hindi ko talaga akalain na ia-appoint niya ako bilang bagong CEO ng company ngayon."

Marahan siyang napatango roon. Wala pa ring masabi.

If the man is already handsome when serious, he's ten times more handsome when he smile. That even those tomboys out there will definitely swoon and fall in love with him.

Makaraan pa ang ilang minuto ng pagbyahe ay nakarating na sila sa lugar kung saan magaganap ang meeting. Pumasok sila sa loob ng restaurant, na mahahalata mong puro mayayaman at may kaya sa buhay ang kumakain. The ambiance is so calm and peaceful na walang ibang bukod tanging maririnig sa paligid maliban sa malamyos na tutog sa saliw ng piano.

One of the waiters who greeted them the moment they entered, guided them to a private room, which she guessed is the room where the meeting will be held.

Ngunit laking gulat niya ng pagpasok na pagpasok nila ay hindi mga ka-meeting nito ang naabutan nilang nandoon.

It was Liam's family!

Sinadya niyang magpaiwan sa may pinto at hindi tumuloy ng pasok sa loob dahil alam niyang hindi naman siya dapat na nandito ngayon. Ito ba ang meeting na sinasabi ng kanyang boss?

"Kuya!"

A shrill voice filled the room as she saw a little boy running toward Liam's way. Agad itong lumambitin sa braso ng lalaki na ikinatawa nito.

Hindi niya alam, may kapatid pala itong bata pa. Literal na bata na sa tantiya niya ay nasa mga lima o anim na taong gulang pa lamang.

"How many times do I have to tell you to call me Tito and not Kuya, huh Wayne?"

Wayne?

Lihim siyang napangiti sa narinig.

Blue's real name is Dwayne Blue.

"I don't like, Kuya Iam! Mommy is calling you kuya that's why I am calling you that too!"

Cute. Aniya sa sarili.

Nai-imagine niya tuloy si Blue kapag nagsalita na ito. Ganito rin siguro ka-cute at ka-bibo. Nae-excite na tuloy siya na lumaki na ang kanyang baby. Pero sa kabilang banda, huwag na muna pala. She don't want him to grow up yet.

"Oh, hijo! You're here! Kanina ka pa ba?" Napadako naman ang tingin niya sa babaeng kalalabas lamang ng c.r sa loob rin ng kwartong ito.

Maraming beses na niyang nakita't nakasama si Mrs. Wiliana Stanfield kaya palagay na ang loob niya rito. The lady possess the beauty that is not just the outside aspect but also the inside that made her more respectable and lovable.

Napaka-down-to-earth ng ginang sa kabila ng marangyang estado na kinabibilangan nito sa lipunan. Ni hindi mo ito kakikitaan ng kahit na anong arte sa katawan. Palibhasa ay galing ito sa simpleng pamilya kung kaya't ganoon na lamang ang bait at palakaibigan nito.

"No, mom. Actually we've just arrived." Sagot ng binata saka lumingon sa kanya at ng makita siyang nakatayo lamang sa may likod ng pinto ay kinunutan siya nito ng noo na animo'y itinatanong kung bakit siya naroroon lamang.

"Alisson! My dear! Mabuti naman at isinama ka nitong si William!" The lady Stanfield exclaimed as she went to her place. "Kamusta, hija? Na-miss kita." Anito saka siya biglang niyakap na ikinagulat niya.

Alanganin siyang nagbalik ng yakap dito. "Okay naman po ako, ma'am. Kayo po? Kamusta?"

"I'm good. As always. Lalo pa ngayon na si William na ang CEO and President of Stanfield Corp.," Bumuntong-hininga pa ito na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib. "My husband can now rest from the stress the company is giving him." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Ikaw na ang bahala sa anak ko. Always remind him of what to do and not. I'm counting on you, my dear."

Napalunok siya roon.

Paano kapag hindi niya nagawa ng maayos ang kanyang trabaho? Madi-disappoint ito? At anong mangyayari kapag nadisapoint ito? Tatanggalin siya sa trabaho?

Marahan siyang tumango dito saka pasimpleng tumingin kay Liam na nakamasid pala sa kanilang dalawa. Ilang beses siyang napakurap-kurap bago nag-iwas ng tingin dito.

Why does she feel something about that stare? Parang may laman? May gusto ba itong sabihin at iparating sa kanya o siya lang ang nag-iisip ng ganoon?

Pilit niyang iwinaksi ang kaisipang iyon na nagsusumiksik sa pinakailalim na bahagi ng kanyang utak. Mas dapat niyang isipin kung paano siya magpapaalam para makauwi na dahil paniguradong umuusok na ang ilong ni Aleng Mameng sa paghihintay sa kanya. Tiyak na padadagdagan na naman nito ang bayad niya para sa pag-aalaga kay Blue.

Nang ayain siya ng mag-asawang Stanfield na sumabay na sa kanilang mag-dinner ay wala na siyang nagawa kundi ang paunlakan ang mga ito. Nakakahiya naman kung tatanggi siya at saka isa pa, gutom na siya dahil sa nakalimutan niyang magtanghalian kanina sa dami ng inasikaso sa biglaang pagpapalit ng boss nila.

Pasimple niyang sinilip sa loob ng dalang bag ang kanyang cellphone at napangiwi ng makita roon ang ilang magkakasunod at pare-parehas na text ni Aleng Mameng na nagtatanong kung nasaan na raw ba siya at kung may balak pa raw ba siyang umuwi.

Unconsciously, she heaved a sigh while putting her phone back inside the bag.

"Problem?"

Mabilis siyang umiling sa itinanong na iyon ni Liam. "W—wala po, sir." She's not good at lying, though. She do always stammer when she lie about something. Kaya madaling malaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi.

Pero dahil hindi naman siya kilala nitong katabi niya na ngayon ay ilang pulgada lamang ang layo ng ulo sa kanya dahil sa pagbulong nito, panatag siya na hindi nito mapapansin na nagsisinungaling siya.

"Come on, Alisson. What is it? Kailangan mo na bang umuwi?" Bulong pa ulit nitong tanong.

Magsisinungaling pa ba siya? Totoo namang kailangan na niyang umuwi. Hindi na rin kasi mapanatag ang loob niya. Pakiramdam niya kasi may mali kaya siya kanina pang itinetext ni Aleng Mameng kahit naman nagsabi na siya dito na male-late siya ng uwi.

Nahihiya man ay tumango siya sa lalaki habang kagat-kagat ang ibabang labi.

The man also sighed as he called the attention of his parents. "Mom, Dad, we need to go. Alisson need to go home. Ihahatid ko na siya. Mauna na kayong umuwi. Susunod—"

"Naku, sir! Huwag na po. Magko-commute na lang po ako." She cut him. "Nakakahiya na. Okay lang po."

His eyes narrowed as he shook his head, indicating that he's againsts to what she has said. "No. I brought you here so that means you're my responsibility and whether you like it or not, i'm taking you home. No arguments, Ms. Rios."

"Oo nga naman, hija. Let William bring you home. Delikado na sa panahon ngayon. Babae ka pa man din."

She was cornered there. Wala na tuloy siyang ibang nagawa kundi ang pumayag na sa kagustuhan ng mga ito na ihatid siya ng lalaki pauwi sa bahay niya.

Habang nasa byahe ay hindi mawala-wala ang pagkabog ng dibdib niya. Alam niyang hindi iyon dahil sa lalaking kasama niya ngayon sa loob ng sasakyan. Ibang klase ng pagkabog ang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya talaga may mali.

Mas lalong nadagdagan iyon habang papalapit sila ng papalapit sa lugar niya.

Bubuntong-hininga dapat siya para mabawasan ang wirdong nararamdaman niya sa kanyang dibdib pero hindi iyon natuloy na mapadako ang tingin niya sa grupo ng ilang tao na nagmamadali sa pagtakbo palabas sa kanto kung saan siya nakatira.

Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung sino ay mga tumatakbong iyon. Si Aleng Mameng! Buhat-buhat si Blue! Kasunod nito ang asawa at panganay nitong anak na para bang nagmamadali ang mga ito.

Napaangat siya mula sa pagkakasandal sa sandalan ng sasakyan kasabay ng pagkapit niya sa braso ni Liam saka ang sunud-sunod na pagyugyog dito.

"Sir! Makikitigil ng sasakyan!" She shouted in panic when she noticed that there is really something bad going on. Ng hindi agad ito tumugon ay napasigaw na siya. "Sir! Please! Itigil mo ang sasakyan! Kailangan kong bumaba!"

Bahala na. Aniya sa kanyang sarili. She can deal with her boss later on. Pero sa ngayon, kailangan niyang salubungin sina Aleng Mameng.

"Ano bang nangyayari sayo?" Agad nitong tanong ng maitigil ang sasakyan.

Mabilis siyang umibis doon ng hindi ito sinasagot saka hinarang ang kapit-bahay na muntik ng makalagpas sa tinigilan nila.

"Ali! Jusko kang bata ka! Mabuti at umuwi ka na! Saan ka ba nagpupupunta, ha?!"

She can't find words to answer. Napatitig siya sa batang karga nito na ngayon ay pikit na pikit ang mga mata, halos magkulay ube na ang mga labi at maputlang-maputla ang mukha.

"Itong anak mo, kanina pang inaapoy ng lagnat. Tapos ngayon-ngayon lang kinumbulsyon at dumugo ang ilong! Susmaryosep! Nagkagulo na roon sa bahay. Dadalhin na dapat namin siya sa ospital. Mabuti at naabutan mo pa kami!"

Wala pa rin siyang kibo.

She was just basically standing there. Staring at her son. What happened? Ni hindi nga niya masyadong naintindihan ang sinabi ng kausap. All she was thinking is that, what happened and what she's gonna do but her brain isn't functioning right now. It went blank all of the sudden.

"God damn it, Alisson! Are you just going to stand there and stare at your son?! Get the hell inside my car! Bring him! We'll take him to the hospital! Move!"

Doon lang yata nabalik sa pagsigaw na iyon ni Liam bumalik ang paggana ang utak niya. Mabilis niyang kinuha sa mga bisig ni Aleng Mameng ang bata saka tumakbo pabalik sa sasakyan. Kaagad naman iyong pinaharurot ng lalaki.

Pakiramdam niya ang tagal ng itinakbo ng sasakyan kahit pa napakabilis na ng pagpapatakbo niyon ng kanyang boss. Wala rin siyang ibang magawa kundi ang umiyak habang niyayakap ang anak na ngayon ay sumisinghap na dahil nahihirapang huminga.

The man beside her hushed. "It's okay. He's going to be okay. Malapit na tayo. Just get a grip of him and don't let him go. He'll be okay."

She nod on that.

Sana nga. Kasi hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyari ditong masama. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari kay Blue dahil sa kapabayaan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

354K 13.1K 44
Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na w...
81.3K 1.9K 34
Tragedy (completed) Bella Gonzales is already contented what she have in her life, kahit na sa mahirap na buhay lumaki nakaya nyang itaguyod ang kany...
362K 6.3K 29
Wala pang 3 months since my ex boyfriend cheated on me,and I never expected that I would meet this guy and fall in love,pero! Sana naman wala ng hass...
3.8K 76 18
[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #3 Athena Vanesse Morrison and Zephyr Frost Dela Vega DATE STARTED: SEPTEMBER 13, 2023 DATE FINISHE: