Chapter 22

1K 16 16
                                    

Kinagabihan ay nasa sala si tin ng bahay niya habang hinihintay mag-air ang pagcover niya sa golf tournament. Bagong shower ito at busy lang sa pagttweet nang marinig niyang may nag-door bell. Agad naman lumabas si tin para tignan kung sino ito.

"O slater! gabi na ah.. bakit pumunta ka pa dito?"  tanong ni tin kay slater. sa loob loob niya ay tuwang tuwa naman siya dahil di siya nakalimutan puntahan nito.

Napasimangot ang binata. Yung simangot niya na may halong pagpapa-cute. "Bakit bawal ko bang dalawin ang girlfriend ko? Nakalimutan mo yata sabi ko sayo kagabi dadaan ako dito ngayon"

"Ahhh.. o sige pasok... ikaw nagdrive?" tanong ni tin nang mapansin na walang tao sa loob ng kotse

"Oo.. di ako nagpahatid kay  manong... balak ko kasi magstay"  ngumiti ito na para bang nahihiya 

"What do you mean?" hinarap ni tin si slater. Nasa may sala na sila nun at hawak nito ang maugat na braso ni slater

"Dito ko matutulog..may damit naman ako sa kotse"

"Ha? eh what time ba call time mo bukas?"

"10 am pa naman eh... sabay na lang tayo umalis bukas" parang bata itong  ngumiti kay tin

"Ganun? o sige.. ikaw bahala.. nagdinner ka na?" 

"Oo.. nagdinner ako with jia, gracey and ryan..ikaw?"

"Gracey nanaman?? naisip ni tin"  maya maya ay sumagot na ito "Nagdinner na din.. nangtreat kasi si Victor.. maganda daw pagcover namin ng tournament eh"

"Ahhh... I see..." parang nalugmok nanaman si slater

"Una ka na sa taas kung inaantok ka na...hihintayin ko pa yung report ko eh"

"Ano ka.. samahan na kita manood no..saka andun din naman ako eh diba o baka nakalimutan mo na nandun ako?"

"Ah..oo nga pala" natatawang sang-ayon nito. Magka-akbay pa din ang mga ito na umupo sa couch.  Sumandal si tin kay slater habang nanonood sila ng tv.

Nang nag-air na ang segment ni tin ay masayang masaya at tutok na tutok ang dalawa habang pinapanood ang unang spiel niya. Proud BF ang peg ni slater dahil unang beses niya mapanood si tin sa tv  "Wow ang ganda ganda talaga ni tintin" nasabi pa nito habang  nanggigigil sa dalagang katabi niya. Napangiti lang si tin sa ginagawa ni slater.

Nagiba lang ang ihip ng hangin ng ipakita na ang sweet sweetan ni anthony kay tin. Medyo nawalan na ng sigla si slater. Mas lalo pa ng i-air na ang interview ni tin sa kanila ni James YH.

Para naman sinasadya ng pagkakataon na pati pala ang paghingi ng number ni james kay tin ay nahagip ng camera at hindi inedit-out ng editor. Napapikit na lang si slater at nagtulug-tulugan dahil sa selos na nararamdaman.

Natapos na ang 4 mins. na report ni tin. "Huy slater...grabe ka, hindi mo naman pinanood eh!" niyuyugyog nito si slater

"Inantok ako bigla eh"

"Ah..o sige...tara na"

Matamlay pa din si slater habang paakyat. Inakala naman ni tin na dahil yun sa inaantok siya. Pagdating nila sa taas ay dun siya hinila ni tin papunta sa kwarto na katapat ng sakanya.

"Dito ka na matulog sa guest room ko.. o ha wala pa nakakatulog dito kahit si Manang o sila Mommy.. ikaw una"

"Weeh? Bakit tiiiin???"

"Para makatulog ka ng maayos...."

"Okay na ko diyan sa tabi mo.. o kung gusto mo dito tayong dalawa matulog"

"sige na nga tara na dun" 

Pagdating nila sa kwarto ay nagpunta muna si tin sa bathroom para magtoothbrush. Paglabas niya ay nadatnan naman niya si slater na nakaupo pa at  nagsstretching.

Million Miles AwayWhere stories live. Discover now