Chapter 14

921 10 20
                                    

Nang mga sumunod na linggo ay palagi nanaman nagtetext at tumatawag si slater kay tin. Ilang beses na rin naimbitahan si tin sa condo ni slater para magdinner o kaya para mag-cards kasama nila slater natnat at jessie. Nameet na rin niya ang magulang ni slater nung bumisita ito sa binata ng ilang araw bago bumalik sa cebu. Ikinatuwa naman ito ng dalaga. Napalapit na rin siya sa kapatid ni slater at sa girlfriend nito. Ang pamilya naman ni slater ay botong boto rin kay tin.

"Oops teka lang..bawal kiligin ng sobra tin! Alam mo naman si slater pabago-bago ang takbo ng utak" sabi ni tin sa sarili niya. Alam niyang hindi pa sila mag-boyfriend, sigurado siya dun. Pero naisip niya na baka "Exclusively dating" sila. Atleast sa part ni tin ay alam niyang wala siyang ibang dini-date, kay slater lang siya hindi sigurado.

Isang gabi habang nagdidinner sila kasama si nat-nat at jessie sa may katipunan ay tumawag ang mama ni tin. 

"Uy, guys.. daanan daw ako ng mama at papa ko, nandito din kasi sila sa area eh kaya sasabay na lang ako sa kanila instead na ihatid mo pa ko" paliwanag ni tin kela slater pagkatapos niya makausap ang ina

"Ah o sige sige...sabihin mo join muna sila sa dinner natin o" alok ni slater

"Naku naka-kain na yun for sure" tanggi naman ni tin

"Yiiee..excited si kuya slater o.. meet and greet the parents at last hahaha" panunukso pa ni natnat dito

 Ngumiti na lang si slater sa nerbyos. "Sana naman magustuhan nila ko..teka bakit naman hindi nila ko magugutuhan eh ako naman si Slater Young? Hay naku...sana talaga sana sana." Naisip ni slater habang kumakain siya

"Hi mama, Hi papa!" tumayo si tin at lumapit sa magulang niya na kakarating lang

Sumunod na tumayo si Slater, lumapit ito sa Mama ni tin at bumeso. Sunod naman ay nakipagkamay ito sa papa ni tin. "Good evening po!" bati niya dito

Sila natnat at jessie naman ang lumapit sa mga ito at nakipagbatian. "Tita kaya pala ang ganda ng anak niyo mana sainyo po" sabi ni natnat

"Bolera ka iha" natatawang sagot ng mama ni tin dito

Habang nagkkwentuhan sila dun ay masinsinan naman ang usapan ng papa ni tin at ni slater. "Ako iho, hindi ako nakikialam masyado kay tin. Kung sino ang gusto niya hinahayaan ko lang siya. Ang sakin lang kung san man makarating yang pagkakaibigan niyo eh sana wag mong sasaktan ang anak ko" Mahinahon na litanya ng papa ni tin.

"Wala naman po akong balak na ganun"

"Aasahan ko yan slater ha... Alam ko namang sikat na sikat at habulin ng babae, kaya kung sana di ka seryoso..wag mo na lang papaasahin si tin ha"  pagtatapos nito sa masinsinang usapan nila

                                                          -----------------------------------------------

Isang araw habang busy si tin sa pagfile ng paperworks ay lumapit sa kanya si marjie. "Friend, guess what..may bagong OJT"

"Talaga? Sino?" lumingon lingon si tin para hanapin ang bagong kasamahan nila

"Ayun o! Teka tawagin ko...Jericho! Yannie! lapit kayo dito" sigaw ni marjie 

Lumapit naman si jericho at ang babaeng kasama niya. Maganda ang babaeng kasama niya ngunit medyo bata pa rin. Malamang ay kasing edad lang din ito ni tin dahil parehas silang nago-ojt sa network.

"Tin, si yannie pala, sakin siya naka-assign" masayang masaya si jericho habang pinapakilala si yannie kay tin

"Ouch! Ambilis mo naman maka-move on sakin" kunwaring nagtatampo si tin at humawak pa sa puso niya

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon