Million Miles Away

By kimchiunatics

25K 307 390

"The heart wants what it wants. There's no logic to these things. You meet someone and you fall in love and t... More

Million Miles Away
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 16
Chapter 27

Chapter 22

1K 16 16
By kimchiunatics

Kinagabihan ay nasa sala si tin ng bahay niya habang hinihintay mag-air ang pagcover niya sa golf tournament. Bagong shower ito at busy lang sa pagttweet nang marinig niyang may nag-door bell. Agad naman lumabas si tin para tignan kung sino ito.

"O slater! gabi na ah.. bakit pumunta ka pa dito?"  tanong ni tin kay slater. sa loob loob niya ay tuwang tuwa naman siya dahil di siya nakalimutan puntahan nito.

Napasimangot ang binata. Yung simangot niya na may halong pagpapa-cute. "Bakit bawal ko bang dalawin ang girlfriend ko? Nakalimutan mo yata sabi ko sayo kagabi dadaan ako dito ngayon"

"Ahhh.. o sige pasok... ikaw nagdrive?" tanong ni tin nang mapansin na walang tao sa loob ng kotse

"Oo.. di ako nagpahatid kay  manong... balak ko kasi magstay"  ngumiti ito na para bang nahihiya 

"What do you mean?" hinarap ni tin si slater. Nasa may sala na sila nun at hawak nito ang maugat na braso ni slater

"Dito ko matutulog..may damit naman ako sa kotse"

"Ha? eh what time ba call time mo bukas?"

"10 am pa naman eh... sabay na lang tayo umalis bukas" parang bata itong  ngumiti kay tin

"Ganun? o sige.. ikaw bahala.. nagdinner ka na?" 

"Oo.. nagdinner ako with jia, gracey and ryan..ikaw?"

"Gracey nanaman?? naisip ni tin"  maya maya ay sumagot na ito "Nagdinner na din.. nangtreat kasi si Victor.. maganda daw pagcover namin ng tournament eh"

"Ahhh... I see..." parang nalugmok nanaman si slater

"Una ka na sa taas kung inaantok ka na...hihintayin ko pa yung report ko eh"

"Ano ka.. samahan na kita manood no..saka andun din naman ako eh diba o baka nakalimutan mo na nandun ako?"

"Ah..oo nga pala" natatawang sang-ayon nito. Magka-akbay pa din ang mga ito na umupo sa couch.  Sumandal si tin kay slater habang nanonood sila ng tv.

Nang nag-air na ang segment ni tin ay masayang masaya at tutok na tutok ang dalawa habang pinapanood ang unang spiel niya. Proud BF ang peg ni slater dahil unang beses niya mapanood si tin sa tv  "Wow ang ganda ganda talaga ni tintin" nasabi pa nito habang  nanggigigil sa dalagang katabi niya. Napangiti lang si tin sa ginagawa ni slater.

Nagiba lang ang ihip ng hangin ng ipakita na ang sweet sweetan ni anthony kay tin. Medyo nawalan na ng sigla si slater. Mas lalo pa ng i-air na ang interview ni tin sa kanila ni James YH.

Para naman sinasadya ng pagkakataon na pati pala ang paghingi ng number ni james kay tin ay nahagip ng camera at hindi inedit-out ng editor. Napapikit na lang si slater at nagtulug-tulugan dahil sa selos na nararamdaman.

Natapos na ang 4 mins. na report ni tin. "Huy slater...grabe ka, hindi mo naman pinanood eh!" niyuyugyog nito si slater

"Inantok ako bigla eh"

"Ah..o sige...tara na"

Matamlay pa din si slater habang paakyat. Inakala naman ni tin na dahil yun sa inaantok siya. Pagdating nila sa taas ay dun siya hinila ni tin papunta sa kwarto na katapat ng sakanya.

"Dito ka na matulog sa guest room ko.. o ha wala pa nakakatulog dito kahit si Manang o sila Mommy.. ikaw una"

"Weeh? Bakit tiiiin???"

"Para makatulog ka ng maayos...."

"Okay na ko diyan sa tabi mo.. o kung gusto mo dito tayong dalawa matulog"

"sige na nga tara na dun" 

Pagdating nila sa kwarto ay nagpunta muna si tin sa bathroom para magtoothbrush. Paglabas niya ay nadatnan naman niya si slater na nakaupo pa at  nagsstretching.

"O... akala ko ba inaantok ka na" lumapit si tin dito at inangat ang muka nito

"Umm..hehe...nawala antok ko eh" 

"Hmmm..slaterrr.. bowoool yannn... maaga pa ako tom."

"Tintin...sige naaa.... isa laaang" parang toddler ito na namimilit kay tin

"Hay nako slater... sige na nga...pero pag ako na-late bukas"

"Hindi yan tin...I'll make sure" saka kumindat ito sa kanya

                                                       -------------------------------

 Nagising si slater ng 5am dahil nagring ang cellphone ni tin na nasa ibabaw ng side table. Tinignan niya ang screen at dahil unfamiliar ang number sa kanya at baka kasamahan ito ni tin or worse ay kapamilya ni tin ay nagpasya siya na gisingin ang dalaga.

"Tin...tin... may tumatawag sayo" inabot ni slater kay tin ang phone ng magising na ito

"Hello? Tin speaking.. who's this please?" inaantok pa si tin pero sumigla ang boses nito nang banggitin ang pangalan ni james. Tumayo ito at pumunta sa may pinto.

"O james! .... yeah....thanks ah...." at tuluyan na lumabas si tin ng kwarto. Si slater naman ay naiwan na nakasimangot sa kama

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na ulit si tin sa kwarto. Tapos na itong makipagusap kay james.

"Bakit daw?"  tanong ni slater habang nakataas ang kilay nito

"Wala..napanood daw niya yung report ko..maganda daw...saka nangangamusta lang" sunod sunod na kwento ni tin

"At 5am tin?? malamang natutulog ka pa" sarcastic na sabi ni slater

"Eh malay ko bang tatawag siya?"

"Eh bakit mo kasi binigay number mo?"

"Syempre ayoko mapahiya yung tao sa harap ng madaming tao.. more so sa ibang press na nandun"

"Okay, sabi mo eh" umayos na ulit ng higa si slater saka humalukipkip at pumikit 

                                                           ---------------------------------

"Tin..sama ka samin mamayang gabi .. magcecelebrate ng  anniversary si kim at riks. Para makabonding ka na din namin since one week na tayo magkakatrabaho " Bungad ni victor kay tin ng pumasok ito sa dept. nila.

Si riks ang isa sa mga researcher nila. Sobrang galing nito maghagilap ng balita....pwede na nga siyang private detective.  Ang girlfriend naman nito na si kim ay isa sa mga writers ng show nila. 

"Saan?" nag-aalangan na tanong ni tin

"Diyan lang sa may  Tides kasama sila" tumuro si victor sa mga ibang kasama nila.

"Ah..okay.."

"Yes! sabay ka na lang sakin ah.." parang nanalo sa jai alai  si victor dali napilit niya si tin na sumama

"Oo nga pala..san tayo today? anong icocover natin?"excited na tanong ni tin 

"Wala...hindi ka lalabas today.. binigay ko kela yannie at jericho yung pupuntahan sana natin ngayon" sagot ni victor 

"Ha? bakit naman?" sobrang nadisappoint si tin sa nadinig

"Tumawag kasi si James YH .. iniinvite tayo na icover yung event nila bukas.. foot ball workshop for kids"

"Ah..ganun ba.."

"Oo.. nirequest ka nga niya eh... mukhang may gusto sayo" napaismid si victor habang sinasabi ito

"Sus..wala yun" ayaw maniwala ni tin na magkakagusto talaga sa kanya si james dahil balita niya na ang grupo nito ay mga playboy at mga models ang hilig itarget.

"Feeling ko talaga meron eh.... o sige.. paperworks ka muna ngayon ha.."

"Okay..mamaya na lang..thanks vic' pagkaalis ni victor ay tinawagan ni tin si slater. swerte naman na hindi pa nagsisimula ang taping nito kaya siya ang sumagot imbes na si jia

"Hello slater? di na ko sasabay sayo mamaya ha"  ani tin ng sagutin ni slater ang tawag niya

"Ha? bakit tin?"  malungkot na tanong naman nito

"Kasi may magcecelebrate sa dept. namin eh invited ako"

"Pano ka uuwi?"

"Magtataxi na lang ako"

"Sure ka?"

"Oo"

"O sige.. tawagan mo ko mamaya if ever ha"

"Okay,, bye..love you!"

"Love you too!"

Continue Reading

You'll Also Like

98.3K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
256K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
802K 30.2K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
13.6K 786 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...