Chapter 6

919 11 12
                                    

Kinabukasan ay maagang pumasok si tin sa station. Nagmamadali siya dahil ayaw niya makasalubong si slater o makita man lang ito. Nakasakay na siya sa may elevator kasama ang mga iba pang tao nang makita niya si slater na hahabol sa elevator. Pinindot niya agad ang close button para di na makasakay si slater. Nagreact naman ang mga kasama niya sa loob.

"Bruha naman nito, si slater young yun di pinapasok ng elevator" sabi ng isang babae sa loob

"Sorry baka mag-overloading po kasi eh" nasabi na lang ni tin

"Tse" sagot naman nito sakanya

--------------------------

Pagdating niya sa news dept. ay inayos na niya ang mga gamit sa desk niya.

"Tiiiiiiiin Friend!! sikat ka na huh nasa newspaper ang face mo!! Kahug mo pa si papa slater" bati sakanya ng close friend niyang si marj na production assistant sa news room 

"Naku..wala yun.. ni hindi nga nalagay name ko.. "

"Kahit na friend, nahug mo pa din siya"

"Nakiss ko pa nga eh" naisip ni tin saka napangisi

"O, bakit? baliw ka na friend?" tanong ulit ni marj

"Sira, sige magtatrabaho na muna ko.."

"Umm friend?" sabi ni marj 

"Yes?"

"May Bisita ka ata eh" 

"Sino marj?"

"Ayun o!" sabay turo ky slater na papalapit na sa kanya

"My gulay,, balak pa ata ako ipahiya nitong si slater sa lahat ng tao dito" sabi ni tin sa sarili niya

"Hi tin!" masaya pa ang bati ni slater sa kanya w/ matching killer smile pa

"Yes Mr. Young? do you need anything?" Formal na Formal na bati niya dito 

"Umm..can we talk kahit dun lang o sa may hallway?" tanong ni slater 

"Okay..mas okay nga yun na di na nila marinig" lumakad na si tin papunta sa hallway at sumunod naman si slater

"Tin, what's wrong?  Bakit ang formal mo sakin? Akala ko naman after 12 hours of being stuck in the elevator and after everything that happened  eh friends na tayo atleast" Mahabang pahayag ni slater

"Oh,, so hindi ko pala imagination lahat yun.. kasi parang naalala ko sinabi mo sa interview na hindi naman tayo nagkausap masyado"

"Ay,, yun ba? Tin... sorry.. Ayoko lang pagpiyestahan tayo ng media"

"So bakit ka nga nagpunta dito?" tanong ni tin kay slater

"Yung treat ko sayo.. kelan ka pwede?

Napalunok si tin sa narinig. "Seyoso?" sabi niya

"Oo naman.. I tried calling you  20 times since yesterday pa eh...seryosong seryoso"

"San naman?"

"I know a place..magugustuhan mo..masarap food dun...So kelan?"

"Ha?"

"Kelan ka pwede?"

"Ewan.."

"Pwede ka ba tomorrow night? May photo shoot kasi ako ng umaga eh

"Pwede naman" 

"Good..I'll see you tom. then?"

"I guess..."

"Sige pero wait ..pahiram ng phone mo"

"Why?"

"Sige na..."

Inabot na ni tin ang phone niya kay slater at si slater naman ay kinunan ng picture ang sarili niya tapos ay sinave niya ang number sa photo contacts. 

"Ano yan?"

"Para maalala mo na sagutin next time na tumawag ako" nakangiting paliwanag nito

"O sige babalik na ko dun" 

"Wait ulit picture tayo isa lang" at nagflash na ang camera ng phone ni slater

"Para san yan?"

"Basta..."

                                                         ------------------------------------------------------

Bumalik si tin sa desk niya na may malaking ngiti sa mukha. Agad na lumapit si marj. "Ano pinagusapan niyo friend?" 

"Wala, may friendly date ata kami?"

"Wow friend!! big time ka!!!"

"Pssshhh!!! wag ka maingay please!! wala naman yun eh.. bayad utang lang since nagshare ako ng food sa kanya nun sa elevator"

"Sos...sabi mo eh... balitaan mo ko friend ha!"

"Sige sige!"

"Oh my gulay, hindi ko akalain na itutuloy niya talaga ang treat sakin!" nakangiting iniisip ni tin

                                             --------------------------------------------------------------------

Si Slater naman ay naglalakad na pabalik ng dressing room niya habang may malaking ngiti at nakatitig pa rin sa picture nila ni tin. Maya-maya ay may nagtext kay slater na staff. Umilaw ang iphone at ang wallpaper na nito ay ang picture nila ni Tin :D

Million Miles AwayWhere stories live. Discover now