Chapter 21

1.2K 12 33
                                    

Nagising sa pagkaka-idlip ang dalawa pagkatapos ng makailang ulit nilang pag-kembular. Alas siyete na ng gabi at nagugutom na rin si tin.

 "Dito ka ba magdidinner? Magluluto lang ako after ko maligo..pero baka di masarap ha" ani tin kay slater

"Tulungan na kita...ano ba lulutuin mo?" tanong ni slater habang nahakiga pa rin sila sa kama ni tin 

"Beefy Rice tapos diba may lugaw pa na tira kanina" 

"Ah oo nga sige sige hintayin mo ko ha"  malambing na sabi ni slater

Pagkaligo ni tin ay kinuha naman niya ang mga pinatuyong damit ni slater para makaligo na rin ito. Saka siya bumaba sa kusina para magstart magluto. Tapos na magluto si tin at nakahain na ang mesa nang bumaba si slater.

"Hay nako si tintin.. di naghintay..sabi ko tutulungan kita magluto eh" nakapamewang na sabi ni slater

"Eh ang tagal mo kasi eh" 

Umupo na sila para kumain. Tahimik lang na kumakain si tin at agad agad naman itong napansin ni slater.

"Tintin, tahimik nanaman.."

"Iniisip ko lang"

"Alin?" tanong ni slater

"Etong nangyari ngayon"

"What about it?"

"So ano na mangyayari?"

"Well, I assume after what happened eh okay na tayo? I mean girlfriend na ulit kita diba?"

"Pero pag magkasama lang tayo?"

"Ha?"

"Pag magkasama lang tayo... Girlfriend mo lang ako pag magkasama tayo"

"Tin..."

"I get it Slater... di na kita pipilitin at hindi rin naman kita kayang tiisin eh"

"So payag ka na kahit ideny ko parin yung about satin if ever may magtanong?"

"Kahit naman di ako payag wala naman ako magagawa diba?" 

Nanahimik lang si Slater dahil alam naman niyang tama si tin. Natapos ang dinner nila na hindi sila naguusap. 

"Gusto mo pa ng lugaw?" pambabasag ni tin sa katahimikan

"Ayan kasi tintin, sino ba may sabi sayo na magluto ng ganyan kadami? tapos pipilitin ako ubusin" nangaasar na nagpapacute si slater

"Eh di wag!" kunwaring nagtatampo ito

"Joke lang naman eh...sige uubusin ko na lahat yan" 

"Hindi wag na, okay lang naman eh.. onga pala, di ka pa ba uuwi? wala ka ba taping bukas?" sunod sunod na tanong ni tin

"Grabe ka tin ha..pinapauwi mo na ko? Katawan ko lang pala gusto mo" pangaasar naman ulit ni slater kay tin 

"Grabe ka slater ang kapal ng mukha mo" ngumiwi si tin pero ang cute cute pa din nito

"Pero  magpapasundo na rin ako ah..may event pa kasi ako pupuntahan bukas" sabi naman ni slater habang hawak ang isang kamay ni tin

"Ah..o sige ako rin... nagtext yung field producer ko eh may icocover din kami bukas, wala pa nga lang details"

Pagdating ng kotse ni slater ay  hinatid na ito ni tin sa may gate. "Bye Tin!  I'll call you.. Try kita daanan dito bukas ng gabi" mabilis lang na hinalikan ni slater si tin sa lips.

"Okay..bye slatuurrr" 

Pagkaalis ni slater ay parang lasing na naglakad si tin pabalik ng bahay niya. "Here we go Again Tin...Ikaw kasi eh, hindi mo siya natiis"

Million Miles AwayWhere stories live. Discover now