Chapter 27

566 14 16
  • Dedicated kay solid_slatin
                                    

"Tintin, kita nalang tayo mamaya sa ball ha. Susunduin ko pa pala si gracey at jia eh"

"Slater, may sasabihin pala ko, may es-" hindi na natapos ni tin ang sinasabi niya dahil sumingit na ulit si slater

"Tin, kelangan ko na ibaba.. magda-drive na ko.. I love you! Sayaw tayo mamaya" tapos binaba na ni slater ang telepono.

"Shucks..di ko nasabi na may escort ako" naisip ni tin. Nakahanda na rin siya para sa ball. Naayusan at nakabihis na. Mukhang goddess si tin..kalevel ni aphrodite..hehe.

Maya maya ay dumating na ang "date" niyang si James. Gwapong gwapo rin naman ito. Nang makita siya ni james ay nahulog ata ang panga nito.

"Wow tin! Just Wow!" manghang sabi ni james sa kagandahan niya

"Tama na bolahan james, tara na" nakatawang sabi ni tin

Buong biyahe papunta sa Hotel kung saan gaganapin ang ST Ball ay nagkukulitan at nag-aasaran lang si james at tin. Parang barkada kasi ang tingin ni tin sa kanya.

Paglakad nila sa Red Carpet ay naging mainit agad ang mata ng press sa kanila. Syempre dahil sikat si James bilang manglalaro at si tin naman dahil sa nakikilala na rin ito sa mga sports segment na ginagawa niya sa TV. May ibang press din ang hindi pa nakakalimot sa ginawa ni james na paghingi ng number ni tin on national television.

Picture dito, Picture doon. Pose dito, Pose doon. Yan ang peg nila. Syempre kelangan naka-angkla pa ang kamay ni tin sa hindi maugat na braso ni james para sa picture taking. Nang matapos na sila sa Red Carpet ay papasok na sila sa mismong hall kung san ang ST ball gaganapin. Hindi naman inaasahan na saktong dumating na rin ang tambalang slater at gracey minus jia na dumeretso na sa loob.

Agad din naman pinagkaguluhan si slater at gracey. Pinalibutan din ito ng press at photographers. Maya-maya ay nagrequest ang isang photographer "Slacey" picture naman kayo kasama ang "JamTin" !!"

Ginagawan kasi ng Press ng nickname ang mga magkakadate sa gabing yun. Katulad nalang ng Magkadate na Jeron at Kim, bininyagan nila ito ng pangalan na JerKim. :))))))

"JamTin??? Ano daw?" naisip ni slater saka sinundan ng tingin ang tinuturo ng photographer at doon nakita ni slater ang JAMTIN "What the hell?" mahinang nasabi ni slater pero dinig na dinig pa din ni gracey

"Sshh slater, relax! hindi ba sinabi ni tin sayo namay date siya?" kunwaring concerned na tanong ni gracey

Hindi sinagot ni slater si gracey. Naiinis siya. Naiinis siya dahil hindi si james ang dapat kapareha ni tin sa ST ball kundi siya. Kung sana walang complication at wala siyang loveteam eh di sana malaya niyang nayaya si tin na maging date niya, At naiinis siya dahil hindi manlang binanggit ni tin na may date din pala siya lalo na at si James pa ang napili nito. Si james na obvious na obvious na may gusto sa kanya.

Pumwesto na ang apat para magpicture. A-W-K-W-A-R-D talaga dahil si Gracey at James lang ang nagpansinan at nagbeso.

Habang papasok ng hall ay di sinasadyang nagtama ang tingin ni tin at slater. Mukhang apologetic ang tingin ni tin at si slater naman ay nanlilisik ang mata. (OA, nanlilisik? Impakto lungs?haha)

Naupo na sa kanya-kanyang table ang mga pares. Sakto naman na di kalayuan ang table nila tin kela slater. Number 32 sila slater at Number 34 naman sila tin. Habang may program ay nakatuon lang ang mata ni slater sa kinaroroonan nila james at tin. Ni hindi kumukurap si slater basta nakatitig lang siya sa mga ito. Masaya kasing nagkwekwentuhan ang JamTin habang may program.

"Slater, wag mo sila titigan..obvious na obvious ka"pangaral ni jia na nasa table din nila

Hindi pinansin ni slater si jia sa halip ay tumawag siya ng usherette "Miss, pwede pakisabihan ang dalawang yun na wag maingay? Nakaka-istorbo kasi sila sa program" Iritang sabi ni slater

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon